Share

Episode 7: Dilemma

Iginala ko ang paningin nang magkaroon ng lakas ng loob para harapin ang reyalidad. Alam kong walang magagawa ang pagdukdok ko rito. Sa puntong ito, kailangan kong magpanggap na matapang.

Nakaharap ako sa isang malaking telebisyon na sapat na ang laki para makita ko ang repleksyon ng buong katawan. Mayroong itim na chandelier ang nakasabit sa gitna ng kwarto. Mahina lamang ang sinag ito, komportable ito sa aking paningin.

Umalalay ako sa lamesa para makatayo.

Tumingkayad pa ako para lamang makalakad.

“Kailangan kong makatakas," saad ko sa isipan.

Ito lamang ang litanyang tumatakbo sa aking isipan.

Wala akong ibang paraang maisip kundi ang humanap ng paraan para makalabas sa silid na ito.

Naiwan ko nga pala ang telepono ko. Malas!

Ipinag-krus ko ang braso nang makaramdam ng lamig. Nababalot ako ng takot na unti-unting lumalamon sa sistema ko.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng lalaking iyon. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na magagawa niya iyon sa akin, na may itinatago itong p
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status