Nakauwi na si Kate sa bahay nila at nakita niya na nasa sala si Manang Siony at naglilinis. Agad siya nitong binati dahil nag-aalala ito sa kanya lalo at ilang araw siyang hindi lumabas sa kanyang kwarto.
“Nandito ka na pala! Kumain ka na ba?” tanong nito sa kanya
“Tapos na po, Manang, salamat po!” magalang na tugon niya dito
Umakyat na siya sa kwarto para kumuha ng damit na dadalhin niya sa kanyang pag-alis. Gusto niyang umalis muna sa bahay na ito habang hindi pa naibbigay ng korte ang desisyon sa kanilang annulment.
May naiwang unit si Deniz at pumayag ito na doon muna siya tumuloy habang dinidinig ng family court ang kaso nila. Sana lang, pumabor ito sa kanya para naman makalaya na siya sa kasal na ito.
Nagulat pa nga si Manang Siony nung bumaba siya ng hagdan at may dalang dalawang maleta. Agad naman siyang dinaluhan ng isang kasambahay at ito na ang naglabas ng mga gamit niya.
“Kate, saan ka pupunta?” tanong ni Manang Siony
“May aayusin lang po ako Manang!” maiksing sagot ni Kate dito pero hindi naman ito naniniwala lalo pa at nakita niya ang mga inilabas na gamit nito
“Manang, darating na po si Aiden sa makalawa, pakiabot na lang po ito sa kanya!” pakiusap ni Kate at kahit nag-aalangan ay tinanggap niya naman ito
“Aalis na po ako!” sabi pa ni Kate saka siya lumabas ng bahay na iyon
Masakit sa pakiramdam pero wala naman siyang magagawa dahil nasaaid na din siya. Naubos na siya at kung hindi pa niya gagawin ang pagbitaw, baka hindi na niya makuhang igalang ang kanyang sarili.
There is no need to drag things lalo pa at wala naman na itong saysay sa simula pa lang.
Nagmaneho na siya paalis at dumiretso siya sa unit ni Deniz. When she settled herself ay tinawagan niya ito at labis ang saya nito noong malaman niya ang kanyang ginawa,
“Finally! Nagising ka na din sa katotohanan!” sabi ni Deniz habang nagvi video call sila
“Ibinigay ko na din ang custody ni Pauleen sa kanya!” sabi ni Kate kaya napahinga naman ng malalim si Deniz
“I know! Nakausap ko na si Emir! Naku Kate, sigurado ako na kung ano-anong kasinungalingan ang ipinasok ni Aiden at ng kabit niya sa utak ng anak mo kaya yan nagkaganyan!”
Yun din ang hinala ni Kate pero wala na siyang magagawa sa bagay na iyon! The damage has been done at sana lang, pag mas malaki na si Pauleen, mas maintindihan niya ang lahat.
“Hayaan mo na, Deniz! Ang importante, matapos na ito!” matatag na sabi naman ni Kate
“Tama ka naman diyan at may good news pala ako sa iyo!” masayang sabi ni Deniz sa kanya
“Ano yun?” tanong naman niya dito
“Well, nakausap ko na ang boss ko at nakita na din niya ang mga designs mo! He is so happy about it at sobrang gandang-ganda siya!” masayang sabi ni Deniz
Hindi siya nakapagsalita dahil nabigla siya at hindi niya inaasahan na magugustuhan ng boss ni Deniz ang nga designs na gawa niya.
Nagtatrabaho sa isang sikat na kumpanya si Deniz sa United States na ang main market at mga mamahaling alahas. Pangarap talaga ni Kate ito noong bata pa siya pero hindi naman nabigyan ng daan lalo pa at ipinakasal sila ni Aiden noong nabuntis siya matapos ang gabing iyon.
Nakalimutan na niya ang hilig niyang na ito pero noong nagsimula ang problema nila ni Aiden dahil kay Charlene, nagawa niya ulit gumuhit. Sa katunayan, ang ibang alahas niya ay sariling disenyo niya at pinapagawa niya ito sa mga alahero na nakilala niya. Bukod naman kasi sa kita niya, may natatanggap din siyang pera buhat sa kita ng hacienda sa probinsya nila.
Ang Kuya Rafael niya ang namamahala ng hacienda at dahil silang dalawa lang, pantay ang naging hatian nila sa perang pumapasok sa hacienda. Hindi nga niya pinapaalam sa Kuya niya ang nangyayari sa kanya dahil natitiyak niyang hindi ito uupo lang sa isang sulok at magsasawalang kibo.
For sure, susugod ito sa Maynila!
“Talaga Deniz?” hindi makapaniwalang sabi ni Kate at nakaramdam naman siya ng kakaibang saya
“Yes, bessy! At ang gusto ni boss, magtrabaho ka sa kanya! Kaya naman magpunta ka na dito!”
Hindi naman nakapagsalita si Kate sa sinabi ni Deniz dahil ang alam niya, malaking kumpanya ang pinapasukan nito at sikat na sikat sa buong mundo!
“Talaga? Gusto niya akong makatrabaho?” ulit niya pa at agad na tumango si Deniz
“Kaya ayusin mo na ang mga papeles mo at ang sabi ni Boss, siya na ang bahala sa iba! Gusto ka na niyang makapunta dito talaga!” sabi ni Deniz
Naisip niya na magandang opportunity ito para sa kanya! At magagawa na niya ang isang bagay na gustong-gusto talaga niya.
“Sige, Deniz! Kakausapin ko muna si Aiden para pirmahan na niya and annulment papers.” sagot agad ni Kate
Kahit papano, may magandang mangyayari naman pala sa buhay niya!
Kinabukasan, pumasok siya sa opisina para i-endorse ang kanyang trabaho sa papalit sa kanya bilang sekretarya ng Daddy ni Aiden. Habang ginagawa niya ang pagtuturo ay pumasok naman si Mr. de Castro para i-check sila.
“Nasa Accounting na ang last paycheck mo, Kate! Wala kang makukuhang separation f*e dahil na rin sa pagre-resign mo!” sabi niya kay Kate
“Okay sir!” sagot lang niya saka niya itinuloy ang pagtuturo sa bagong sekretarya
“Bago ka umalis, dumaan ka muna sa opisina ko! May pag-uusapan tayo!”utos nito kay Kate saka siya lumabas ng opisina ng presidente
Napahinga na lang ng malalim si Kate saka niya itinuloy ang endorsement ng trabaho. The sooner na makaalis siya dito, the better!
“Nasabi ko na ang lahat ng dapat mong malaman!” ani Kate bago niya binuhat ang kahon na naglalaman ng gamit niya
“Thank you Ma’am Kate! Pangako, pagbubutihan ko po!” nakangiting sagot nito sa kanya
Tumango na lang siya at saka siya nagpunta sa opisina ni Mr. de Castro. Hindi nga niya alam kung bakit pa ba siya nito kakausapin. Kumatok muna siya sa opisina nito at pinapasok naman siya nito.
“Yes, Mr. de Castro?” tanong niya dito habang nakatayo at kipkip ang kahon na dala niya
“Ano ba talaga ang dahilan ng resignation mo, Kate? Ni hindi ito alam ng presidente!” tanong nito sa kanya
“Personal po ang dahilan ko sir!” sagot niya dito
“Personal!? Dahil ba ito kay Aiden at kay Charlene?” hindi nakapagsalita ni Kate nung banggitin ni Mr. de Castro ang pangalan ng babaeng iyon
Mukhang alam na ng buong mundo ang tungkol sa affair niya at ni hindi siya nahihiya sa sasabihin ng mga tao.
“Yun ba Kate? Isinusuko mo na ba si Aiden?” naramdaman naman niya ang concern sa tinig ni Mr. de Castro dahil ang alam niya, isa nito sa mga pioneer na empleyado ng kumpanya
“Ayoko na pong pag-usapan!” sagot niya dito at nakita niya paghinga nito ng malalim
“Alam ko na nasasaktan ka sa mga ginagawa niya pero sana, huwag kang sumuko, Kate! I know in time, he will see your worth!” natawa ng pagak si Kate dahil ilang beses na ba niyang narinig ang mga salitang iyon
“Well, if that happens, ako naman ang wala ng pakialam sa kanya! Aalis na po ako! Thanks!”
Masayang sinalubong ni Rafael ang kanyang kapatid nung makababa ito ng kotse sa harap ng kanilang bahay sa hacienda. “Bunso!” excited na tawag ni Rafael saka niya niyakap si Kate na agad ding yumakap sa kanya“Kuya!” anito dahil namiss niya din ang kuya niya“Ang mga bata?” tanong agad ni Kate dahil excited na siyang ibigay ang mga pasalubong niya sa mga ito“Nasa loob! Tinutulungan nila si Trina sa kusina!” sagot naman ni Rafael saka ito bumaling kay Emir“Kamusta Emir!” ani Rafael saka nito kinamayan ang abogado ng kanyang kapatidNakilala na din ni Rafael si Emir nung lumuwas siya minsan ng Maynila para magtanong tungkol sa annulment ni Kate.“Okay lang Rafael!” nakangiting sagot nito“Tara na kayo sa loob! Nakahain na siguro si Trina at ang mga bata!” aya sa kanila ni Rafael kaya naman pumasok na sila sa loob“Tita Kate!” sabay pang sumigaw si Althea at Ramonchit saka sila tumakbo papalapit sa kanilang tiya“Kamusta na kayo! Ang laki niyo na ah!” sabi ni Kate matapos niyang hapik
Matapos ng pag-uusap nila ni Pauleen ay pumasok na si Kate sa kwarto nila ni Aiden para magimpake ng gamit niya. Inilagay din niya sa bag ang mga pasalubong na para sa pamilya ng Kuya Rafael niya.Medyo marami yun kaya naman snag maliit na maleta ang dala niya at yun naman ang inabutan ni Aiden pagpasok niya.“Kate…a-anong ibig sabihin nito…bait ka nag-iimpake?” napakunot naman ang noo ni Kate at tinignan lang niya si Aiden“Kate, huwag mo namang gawin ito! Kung nagalit ka dahil sa pagsundo ko sa iyo kanina, okay, hindi ko na uulitin! Just please, huwag mo kaming iwan! Hahanapin ka ni Pauleen!”Ang gandang panoorin si Aiden na ganito! Yung nagmamakaawa at natatakot dahil sa pag-alis niya.Ilang beses na ba niyang ginawa ito kay Aiden, dati? Ilang beses na ba siyang nagmakaawa kay Aiden na huwag umalis, hindi para sa sarili niya kung hindi para sa kanilang anak pero lalo itong nagagalit sa kanya.Na kesyo ginagamit niya pa si Pauleen!“Kate please, don ‘t do this!” ani Aiden kaya nap
Nasa opisina si Kate and she was so happy with the results of the recent collection na ni launch ng Polaris kasama ang Herrera Jewels.Marami ang kumuha ng complete set at marami pang orders na parating ayon sa report sa kanya at masaya niya itong ibinalita kay Giselle. Ipinadala din niya sa e-mail nito ang mga reports at information na kailangan niya at ngayon nga ay tumawag ito sa kanya through video call.“Hello Ma’am Giselle!” ani Kate nung sagutin niya ang tawag nito“Oh my, Kate! This is great news!” sabi ni Giselle habang tinitignan ang mga ipinadala niyang report“You did a very good job!” sabi pa nito at nagpasalamat naman si Kate sa kanya“Thank you din po Ma’am Giselle! Hindi ito magiging posible kung hindi dahil sa tiwala ninyo sa akin ni Declan!” magalang na sagot ni Kate dito“Kamusta ka naman diyan, iha? How are things going with the annulment?” tanong ni Giselle dahil aware naman siya sa nakaraan ni Kate“Medyo magulo pa po, Ma’am! Pero inaayos ko na po!” sagit ni Ka
“Pare, hinay-hinay lang!” paalala sa akin ng kaibigan kong si Gilbert habang nandito kami sa isang barMatapos kong umalis sa bahay ay dito ako dumeretso para uminom dala na din ng lungkot at sakit na nararamdman ko. Para bang wala na akong pag-asa kay Kate lalo pa at narinig ko ang magiliw na pakikipag-usap niya sa Declan na iyon.Hindi ko napigilan ang selos na nararamdaman ko at aaminin ko, ibang -iba sa pakiramdam nung halikan ko si Kate! Ang sarap sa pakiramdam pero lalo siyang nagalit sa akin lalo na nung aminin ko ang pag-ibig ko sa kanya.“Hindi ko na alam ang gagawin ko!” naghihinanakit na saad ko kay Gilbert kaya naman napailing na lang ito lalo pa at alam naman niya ang lahat ng kalokohan ko noon“Pare, hindi mo mapipilit si Kate! Pagkatapos ng ginawa mo sa kanya, hindi mo naman siguro ine-expect na ganun lang kadali ang paghingi ng tawad, tama?” ani Gilbert at alam ko naman din yunMaybe, I just didn’t expect it to hurt this much!“Alam ko naman yun, Gilbert! Ang sakit lan
Naitulak ni Kate si Aiden matapos siyang bigyan ng makapigil hiningang halik! Hindi alam ni Kate kung ano ang mararamdaman niya nung mga oras na iyon pero si Aiden, masakit sa pakiramdam niya na ganito ang ginawa ng kanyang asawa sa kanya.Mukhang hindi na talaga siya mapapatawad ni Kate!“Aiden, ano bang problema mo? Bakit mo ginawa yun?” galit na tanong nito sa kanya“Kate, please, huwag kang magalit! Gusto ko lang naman ipakita sa iyon na nagbago na ako! Na mahal kita!” napailing si Kate sa sinabi ni AidenKung noon, gusto niyang marinig ito, ngayon, hindi niya alam! Lalo pa at naaalala niya na minsan, sinabi din ni Aiden na mahal niya si Charlene!FLASHBACK:“Pwede ba Kate, huwag mo akong kwestyunin sa mga gusto kong gawin! Sino ka ba sa akala mo?” galit na angil sa kanya ni Aiden habang pababa siya ng hagdanAalis si Aiden noon at nasisiguro niya na kay Charlene na naman ito pupunta.“Aiden, nakikiusap naman ako sa iyo! Birthday ni Kuya Rafael kaya sana sumama ka naman sa amin n
Pauleen was very happy dahil sa naging outing nila this weekend at nung pauwi na nga sila ay panay pa ang hirit nito na sa next weekend, mamasyal ulit sila.Kate just kept her silence at hinayaan na lang niya na mag-usap ang mag- ama tungkol dito.Pagdating nila sa bahay that afternoon ay inasikaso muna ni Kate ang kanyang anak at sinabihan na magpahinga na muna.Matapos niyang ayusin ang gamit ni Pauleen ay nakita niya na nakatulog na ito kaya napangiti naman siya.Hindi na niya hahayaang mawala ang kanyang anak sa kanya. Lumapit siya dito and kissed her forehead saka siya maingat na lumabas sa kwarto nito.Sge entered Aiden’s room at sakto naman na nagring ang phone niya and she saw that it was Declan.“Hey!” ani KAte nung sagutin niya ang telepono niya“Kamusta?” tanong pa niya in her jolly voice“Okay lang! Nami-miss na kita!” seryosong sabi ni Declan kaya napahinga ng malalim si Kate“May problema?” tanong pa ni Declan when she heard her sigh“Wala naman D! Hindi lang kasi nangy