Share

Episode 8: Bound

Malalim akong humugot ng hingin nang dumampi ang mga palad sa seradura ng pintuan. Nagdalawang-isip pa nga ako bago ko marahang binuksan iyon.

Dumadagundong ang dibdib ko nang makitang walang tao sa loob ng silid. Marahan akong naglakad patungo sa couch at naupo na animo'y mayroong mababasag kung bibiglain ko ang kilos.

Kinuskos ko ang mabibigat na talukap ng mga mata. Kulang na kulang ako sa tulog. Hindi ako pinatulog ng konsensiya ko kagabi.

Takip ang bibig, marahan kong ibinuka ang bibig para humikab atsaka marahang iginala ang paningin sa bawat sulok ng silid.

May kalakihan din ito kumpara doon sa kwartong tinulugan ko kagabi. Mayroong mga bookshelves ang nakapaikot sa kwartong ito dahilan para magmukha itong libraryo.

Dumikit ang paningin ko sa desk nang balingan ko ito ng atensyon. Mayroong mga papel na nakapatong sa ibabaw noon dahilan para magtaka ako.

Siya ngang napakadami ng trabahong ginagawa nito. Hindi na rin nakapagtataka kung bakit siya ang kinikilalang pinakabatang bi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status