Share

Episode 31: Summertime

Iniangat ko ang katawan ko nang maalimpungatan sa araw. Gamit ang naipong lakas, sinubukan kong palagutukin ang mga buto ko sa braso. Kinuskos ko ang mga mabibigat na talukap ng mata gamit ang mga palad.

Ibinaling ko ang paningin sa bintanang naiwan kong nakabukas at tumayo para pagpantayin ang kurtina. Ito ang pinanggagalingan ng sinag ng araw na dahilan kung bakit naliligo na sa pawis ang katawan ko.

“Good that you're awake," Nakarinig ako nang malalim na boses sa likuran ko dahilan para mabigat akong bumuga ng hangin.

Ibinagsak ko ang balikat at marahan itong nilingon. Iniipit ko ang buhok sa likod ng mga tenga nang makita ko itong prenteng nakaupo sa couch habang hawak-hawak ang dyaryo.

Itinaas ko ang isang kilay nang kilatisin ang porma nito. Madilim na naman ang repleksyon ng mga nitong nakatitig sa akin ngunit imbes na pagkatakot ay pagiging sarkastiko ang bumalot sa aking sistema.

Nilagpasan ko lamang ito at sinimulan na ang paglalakad sa kusina para magluto nang pagkain. Wal
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status