“A-Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko sa kaniya atsaka marahang humakbang papalapit rito.Hinablot nito ang kamay ko nang makalapit ako sa kaniya atsaka ako binigyan ng ngiting hinahanap-hanap ko. “Ito naman, ang ibig sabihin ko ay I helped you to work in that club, ‘di ba? Don't tell me na pati ang pagtulong ko sa ‘yo ay na-forgot mo na?" sagot nito na sinundan ng pag-nguso nito sa akin. Napabuga naman ako ng hangin nang maialis ang pagtataka sa aking isipan. Muli kong dinamhin ang buong presensya nito at hinagk-n siya. “H-Hindi. Kahit kailan ay hindi kita makakalimutan. Salamat at naparito ka," bulong ko rito.Inayos nito ang suot na kulay gintong gown nang bahagya akong tabigin nito papalayo sa kaniya. Hindi ko inaasahang tumagal ang pagyak-p ko.“Siya nga, anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko. Nakapagtataka lamang kasi ekslusibo lamang ang event na ito para sa mga tanyag at sikat na mga business owners. Ibang-iba ang hitsura niya nang kilatisin ko ang buong pagkatao
“You will pay for killing my father, asshole!"Nagmistulang bombang sumabog ang malakas na tinig na naulinigan ko nang makapasok sa building. Napahinto ako sa paglalakad nang manuot ang bawat salita nito sa aking mga tenga. Nagdadalawang isip pa nga ako kung lilingunin ko ito ngunit naglakas na ako ng loob gayunpang nakuha na nito ang buong atensyon ng iba pang mga tao sa lugar.Nalaglag naman ang panga ko nang makita ang hawak nitong baril habang buong lakas itong kumakawala sa malalaking pangangatawan ng mga guwardya. Humawak ako sa balikat ni Mr. Trevino nang saglit ko itong titigan atsaka nagbuga ng hininga. “Tara na, huwag ngayon," bulong ko. Dama ang malakas na pagkabog ng dibdib ngunit ang lahat nang iyon ay nilabanan ng loob ko nang makita ang marahang pagtango nito.Malakas na ingay ang bumalot sa buong lugar nang makarinig kami ng putok ng baril na umani ng atensyon ng nakararami. Mariin akong napalunok nang subukang lingunin ang nagkakagulong mga tao sa labas.“T-Trevino?"
Tinatambol ng kaba ang puso't-isipan ko habang tinatahak ang makipot na hagdan sa hospital. Hindi ko na nga makuhang pag-isipan pa ang mga hakbang na ginagawa dahil naliligaw na ng landas ang isipan.“Kalimutan mo na ako. Isa kang malas," bulong ko sa isipan habang inaalala ang simpleng liham na ipinadala sa ‘kin.Sa ilang saglit pa ay napapikit ako tsaka napatukod sa kulay puting pader. Muling sinakop ng luha ang mga mata ko kasabay nang paghahabol ko ng hininga.Wala na akong magagawa. “Nasaan siya? Please, sabihin mo na!" bulyaw ko nang makalabas sa fire exit. Nasapo ko ang dibdib at marahang napaliyad sa labis na pagkahingal.Wala na akong pakielam kung nakuha ko man ang atensyon ng iilan sa mga tao rito. Ang iba pa nga sa kanila ay pinagbubulungan ako ngunit hindi opinyon nila ang mahalaga para sa ‘kin.Walang mababasa sa reaksyon ng mukha nito na animo'y hindi niya inaasahan na susulpot na lang akong bigla sa harapan niya. “Maureen, pwede ba? Sabihin mo na kung nasaan, oh?" ani
Napakislot ako nang maramdaman ang katawang nakalapat sa isang malambot na higaan. Marahan kong itinungo ang palad sa gilid ko nang maramdaman ang malawak na espasyo atsaka hinimas-himas ang katabi ko.Napanatag ang loob ko nang mapagtantong mag-isa lang ako sa higaan. Napabuga ako nang hininga matapos ay paunti-unting itinaas ang mga talukap ng aking mga mata. Nakaramdam pa nga ako ng pagkirot mula sa aking noo.“Anong nangyari?" bulong ko. Awtomatikong nangunot ang noo ko nang pagmasdan ang buong lugar. Sinakop ng matapang na amoy ng lalaki ang loob ng aking ilong dahilan nang paglukot ng noo ko.“You've fainted." mababang tono nang pananalita ang naulinigan ko sa bandang kaliwa ng aking kinahihigaan dahilan para ibaling ko ang atensyon dito. “T-Teka, ‘yung tungkol sa investor? Nakausap mo na ba sila? Kung hindi mo kayang pakiusapan, ako ang iharap mo, gagawin k–" nagmistulang radyong namatay ang bibig ko nang bigla siyang nagsalita.“You have nothing to worry about it. Take more na
“Breathe in, breathe out." Ito ang mga litanyang tumatakbo sa isipan ko nang lagukin ang isang basong tubig. Namamawis ang mga palad kong nakaupo sa couch, pilit ko pa ring hinahabol ang hininga.“Manang, get rid of this!" Tinanggal ko ang pagkakasara sa mga nanginginig kong palad nang muling marinig ang tinig ni Sebastian. Alam kong bumubulusok na naman ang galit nito kung kaya't marahan akong kumuha ng bwelo para tumayo. “Sebastian," saad ko. Pilit kong pinakakalma ang sarili atsaka ito binkgyan ng ngiti. “Okay na ako, ‘wag ka nang magalit. Wala namang may kasalanan," dagdag ko pa atsaka lumapit dito. Blangko lamang ang mukha nitong nakatitig sa akin. Bahagya pa nga ang pagka-putla nito sa mukha. “Go to your room," walang ganang utos nito. Dumlim muli ang kaniyang paningin sa akin na nagdahilan nang pagkunot ng noo ko.“H-Huh? Akala ko ay may pupuntahan ta–"“Let's talk about it later." aniya atsaka tumalikod na animo'y wala ako sa harapan niya. Naiwan namang nakakunot ang noo
Iniangat ko ang katawan ko nang maalimpungatan sa araw. Gamit ang naipong lakas, sinubukan kong palagutukin ang mga buto ko sa braso. Kinuskos ko ang mga mabibigat na talukap ng mata gamit ang mga palad.Ibinaling ko ang paningin sa bintanang naiwan kong nakabukas at tumayo para pagpantayin ang kurtina. Ito ang pinanggagalingan ng sinag ng araw na dahilan kung bakit naliligo na sa pawis ang katawan ko.“Good that you're awake," Nakarinig ako nang malalim na boses sa likuran ko dahilan para mabigat akong bumuga ng hangin.Ibinagsak ko ang balikat at marahan itong nilingon. Iniipit ko ang buhok sa likod ng mga tenga nang makita ko itong prenteng nakaupo sa couch habang hawak-hawak ang dyaryo. Itinaas ko ang isang kilay nang kilatisin ang porma nito. Madilim na naman ang repleksyon ng mga nitong nakatitig sa akin ngunit imbes na pagkatakot ay pagiging sarkastiko ang bumalot sa aking sistema. Nilagpasan ko lamang ito at sinimulan na ang paglalakad sa kusina para magluto nang pagkain. Wal
“Oh, sorry!" Ibinaba ko ang paningin sa mga pinong buhangin nang makabalik sa sariling wisyo. Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko kung bakit ako tumulala sa kaniyang mukha.Tila napakaganda ng hulma ng kaniyang ilong. Ngayon pa lang ay nasisiguro kong nagmula siya sa magandang lahi.“Isabelle,” Humugot ako ng malalim na hininga nang lakasan ang loob upang titigan siya sa kaniyang mga mata. Awtomatikong bumukas ang maliit kong mga labi upang ngitian siya. “that's my name."" tapos ko sa usapan. Nakita ko naman siyang tumango ng mahinahon atsaka ibinalik ang paningin sa katawan. Sa takot na baka mahuli niya ulit ang pagnanakaw ko ng tingin ay ganoon din ang ginagawa ko. Mahina pa nga akong pumito upang subukang pagtakpan ang katahimikang bumabalot sa pagitan namin.“You. What's your name?” tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Pinakiliramdaman ko lang ang paglaban ng kaniyang mga talampakan sa agos ng tubig na tumama sa mga ito.“I'm Khael.” sagot niya. Sa boses pa lamang ay hal
“Bakit kailangan niyo naman siyang saktan? Hindi ba uso sa inyo ang salitang excuse me? Mga wala kayong modo!" ani ko, pilit kong ipinipiglas ang mga kamay sa mariing pagkakahawak ng isa sa mga ito sa kamay ko.Hindi naman ganito kanina, ang ayos nilang kausap. Mayroon lang naman itanong si Ken tapos sinuntok na kaagad nila? Ang akala ba nila ay masusuwag na ako sa ganoon?“Shut your mouth or I'll call Mr. Trevino regarding that man. Don't you know what you're doing, huh? You're in danger but, you just freaking went outside without his permission? Are you kidding me?" bulyaw nito dahilan para makaramdam ako ng pag-init ng punong tenga ko. Padabog akong tumayo sa kinauupuan para pantayan sila.Itinulak ko ito gamit ang iilang daliri ko dahilan para inboluntaryo itong umatras papalayo sa akin. “H'wag mo akong sigawan, pwede ba? Sino ka ba at ang yabang mo? Kung umasta ka, akala mo ka kung sino! Bakit pagmamay-ari mo ba ‘tong lugar?" singhal ko. Dinuduro ko pa ang mukha niya habang sinas