LOGINDalawang linggo. Dalawang linggo na rin pala ang itinagal niya simula noong pumasok siya bilang kasambahay. Sa loob ng dalawang linggo na iyon lahat na yata nagawa niya na.
Maging ang mapagalitan lalo na nakabantay palagi si Josiah sa bawat galaw niya. Pero bukod doon mas nasasanay na siya sa mga gawain.
"Axellyn, hindi ko talaga kayang pumasok ngayon para akong lalagnatin. Ikaw na lang ang sumama kay Sir Josiah sa Rancho."
Hindi niya mapigilang maawa kay Leslie habang nakatingin dito na maputlang nakahiga sa kama nito. Mayroong bimpo sa noo.
"Ayos lang. Sasama lang naman ako hindi sasakay sa kabayo. Mabuti sana kung kalabaw dahil alam ko kung paano."
Mahinang natawa si Leslie. "Ikaw talaga. Madalas kasi iyan sila na pumunta sa Rancho para magpalamig ng ulo."
"Ano ba ang nangyari bakit nagkasakit ka? Hindi ba day off mo naman kahapon at paalam mo ay magpapahinga ka." Hindi niya maiwasang tanong.
"Ah... Wala ito! Tao lang din naman ako siguro hindi na nakaya ng katawan ko ang pagod sa trabaho kaya bumagsak na rin," sagot nito sa kaniya ng hindi makatingin.
Nagkibit-balikat lamang siya at hindi nagtanong pa lalo dahil personal niya itong buhay. Nag-iwan siya ng gamot bago nagtungo sa mansyon.
Noong dumating siya, nadatnan niyang handa na si Josiah. Nakasuot ito ng fitted gray shirt na lalong nagpalitaw sa matipuno nitong pangangatawan, dark pants, at dark brown boots. Seryoso itong nakaupo sa mahabang sofa, bahagyang nakayuko habang abala sa pagbabasa sa kaniyang cellphone, na para bang walang anumang pwedeng gumambala rito.
Mahina siyang tumikhim para maagaw ang atensyon ng binata. Kaagad naman na dumapo ang tingin nito sa kaniya at ibinaba ang binabasa nito.
"What took you so long?"
"Sorry, Sir!"
Tumayo na si Josiah nang hindi siya sinasagot. Malalim siyang buntong-hininga bago sinundan ang lalaki.
Noong makarating siya sa labas mataas na ang sikat ng araw. Kausap ni Josiah ang isa sa kaniyang mga tauhan. Noong tumingin ang lalaki sa dereksyon niya ay kaagad siyang nataranta.
"Are you done starting at me?"
Mabilis siyang umiling. "Hindi ako nakatingin sayo... sa sasakyan mo. Ang ganda pala ng sasakyan mo ito na gagamitin natin?" dahilan niya.
Saglit na kumunot ang noo ni Josiah bago ito sumagot. "This is also my favorite car."
"Pangarap kong makabili ng sasakyan para sa lola at lolo ko. Balang araw gusto ko nang magawa iyon."
"I know you will buy your own in the future. Just give me a ride."
I beamed with happiness. "Sige ba! Kapag bumili ako ng sasakyan, ikaw dapat ang unang sumakay."
She saw a glint of a smile on his face before he closed the door of his car. Umikot ito para sumakay sa driver seat. Kaagad niyang nginitian ang lalaki noong makapasok ito sa loob ng sasakyan.
“Bukod sa mga meron ka may iba ka pa bang pangrap, Sir Josiah?” Hindi niya mapigilang tanong.
Sabi nila kahit ikaw pa ang pinakamakapangharihan sa mundo mayroon ka pa rin talaga na gusto na minsan hindi mo makuha.
“I want to be happy…”
Kumunot ang noo niya. “Hindi ka ba masaya? Mayaman kayo, maraming pera nabibili mo ang lahat ng gusto mo na hindi mo na kailangan na isipin ang pera.”
“May mga bagay na kahit may pera ka hindi pa iyon maibibigay sayo.”
Natahimik siya dahil totoo ang sinasabi nito. Hindi lahat mabibigay ng pera pero habang tumatanda sila Lolo at Lola desperado siya na magkaroon ng pera. Gusto niya na maibigay ang mga ito ng magaan na buhay sa kanila. Kahit hindi nila sabihin sa kaniya pero gusto niya iyon na gawin para sa kanila.
“Tama nga naman!” sang-ayon niya. Ngumiti siya kahit na ramdam niya ang kirot sa kaniyang dibdib.
Hindi na rin muling nagsalita ang lalaki. Nahimik siya dahil baka kung ano na naman ang sabihin niya. Pinagmasdan niya ang mga puno sa bintana ng sasakyan. Habang palayo mas lalo iyon na lumiliit.
Malaki ang Rancho, noong dumating sila ay mayroong hindi katandaan na lalaki na sumalubong sa kaniya. Nagpalit si Josiah sa loob, habang siya ay naiwan sa labas. Hindi niya mapigilang mamangha habang nilibot ang tingin.
Mayroon nang mga kabayo na pinapakain ng mga tauhan ng damo.
“Do you know how to ride a horse?”
Napatalon siya sa gulat noong may nagsalita sa tabi niya. Hindi niya alam na nandito na pala si Josiah nang hindi niya napansin. She couldn’t but to admire how Josiah looked. Suot niya ang navy long-sleeved riding polo na lalong nagbigay-diin sa kaniyang matipunong pangangatawan, ipinares sa puting breeches, itim na riding boots, at puting gloves na nagdagdag sa kaniyang elegante at makapangyarihang aura. Sakay niya ang isang napakagandang chestnut horse na may makintab na balahibo at puting marka sa noo. Tila kasing-tikas at kasing-disiplinado ito ng lalaking nakasakay rito, parehong naglalabas ng awtoridad at karisma.
“Ahm… Hindi ko alam kung paano. Magkaiba naman kasi sila ng kalabaw. At isa pa, bata pa ako noong nasubukan ako,” nauutal niyang sagot.
“Let me show you…” He said smirking.
Maya-maya pa, dumating ang lalaking sumalubong sa kanila na mayroong hilahin na kabayo. Kaagad iyon na inabot ni Josiah. Nanlaki ang mata ko noong umungol ito, napahawak siya sa kaniyang dibdib, masama ang tingin niya sa lalaki.
“Are you scared, Axellyn?” he asked tauntingly.
“Hindi, no. Hindi ako natatakot sa kabayo mo.”
Hindi niya mapigilang umikot ang mga mata. Pumasok ito sa loob ng race track nang nakangisi habang siya naman ay bumalik sa kaniyang kinauupuan.
Swabe ang bawat galaw nito sa kaniyang kabayo, paghila sa tali, paghampas sa likod nito. Nagulat siya nang maramdaman ang sunod-sunod na pagpatak ng tubig sa kaniyang balat. Mabilis ang pagdampot niya sa kanilang mga gamit.
“Sir Josiah, umuulan na, tara na!” sigaw niya. “Baka magkasakit ka pa.”
“Just enjoy the rain, Axellyn!”
Natigilan siya at hindi makapaniwalang tiningnan ang lalaki. Bumaba ito mula sa kabayo at tinakbo ang pagitan nilang dalawa. Nilahad ang kamay sa harapan niya. Matagal niya iyong tinitigan.
“Come on, join me!”
May kakaibang sensasyong dumaloy sa kaniyang sistema noong maglapat ang balat nilang dalawa. Malamig at malambot ang kamay na ito. Hindi niya mapigilang matawa basang bas ana silang dalawa ni Josiah dahil mas lalong lumakas ang ulan.
“Kapag tayong dalawa nagkasakit dahil dito…”
Hindi natuloy ang sinasabi niya nang makitang nakangiti si Josiah, ngiti na maging ang mga mata nito ay kumikislap sa saya. Nakita ko na sa wakas ang mga ngiti niya.
Dalawang linggo. Dalawang linggo na rin pala ang itinagal niya simula noong pumasok siya bilang kasambahay. Sa loob ng dalawang linggo na iyon lahat na yata nagawa niya na.Maging ang mapagalitan lalo na nakabantay palagi si Josiah sa bawat galaw niya. Pero bukod doon mas nasasanay na siya sa mga gawain."Axellyn, hindi ko talaga kayang pumasok ngayon para akong lalagnatin. Ikaw na lang ang sumama kay Sir Josiah sa Rancho."Hindi niya mapigilang maawa kay Leslie habang nakatingin dito na maputlang nakahiga sa kama nito. Mayroong bimpo sa noo."Ayos lang. Sasama lang naman ako hindi sasakay sa kabayo. Mabuti sana kung kalabaw dahil alam ko kung paano."Mahinang natawa si Leslie. "Ikaw talaga. Madalas kasi iyan sila na pumunta sa Rancho para magpalamig ng ulo.""Ano ba ang nangyari bakit nagkasakit ka? Hindi ba day off mo naman kahapon at paalam mo ay magpapahinga ka." Hindi niya maiwasang tanong."Ah... Wala ito! Tao lang din naman ako siguro hindi na nakaya ng katawan ko ang pagod sa
“Did we meet before?”Muling tanong ng lalaki. Kinakabahang mabilis siyang umiling. Kung kahapon ay nasabihan niya si Josiah na hindi niya ito type, ayaw na niyang mas lalo pang sumama ang tingin nito sa kaniya.“She is my new maid. Bago pa lang siya rito, Tyron. How come nakilala mo siya? Ngayon pa lang naman kayo nagkita,” may bahid ng pagtatakang saad ni Josiah.“Baka naman kasi ex siya ni Tyron. Sa dami pa naman ng babae nito, hindi na imposibleng matandaan pa niya,” natatawang sabat ng isang lalaki.“H-Hindi no! No boyfriend since birth ako. Wala pa akong naging boyfriend,” mabilis niyang depensa sa sarili.Ngumisi ang lalaking kanina pa nakaupo sa tabi ni Josiah. “Okay, relax. I’m just joking. Masyado niyong sineseryoso ang sinabi ko.”Kung hindi siya nagkakamali, ang dalawang lalaking ito ang mga kapatid ni Josiah. Ang nakatayo ay ang kambal nito habang ang lalaking nakaupo naman ang bunso nilang kapatid.“Si Josiah naman kasi, galit kaagad,” natatawang saad ni Tyron La Guardia
"I will be staying here for a month, so I expect everyone to do their jobs properly. I don't want anyone disobeying my orders.” Mariing diin ni Josiah sa huling salitang sinabi nito. Mabilis na yumuko si Axellyn nang magtagpo ang kanilang mga mata. Hindi niya kayang salubungin nang matagal ang matalim na titig nito. Pakiramdam niya, siya talaga ang pinatatamaan ng bawat salitang binibitawan nito.“Ako na po ang bahala, Sir Josiah,” agad na sabi ni Manang Vangie.“You're in charge here, Vangie, but I want every one of them to remember my rules.” Bahagya itong huminto bago muling nagsalita. “I'm watching.”Hindi niya namalayang napapapikit siya sa kaba. Nang muli siyang magmulat ng mata, nakatingin pa rin sa kaniya ang lalaki, noo'y bahagyang nakakunot.Ikaw kasi ang pinaparinggan niya, Axellyn, saway niya sa sarili. Hindi mo dapat ginagalit ang boss mo.“Ako na po ang bahala, Sir Josiah. Alam naman nila ang mga patakaran dito sa mansyon. Uulitin ko na lang kung kinakailangan,” sagot n
Hindi maiwasan ni Axellyn nailibot ang mga mata noong tumuntong siya sa Casa La Guardia. Tahimik lalo na dahil napapalibutan ito ng maraming kahoy. Malayo sa siyudad at wala nang masyadong sasakyan ang nakakarating pa rito. Mabuti na lang dahil ang agency ang naghatid sa kaniya. Mayroong high end security, simula sa gate ng manor. "Magandang araw po, ikaw ba si Aleng Vangie?" nakangiti niyang bati sa matandang babaeng sumalubong sa kaniya sa bukana ng napakalaking mansyon.Pakiramdam niya ay nanliliit siya sa laki ng bahay na nasa harapan niya. Kahit ilang beses pa siyang tumingin, hindi pa rin siya makapaniwala na dito siya magtatrabaho. Para siyang nanliit dahil sa karangyaan na hatid ng mansyon. Marami din ang nakauniporme na bantay. Mayroon na dumaan ngunit hindi siya ponagbigyang pansin. Bukod paron ay bakas sa mga mukha nito ang pagiging seryoso. Sinipat siya ng matanda mula ulo hanggang paa habang inaayos ang makapal nitong salamin."Ikaw ba ay si Celine?"Bahagya siyang nat
Napatitig si Axellyn sa kaniyang Lolo Rodolfo noong makita niya ang nanginginig na kamay nito habang nagtitimpla ng kape. Mabilis siyang lumapit upang daluhan ito. "Lolo umupo ka na lang, ako na ang bahalang magtimpla ng kape mo." Kaagad na hinampas ng kanyang lolo ang kanyang kamay. "Ikaw ang umupo roon, Axellyn. Kayang-kaya ko pang magtimpla ng kape." "Lolo nandito ako para alagaan ka." "Bakit naman ako aalagaan. Malakas pa ang lolo mo. Matanda lang ako pero wala akong sakit." Kaagad na sumimangot ang kaniyang mukha. Dahil ayaw talaga nito na inaalagaan. "Lolo hayaan mo na akong gawin ito. Noong bata ako inaalagaan nyo ako ng mabuti." "Bata na ba ako sa tingin mo ngayon, Axellyn?" bwelta nito sa kaniya. Mabilis siyang umiling. "Lolo Rodolfo naman, andami nyo naman po na rason sa akin. Mas mabuti pa siguro kung magtrabaho na talaga ako." Matagal siyang tinitigan ng kaniyang Lolo. "Mabuti na rin iyon apo para magkaroon ka ng ipon para sa sarili mo." Huminga siya ng malalim. "







