Nakasunod lang si Isabella sa likod ni Sebastian habang naglalakad sila papasok ng opisina. Tahimik lang siya and trying to ignore the weird flutter sa dibdib niya.
Wala naman talagang kakaiba… except sa paraan ng pagharap sa kanya ni Sebastian kahapon. Binuksan niya ang glass door leading to the executive suite. Automatic swipe card. Isa lang sa buong 31st floor ang may ganun kundi siya lang, bukod kay boss. “Good morning po, sir,” bati niya nang maayos. “Good morning,” he replied, at hindi man lang lumingon. Pero bago tuluyang dumiretso sa loob ng office niya, narinig niya ito: “Your coffee. I’ll wait.” Napalingon siya. “H-ha? Sir?” tanong niya, confused. “Let me know once it’s ready,” mahinang sabi ni Sebastian, habang binubuksan na ang pinto ng opisina niya. Hindi niya talaga gets si boss minsan. Ang aga pa pero naguguluhan na siya agad sa sinasabi nito. Sa pantry, abala si Isabella sa paggawa ng usual order ni Sebastian: Americano, no sugar. Ayaw nito ng matamis, di tulad niya. Pag nalilibre niya minsan ang sarili niya, caramel macchiato all the way. Basta may sobra sa sahod hahaha. Kinuha niya ang mug na may minimalist na initials: “S.H.” Regal-looking. Mahal, for sure. Habang umaandar ang coffee machine, bumukas ang pinto sa pantry. She turned around—expecting a staff. But no. It was Sebastian. Nakasuot pa rin ito ng suit jacket, pero parang mas relaxed na ang aura. Nakapamulsa. Tumigil siya sa may gilid, tahimik. “Uhm… I was about to bring this to your office, sir,” sabi ni Isabella, trying to hide her slight panic. Hindi naman talaga laging bumababa si boss sa pantry. “Thought I’d wait here.” Napatingin siya sa kanya. “Dito po talaga?” Sebastian only gave her a half-smile. “Mas tahimik dito.” Sagot nito. Well, totoo naman yon dahil Executive Pantry ito. Mas private at exclusive lang syempre for CEO, VP, or board members lang. Syempre as EA, may access rin ako rito. Then, for the first time, she noticed, tinitigan siya nito habang nagmi-mix siya ng kape. Di halata sa tono, pero parang nagso-soft yung mata nito pag siya ang kausap. Tahimik. Kinuha ni Sebastian ang mug mula sa kamay niya. Nadikit ng bahagya ang daliri nito sa kanya. Electric. Subtle. Pero ramdam. “Thanks,” aniya. Then lumingon ito. “Don’t forget to eat.” Nag-blink si Isabella. “Po?” “You skipped breakfast again.” Pause. “I noticed.” She wanted to ask how. Pero parang mas napatulala lang siya habang papaalis si boss, hawak ang kape na siya ang gumawa. May sarili itong coffee machine sa loob ng office niya pero palagi pa rin siya ang pinapagawa. Weird. No… specific. 12:33 PM. Lunch break na ng karamihan, pero hindi pa rin bumababa si Isabella. Naka-sandwich lang siya sa drawer, planong kainin later. Ayaw niyang iwan si boss na walang bantay sa floor, kahit na technically hindi siya required. Nagulat siya nang may kumatok sa desk niya. Si Elle. “Hi, ate! Can I leave this po sa table ni Sir Sebastian? Nasa baba pa po ata kayo di ba kanina?” ngumiti ito sweetly, hawak ang ilang documents. Napatingin ako sa kanya. Napatingin ako sa kanya. ‘Wow ate? Intern ka lang ah. EA lang naman ako ng boss. Hindi naman sa pagmamataas, pero respeto lang sana.’ sabi ko sa isip ko habang pinipigilan ang kilay kong tumaas “Ah, actually, andito siya. Meeting was canceled,” sagot ko, tinatanggap ang files. “Ako na bahala.” Tumango si Elle, pero napansin niya na parang may tinatago ito sa likod. Pasimpleng nagtulak si Elle ng isang paper bag papunta sa mesa. “Pasabay na lang po ito kay Sir. Lunch po hehe. Favorite daw niya.” What the— “Galing po sa friend kong chef,” dagdag pa nito with a proud grin. “Wag mo na pong sabihin na ako nagbigay ha. Surprise sana!” “Sure,” tipid na sagot ni Isabella. Nagpipigil lang siya ng inis. Pagkaalis ni Elle, tiningnan niya ang paper bag. Expensive Japanese resto. Tuna tataki. May personalized note pa: To Mr. Hale — hope you like it! :) Ang kapal. Gusto niyang matawa. Gusto rin niyang… hindi maapektuhan. Pero kumirot ang puso niya. Huminga siya nang malalim, kumatok sa pinto ni Sebastian, then pumasok. “Sir, here are the files for signature. Also, someone left you lunch po.” “Someone?” tanong nito habang bahagyang nagtataas ng kilay “Si… intern Elle po. She said it’s a surprise,” pilit niyang ginawang casual ang tono. Tahimik lang si Sebastian. Tiningnan lang ang bag. Hindi man lang kinuha. “She shouldn’t be sending food to her superior. That’s not appropriate.” Nagulat siya sa bluntness nito. “Should I… return it po?” “Throw it.” Napatingin siya. “Po?” sayang naman. “Throw it out,” ulit ni Sebastian, seryoso ang tingin. “I don’t take food from people I don’t trust.” Parang may meaning yung huling sinabi. I don’t trust. People. Except you? Hindi na siya nagtanong. Pero bago siya lumabas, tinawag siya nito muli. “Isabella.” “Yes, sir?” “Did you eat na?” Biglang bigat ng boses nito. Hindi utos. Concern. “Later po, may tinatapos lang po.” sabi niya, medyo nahihiya. Sebastian looked at her for a moment. Tumayo ito. Lumapit. Kinuha ang phone. “I’m ordering for two. Sit here.” Napako si Isabella sa kinatatayuan niya. “H-huh?” “Lunch is on me,” aniya, kalmado. “I don’t want my EA fainting sa hapon.” Sa unang beses sa isang taon na trabaho niya bilang Executive Assistant, doon lang siya inutusan ni Sebastian na umupo sa tapat niya, at kakain pa.Isabella’s POVMedyo mabigat ang talukap ng mata ko nang magising. Ramdam ko pa ang kabigatan ng iyak kagabi, pero habang unti-unti kong binubuksan ang mata, isang ngiti ang sumagi sa labi ko—naalala ko kung paano ako pinakalma ni Sebastian kagabi.“Why are you smiling?”Napagitla ako. Napaupo ako sa kama at doon ko siya nakita—si Sebastian, nakahiga sa maliit na sofa sa kwarto ko. Maliit para sa kanya, at halatang nakatulog siya roon. Napangiti lang siya nang bahagya, parang alam niya ang iniisip ko.“S-Sebastian… good morning,” mautal ko, sabay takip ng mukha ko.“Good morning, Isa.” Umupo siya saglit sa sofa at nagbigay ng maikling ngiti bago lumabas ng kwarto.Tahimik akong tumingin sa kanya habang lumalakad palabas.Paano siya nakatulog doon sa sofa? Ang laking tao niya para sa maliit na sofa na yun. Napangiti ako muli, may halong hiya at pagkabigla.Pagkatapos ko ring ayusin ang sarili, lumabas ako ng kwarto at
Isabella’s POVDahan-dahang bumukas ang pinto, at sa bawat paggalaw ng door knob ay lalo akong kinabahan. Pinunasan ko agad ang pisngi ko, pero alam kong huli na. Hindi ko kayang itago ang bakas ng pag-iyak, lalo na sa isang taong mabilis makabasa ng tao—si Sebastian.Narinig ko ang maingat niyang mga hakbang papasok. Mabigat ang presensya niya kahit wala siyang sinasabi. Hindi ko siya nakikita dahil nakatalikod ako, hindi pa nga ako nakakaupo, pero ramdam ko ang malamig at sabay mainit na aura niya habang papalapit. Hindi na kailangan ng salita para magpaliwanag; alam kong alam na niya.“Isa.” Mahina lang, pero diretso ang boses niya.“You’ve been crying… Don’t even try to deny it.”Napapikit ako. Parang gusto kong magtago sa kumot at magkunwaring tulog. Pero alam kong hindi iyon uubra. Kilala niya ako—at higit sa lahat, hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha ang sagot na gusto niya.“I’m fine,” mahina kong sabi, pilit ang b
Isabella’s POVPagkatapos kong mabasa ang text ni Adrian, para akong binuhusan ng malamig na tubig. Pinilit kong i-off ang phone, ayokong tanggapin na muling pumasok siya sa mundo ko. Pero kahit nakapatay na iyon, hindi mawala ang bigat sa dibdib ko.Kailangan kong mag-distract. Kaya dumiretso ako sa kusina, kung saan naamoy ko ang niluluto ni Sebastian.Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng stove, naka-roll up ang sleeves habang iniikot ang sauce sa pan. Ang composed niya pa rin kahit naka-apron lang. Parang siya yung tipong hindi mo aakalain na marunong magluto, pero eto siya—at ang ganda niyang tingnan.“Need help?” tanong ko, pilit na pinapakalma ang sarili.Tumingin siya saglit, para bang sinusuri ang bawat galaw ko. “You can chop those vegetables,” sagot niya, sabay abot ng cutting board.Kinuha ko iyon at nagsimulang maghiwa. For a moment, tahimik lang kami. Pero ramdam ko yung mga sulyap niya paminsan-minsan, parang may k
ISABELLA’S POVTahimik ang kotse habang nagmamaneho si Sebastian papuntang grocery.Nakatingin lang ako sa labas ng bintana, sinusubukang huwag masyadong isipin ang nangyari kanina—ang biglaang pagkikita namin ni Adrian sa tulay at yung kaba na tumama sa dibdib ko.Alam kong naman na hindi na pagmamahal ang nararamdaman ko—hindi na, pero masakit pa rin maalala ang sugat na iniwan niya noon.Bakit ba siya nandito sa Tagaytay? Alam ko na. Mapakla akong ngumiti.Napansin kong tahimik si Sebastian sa tabi ko.“Isa…” mahina niyang tinawag, hawak pa rin ang manibela. Bahagyang lumingon sa akin.“Are you okay? May problema ba?”Napatingin ako sa kanya at pilit ngumiti.“Ah… wala naman. Bakit po?”Hindi siya agad nagsalita, pero ramdam ko, parang sinusuri niya bawat galaw ko. Bahagya lang siyang tumingin sa akin, sa mga kamay ko at pagkatapos sa aking mukha.“Hmm… just checking. You seem a bit… distracted.”
SIGHTSEEINGISABELLA’S POVHapon na nang lumabas kami ni Sebastian mula sa rest house. Malamig na ang simoy ng hangin, at ang langit ay kulay kahel na, parang pinipinta ng araw habang dahan-dahang lumulubog. Napagdesisyunan kasi niya na lumabas kami.“You need fresh air,” sabi niya, sabay abot ng jacket sa akin. “And maybe some calories after all the sinigang I fed you.”Napatawa ako sa sinabi niya. “Okay po, sir… I mean, Sebastian.” Naagapan ko pa ang hiya sa dulo.Tinignan lang niya ako, at sa gilid ng kanyang labi ay may bahagyang ngiti—bihirang-bihira na talaga sa dating siya.Habang naglalakad kami papunta sa parke, ramdam ko ang lamig na dumadampi sa pisngi ko at ang amoy ng damo’t bulaklak na sumasabay sa hangin.Ang paligid ay puno ng mga magkasintahang nagpi-picture, mga pamilya na namamasyal, at mga batang tumatakbo’t humahabol ng mga lobo.Sa gitna ng lahat ng iyon, naramdaman kong kakaiba ang katahimikan
ARRIVALISABELLA’S POVPagkarating namin sa rest house sa Tagaytay, halos hindi ko alam kung saan ako titingin. Malawak ang paligid, napapalibutan ng luntiang damo at matatayog na puno, at may malamig na simoy ng hangin na agad nagpa-relax sa akin. May mga bulaklak sa gilid ng pathway at isang modernong bahay na kulay puti, may malalaking bintanang salamin na kumikislap sa liwanag ng araw. Sa di kalayuan, tanaw naman ang mga ulap na dumadampi sa mga bundok at ang Taal Lake na kumikislap sa araw—parang nasa ibang mundo kumpara sa gulo ng siyudad.“Wow…” mahina kong salita habang bumababa ako ng sasakyan. Hindi ko mapigilang ngumiti. “Napaka-ganda naman dito.”Bahagya siyang ngumiti, tipid lang iyon pero sapat para bumilis ang tibok ng puso ko.“Good. At least you’ll have no excuse not to rest.”“Pero… sobra namang effort po nito,” pigil-kilig kong sagot. “Hindi mo na sana kailangan pang—”“I told you,” malamig ngunit maba