LOGINCHAPTER 99"Hindi ba talaga natin ipapaalam sa mga magulang mo?" paulit-ulit na tanong ko kay Sebastian. Hindi pa rin ako mapakali kapag hindi namin ipapaalam kay Tita Rizza."We are going to inform them after our wedding. Sa church wedding na natin sila isasama," wika ni Sebastian sa akin.Nandito na kami sa munisipyo at hinihintay na lang namin si Mayor. Tatlo ang witness namin ngayon. Si Lawrence, Jean, at ang isa pa nilang kaibigan na si Enzo. 'Yong lalaking kasama rin ni Sebastian sa bar, kulot ang buhok niya.Mabilis lang ang naging seremonyas. Nakahawak lang ang kamay naming dalawa ni Sebastian habang nakikinig kami sa kanila. Naging photographer namin si Lawrence. "You may now kiss the bride!" Kahit tatlo lang ang mga naging audience namin ay pakiramdam ko ang dami naming kasama dahil sa sobrang ingay ni Lawrence at Enzo."Woooh! Teka lang! Kukuha muna ako ng magandang anggulo. Wait lang," Lumipat ng pwesto si Lawrence para maging maganda ang kuha niya.Bukod sa palakpak n
CHAPTER 98“Hoy! Nagbibiro lang naman ako! Masyado ka namang seryoso d'yan!” kinakabahang sabi ko sa kanya dahil hindi nagbibiro ang mukha niya."I am serious. Sa munisipyo muna tayo magpakasal tapos sa susunod na sa simbahan,"Ako naman ngayon ang nabilaukan sa sinabi niya. Tang ina? Seryoso siyang magpapakasal kaming dalawa?"Hindi pa tayo handa! Wala akong damit. Wala ka ring damit. May mga papel pa na kailangang ayusin. Kahit mga singsing wala tayo," "May kakilala akong attorney siya na ang bahala sa mga papel natin. I already have white long sleeve. Bumili na lang tayo ng puting damit para sa 'yo,"Napainom ako ng tubig ng wala sa oras. Ginawa niyang biro ang pagpapakasal. "We're gonna do the civil wedding first. Then sa susunod na tayo magpakasal sa simbahan,""I'm gonna call Lawrence. Witness natin siya. You should cal Jean too," wika niya bago kinuha ang kanyang cellphone. Nalaglag na lang ang aking panga at hindi ako makapaniwala sa aking mga naririnig. Ano 'to? Magpapaka
CHAPTER 97Tatlong buwan ang nakalipas…“Baby, do you want us to have our own house?” tanong ni Sebastian sa akin habang kumakain kaming dalawa. “Ha? Ayaw mo na ba dito sa condo mo?” nagtatakang tanong ko.“It’s okay for me. Pero ikaw... baka gusto mo ng bahay. Mabibigyan naman kita kung gusto mo,” “Tsaka na kapag nakapag-ipon na tayong dalawa,” sabi ko. Babalik na rin kasi ako sa aking pag-aaral sa susunod na mga buwan. May ipon naman ako pero hindi pa ‘to kasya para makapagpatayo kami ng bahay ni Sebastian. Ngayon nga ay pera ko na ang aking ginagamit para sa aming grocery dito sa bahay. Araw-araw akong may mga order at hindi nga ako nababakante. Sinusulit ko na ang mga araw na wala pa akong pasok kaya tinatanggap ko ang mga orders sa abot ng aking makakaya. Ngayon lang namin nabuksan ang tungkol sa pagkakaroon ng bahay. Kahit ‘yong sala niya ay minsan hindi na madaanan dahil sa dami ng mga bulaklak na nakalagay. Ang mga gamit ko rin ay sa sala lang nakalagay. “Tsaka na natin p
CHAPTER 96"Hello, Tita! Kumusta po kayo?" Lumapit agad ako kay Tita upang yumakap. Ganoon din ang aking ginawa kay Tito Dwayne."Nandito na pala kayo. Nakapag deliver na ba kayo ng mga bulaklak?" tanong ni Tita sa akin.Nakita kong naghihiwa siya ng baboy kaya kumuha agad ako ng kutsilyo para tulungan siya. "Tapos na po, Tita. Buti nga po at maagang na pick up lahat ng mga bulaklak kaya nakapunta agad kami rito," "'Yong mga cake ko nga ay sold-out na agad kaninang tanghali pa lang. Kapag may mga even ay sobrang busy ng negosyo natin. Doon kasi tayo bumabawi," "Oo nga po, Tita. Ilang araw po akong puyat dahil sa dami ng mga orders,"Inangat ni Tita ang kanyang tingin upang tingnan si Sebastian. "Hindi mo ba tinutulungan si Maria, Sebastian?" tanong niya sa kanyang anak."Tumutulong po siya, Tita. Naturuan ko po at mabilis lang pong matuto kaya tumutulong na rin po siya," Kumindat si Sebastian sa kanyang ina kaya natawa ako."Buti naman,""We're just going to talk outside. Sabi
CHAPTER 95Tahimik akong umalis sa kanilang pwesto. Iniwan ko silang pinagkakaguluhan ng mga tao. May bibilhin pa sana ako pero mas pinili ko na lang ang bumalik sa aming condo. Dumadami na ang mga taong nandito ngayon. Wala akong alam kung paano pa sila makakalabas doon sa mga tao. Pagpasok ko sa loob ng condo ay tumunog agad ang aking cellphone. Nabasa kong si Sebastian ang tumatawag."Where are you? Nasa baba raw ang Tita mo? Are you okay? Please, don't go out, baby..." Nag-aalalang sabi niya.Pumunta ako sa kusina upang kumuha ng baso. Iinom na lang ako ng tubig. Hindi na lang sana ako bumaba at umorder na lang ng pagkain."Nasa labas ako kanina dahil may bibilhin ako. Nakita ko sina Tita at nagkasagutan kami kasama ang mga anak niya,""Wait for me. Uuwi ako,""'Wag na. Wala namang nangyari. Ayos lang ako. Nandito na ako sa condo mo. Hindi naman nila ako masasaktan dahil maraming tao sa paligid. Paano mo pala nalaman?" Pagkatapos kong kumuha ng tubig ay bumalik ako sa sala. "I
CHAPTER 94“Wala akong kasalanan sa inyo! Kayo ang sumira sa mga buhay na meron kayo. Kagagawan niyo ang lahat kaya panagutan niyo 'yan,”Hindi naman ako natatakot kung may gawin sila sa akin ngayon. Maraming tao sa paligid at pwede akong sumigaw ano mang oras. Kilala rin naman sila ng mga tao kaya mayroong takip ang mga mukha nila.“Kunan mo na kami ng ticket! Ito na lang ang magiging kabayaran ng mga kasalanan mo sa pamilya namin! Aalis kami at pupunta ng ibang bansa!” Plano pa nilang tumakas? Hindi sila pwedeng umalis. Magdudusa sila. Araw-araw na ipapaalala ng mga tao ang kasamaan ng pamilya niya. Pagbabayaran nila ang kanilang mga kasalanan. Alam kong hindi sila makukulong. Pero habang nabubuhay sila sa mundong ibabaw ay hindi sila makakaramdam ng kapayapaan. “Wala akong pera para ipambili ng mga ticket n’yong tatlo. Mahirap lang ako kaya ano ang gagamitin kong pera? Marami kayong pera, ‘di ba? Bakit hindi ‘yon ang gamitin n’yo? Hindi matanggal ang ngiti sa aking labi para ma
CHAPTER 1 “Rizza! Wala bang kanin dito?”Nagising ako dahil sa malakas na kalabog na aking narinig. Kahit antok na antok pa ako ay sapilitan akong bumangon upang silipin kung ano ‘yon.Humihikab pa ako habang palabas ako ng aking kwarto. Kakauwi ko lang galing sa aking trabaho at hindi pa ako naka
CHAPTER 5 Hinatid ako ni Ninong sa labas ng bahay namin. “Salamat sa paghahatid, Ninong. Kailan po ang simula ng trabaho ko?” tanong ko sa kanya habang tinatanggal ang seatbelt na nakakabit sa aking katawan. Tumikhim ito bago pinasok ang isang kamay sa loob ng bulsa niya. Nilabas niya ang kanyan
CHAPTER 4“What are you saying? I'll just take you home,” sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.Nakahinga ako ng maluwag nang marinig ang sinabi niya. Jusko, akala ko ngayong gabi na ako mawawasak. Ihahatid lang naman pala ako sa bahay. Nakakahiya tuloy ‘yong pinagsasabi ko sa kanya! Baka isipin n
CHAPTER 2Mabilis akong lumapit sa kanya upang pigilan siya sa pagsuntok sa matanda. Nakahandusay na ito sa sahig at sunod-sunod niyang sinuntok ang mukha.“Ninong, tama na ‘yan! Ninong Dwayne!” sigaw ko. Hinawakan ko ang balikat niya upang ilayo siya doon sa matanda na naliligo na sa sarili niya







