แชร์

Chapter 6: Mga Apoy sa Dilim

ผู้เขียน: Reh
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-09-01 21:21:31

Chapter 6 – Mga Apoy sa Dilim

(Serena’s POV)

Buong araw akong nagkulong sa kwarto. Hindi ko kayang tingnan si Damien matapos ang nangyari sa kusina. Parang naubos ang lakas ko sa bawat halik, bawat haplos na halos tumulak sa akin sa isang bangin na ayaw kong mahulog—pero pilit kong kinukubli ang katotohanan: isang maling tulak lang, at baka hindi na ako makalaban.

Pinilit kong abalahin ang sarili sa pagbabasa, sa panonood ng TV, pero lahat ng iyon walang saysay. Ang bawat pahina, bawat eksena, paulit-ulit lang na bumabalik sa isip ko ang ngiti niya, ang boses niya, at ang init ng mga kamay niyang humahaplos sa balat ko.

Bakit hindi ko siya makalimutan?

Kinagabihan, kumatok siya.

“Serena.” Mababa, kontroladong boses niya mula sa labas. “Buksan mo.”

Humigpit ang hawak ko sa kumot. “Ayoko.”

Sandali siyang natahimik, at inakala kong aalis na siya. Pero bigla kong narinig ang lagitik ng susi. Napaigtad ako.

Bumukas ang pinto, at pumasok siya—nakasuot ng simpleng itim na long-sleeves, nakabukas hanggang dibdib, at itim na pantalon. Ang itsura niya parang nilikha para sa tukso.

“Anong ginagawa mo rito?” tanong ko, pilit na matapang.

Lumapit siya, mabagal, parang leon na sinusukol ang biktima. “Hindi mo pwedeng isara ang sarili mo sa akin.”

“Damien…” babala ko.

Umupo siya sa gilid ng kama, nakatingin sa akin nang diretso. “Kanina, muntik na kitang hindi pakawalan.”

Kinuyom ko ang kamao ko. “At dapat mong gawin iyon ngayon.”

Ngumisi siya—hindi inosente, kundi puno ng panganib. “Talaga bang gusto mong tumigil ako?”

Hindi ako nakasagot. Sa halip, tumingin ako sa sahig, pilit tinatago ang namumulang pisngi.

Lumapit siya, inabot ang baba ko, at marahang iniangat iyon hanggang magkatinginan kami.

“Sabihin mo. Gusto mong tumigil ako?”

Nanginginig ang labi ko. Gusto kong sumigaw ng oo. Pero ang katahimikan ko ay mas malakas kaysa salita.

Ngumisi siya, mas mapanganib. “Exactly.”

---

Kinulong niya ako sa halik, mas mainit kaysa kagabi. Para akong natupok ng apoy, nawalan ng direksyon. Ang kamay niya mabilis na gumapang sa likod ko, dahan-dahang tinatanggal ang butones ng suot kong nightdress.

“Damien—” bulong ko, mahina, halos pagsusumamo.

“Shhh…” hinaplos niya ang labi ko gamit ang hinlalaki, habang patuloy ang paghalik sa leeg ko. “Stop fighting yourself, Serena. Alam mong gusto mo rin.”

Nang maramdaman kong bumukas ang ilang butones ng damit ko, napakapit ako sa dibdib niya—pero hindi ko siya tinulak.

Sa halip, lalo akong napalapit.

---

Bumagsak ang nightdress sa balikat ko, at ramdam ko ang malamig na hangin sa balat ko. Ngunit mas ramdam ko ang init ng katawan niya, ang init na dumidikit sa akin habang hinahaplos niya ako.

Napapikit ako, napakagat-labi, pinipigilan ang ungol na pilit kumakawala.

“Damien…”

“Hmm?” sagot niya, ngunit hindi siya tumigil sa ginagawa.

“Please…” hindi ko alam kung iyon ay pagsusumamo na huminto siya, o paghingi na ituloy niya.

---

Huminto siya saglit, tumitig sa akin, mabigat ang hininga.

“Kung hindi ako titigil ngayon,” bulong niya, halos growl, “hindi na kita pakakawalan hanggang matapos ko ang sinimulan. Naiintindihan mo ba?”

Nanlaki ang mga mata ko. Nakatingin ako sa kanya, hindi makasagot. Ang puso ko kumakabog, ang katawan ko nanginginig—hindi sa takot, kundi sa inaasam na hindi ko kayang aminin.

Dahan-dahan niyang hinalikan muli ang labi ko, mas malalim, mas madiin, at pakiramdam ko’y tuluyan na akong natutunaw.

---

Ngunit bigla siyang umatras, hingal, halatang nagpipigil.

“Not yet,” aniya, nakapikit, parang pinipigilan ang sarili. “Kapag dumating ang tamang oras… hindi na kita bibitawan.”

Iniwan niya akong nakahiga sa kama, hingal, nanginginig, at litong-lito.

Sa loob ng dilim ng kwarto, alam kong isang hakbang na lang… at tuluyan na akong mahuhulog....

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)   Chapter 17 – The Move

    (Serena’s POV)Ang totoo, hindi ko alam kung paano haharapin ang bagong umaga. Pagkagising ko, hindi na malamig ang kama—mainit pa rin, mabigat pa rin ang bisig ni Damien na nakapulupot sa akin. Parang ayaw niya akong bitawan.Pero hindi tulad kagabi, iba na ang damdamin ko. Hindi lang kaba, hindi lang init. May kasamang pangamba.Kasi habang lalong lumalalim ang gabi naming dalawa, lalong lumalalim din ang pagkakatali ko sa kanya.---“Serena,” wika niya habang inaabot ang cellphone sa mesa. Crisp at pormal na ang suot niya, parang wala nang bakas ng kagabi. Ngunit nang tumingin siya sa akin, may ningning pa rin sa kanyang mga mata. “The car will be here in thirty minutes. Pack what you need.”Napakurap ako. “Car? For what?”“For the apartment.” Diretso. Walang alinlangan. “You’ll move in today. I already arranged everything.”Parang naipit ang dibdib ko. “Damien, hindi mo pwedeng—”“Serena.” Mas lumalim ang tono niya. Hindi ito boses ng isang CEO na nakasanayan kong malamig. May hal

  • Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)   Chapter 16 – After the Fire

    (Serena’s POV)Mainit pa rin ang silid kahit nakabukas ang aircon. O baka ako lang ang mainit—hindi sa katawan, kundi sa damdaming parang hindi ko kayang itago.Pagmulat ko ng mga mata, madaling-araw pa lang. Ang mga kurtina’y nakalilis, kaya’t ang ilaw ng buwan ay pumapasok at banayad na lumulutang sa ibabaw ng kama.At doon siya—si Damien.Nakahiga pa rin siya sa tabi ko, nakatalikod ngunit mahigpit ang pagkakayakap sa aking baywang. Para siyang isang kulungan na hindi ko gustong takasan.Huminga ako nang malalim, pinipilit pakalmahin ang sarili. Ngunit kahit anong pilit, hindi ko maitago ang katotohanang kaninang gabi, dalawang beses akong bumigay. Dalawang beses niyang kinuha ang lahat sa akin. At dalawang beses kong pinili na hayaan siyang angkinin ako.---“Mine…” bulong niya kagabi, paulit-ulit. At habang inuukit ng kanyang mga labi ang bawat bahagi ng katawan ko, naramdaman kong hindi lang siya basta nagsasalita—para siyang nagmamakaawa, para siyang nagbabanta, para siyang nag

  • Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)   Chapter 15 – Ang Gabing Hindi Na Mapipigilan

    (Serena’s POV)Akala ko, pagkatapos ng nangyari kagabi, ay may layo na namang ilalagay si Damien sa pagitan naming dalawa. Ganoon siya palagi—init ngayon, malamig bukas. Palaging may pader, palaging may distansya. Kaya’t nang magmulat ako ng mga mata, ang inasahan ko’y wala na siya—isang malamig at malinis na kama lang ang iiwanan niya.Pero nagkamali ako.Nasa tabi ko siya.Mas higit pa—nakayakap siya sa akin. Ang kanyang braso’y mahigpit na nakapulupot sa aking baywang, para bang kung bibitaw siya’y mawawala ako. Ang kanyang mukha’y nakalapat sa balikat ko, at ang hininga niya’y mainit na sumasayad sa aking balat. Para akong nabihag, hindi ng kontrata, kundi ng isang bagay na hindi ko kayang ipaliwanag.“Damien…” halos pabulong kong sambit, mahina, parang baka maglaho ang lahat kapag nagsalita ako nang malakas.Dumilat siya. Ang mga mata niyang madilim ngunit malinaw, ay nakatuon sa akin. Hindi iyon malamig gaya ng dati, hindi puno ng kontrol. May init doon—at higit pa sa init, may

  • Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)   Chapter 14 : Ang Apoy na Hindi na Mapapatay

    (Damien’s POV)May kakaibang nangyari matapos ang huling gabi namin ni Serena.Sa bawat halik, sa bawat ungol, at sa bawat sandaling nakapulupot siya sa akin—parang may pader sa loob ko na tuluyang gumuho.Pero kasabay nito, may lumabas ding ibang parte ng pagkatao ko.Isang bahagi na hindi ko kayang pigilan—ang pagnanasa na hindi lamang magmahal kundi mag-angkin. At ngayong nakikita ko siyang nakaupo sa gilid ng kama, balot ng kumot, nakayuko at parang nagtatago, lalo lamang naglalagablab ang apoy sa loob ko. “Serena.” Tawag ko, malamig ngunit mabigat ang tinig. Napalingon siya, kita ko ang pamumula ng kanyang pisngi. “Ano?” Lumapit ako, mabagal, hanggang sa mapalapit ang mukha ko sa kanya. “You don’t hide from me.” “Hindi ako nagtatago,” mahina niyang tugon, ngunit halatang halata na nag-aalangan. “Liar.” Nilingon ko ang kumot at marahan kong hinila iyon, tinanggal sa pagkakabalot sa kanya. Lumantad ang makinis at maputi niyang balat at halos mawala ang hininga ko. --- Hindi

  • Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)   Chapter 13 : Sa Bawat Paghina ng Tanggulan

    (Serena’s POV)Akala ko matapos ang sunod-sunod na init na dinulot ng mga gabing iyon, babalik ako sa dati—sa malamig na kontrata, sa kasunduang walang puso, walang emosyon. Ngunit ngayong nakahiga ako, nakapulupot ang kanyang mga braso sa akin, ramdam ko ang bigat ng kanyang paghinga sa aking batok, parang hindi na ito basta kasunduan.Wala na akong takas.Serena Navarro, ano bang pinapasok mo?Sinubukan kong bumangon nang dahan-dahan, ngunit hinila niya ako pabalik, mahigpit na yakap na parang ayaw niya akong pakawalan.“Stay,” garalgal niyang bulong, nakapikit pa ang mga mata.“Damien…” mahina kong tugon. “Kailangan kong bumangon.”“No.” Dumilat siya, diretsong tumingin sa akin. “Not yet. Stay with me.”At sa sandaling iyon, wala na akong nagawa kundi manatili.---Maya-maya, marahang dumulas ang mga labi niya sa aking balikat, pababa sa aking braso. Hindi ito marahas tulad ng kahapon, kundi mabagal, masinsinang paghalik na tila ba sinusulat niya ang pangalan niya sa bawat pulgada

  • Owned by Contract, Tied by Fate (SPG)   Chapter 12 – Sa Gitna ng Apoy

    (Serena’s POV)Ang katahimikan ng umaga’y tila isang panlilinlang. Akala ko matapos ang gabing iyon, magigising ako na magaan, na parang nanaginip lang. Ngunit ang sakit ng bawat himaymay ng katawan ko, ang marka ng kanyang mga labi sa aking balat, at ang init na bumabalot pa rin sa akin—lahat iyon ay nagpapatunay na totoo ang nangyari.Nakaharap ako sa salamin ng banyo, ang buhok kong magulo, ang labi kong medyo namamaga pa. Hindi ko maialis ang alaala ng paraan ng pagkuyom niya sa akin, ang titig niyang parang sinisilaban ang kaluluwa ko.Paano ko haharapin si Damien ngayong araw? tanong ko sa sarili. Ngunit bago ko pa matuloy ang pag-iisip, bumukas ang pintuan ng banyo.“Good morning.”Doon siya nakatayo, walang saplot kundi ang maluwag na pajama na halos hindi nakasara sa kanyang beywang. Ang katawan niya’y nakalitaw pa rin—matikas, perpekto, at nakakapanghina ng tuhod.“D-Damien,” pautal kong sambit.Lumapit siya, marahang nakakunot ang noo. “You’re avoiding me.”Umiling ako. “Hi

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status