로그인Bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Yamraiha at tahimik na nagmumura habang humahagibis sa highway ang sinasakyang motorsiklo.Samantala, natanggap ni Alexial ang tawag mula sa pinakamalapit na hospital. Isinugod doon si Julie matapos itong matagpuan ng isang concern citizen na nasa tabi ng daan at nahihirapang huminga.Pagdating niya roon ay nakalabas na ng emergency room ang dalaga at nilipat sa pribadong kwarto. Hindi niya ugaling humingi ng paliwanag pero sa pagkakataong iyon ay naging aburido siya. Gusto niyang malaman kung anong ginagawa nito sa kalye sa labas ng madaling araw? Hindi nagpaalam sa kanya at klaro na tumakas."Nagpapakamatay ka ba? Sabihin mo lang at nang hindi na masayang ang panahon ko sa pagbabantay at pag-aalaga sa iyo." Hindi niya itinago ang galit.Ngunit idinaan siya nito sa matamis na ngiti. "Don't worry, I'm fine." Hinawakan nito ang kanyang kamay."No, you're not getting away with this by saying that, Julie Martinez. Kargo kita. Kung may nangyari sa iyo ac
Tulog pa si Alexial nang umalis si Julie sakay ng motorbike niya at binagtas ang tahimik na kalye patungo sa lighthouse na kanyang takbuhan tuwing mabigat ang kanyang loob. Alam niyang walang maitutulong ang pag-iyak, bagkus ay dagdag lamang sa kirot ng kanyang puso. Ngunit kung hindi rin niya papakawalan ang mga luha'y baka iyon pa ang magiging mitsa ng maaga niyang kamatayan.Nakapagpasya na siya. Magpapa-opera siya. Kailangan niyang maging malakas para magkaroon ng sapat na tibay na ipaglaban ang nararamdaman niyang pagmamahal kay Alexial Andromida. Bago umalis kanina ay binisita niya ang internet at nagresearch tungkol sa binata. He had a low profile despite his impressive achievements. He's a corporate lawyer but also capable of handling criminal cases and he is unbeatable inside the court.Walang naitalang girlfriend kahit isa. Ngunit may regular na babae itong dinadalaw kada buwan. Si Oshema Yzabella Monte-Aragon. Asawa ng isang kilalang business tiger ng bansa. Ang chairman ng
RIO GRANDE JUVENILE PRISONMariing nakagat ni Alexial ang mga labi habang pigil-pigil ang impit na ungol matapos sapakin ng police ang tagiliran niya habang kinakaladkad siya nito papunta sa magiging selda niya. Ang kaso niya? Murder. Ang kanyang biktima? Si Rebecca Monsanto. His stepmother.Muntik na siyang masubsob sa sahig nang sipain nito papasok sa maliit na selda. Saka isinara ang pintuang bakal at kinandado. Gumapang siya patungo sa isang sulok at naupo roon. Niyakap ang mga tuhod. Iyon na ang wakas ng tinatamasa niyang kalayaan. Sa selda na iyon hihintayin niyang makatuntong sa tamang edad bago siya ililipat sa bilibid para ituloy ang kanyang sentensiya. Pero nakapagtatakang hindi man lamang siya nakakaramdam ng lungkot. Kahit sa pagtakas niya sa impeyernong kinasasadlakan ay panibagong impeyerno ang kanyang binagsakan. Ang tanging pagkakaiba lamang, sa bagong impeyernong kinaroroonan niya ngayon ay wala na ang demonyong sumira ng kanyang buhay at kinabukasan.Wala na ang baba
Habang nasa ilalim ng bumubuhos na tubig ng shower ay natuon ang paningin ni Alexial sa white rose na laman ng crystal vase malapit sa wall mirror. Mula roon ay tila talulot ng rosas na tinangay ng agos ang isip niya sa alala ng kanyang madilim na nakaraan.September 2007-Tulalang nakatuon ang tingin ni Alexial sa amang nakahiga sa cadaver table ng morgue kungsaan ito itinakbo ng mga police. Wasak ang dibdib nito sa tama ng shot gun. Ayon sa imbistigasyon ay tinambangan ng mga tulisan ang daddy niya kagabi habang pauwi sa kanila at itinapon sa may pampang ang bangkay. Kaninang umaga lamang ito natagpuan ng mga rescuers."Kuya," umiiyak na humawak sa kamay niya ang bunsong kapatid na si Yamraiha.Hinapit niya ito at niyakap. Hindi niya alam kung bakit wala siyang makapa sa kanyang puso. Hindi siya makaiyak samantalang ang lalaking ito na wala nang buhay sa kanyang harapan ay ang lalaking humubog sa kanya sa sinapupunan ng kanyang ina. Pero wala. He is wondering why? Hindi nagtagal ang
Tulog si Julie nang bumalik si Alexial sa condo unit galing bumili ng gamot. Hindi na marahil nito kinaya ang antok. Lumapit sa couch ang binata at may pagsuyong pinagmamasdan ang dalaga. It was not the first time that any woman told him she loved him. But coming from Julie Martinez was a bit different. Yet it doesn't stop him from breaking her heart as he did to other women.He bent forward and was about to kiss her lips when the door chime echoed. Bahagyang napangiti si Alexial. He can't even steal a kiss from her while she is sleeping. Just a fair punishment.Tinungo ng lalaki ang pinto at binuksan. Isang matangkad at magandang mestiza ang nasa labas at naghihintay."Yes, may I help you?" tanong niya sa kaswal na tono."Hi! I'm Marilou, Julie's cousin," nagpakilala ang babae sabay lahad ng kamay sa kanya habang nakangiti ng matamis.Marilou? Jake's wife? What is this woman doing here? "Alexial Andromida." Inabot niya ang palad nito. "I'm Julie's boyfriend."Saglit itong nahinto at
Pasado alas-dose na ng tanghali nang dumating si Dr. Ortega. Wala itong ni-resita na bagong gamot pero nagmungkahi ng tatlong araw na pahinga para kay Julie. Bago umalis ang doctor ay kinausap nito ng masinsinan si Alexial."Convince her to undergo the surgery or else, things will get worst," pahayag ng doctor."Is it the only option we have?" tanong ng binata."Heart valve diseases are incurable with any medicine.""Alright, I'll try to persuade her," he promised."One more thing, Mr. Andromida. I know sexual mating is normal for lovers. But I just want you to be more careful. Julie can't have a baby right now. With her condition, she can't handle getting pregnant. Masyadong mahina ang puso niya. Pwede niyang ikamatay kung mabubuntis siya," pahabol na paalala ni Dr. Ortega.Matagal bago nakasagot si Alexial. "I understand," tipid niyang sabi. It's not surprising that the doctor would think that he and Julie have engaged in sexual activities. He is known to be Julie's lover instead of







