Home / Romance / Owned By The Mob Boss / Chapter 5: Kind Yet Cold

Share

Chapter 5: Kind Yet Cold

Author: Maickeyyy_
last update Huling Na-update: 2024-01-23 12:11:28

PEONY's POV

I know challenges lie ahead. Marriage is no small commitment, and there will be hurdles to overcome. But for now, the immediate concern is ensuring Papa's care. And if aligning my fate with Luigi's can guarantee that, then I am resolved to see it through.

I'll have to discuss this with Luigi, of course. There are conversations to be had, details to sort out. But one thing is clear: whatever it takes, I'm ready to do it for Papa.

Matapos magdesisyon ay hindi ko muna kinausap si Luigi dahil maaaring magbago pa ang isip ko. Binigyan naman niya ako ng isang linggo para pag-isipan ng mabuti ang magiging desisyon ko. Kung may iba pang paraan para mabayaran at mabili ko lahat ng gamot ni Papa, hindi ako magpapakasal kay Luigi.

Bumuntong-hininga ako bago sumampa sa kama para mahiga. Nang walang magawa ay kinuha ko ang aking phone sa gilid ng kama. Pag-open ko ng screen, bumungad sa'kin ang mensahe ni tita Audrey.

From: Aunt Audrey

Kailan ka makadadalaw ulit sa papa mo? Kailangan ko magtrabaho bukas, kung wala ka, walang magbabantay kay Paul.

Si Paul ang papa ko, si tita Audrey naman ay ang nakatatandang kapatid ni papa. Siya lang ang kapalitan ko sa pagbabantay kay papa sa hospital. Kung hindi mababantayan ni tita si papa, bukas, paano na si papa?

Tiyak ako na alam ni Luigi ang kalagayan ni papa, kung magpapaalam ba ako sa kaniya, papayagan niya ako?

Bumuntong-hininga ako saka umupo, nakatitig pa rin sa mensahe na pinadala ni tita.

Kailangan ko na makausap ngayon si Luigi para wala ako na akong problema bukas.

Tumayo ako para tawagan si Luigi. Ni-press ko ang number 1, ilang sandali lang ay sinagot na ni Luigi ang tawag ko.

"What's wrong?" tanong niya. Wala man lang hello or hi?

I let out a sigh, speaking, "Can we talk?"

"Sure, I'll be right there," tugon niya. Akala ko ay ibababa na niya ang tawag pero narinig ko pa ang boses niya sa kabilang linya. "I-usog mo ang meeting. May gagawin lang ako saglit," sabi niya. Mukhang malayo na siya sa telepono dahil humina ang boses niya.

"Hello?" nagsalita ako para kumpirmahin kung ako ba ang kinakausap niya. Naghintay ako ng ilang minuto pero walang sumagot kaya naman binaba ko na lang ang tawag.

Umupo ako sa upuan habang hinihintay si Luigi, makalipas lamang ang ilang sandali ay may kumatok sa pinto at nang bumukas iyon, bumungad si Luigi.

Naka-formal attire siya, mukhang may pasok siya ngayon sa trabaho. Oo nga pala, hindi ko pa alam kung ano ang trabaho niya. Pero kahit hindi ko tanungin, mukha naman siyang successful sa buhay niya. Hindi pa nga ako nakalalabas ng kwarto pero sigurado ako na malaki ang bahay niya.

Pag-upo niya sa harap ko ay inayos niya ang kaniyang coat. "Ano ang sasabihin mo?" tanong niya, saglit na sinulyapan ang kaniyang relo.

Naghahabol ba siya ng oras? Kung gano'n, kailangan ko maging direct to the point.

Tumikhim ako bago nagsalita. "Kailangan ko bantayan si papa sa hospital bukas dahil may pasok sa trabaho ang tita ko at walang magbabantay kay papa. Alam mo naman ang kondisyon niya 'di ba?"

Tumango siya. "What time?" tanong niya, seryosong nakatitig sa'kin.

"8 A.M.," tugon ko.

Muli siyang tumango. "Alright. Ihahatid kita sa hospital, sabay na tayo umalis ng bahay bukas."

Nanlaki ang mga mata ko at agad na umiling. "H-Hindi na! Ako na lang! Hindi mo naman kailangan na gawin 'yon."

Nagtaas siya ng kilay. "What are you saying? My friend is still here and he might see you tomorrow if you get out of this room without a plan. Don't misunderstand."

Agad na umakyat lahat ng dugo ko sa'king mukha at naramdaman ko ang pag-init no'n. Nakahihiya!

"Ahh... Ha-ha!" nagpeke ako ng tawa sabay kamot sa ulo.

"Are we done? Kung wala ka nang sasabihin ay aalis na ako. May meeting pa ako na kailangan attend-an," sabi niya at akmang tatayo na siya nang hawakan ko ang braso niya para pigilan siya.

Nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang matigas niyang braso. Agad kong ni-withdraw ang kamay ko at umayos ng upo.

I cleared my throat to compose myself. "Uhm, I just want to thank you. That's all," I smiled.

"No problem," pagsabi niya no'n ay umalis na siya ng silid.

Pagsara ng pinto ay napasabunot na lamang ako sa sarili kong buhok. Damn, Peony! Nakahihiya ka! Noong una nagmukha akong assumera, sunod naman ay nagmukha akong manyakis. Argh!

Kinagabihan, sabay kami ulit kumain ni Luigi at sinabi rin niya ang plano namin sa paglabas ng bahay ng sabay para bukas. Pagtapos ng discussion na 'yon ay tahimik lang kaming nagpatuloy sa pagkain.

Kinaumagahan, naging successful naman ang strategy naming dalawa. Nakaupo na ako ngayon sa shotgun seat at pinagmamasdan ang mga tanawin sa labas habang si Luigi naman ay tahimik lamang na nagmamaneho.

Hindi nga ako nagkamali, malaki ang bahay niya. Mansion o hacienda na nga iyon kung tatawagin dahil sa sobrang laki ng lote at lawak. Ilang magagarang sasakyan din ang nakita ko na pagmamay-ari niya. Hindi ko nga lamang alam kung ano ang mga brand no'n dahil hindi naman ako maalam sa mga sasakyan. Pero kahit gano'n, sigurado ako na mamahalin ang mga 'yon.

Hindi ko maiwasang mainggit. Kung siguro ay may pera rin ako na katulad ng kay Luigi, magaling na ngayon si papa o 'di kaya ay napoprovide ko ang mga kailangan niya. Hindi rin sana kami baon ngayon sa utang. Hindi ko na nga alam kung paano tataguan ang iba kong inutangan tuwing maniningil sila. Gusto na nga rin kami paalisin sa bahay na tinitirhan namin dahil hindi na ako nakababayad.

Hindi ko naiwasang maglabas ng malalim na buntong-hininga dahil sa naiisip. Kung may sapat lang sana akong pera, gusto ko tapusin ang pag-aaral ko pero lahat ng ipon ko ay nagastos ko na para kay papa.

"What's on your mind that made you sigh so deeply?" tanong ni Luigi.

Lumingon ako sa kaniya, sumagot, "Huh? Wala."

Nakatutok pa rin ang tingin niya sa daan nang magsalita siyang muli. "You can tell me everything. Do you want to buy your father a flower and fruit?"

Hindi 'yon ang na sa utak ko pero na tempt ako sa tanong niya. "Can we?"

Tumango siya at niliko ang sasakyan. "Of course."

Napangiti ako habang nakatitig sa kaniya. Kung hindi lang talaga malamig ang awra niya, magiging crush ko siya. Isipin niyo, ha, mayaman, pogi, maganda ang pangangatawan, at mabait. Sino ang hindi mabibighani sa kaniya?

Pagtapos namin mamili ng bulaklak at mga prutas ay dumiretso na kami sa hospital, pero syempre ako lang ang bumaba ng sasakyan dahil kailangan niya dumiretso sa trabaho niya. Bago pa siya umalis ay may inabot siya sa'king papel na may nakasulat na mga numero, sabi niya ay kaniyang number 'yon. Tawagan ko na lang daw siya kapag uuwi na ako.

Hindi kaya siya late? Na sayang ang oras niya sa pamimili namin kanina. Hmp! Sana hindi siya ma-late dahil mabait siya.

Nakangiti ako habang naglalakad papunta sa kwarto ni papa. Pagbukas ko ng pinto ay mas lalo ko pa nilawakan ang ngiti ko.

"Peony!" sigaw ni papa, binuka niya ang kaniyang braso, naghihintay na yakapin ako.

Agad kong binaba ang bulaklak at mga prutas saka tumakbo sa kaniya para bigyan siya ng mahigpit na yakap.

"I miss you, pa," bulong ko na tinawanan lang niya.

"Baka pinapagod mo ang sarili mo, ha? Sabi ko sa'yo, hindi ko kailangan magpa-opera," sabi niya nang bitiwan niya ako.

May cancer si papa at kailangan niya ma-operahan, iyon ang dahilan kung bakit kailangan ko ng malaking pera, hindi lamang para sa gamot niya. Ang sabi ng doktor, tatlong buwan na lang ang itatagal ni papa, at kung maging successful ang operasyon, maaari pa siyang tumagal ng labing dalawang buwan.

Umiling ako at tinignan siya ng mabuti. Sobrang payat na niya, hindi lang ng katawan niya, pati na rin ng mukha. Naiiyak ako. Kung kaya ko lang pasanin ang paghihirap ni papa ay pinasan ko na. Kung sana ako na lang ang na sa kalagayan niya ay matutuwa pa ako.

"Kailangan mo ng operasyon, pa. Ayaw mo na ba ako makasama ng matagal?" biro ko.

Lumungkot ang mukha niya. "Kung mapapagod ka lang dahil sa pag-iipon ng pang-opera ko, hindi na ako magpa-oopera, anak. Ayokong nahihirapan ka. Magtrabaho ka na lang para ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo, alam kong gusto mo pa mag-aral. Ilang taon ka pa lang naman."

Nagtubig ang mga mata ko. Pinigilan ko na lumabas ang aking mga luha. Ayokong makita ako ni papa na umiyak. "Ano ka ba, pa? Mas importante ka pa rin sa'kin. Saka hindi ko kailangan 'yang pag-aaral na 'yan 'no! Marami naman akong p'wede na maging trabaho kahit hindi ako nakapagtapos."

Bahagya niyang ginulo ang buhok. Kita ko ang pang-gigilid ng luha niya. "Hindi ako mananalo sa'yo. Sige, gawin mo kung ano ang mas gusto mo."

Ngumiti ako. "I love you, pa," ani ko at muli siyang niyakap ng mahigpit.

Binantayan ko si papa hanggang kinabukasan. Hindi ko na namalayan na nakatulog pala ako sa pagbabantay, nagising na lamang ako nang may tumapik sa balikat ko.

Kinusot ko ang aking mga mata bago tignan kung sino ang kumalabit sa'kin. "Oh, tita!" wika ko nang mamukhaan kung sino iyon.

Ngumiti siya. "Umuwi ka na. Day off ko ng dalawang araw kaya okay lang kahit ako na muna magbantay kay Paul."

Tumayo ako para yakapin si tita. "Salamat, tita. Susuklian ko lahat ng kabutihan mo."

Tumawa siya at hinaplos ang likod ko. "Ikaw talagang bata ka!"

Nag-almusal muna kami ni tita sa canteen ng hospital bago ako umalis. Tinawagan ko si Luigi gaya ng sabi niya pero hindi siya ang nagsundo sa'kin, kun'di ang sekretarya niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Owned By The Mob Boss   Chapter 27: Hoara

    RUSSEL's POV"Let's go?" pag-aya ko kay Peony nang makababa na siya mula sa second floor. Nakabihis na siya ng uniform niya at mukhang handa na sa pagpasok sa eskwelahan.Tumango lang siya bilang sagot sagot sa tanong ko, halatang wala sa mood. Ang aga-aga, nakasimakot na kaagad."Kaming dalawa ni Gio ang maghahatid sa 'yo," sabi ko at bumuntot sa kaniya. Si Gio ay naghihintay sa amin sa sasakyan."Alam ko," maikling tugon ni Peony.Ano bang nangyari sa babaeng 'to? Hindi kaya masama ang panaginip niya kaya wala siya sa mood?Nang mamataan ni Gio kaming dalawa ni Peony, kaagad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan sa likod. Wala namang imik na pumasok doon si Peony. Tinitigan ako ni Gio na tila nagtatanong kung anong nangyari, nagkibit-balikat lang ako dahil wala naman akong alam sa nangyari. Hindi ko naman siya inasar, nakasimangot siyang bumungad sa akin kanina.Pumasok na rin ako sa sasakyan at umupo sa passenger's seat, si Gio ang magmamaneho ngayon. Habang na sa byahe, tanging ka

  • Owned By The Mob Boss   Chapter 26: A Date?

    PEONY'S POVBuhay na buhay ang lugar—kumukutitap ang mga ilaw na tila mga bituin na bumaba sa lupa, ang matatamis na cotton candy ay mahigpit na hawak ng maliliit na palad ng mga bata. Amoy na amoy din ang amoy ng iba't-ibang pagkain. Sa itaas, dumadagundong ang pagbulusok ng roller coaster, umaalingawngaw ang halakhakan at sigawan ng mga tao.Napatingin ako sa aking kaliwan kung na saan nakatayo si Luigi, na sa bulsa ang mga kamay. Nakatingin siya sa itaas, pinagmamasdan ang mga taong nakasakay sa roller coaster. Masaya, makulay, halos nakaka­bingi ang paligid—pero si Luigi ay mistulang isang lobo na pinilit ilagay sa loob ng isang kulungan ng mga kuting.Nagsisisi na kaya siya na pumunta kami rito? Sigh, sana hindi, gusto ko na magsaya siya at gumawa ng memories kasama siya sa lugar na ito.“This place smells like sugar and grease,” bulong niya, nakatingin na siya ngayon sa batang lalaki na nahulog ang ice cream sa simento. “Are you sure you wanted to come here?”“It’s supposed to be

  • Owned By The Mob Boss   Chapter 25: Vacation

    PEONY's POV Nag-iihaw sa labas sina Riley at Gio, si Russell naman ay may inaasikaso sa kusina. Hindi ko alam kung ano 'yon, basta ang alam ko lang ay hindi siya nagluluto, dahil hindi naman siya marunong sa bagay na 'yon. Habang busy ang iba, kasama ko si Luigi sa living area, nanonood kami ng action movie. Na-curious tuloy ako bigla; kaya ba siya marunong gumamit ng baril at ibang patalim ay dahil mahilig siya sa action movies? Bahagya akong tumikhim para kunin ang atensyon niya, at nang lingunin na niya ako ay saka ako nagsalita, "Mahilig ka sa mga action movies?" "Not really," sagot niya, halatang naboboring. Hindi ko alam kung naboboring ba siya na kasama ako o naboboring siya sa pinapanood namin. "Ahh... akala ko mahilig ka, e, sagot ko na lamang na may pagtango pang kasama. "Do you like action movies?" tanong niya, sa TV na ngayon nakaharap. Tumingala ako saka nag-isip ng isasagot Paglipas ng ilang segundo, saka ako sumagot, "Sakto lang. Maganda ang action movies kung wa

  • Owned By The Mob Boss   Chapter 24: Feelings

    PEONY's POV Ilang araw na ang lumipas matapos no'ng may mangyari sa hotel na pinuntahan namin. Dapat nag-enjoy kami no'ng araw na 'yon, pero nalagay pa sa panganib ang buhay namin. Nasayangan tuloy ako sa mga mamahalin naming damit at alahas, napuno ba naman ng dugo! Ang sabi ni Luigi, sasagutin niya ang mga tanong ko kapag tapos no'ng nangyari, pero hindi ko naman na nagawa pang magtanong. May side ako na gustong malaman kung sino ang mga foreigner na 'yon, at bakit sila kilala ng mga 'yon. Pero may side rin sa 'kin na takot sa maaari nilang isagot sa 'kin. Ilang araw na ang lumipas at parang wala lang nangyari. Pag-uwi nga namin galing doon, naligo agad sila tapos pinatawag ako ni Luigi sa office niya. Sabi niya, magtanong lang daw ako ng mga gusto kong itanong at sasagutin niya iyon ng walang palya, pero hindi na ako nagtanong pa. Hindi na rin naman siya nagpumilit na magtanong ako. Na sa hapag-kainan kami ngayon. Tahimik lamang ako habang nagkukwentuhan sina Riley, Russell at G

  • Owned By The Mob Boss   Chapter 23: Danger

    PEONY's POV"Where should we go next?" nakangiti tanong ni Riley kay Russell.Imbis na sagutin siya, lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang pisngi niya. Mukhang nagulat siya sa ginawa ko dahil nawala ang ngiti sa kaniyang labi, at natuon ang tingin niya sa 'kin.Kanina damit niya lang ang may dugo, pero pati mukha niya ay mayro'n na rin. Yes, I should be scared of him after what I witnessed, but I know him. Hindi niya ako sasaktan katulad ng ginawa niya sa lalaking 'yon.Nag-aalala ko siyang tiningnan. "Anong nangyari sa 'yo? Okay ka lang ba? S-Sorry kung tumakas ako, concern lang talaga ako kay Luigi."Saglit nang liit ang mga mata niya bago hawakan ang aking ulo at guluhin iyon. "I'm okay. Okay na rin tayo, since nag-sorry ka na. Just don't do it again or I'll be dead."Nagtataka ko siyang tiningnan. Mamamatay siya dahil lang sa tumakas ako? Wala naman sa 'kin ang puso niya, ah. Wait, is this kind of confession? N-no way!Bago pa ako maka-react, hinila na ako palayo ni Russell kay R

  • Owned By The Mob Boss   Chapter 22: Riley

    PEONY's POVTulala lamang ako habang nakaupo sa loob ng sasakyan. Ako lang ang tao rito, wala sina Russell, at Gio, si Riley naman ay na sa labas ng sasakyan na tila may hinihintay.Gusto ko magtanong kung anong nangyayari, pero I couldn't bring myself to do it. Natatakot ako... lalo na sa posibleng mangyari kay Luigi sa loob ng hotel.Bakit ako ang binabantayan ni Riley? Hindi ba dapat tulungan niya sa loob si Luigi? Kahit na magkaibigan silang dalawa, boss niya pa rin 'yon. He needs to protect him and I want him to protect Luigi rather than staying here. Mas kailangan ni Luigi ng katulong sa loob, hindi naman ako importanteng tao kaya walang magbabalak na pumatay sa 'kin.Wala ngang nakakakilala sa 'kin, e. Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi bago lakas-loob na binuksan ang pinto ng sasakyan. Kaagad na napalingon sa gawi ko si Riley."Why? You need to stay inside," ika niya."Naiihi na ako," pagsisinungaling ko. "Gusto mo ba akong maihi rito?" "Hindi pa safe ang lugar kaya kung ka

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status