Late na siyang nakalabas ng opisina. Wala sa plano ni Isabella ang mag-overtime, pero hindi rin niya matanggihan ang last-minute na pinapa-check ni Sir Sebastian. May confidential email kasi mula sa Legal na kailangan daw niyang i-print, i-seal, at i-hand carry mismo bukas sa BGC branch ng Donovan Group.
Pagsilip niya sa relo, 8:42 PM na. Normally, umuuwi na siya by 6:30 PM. Pero dahil may board meeting si Sir Sebastian kanina, hindi rin siya agad pinatawag. And as always, di mo rin siya basta-basta malalapitan unless ikaw ang tinawag. Pagkatapos ng tasks niya, nagligpit siya ng gamit. Tahimik ang paligid. Paunti-unti na lang ang tao sa 31st floor. Yung ibang lights patay na. Pero ang ilaw sa office ni Sebastian, bukas pa rin. As usual. Naglakad siya papuntang elevator, dala ang bag at folder. Hawak na niya ang ID niya sa kamay, ready na i-tap pagpasok ng elevator. Pero bago pa siya makalapit, ding —bumukas ang pinto. At sa loob, nandoon si Sebastian. Siya lang mag-isa. Mukhang kagagaling lang sa 40th floor—private boardroom nila. Tinignan siya saglit, yung tipong mabagal na tingin mula ulo hanggang paa. “Going down?” tanong niya, low ang boses. “Y-Yes po, sir,” sagot ni Isabella, at agad na pumasok. Tahimik ang loob ng elevator at wala ni isa sa kanila ang nagsasalita. Napansin niyang hindi business suit ang suot nito ngayon dahil naka-unbuttoned shirt lang na puti at sleeves rolled up, revealing those veiny arms na laging napapansin ng mga taga-Marketing. Si Isabella, on the other hand, naka-long sleeves pa rin at formal slacks. Halatang hindi sanay mag-relax kahit late na. Pagkapasok niya, sinundan siya ng tingin ni Sebastian. Pero hindi siya nagsalita. Pinasadahan lang ng tingin ang folder sa kamay niya. “Still working on the Donovan file?” tanong nito, casual pero may hint ng pag-aalala. “Ahm.. yes, sir. I just finished reviewing the final page. For your signature tomorrow.” “Hmm.” Tahimik ulit. Five seconds. Ten. Twenty. Isabella cleared her throat. “Sir, if ever po you need me to come earlier tomorrow for the meeting—” “No,” putol niya, diretso ang tono. “You’re always here early. That’s more than enough.” Napatingin siya kay Sebastian. Para bang may kung anong bigat sa tono nito, pero hindi niya matukoy. “Okay po,” mahinang sagot niya. Pagbukas ng elevator sa 12th floor, sabay silang tumingin sa isang papasok. Isang babae. Bata pa siguro, mga 19, petite, naka-sleeveless satin blouse, high heels. Obvious na hindi pang-corporate ang outfit, pero may company ID—naka-intern badge. “Oh,” ani ng babae, kunwari ay gulat. “Good evening, Sir Sebastian. I didn’t know you were still in the building po.” He didn’t respond. Just a nod. Walang expression. Napatingin ang babae kay Isabella, sabay smirk. “Hi po, ma’am. Ang sipag niyo po talaga. Overtime again?” Isabella just smiled politely. “Yes.” Tipid kong sagot. Tumingin ulit ang Intern sa CEO. “Sir, I’m Elle. New intern under Corporate Affairs. Maybe I’ll see you again?” Still no reaction from Sebastian. Pero bigla nitong ini-adjust ang sarili niya na parang biglang naging aware sa distansya ni Isabella sa kanya. Napansin iyon ng babae. Tahimik ulit. Bumukas ang elevator sa ground floor. Unang lumabas si Elle, lakas pa ng pabango ng batang ‘to. Pagkaalis niya, saka lang nagsalita si Sebastian, mababa ang boses. “Stay away from her.” Napalingon si Isabella, at gulat. “Po?” He looked down at her. Calm pa rin, pero may kakaibang tigas ang tingin. “Yung intern. She’s not your type of crowd.” She blinked. “Hindi ko naman po siya nakakausap sir, ngayon lang po.” “Good.” Tahimik ulit sila habang lumalakad sila palabas ng lobby. Sa labas ng building, malamig ang hangin. Dahan-dahan ang lakad ni Isabella habang inaayos ang phone sa bag. Maglalakad lang siya papuntang sakayan ng bus na hanggang Guadalupe station, gaya ng normal niyang routine. Pero bago pa siya makatapak sa unang hakbang palabas ng building, narinig niya ulit ang boses nito. “Isabella.” Lumingon siya. Nakatayo pa rin si Sebastian sa may entrance, isang kamay sa bulsa. “Yes po?” sagot niya. “Text me when you get home.” Natigilan siya. “Po?” ulit pa ni Isabella. “Just text me. When you arrive. That’s all.” Hindi siya agad nakasagot. Gusto niyang magtanong kung bakit, pero wala siyang sapat na tapang o karapatan para kwestyunin ang isang Sebastian Hale. “O-Okay, sir.” Tumango ito. “Ingat.” Tapos tumalikod na at nag iba ng direksyon. Naiwan si Isabella na parang may pwersang hindi niya maintindihan sa dibdib. Ang lamig ng gabi… pero parang mas mainit ang pisngi niya ngayon.Hindi ako sanay sa ganito.Hindi ako sanay sa ganitong vibe ni sir, sa ganitong atensyon na binibigay niya.Si Sir Sebastian Hale na kilala ko mula nang nalagay ako bilang EA eh laging seryoso, tahimik, at parang trabaho lang ang nasa isip. Pero nitong mga nakaraang araw, may nagbago sa pagitan namin, sa kung paano siya bilang boss ko.Hindi naman halata sa boses niya kasi parang cold pa rin, pero napapansin ko sa mga tingin niya, sa presensya niya, at sa mga sticky note na iniiwan niya sa desk ko. Hindi ko alam kung dapat ko bang pansinin, bigyan ng meaning o huwag na lang. Empleyado lang naman ako, di ba?Biyernes ng hapon, malapit nang mag-out ang karamihan pero ako, as usual, may tinatapos pa ring revision sa presentation para sa Monday. Nasa desk ako sa labas ng opisina ni Sir Sebastian, dito sa executive suite. Tahimik, malamig ang aircon, at halos wala kang maririnig kundi tik-tak ng keyboard. Ang executive floor kasi puro mataas na posisyon ang
“May time ka ba after shift?”Natauhan lang si Isabella nang marinig ang tanong at mapansin si Sebastian sa harap ng desk niya. Kakalabas lang nila sa last meeting ngayong araw, at habang abala siyang inaayos ang mga files, bigla itong huminto sa harap niya.“Ah… sir? Depende po… bakit po?” sagot niya, medyo nagulat at nag-aalangan.Ngumiti si Sebastian, maliit pero ramdam niya. “Gusto lang kitang ilibre ng dinner. Nothing formal. Wala lang, gusto ko lang ayain ka.”“Okay po…” mabilis niyang sagot. Napakunot ang noo niya sa sarili—bakit parang ang bilis niyang pumayag?“I’ll wait sa lobby,” sabi ni Sebastian bago lumakad palayo, dala ang coat at tablet niya.Wala pang thirty minutes, bumaba na si Isabella sa lobby. Mabuti na lang at laging corporate ang suot niya sa trabaho. Kahit saan pa siya dalhin, hindi siya maiilang. Nakita agad siya ni Sebastian. Gaya niya, naka-office attire pa rin ito, pero mas relaxed ang itsura.
Tatlong araw na ang lumipas mula nang makausap ni Isabella si Atty. Ramirez. Wala pa ring malinaw na update mula sa presinto, pero at least ngayon, alam na nila kung anu-ano ang mga dokumentong kailangan. Unti-unti, kahit papaano, parang may direksyon na sa gitna ng madilim na phase ng buhay nila.Sa office, balik na rin siya sa usual routine like meetings, emails, revisions, schedules. Pero iba na siya ngayon. Hindi na siya yung dating tahimik lang sa isang sulok, o takot na makialam. May lakas na siyang natutunang ilabas, kahit minsan nanginginig pa rin ang tuhod niya“Miss Isabella, nga po pala, napadaan lang po ako to let you know. Updated na po yung logistics report,” sabi ng junior staff habang papalapit sandali sa desk niya. “Na-double check na rin po namin yung figures, and naka-upload na po siya sa shared folder.”“Great, paki-email na lang po sa akin before 3.”Nginitian lang ako ng staff tsaka umalis.Nagtuloy ang araw na parang normal l
Bago pa mag-alas-nwebe, nasa opisina na si Isabella. Maaga siyang pumasok, hindi para magpabibo, kundi para makaiwas muna sa mga tanong ng mga ka-opisina.Mas madali kasing huminga kapag wala pang masyadong tao, wala pang gaano tanong, at wala pang pakiramdam na kailangan mong ngumiti sa kanila kahit gusto mo nang umiyak.Nasa gilid pa rin ng monitor niya ang maliit na Post-it ni Sebastian. Hindi niya pa rin tinatanggal. Sa dami ng gumuguho sa paligid niya, isang simpleng sulat-kamay lang ang nagbibigay ng paalala sa kanya. May isang taong tahimik na alam niyang nasa tabi lang niya.Eksaktong alas-diyes, dumaan si Sebastian. Saglit ito na huminto sa tapat ng desk niya.“Isabella,” tawag nito.Napalingon siya. “Sir? Yes po?”“I had Legal arrange something. Atty. Ramirez, from our external counsel. Free consult. She’ll be at the café in the lobby at 12:30. You can take your lunch break early.”Napatingin siya sa boss niya, at h
Four days.Isabella counted them again as she stood inside the elevator of Hale & Co. Enterprises.Apat na araw mula nang nag-leave siya, apat na araw ng walang maayos na tulog, walang kapayapaan, at walang sagot.Tuloy-tuloy ang biyahe nila sa presinto, barangay, at halos lahat ng posibleng pwedeng lapitan, pero wala pa ring malinaw na direksyon.Probation. Plea bargaining. Yan lang ang mga salitang paulit-ulit na binabanggit ng mga pulis. Wala pa ring abogado. Basta alam namin Sec5 ang sinampa, hindi pa rin namin makuha ang police report kasi wala pa kami abogado. She felt like she was living in a dream where everything was moving too fast, too suddenly, and too cruelly.Ding!Bumukas ang pinto ng elevator.Nasa executive floor na siya.Tila wala namang nagbago.Parehong sahig, parehong katahimikan, parehong puting ilaw na masyadong maliwanag para sa mata. Ilang staff ang bumati sa kanya nang may pag-aalangan—n
Isabella stared blankly at the white ceiling of her room, the silence only interrupted by the hum of the electric fan. Nakauwi na sila from Bulacan and tumuloy pa rin siya sa tinitirahan niya rito sa Guadalupe. Kahit anong pilit niyang ipikit ang mga mata, lagi at laging bumabalik ang imahe ni Aidan na pawisan, payat, nakaupo sa gilid doon sa loob ng selda.Wala man itong sinabi, pero alam niya. Aidan had given up.Hindi niya rin masisisi.Section 5. 1.5 grams. ₱500 marked money. Non-bailable.Buy-bust.No amount of comforting words could erase what happened. At mas lalo siyang nasasaktan dahil hindi nila agad nalaman. Hindi agad sinabi ng kumpanya. Ni walang security report. Dapat nag-skip tracing pa si Ate Reina at Ate Michelle para lang matunton si Aidan. Paano na lang pala kung nalang nila na wala na itong buhay? Nakakapanggigil.She bit her lip. Galit. Lungkot. Pagod. Guilt. Lahat ng damdamin, sabay-sabay na bumibigat sa dibdib n