Share

PREMONITION Z
PREMONITION Z
Author: misshummingai

PROLOGUE:

“Darling,” ani ng lalaki sabay haplos sa pisngi ng babae. “Be safe, okay? Make sure na makaalis ka rito ng walang galos at makabalik rin dito ng walang galos.”

“I’ll try.” Tumawa ito at hinaplos ang kamay na nasa kanyang pisngi. “Pero imposible naman yata na makauwi ako rito ng wala man lang ni kaunting sugat.”

Mas lalong nag-alala ang mga mata ng lalaki. “Do it as soon as possible, please.”

“MU!”

Napamura ang lalaking tumawag.  Ang kanyang mga yabag ay umalingawngaw sa aspalto, nag-asang masasalo niya ang babae.

Ngunit nahuli na siya. Tuluyan ng bumagsak ang nahimatay na kasama sa gitna ng kalye.

"Matagal na kitang kilala," wika ng isang babae na ngayon ay naiyak habang inaalala ang mga nakaraan.

"How? This is the first time we met." naguguluhang tanong ng babae na ngayon ay naiwang tulala, simula nang maglakad ang babaeng nagsabi sa kanya.

"Hindi kita maintindihan, anong ibig mong sabihin? Ikwento mo lahat." naguguluhang usal ng isang babae na ngayon ay nakakaramdam ng kaba sa dibdib, hindi nga ba nya maintindihan o ayaw n'ya lang intindihin ang ibig sabihin ng kausap n'ya?

Masangsang na amoy ang naghari sa paligid. Nagkalat ang mga dugo at iba’t ibang laman-loob ng tao sa kalsada.

Napayakap siya sa sarili niya, pinipigilang amoyin ang amoy na iyon na sumama sa hangin.

Nakakasuka. Nakakahilo.

Inilibot niya pa ang tingin niya.

Maraming tao na ang nagsisipagtakbuhan, ang takot ay nakaguhit sa kanilang mga mukha.

“Sally!” tawag niya sa kasama.

Bwiset. Dapat makatakas na sila at makaalis sa lugar na iyon.

Natataranta na si Sally habang pinagbabaril ang mga zombies na rumaragasa papunta sa direksyon nito.

“MU! Tulong!”

“Tara na, MU!” Hinila naman si MU sa kamay ng isang babaeng kasamahan na umiiyak na. “Hindi na natin siya matutulungan!”   

Naiiyak na rin sa Sally, ang kanyang mga mata nagmamakaawang nakatingin sa kanila.

“‘Wag niyo akong iwanan!”

Napakagat-labi ng lang si MU. Kung pwede lang sanang matulungan niya ito ng hindi isasakripisyo ang kaligtasan nilang lahat, gagawin niya.

Kailangan niya na'ng magdesisyon.

Tiningnan niya si Sally, sa panghuling beses natitiyak niya.

“I’m sorry, Sally.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status