Share

Chapter 3: Dining Together

PEONY's POV

Pag-alis ni sir ay muli akong bumalik sa panonood ng pagsayaw ng mga bulaklak. Gusto ko sana pumunta sa garden para mas makita ng malapitan ang mga bulaklak pero hindi naman ako p'wede lumabas. Iyon sana ang gusto ko sabihin kay sir kanina kaso sinabihan niya ako na hindi ako p'wede muna lumabas.

I sighed. Nakikitira lang ako kaya wala akong karapatan na magreklamo, at valid naman ang reason niya. Kapakanan ko ang iniisip niya. Tama siya na hindi kami magkakilala ng kaibigan niya, baka saktan ako o mapagkamalan na magnanakaw.

I just pouted at humiga na lamang sa kama. Wala ako mapaglibangan. Malaki ang kwarto at ang modern tignan, hindi talaga para sa'kin ang ganito dahil na sanay ako sa maliit lamang at sapat na sa'kin 'yon.

What can I do to occupy myself and pass the time? Since there's no TV available, I thought for alternative activities to keep myself engaged and entertained.

Nang walang maisip na gawin at pinikit ko na lamang ang mga mata ko. Baka sakali na antukin ako at makatulog ngunit maya-maya lamang ay may kumatok sa pinto.

Nagmulat ako ng mata at bumangon sa kama para pagbuksan ng pinto kung sino man ang kumakatok.

Isang maid ang bumungad sa'kin pagbukas ko ng pinto at may dala siyang isang bouquet ng bulaklak. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at tuwa.

"Pinabibigay po ni sir Luigi," sabi ng maid at inabot sa'kin ang bulaklak.

"Salamat," ani ko, hindi natanggal ang titig sa bulaklak habang kinukuha ko 'yon sa kamay ng maid.

Saktong pagkuha ko ng bouquet ay nag-bow siya at tumalikod na para umalis. Muli kong tinignan ang bulaklak at hindi napigilan na mapangiti.

Sinarado ko na ang pinto at umupo sa table. Sakto, may vase sa lamesa na walang laman na kahit ano.

Saglit kong pinagmasdan ang kagandahan ng bulaklak at bahagya na inamoy 'yon, napapikit pa ako sa matamis nitong amoy. Hindi ako expert pagdating sa mga bulaklak kaya hindi ko alam ang pangalan ng bulaklak na 'to. Pero sobrang ganda niya.

Tumayo ako at kinuha ang vase para lagyan ng tubig sa banyo. Pagtapos ay bumalik ako sa table, umupo at pinatong ulit doon ang vase.

Nakakapanghinayang na aalisin ko sila sa wrap pero mas mabubuhay naman sila kung na sa tubig sila. I sighed. Nagtatalo ang utak ko kung ano ang dapat gawin, ngunit sa huli ay nilagay ko pa rin sila sa vase.

I smiled as I stared at them. They looked really pretty.

Ah! Hindi pa pala ako nakapagpasalamat kay sir. Nakahihiya naman baka isipin niya na hindi ako marunong magpasalamat. Isa nga lang ang ni-request ko sa kaniya kanina pero ilan itong nakarating sa'kin, ang gaganda pa.

I stood up to call the gentleman. I pressed number 1, and it rang promptly. After a moment, he answered the call.

Bakit parang kinakabahan ako? Magpapasalamat lang naman ako sa kaniya.

"Hello, sir!" bati ko pagsagot niya ng tawag kahit hindi pa siya nakakapagsalita.

"Oh, is this Peony?" tanong niya.

Tumango ako pero nang ma-realize na hindi pala niya ako nakikita ay nagsalita ako. "Yes, sir."

"Drop the word sir. Just call me Luigi. Anyway, did you like the flower?" ang cold pa rin ng pananalita niya. Baka gano'n lang talaga siya?

"Opo! Sobrang nagustuhan ko, maraming salamat!" sagot ko, bakas ang kagalakan sa boses.

"Mabuti naman. Kung may gusto ka pang iba, just tell me, I won't hesitate to give it to you," he uttered.

Napangiti ako at umiling. "Iyon lamang po. Tumawag lang ako para magpasalamat since hindi ako makalalabas. Maraming salamat ulit."

"No problem," sabi niya

"Ah—"

*toot toot*

Eh? Napatingin ako sa telepono nang marinig ang tunog.

Binalik ko sa'king taenga ang telepono at nagsalita. "Hello? Hello, sir?"

Binaba niya na agad ang tawag? Hindi ko alam kung sweet ba siya o hindi. Hindi pa naman kami tapos mag-usap 'di ba? Tsk.

Dismayado kong binaba ang phone at bumalik sa table para pagmasdan ang mga bulaklak. Mas maganda sila sa malapitan. Gusto ko pa sana itanong ang pangalan ng bulaklak pero binaba naman niya agad ang tawag.

"Don't mind it, Peony. Maybe he's just busy," I silently mused to myself.

*knock knock*

Agad kong naibangon ang aking ulo na nakapatong sa lamesa nang marinig na may kumatok. Dang. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pagkayamot.

Tumayo ako at pinagbuksan ng pinto ang kumakatok habang nakapikit ang mga mata. Aish. Inaantok pa ako!

"Did I disturb you?" he inquired, his voice breaking the brief silence.

Nang marinig ang boses ng nagsalita, parang bigla nawala ang antok ko.

Offering a polite smile, I responded while trying to shake off my drowsy demeanor. "Ikaw po pala 'yan. Uhm, may kailangan po kayo?"

With a gentle shake of his head, he shifted his gaze behind me. "Ang dilim ng kwarto mo, ayaw mo ba mag-ilaw?"

Dahil sa sinabi niya ay napatingin din ako sa sa'king likod at doon lamang napagtanto na ang dilim nga ng silid.

Binalik ko sa kaniya ang tingin at muling ngumiti. "Nakatulog kasi ako," sagot ko.

Tumango siya. "Hindi mo ba ako papasukin?"

Bigla akong nahiya at nilakihan ang buka ng pinto para papasukin siya. "Pasok po kayo," sabi ko.

Tumango lamang siya at pumasok na sa silid. Pinindot ko ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto bago isarado ang pinto. Pinagmasdan ko siyang umupo sa upuan at maya-maya lamang ay naglakad na rin ako para umupo sa harapan niya.

"Did you like these?" tanong niya habang nakatingin sa bulaklak, hinawakan pa niya ang isa sa mga 'yon.

Tumango ako. Muli na namang sumilay ang ngiti sa'king mga labi. "Opo, sobra."

Tumingin siya sa'kin bago sinandal ang likod sa upuan. "Mabuti naman kung gano'n. Ako pa ang pumitas ng mga 'yan."

Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Ayaw kong maniwala pero sobrang seryoso ng mukha niya. Walang bakas ng kahit anong pagbibiro ang mukha niya.

"T-talaga?" lamang ang nasabi ko at tumingin sa ibaba. Nahihiya ako at hindi ko alam ang dapat sabihin.

Pero bakit siya ang kumuha? May mga maid naman siya na p'wede niya utusan sa pagpitas. Isa pa, ang init kaya kanina. Hindi kaya sumakit ang maputi niyang balat dahil sa init?

"Don't mind it. I just did what I wanted," ika niya.

*knock knock*

Hindi na ako nakasagot pa nang may kumatok sa pinto. Hindi ko na rin nabalik ang tingin sa kaniya dahil sa hiya.

"Come in!" pagsabi niya no'n ay bumukas ang pinto at pumasok ang ilang mga maid na may dalang tray ng pagkain. Napatingin ako kay sir, nalilito.

"I'll have my dinner here with you," saad niya.

Hinantay ko matapos ang mga maid na ilapag ang mga pagkain sa lamesa at lumabas ng silid bago ako nagsalita. "Paano po ang kaibigan niyo?" tanong ko.

"Malaki na siya, kaya na niya kumain mag-isa," sagot niya at nagsimula na kumain.

Malaki na rin ako 'di ba? Kaya ko na rin kumain mag-isa pero bakit narito siya?

Dang, nakahihiya!

Hindi ko siya mabasa. Ang cold ng titig at boses niya pero ang gestures niya ay iba. Nag-aalala ba siya na baka malungkot ako dahil wala akong kasabay na kumain?

Umangat ang tingin niya sa'kin at nagtanong, "Aren't you going to eat yet? Don't you like the food? Just tell me what you like."

Agad akong umiling, nautal pa sa pagsagot. "N-n-no, sir!"

He put down the utensils and leaned back. He crossed his arms as he asked. "Hindi ka ba komportable kumain kasama ako?"

"Hindi, sir. Uhm, nagulat lang ako," agad kong sagot.

"What is there to be shocked?" he raised an eyebrow. "Also, didn't I say to drop that 'sir'? Call me Luigi."

I bit my lower lip in embarrassment. "Sorry."

"If you're sorry then eat with me. If you're embarrassed, you have nothing to be ashamed of," he uttered.

I just nodded and began eating as well. After a few minutes, I decided to break the silence, attempting to ease the awkwardness. "Sorry if I seemed awkward. It's just that, well, I'm used to eating alone. You really didn't have to join me."

He looked up briefly. "I know, but it's good to share a meal with someone."

I can't argue with that. Talaga namang mas maganda kung may kasabay ka sa pagkain lalo na kung mahal mo sa buhay. Hays, namiss ko tuloy si Papa. Gusto ko na ulit siya makita, kailan kaya ako makadadalaw ulit sa hospital? Kapag nagpaalam kaya ako kay Luigi, papayagan niya ako?

Ay, teka. Hindi pa pala namin napag-usapan kung anong trabaho ang ibibigay niya sa'kin. Hindi ba niya ngayon sasabihin? Kailangan ko na ng trabaho sa lalong madaling panahon dahil pataas nang pataas ang bayarin sa hospital pati na rin ng gamot ni Papa.

Luigi leaned forward, breaking the momentary silence. "So, tell me, what kind of food do you enjoy?"

Dapat ko na bang itanong sa kaniya kung anong trabaho ang ibibigay niya sa'kin? Pero baka isipin niya na nagmamadali ako. Aish!

I glanced up, still a bit nervous. "Uh, I like Filipino dishes, sir... I mean, Luigi."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status