ログイン
“Cheers to freedom!” sigaw ni Lianne habang itinaas ang shot glass.
Sabay-sabay kaming nag-click ng baso, tapos ininom ko na rin ang laman. Ramdam ko ang hapdi ng alak na dumaloy sa lalamunan ko, pero mas masakit pa rin ang bigat sa dibdib ko. Two days ago, nahuli ko ang boyfriend kong si Nathan—kasama ang Ang babaeng kinaiinisan ko pa noong first day of class sa college. Magkahawak kamay, magkaakbay, at parang ako pa ang hindi karapat-dapat. Tangina. “Kalimutan mo na siya, Thea,” bulong ni Kaira habang hinihila ako papunta sa dancefloor. “He’s not worth your tears. Tonight, you’re free.” Huminga ako nang malalim. Tama sila. Wala na rin namang silbi kung iiyakan ko pa si Nathan. Kaya kahit medyo hilo na ako, sumabay ako sa tugtog at hinayaan ang sarili kong dalhin ng beat. Pero hindi ko inasahan na sa dami ng tao sa bar, may isang pares ng mata na titigil sa akin. Naramdaman ko agad ang titig niya. Sharp, intense, na parang kahit saan ako gumalaw ay sinusundan niya ako. Nang tumingin ako pabalik, doon ko siya nakita—isang lalaki sa VIP section, naka-black suit pero medyo loose ang tie, hawak ang baso ng whiskey na parang sanay na sanay sa gano’ng eksena. Gwapo. Dangerous-looking. At obvious na sanay siyang nakukuha ang gusto niya. Napakagat ako sa labi, sabay umiwas ng tingin. Pero ilang segundo lang, naramdaman ko na nasa tabi ko na siya. “Mind if I cut in?” baritonong boses ang bumulong sa tenga ko, sabay abot ng kamay. Nagulat ako pero bago pa ako makatanggi, kinuha na niya ang kamay ko at hinila ako palapit. Nagbago ang tempo ng sayaw ko, mula sa wild moves kanina hanggang sa slow, almost sensual sway na siya ang nagdidikta. Ramdam ko ang init ng palad niya sa bewang ko. Ramdam ko ang mabangong halimuyak niya na nakakahilo. At bago pa ako makapagsalita, naramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Isang halik na hindi ko inaasahan. Isang halik na hindi ko agad naitulak. Parang lahat ng sakit na naramdaman ko nitong mga nakaraang araw ay natunaw doon sa sandaling iyon. At nang bumitaw siya, nakangiti lang siya na parang may alam siyang hindi ko pa naiintindihan. “Come with me,” bulong niya, at bago ko pa ma-proseso, hinila na niya ako palabas ng bar. Diretso sa katabing hotel. At doon nagsimula ang gabing hindi ko malilimutan. Mainit ang hangin sa pagitan namin habang naglalakad kami palabas ng bar. Hindi ko na alam kung dahil sa alak o dahil sa titig ng lalaking ‘to, pero pakiramdam ko ay wala akong kontrol sa sarili ko. Pagdating namin sa lobby ng katabing hotel, diretso lang siyang naglakad. Parang sanay na sanay. Walang pakialam kahit may mga taong nakatingin. Ako naman, para lang akong nahihipnotismo na sumunod. Sa elevator, ramdam ko ang tensyon. Wala ni isang salita ang lumabas sa amin, pero ang mga mata niya ay nakatutok lang sa akin. Ding. Pagbukas ng elevator, hinila niya agad ako palabas at binuksan ang pinto ng isang suite gamit ang card key. Pagkasara ng pinto, wala nang patumpik-tumpik pa. Hinila niya ako palapit, at muling naglapat ang mga labi namin. Mas mainit, mas marahas, mas mapusok. Para bang buong araw siyang naghintay para dito. Napahawak ako sa balikat niya para hindi matumba. Naramdaman ko ang matipunong katawan niya, solid at malakas. Nasa ibang level siya kumpara kay Nathan—ibang klase. “Damn, you’re intoxicating…” bulong niya sa pagitan ng halik. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin. Hindi ko siya kilala. Pero sa gabing iyon, wala akong pakialam. Gusto ko lang makalimot. Gusto ko lang maramdaman na may nagmamahal sa akin—even just for tonight. Inakay niya ako patungo sa kama, at bawat hakbang ay parang pinapainit ang bawat himaymay ng katawan ko. Ang mga kamay niya, marahas pero may halong pag-aalaga. Ang mga mata niya, parang gutom pero hindi bastos. At bago ko pa makontrol ang sarili ko, nagpaubaya na ako. That night, I wasn’t Althea Velasquez, the heartbroken girl. I was just a woman who gave in to the fire. Isang gabi na alam kong babaguhin ang lahat. Bumagsak ang likod ko sa malamig na kutson habang nakapatong siya sa akin. Mabigat ang bawat hininga ko, habang ang mga labi niya ay gumagalaw mula sa bibig ko pababa sa aking leeg. “God, you taste so sweet…” bulong niya, ramdam ko ang init ng hininga niya na nagdulot ng panginginig sa buong katawan ko. Napapikit ako, hinayaan na lang ang sarili kong lamunin ng init. Ang mga kamay niya, marahang gumagapang sa bawat sulok ng katawan ko—walang palya, walang palusot. Hindi siya nagmamadali, para bang gusto niyang tuklasin ang bawat parte ng pagkatao ko. Naramdaman ko ang mga daliri niyang dumaan sa baywang ko, pababa, at napakapit ako sa balikat niya. “W-wait…” halos pabulong na sabi ko, pero ngumiti lang siya at huminto sandali, tinitigan ako gamit ang matatalim pero malambing na mga mata. “Tell me to stop… and I will,” bulong niya. Hindi ako nakasagot. Dahil sa totoo lang, ayaw kong huminto siya. Sa halip, hinila ko siya pabalik para muling maglapat ang mga labi namin. Mas mainit, mas desperado. Para bang pareho kaming gutom at sabik. At doon na tuluyang bumigay ang huling piraso ng control ko. Ang jacket niyang suot, mabilis na natanggal. Ang polo niyang bahagyang bukas kanina, ngayon ay nasa sahig na. Ang balat niyang dumidikit sa akin ay mainit, matigas, at nakakapaso sa sobrang lapit. Ramdam ko ang bawat pagdampi, bawat paggalaw, bawat ungol na hindi ko mapigilan. Ang bawat segundo ay parang apoy na lumalamon sa akin, pero sa paraang gusto ko, sa paraang matagal ko nang hindi nararamdaman. At sa gabing iyon, sa ilalim ng malalambot na kumot ng hotel suite, hinayaan kong mahulog ako sa isang delikadong bisyo—sa bisig ng isang estrangherong hindi ko pa alam ang pangalan. “Damn…” mahina niyang mura nang maramdaman niyang may kakaiba. Napahinto siya at dahan-dahang tiningnan ang mga mata ko. Ramdam ko ang bigat ng titig niya, parang biglang nag-iba ang hangin sa pagitan namin. “Tell me…” halos bulong ang tono niya, mabigat at may halong gulat. “Is this your first time?” Napalunok ako. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o magtatago sa likod ng hiya. Pero sa tingin niya, alam ko na nakita na niya ang sagot bago ko pa maibuka ang bibig ko. Tahimik akong tumango. Saglit siyang napapikit, huminga nang malalim, at kumagat sa labi niya na parang pilit pinipigilan ang sarili. “Sh*t…” bulong niya, at marahang bumitaw sa pagkakahawak. “You don’t know what you’re getting into…” Naramdaman ko ang pag-aalinlangan niya. Yung dating matapang at agresibo niyang presensya, biglang naging maingat. Para bang natatakot siyang masaktan ako. Pero sa halip na umatras, hinila ko siya pabalik. “Don’t stop…” mahina kong sabi, halos pakiusap. Nanigas ang panga niya. Kita ko ang struggle sa mga mata niya—kung susundin ba niya ang init ng katawan niya, o ang konsensyang nagsasabing hindi niya dapat gawin ‘to sa isang babaeng kagaya ko. Ngunit sa huli, pinili niyang maging marahan. Hindi na siya kasing agresibo tulad kanina. Bawat halik, bawat haplos, may halong pag-aalaga. Para bang gusto niyang gawing espesyal ang gabing iyon, kahit nagsimula lang sa apoy ng alak at sakit. At sa ilalim ng mga halik at haplos niya, doon ko naramdaman… na kahit isang gabi lang, may lalaking nagbigay ng halaga sa akin—isang estrangherong hindi ko man lang kilala ang pangalan. Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na ang lumipas. Ang alam ko lang, bawat halik niya ay parang paso sa balat ko, pero sa parehong oras ay nagbibigay ng kakaibang init at kalayaan. Hindi siya nagmamadali. Para bang bawat galaw niya ay sinasadya—maingat pero mapangahas, mabagal pero nakakapaso. Ramdam ko ang pag-aalala niya na baka masaktan ako, pero ramdam ko rin ang apoy na pilit niyang pinipigilan. “Relax…” bulong niya habang hinahaplos ang pisngi ko. “I’ll take care of you.” At doon ko tuluyang hinayaan ang sarili ko. Wala na akong pakialam kung estranghero siya. Wala na akong pakialam kung bukas ay baka hindi ko na siya makita. Ang mahalaga, ngayong gabi, siya ang mundo ko. Nang tuluyan kaming magtagpo, napakapit ako nang mahigpit sa kanya. Isang ungol ang kusang lumabas sa labi ko, at ramdam ko ang paninigas ng katawan niya—parang pinipigil ang sarili. “Sh*t…” bulong niya, halos pabulong sa leeg ko, habang ramdam kong nanginginig din siya. “You’re… unbelievable.” Bawat segundo ay nagiging mas malalim, mas masakit, mas masarap. At sa kabila ng lahat, ramdam kong pinipili niya ang maging maingat—na hindi niya hahayaang masaktan ako nang higit pa sa dapat. Sa bawat ungol, bawat halik, bawat pagdampi ng balat naming dalawa, unti-unting naglaho ang sakit ng kahapon. At sa halip, napalitan ng isang alaala na alam kong hinding-hindi ko malilimutan. Hanggang sa parehong humiga kami, habol-hininga, pawis at init ang tanging nasa pagitan namin. Tahimik lang siya, nakatingin sa kisame, habang ako naman ay nakasandal sa dibdib niya. Hindi ko alam kung anong iniisip niya, pero ramdam kong may struggle sa loob niya. Isang gabi lang ito. Isang gabi na hindi dapat maulit. Pero bakit ramdam kong mali ang iwanan ito na basta na lang?“Two caramel macchiato and one slice of blueberry cheesecake,” sabi ni Althea sa barista bago lumingon kay Lianne. “Alam kong ‘yan ang gusto mo. Hindi ko na pinatagal pa.” Ngumisi si Lianne habang inayos ang buhok at umupo sa tapat ni Althea. “Alam mo talaga, Thea. Pero seryoso, girl—pinagkakaguluhan ka ngayon sa office.” Napataas ang kilay ni Althea habang binubuksan ang takip ng kape. “Ako? Bakit naman?” “Oh please,” sagot ni Lianne, sabay tawa. “Don’t act innocent. Ikaw kaya ang presenter ng Castillo Group noong investment meeting with Gardovas! Lahat ng tao sa industry ngayon, nag-uusap tungkol sa performance mo. As in, fierce daw! Pero—” kumindat siya, “—mas pinag-uusapan ‘yung moment na nando’n din sina Nathan at Ellen.” Bahagyang natahimik si Althea, marahang inikot ang straw ng kape niya. “Alam ko. Nasa kabilang table sila nung presentation. Pero wala na ‘yon, Lianne. I’m fine.” “Fine?” sarkastikong tanong ni Lianne. “Come on, Thea. Hindi mo man lang ba naramdaman ‘
Tahimik ang buong kwarto. Tanging patak ng ulan sa labas ang maririnig — ‘yung tipong hindi na malakas, pero sapat para magpaalala ng mga gabing mahirap matulog. Nakaupo si Althea sa gilid ng kama, hawak-hawak ang mug ng kape na kanina pa lumamig. Kanina lang, maingay pa silang magkakapatid sa baba — si Isabella, hindi pa rin nauubusan ng banter, habang si Mama naman, kalmado lang na humahagikgik. Si Papa, as usual, tahimik pero halatang nag-aalala. Ngayon, nasa taas na ulit siya — tahimik, pero hindi mapakali. Hindi dahil sa sermon ng ama niya… kundi dahil sa isang simpleng tanong na ayaw umalis sa isip niya: “Bakit ko nga ba pinapansin ‘yung mga sinasabi ni Isa?” Umiling siya, pilit inaalis sa isip ang ngiti ng kapatid kanina. Pero kahit anong iwas, biglang sumingit sa isip niya ‘yung tanong na parang nakatatak: > “Baka si Mr. Castillo mismo ‘yung naghatid sa’yo?” At doon, muli siyang napangiti. Ayaw man niyang aminin, pero may parte sa kanya na… hindi na nagu
“Good morning, Ate!” Mataas pa ang boses ni Isabella habang nakasandal sa pinto ng kwarto ni Althea, hawak-hawak ang kape at naka-ngiti nang parang may balak. Hindi pa man nakaka-recover si Thea sa antok, napahilot na agad siya sa sentido. “Isa, hindi pa nga ako nakakabangon.” “Exactly!” sagot ng kapatid niya, sabay lakad papasok na parang sariling kwarto niya. “Kaya dinalhan kita ng kape, with love and curiosity.” Napatingin si Thea, napakunot ang noo. “Curiosity?” “Uh-huh.” Umupo si Isabella sa gilid ng kama, nakataas ang kilay at may pilyong ngiti. “Curiosity about a certain luxury car and a mysterious, dangerously handsome man who dropped you off last night.” “Isa…” Banta na agad ‘yung tono ni Thea, pero hindi nagpatalo ang kapatid. “Oh, come on!” Nakangisi pa rin ito habang sumimsim ng kape niya mismo. “Ate, you know me. I may be 18, but I’m not blind. Lalo na pag may dumating na kotse na worth more than our college tuition combined!” Napailing si Thea, pil
Tahimik sa loob ng kotse. Tanging tunog lang ng makina at mahinang ulan sa windshield ang maririnig habang nagda-drive si Sebastian. Nakatingin si Althea sa labas ng bintana, pero alam niyang kahit hindi siya lumilingon, ramdam ni Bash ang bawat galaw niya. Parang masikip bigla ang loob ng sasakyan. Hindi dahil sa espasyo — kundi dahil sa hangin sa pagitan nila. ‘Yung tahimik pero puno ng hindi nasasabi. “Seatbelt,” mahinang sabi ni Bash, hindi inaalis ang tingin sa daan. Napatingin siya, bahagyang nagulat. “Ha?” “Your seatbelt,” ulit nito, at bago pa siya makagalaw, inabot na ni Bash ang strap. Dumulas ang kamay nito sa balikat niya habang isinusuot iyon, mabagal, deliberate — parang sinasadya. “Got it,” mahina niyang sabi, pilit pinapakalma ang sarili. Pero nang dumikit ang daliri nito sa leeg niya, para bang bigla siyang naubusan ng hangin. “Good girl,” bulong ni Bash, halos hindi marinig pero sapat para magdulot ng kilabot sa batok niya. “T-Thanks,” sagot niya, pilit n
Tahimik na halos buong floor ng Castillo Group. Past seven na. Karamihan sa mga empleyado’y naka-log out na, at tanging ilaw ng city skyline sa labas ang nagbibigay liwanag sa hallway. Ang mahinang ugong ng aircon at mga tipak ng hakbang ni Althea ang tanging maririnig habang pinupulot niya ang mga folder sa mesa. “Still here?” Napatigil siya. ‘Yung boses — mababa, pamilyar, at parang dumulas sa likod ng tenga niya. Paglingon niya, naroon si Sebastian Castillo — nakatanggal ang coat, naka-roll up ang manggas ng polo, at may hawak na basong may natitirang yelo ng whisky. Pagod ang mukha pero hindi mo maikakaila ‘yung karisma. Kahit nakatayo lang, parang buong paligid umiikot sa presensiya niya. “Mr. Castillo,” formal niyang bati. “Magla-log out na po ako.” “Late ka nang umaalis,” sagot nito, habang mabagal na naglalakad papalapit. “Wala bang nag-aalok na ihatid ka?” “Hindi na po kailangan. Malapit lang naman po ang—” “Hindi kita tinatanong kung malapit,” putol ni Bash, may b
Tahimik na ulit ang opisina nang matapos ni Althea Velasquez ayusin ang huling bahagi ng report.Halos mag-aalas singko na, pero ramdam pa rin sa paligid ang bigat ng araw — lalo na pagkatapos ng Gardovas investment meeting kaninang umaga.Sa mesa niya, nakabukas pa rin ang presentation file na ilang beses na niyang ni-review.Kahit hindi naman siya ang pinadala sa meeting, siya ang nag-prepare ng karamihan sa details — financial breakdowns, projections, at company background na ginamit nina Ellen Gardovas at Nathan de Leon sa presentation.> “Hindi mo kailangan ma-involve emotionally, Thea. Trabaho lang ‘to.”Paulit-ulit niyang pinaalala ‘yon sa sarili, pero parang hindi pa rin sapat.Lalo na nang marinig niyang si Nathan mismo ang nag-present sa harap ni Mr. Castillo.Huminga siya nang malalim, at pinilit mag-focus.Pero bago pa niya mapigilan ang sarili na muling isipin ang eksena kanina, biglang nag-vibrate ang cellphone niya sa gilid ng desk.📞 Lianne Calling...Napangiti siya k







