LOGINMasakit ang ulo ko. Para bang may nagmamartilyo sa loob ng utak ko habang pilit kong iminumulat ang mga mata ko.
Napangiwi ako nang maramdaman kong may braso na nakapulupot sa bewang ko. Mainit, mabigat, at hindi pamilyar. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi. Oh, God. Dahan-dahan kong nilingon ang lalaking katabi ko. N*******d ang pang-itaas, mahimbing ang tulog, at halos kasing lapad ng kama ang balikat niya. Kahit nakarelax, makikita mo agad sa panga at ilong niya na hindi ordinaryong lalaki ang natutulog sa tabi ko. Ang estrangherong hinalikan ko sa bar. Ang estrangherong dinala ako dito. Ang estrangherong naka— Napapikit ako at napakagat-labi, halos hindi makapaniwala na nagawa ko ‘yun. Ako, si Althea Velasquez, na ilang taon kong iniingatan ang sarili ko para sa “tamang tao.” At kagabi… sa isang estranghero lang ako bumigay. “Good morning.” Halos mapatalon ako nang bigla siyang magsalita. Nakaawang pa ang isang mata niya, pero may ngisi na agad sa labi. “W-what time is it?” nauutal kong tanong, agad na nagtakip ng kumot sa katawan ko. “Past seven,” sagot niya habang nag-iinat, parang wala lang. “You’re awake earlier than I thought.” “Earlier?!” halos mapalakas ang boses ko. “Oh, my God! Kailangan kong umuwi—” Bumangon ako at nagsimulang maghanap ng damit sa sahig, pero lalo lang akong namula nang makita kong halos lahat ay nagkalat. Ang blouse ko nasa may lampshade, ang skirt ko nasa gilid ng sofa. Napailing siya habang pinagmamasdan ako. “You’re cute when you panic.” “Stop looking!” sigaw ko habang minamadali ang pagbibihis. Hindi ko na siya tiningnan ulit dahil baka hindi na ako makalabas ng kwarto kung magtagpo pa ulit ang mga mata namin. Nang makabihis ako, mabilis kong kinuha ang bag at lumapit sa pinto. “Thanks for… last night,” mabilis kong sabi, halos bulong. “But let’s pretend it never happened.” Isang mababang tawa ang narinig ko mula sa likod. “You think you can just walk away that easy, sweetheart?” Napalingon ako, pero nakangiti lang siya habang nakaupo sa kama, parang hari sa sariling palasyo. Hindi ko na siya sinagot at dali-daling lumabas ng suite. Pagdating sa bahay, sinalubong agad ako ng kapatid kong si Isabel. “Uy ate, bakit parang galing ka sa gera?” panunukso nito habang sinisipat ang hitsura ko. “Shut up, Isabel,” inis kong sagot sabay diretso sa kuwarto. Buong umaga, iniwasan ko ang mga tanong niya at ang alaala ng kagabi. Pinilit kong i-convince ang sarili ko na hindi na namin muling magkikita ng lalaking ‘yon. Isang gabi lang. Isang pagkakamali lang. Kinabukasan, sa unang araw ng internship ko, maaga akong dumating sa opisina ng Castillo Enterprises. Isa ito sa pinakamalaking kumpanya sa bansa at isa sa pinaka-prestihiyosong tanggapan para sa mga IT interns. Nakapila kami ng mga kasama kong interns sa lobby para i-orient ng HR. Kinikilig pa nga ang iba dahil “baka raw guwapo” ang CEO na magwe-welcome sa amin. Ako naman, nakatungo lang at pilit kalmado. Hanggang sa bumukas ang elevator. “Ladies and gentlemen,” ani ng HR officer, “please welcome, our CEO—Mr. Sebastian Castillo.” Dahan-dahan kong iniangat ang tingin ko. At muntik akong himatayin nang makita ang lalaking nakasuot ng pormal na itim na suit, may matalim na titig, at may pamilyar na ngisi sa labi. Siya. Ang estrangherong nakasama ko kagabi. Ang lalaking hindi ko man lang tinanong ang pangalan. At ngayon… siya pala ang boss ko. Nanigas ang katawan ko habang naglakad siya papunta sa harap. Ang bawat hakbang niya ay puno ng awtoridad—mataas ang noo, seryoso ang panga, parang walang sinumang puwedeng umapila sa kaniya. “Good morning,” bati niya, malamig pero makapangyarihan. “I’m Sebastian Castillo, CEO of Castillo Enterprises. I expect discipline, excellence, and loyalty from anyone who wants to be part of this company.” Ramdam ko ang kaba habang nagsalita siya. Lahat ng interns nakatingin sa kanya na para bang nakakita sila ng diyos. Ako lang ata ang naiiba—hindi makatingin nang diretso kasi bawat galaw niya, bumabalik sa utak ko ang lahat ng nangyari kagabi. Sht, bakit ba kasi ako sumama sa kanya?* Natapos ang orientation at inassign kami sa iba’t ibang departments. At syempre, malas ko, sa IT Division ako napunta—isang floor lang ang layo mula sa opisina niya. Habang naglalakad kami papunta sa department, narinig kong may tumawag mula sa likuran. “You. Stay.” Napahinto ako. Dahan-dahan akong lumingon at halos manlumo nang makita kong si Sebastian mismo ang nakatitig sa akin. “Sir?” halos hindi lumalabas ang boses ko. Lumapit siya nang dahan-dahan, at kahit nakasuot siya ng pormal na suit ngayon, hindi nawala ang mapangahas na aura niya. “I’ll be taking her under my supervision,” sabi niya sa HR officer. “She’ll report directly to me.” “What?!” halos pasigaw kong sagot, pero agad ko ring tinakpan ang bibig ko. Lahat ng interns napatingin sa akin. Nakangisi lang si Sebastian. “Problem, sweetheart?” bulong niya na ako lang ang nakarinig. Namula ako sa hiya at galit. “Stop calling me that,” madiin kong sagot. Pero ngumiti lang siya lalo, parang lalo siyang na-eenjoy sa inis ko. “Then tell me your name. I still don’t know it.” Napatigil ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o lalakad na lang palayo. Pero sa titig niya—matalim, mapanganib, at parang may alam siyang hindi ko kayang itago—napilitan akong bumulong. “A-Althea. Althea Velasquez.” Saglit siyang natahimik, parang inuukit ang pangalan ko sa isip niya. Tapos, may bahagyang ngiti sa labi niya na parang nanalo siya sa isang laro. “Althea…” dahan-dahan niyang inulit. “Nice. Now, Miss Velasquez… let’s see if you can survive working with me.” At bago ako makasagot, tumalikod na siya at naglakad papunta sa elevator, iniwan akong nakatayo na parang hinihigop ng lupa.“Two caramel macchiato and one slice of blueberry cheesecake,” sabi ni Althea sa barista bago lumingon kay Lianne. “Alam kong ‘yan ang gusto mo. Hindi ko na pinatagal pa.” Ngumisi si Lianne habang inayos ang buhok at umupo sa tapat ni Althea. “Alam mo talaga, Thea. Pero seryoso, girl—pinagkakaguluhan ka ngayon sa office.” Napataas ang kilay ni Althea habang binubuksan ang takip ng kape. “Ako? Bakit naman?” “Oh please,” sagot ni Lianne, sabay tawa. “Don’t act innocent. Ikaw kaya ang presenter ng Castillo Group noong investment meeting with Gardovas! Lahat ng tao sa industry ngayon, nag-uusap tungkol sa performance mo. As in, fierce daw! Pero—” kumindat siya, “—mas pinag-uusapan ‘yung moment na nando’n din sina Nathan at Ellen.” Bahagyang natahimik si Althea, marahang inikot ang straw ng kape niya. “Alam ko. Nasa kabilang table sila nung presentation. Pero wala na ‘yon, Lianne. I’m fine.” “Fine?” sarkastikong tanong ni Lianne. “Come on, Thea. Hindi mo man lang ba naramdaman ‘
Tahimik ang buong kwarto. Tanging patak ng ulan sa labas ang maririnig — ‘yung tipong hindi na malakas, pero sapat para magpaalala ng mga gabing mahirap matulog. Nakaupo si Althea sa gilid ng kama, hawak-hawak ang mug ng kape na kanina pa lumamig. Kanina lang, maingay pa silang magkakapatid sa baba — si Isabella, hindi pa rin nauubusan ng banter, habang si Mama naman, kalmado lang na humahagikgik. Si Papa, as usual, tahimik pero halatang nag-aalala. Ngayon, nasa taas na ulit siya — tahimik, pero hindi mapakali. Hindi dahil sa sermon ng ama niya… kundi dahil sa isang simpleng tanong na ayaw umalis sa isip niya: “Bakit ko nga ba pinapansin ‘yung mga sinasabi ni Isa?” Umiling siya, pilit inaalis sa isip ang ngiti ng kapatid kanina. Pero kahit anong iwas, biglang sumingit sa isip niya ‘yung tanong na parang nakatatak: > “Baka si Mr. Castillo mismo ‘yung naghatid sa’yo?” At doon, muli siyang napangiti. Ayaw man niyang aminin, pero may parte sa kanya na… hindi na nagu
“Good morning, Ate!” Mataas pa ang boses ni Isabella habang nakasandal sa pinto ng kwarto ni Althea, hawak-hawak ang kape at naka-ngiti nang parang may balak. Hindi pa man nakaka-recover si Thea sa antok, napahilot na agad siya sa sentido. “Isa, hindi pa nga ako nakakabangon.” “Exactly!” sagot ng kapatid niya, sabay lakad papasok na parang sariling kwarto niya. “Kaya dinalhan kita ng kape, with love and curiosity.” Napatingin si Thea, napakunot ang noo. “Curiosity?” “Uh-huh.” Umupo si Isabella sa gilid ng kama, nakataas ang kilay at may pilyong ngiti. “Curiosity about a certain luxury car and a mysterious, dangerously handsome man who dropped you off last night.” “Isa…” Banta na agad ‘yung tono ni Thea, pero hindi nagpatalo ang kapatid. “Oh, come on!” Nakangisi pa rin ito habang sumimsim ng kape niya mismo. “Ate, you know me. I may be 18, but I’m not blind. Lalo na pag may dumating na kotse na worth more than our college tuition combined!” Napailing si Thea, pil
Tahimik sa loob ng kotse. Tanging tunog lang ng makina at mahinang ulan sa windshield ang maririnig habang nagda-drive si Sebastian. Nakatingin si Althea sa labas ng bintana, pero alam niyang kahit hindi siya lumilingon, ramdam ni Bash ang bawat galaw niya. Parang masikip bigla ang loob ng sasakyan. Hindi dahil sa espasyo — kundi dahil sa hangin sa pagitan nila. ‘Yung tahimik pero puno ng hindi nasasabi. “Seatbelt,” mahinang sabi ni Bash, hindi inaalis ang tingin sa daan. Napatingin siya, bahagyang nagulat. “Ha?” “Your seatbelt,” ulit nito, at bago pa siya makagalaw, inabot na ni Bash ang strap. Dumulas ang kamay nito sa balikat niya habang isinusuot iyon, mabagal, deliberate — parang sinasadya. “Got it,” mahina niyang sabi, pilit pinapakalma ang sarili. Pero nang dumikit ang daliri nito sa leeg niya, para bang bigla siyang naubusan ng hangin. “Good girl,” bulong ni Bash, halos hindi marinig pero sapat para magdulot ng kilabot sa batok niya. “T-Thanks,” sagot niya, pilit n
Tahimik na halos buong floor ng Castillo Group. Past seven na. Karamihan sa mga empleyado’y naka-log out na, at tanging ilaw ng city skyline sa labas ang nagbibigay liwanag sa hallway. Ang mahinang ugong ng aircon at mga tipak ng hakbang ni Althea ang tanging maririnig habang pinupulot niya ang mga folder sa mesa. “Still here?” Napatigil siya. ‘Yung boses — mababa, pamilyar, at parang dumulas sa likod ng tenga niya. Paglingon niya, naroon si Sebastian Castillo — nakatanggal ang coat, naka-roll up ang manggas ng polo, at may hawak na basong may natitirang yelo ng whisky. Pagod ang mukha pero hindi mo maikakaila ‘yung karisma. Kahit nakatayo lang, parang buong paligid umiikot sa presensiya niya. “Mr. Castillo,” formal niyang bati. “Magla-log out na po ako.” “Late ka nang umaalis,” sagot nito, habang mabagal na naglalakad papalapit. “Wala bang nag-aalok na ihatid ka?” “Hindi na po kailangan. Malapit lang naman po ang—” “Hindi kita tinatanong kung malapit,” putol ni Bash, may b
Tahimik na ulit ang opisina nang matapos ni Althea Velasquez ayusin ang huling bahagi ng report.Halos mag-aalas singko na, pero ramdam pa rin sa paligid ang bigat ng araw — lalo na pagkatapos ng Gardovas investment meeting kaninang umaga.Sa mesa niya, nakabukas pa rin ang presentation file na ilang beses na niyang ni-review.Kahit hindi naman siya ang pinadala sa meeting, siya ang nag-prepare ng karamihan sa details — financial breakdowns, projections, at company background na ginamit nina Ellen Gardovas at Nathan de Leon sa presentation.> “Hindi mo kailangan ma-involve emotionally, Thea. Trabaho lang ‘to.”Paulit-ulit niyang pinaalala ‘yon sa sarili, pero parang hindi pa rin sapat.Lalo na nang marinig niyang si Nathan mismo ang nag-present sa harap ni Mr. Castillo.Huminga siya nang malalim, at pinilit mag-focus.Pero bago pa niya mapigilan ang sarili na muling isipin ang eksena kanina, biglang nag-vibrate ang cellphone niya sa gilid ng desk.📞 Lianne Calling...Napangiti siya k







