Home / Romance / PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE / Chapter 127 - cross paths again

Share

Chapter 127 - cross paths again

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-08-12 21:52:31

Pumipintig ang kirot sa ulo ni Darvis. Tumindi pa iyon nang datnan niya sa mansion si Senyora Matilda. Tiyak nakarating dito ang balita, malamang nagkalat na ang ibang miyembro ng board at pinagsabi ang pagpunta ni Psalm sa kompanya.

"Totoo bang nagpunta ng kompanya ang asawa mo at itinalaga mo bilang COO? Ano'ng pumasok sa utak mo, Darvis? Ano'ng alam ng babaeng iyon sa business? Hindi porke't magaling siyang modelo noon ay magiging mahusay na rin siya sa larangan ng kalakal! Nasisiraan ka na talaga ng ulo, imbis na pagtuunan mo iyang posisyon mo, naglagay ka pa ng walang kuwentang empleyado! Humihina na ang kapit mo sa liderato ng kompanya, Darvis. Anumang oras ay pwede kang tanggalin diyan."

Bumuntong-hininga siya. "Balak ikansela ng Green Tech ang partnership natin sa kanila pero dahil kay Psalm ni-reconsider nila ang plano at muling bubuksan ang negotiation. Kahit pa sabihin ninyong walang background sa business ang asawa ko pero sa pagkakataong ito'y siya ang nagsalba sa kompany
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Winnie Caisip
buti nmn at nakilala nila ang mapag panggap na c oearl.. pero author paano ngyari un na ang dali nmn gumaling ng nasunog na mukha o retoke matagal kyang gamutan un ah ah nmn
goodnovel comment avatar
Haydin Mangudadatu
kahit ano tlga Gawin sa Mukha ni pearl maamoy tlga ang langsa Nia....
goodnovel comment avatar
Riza Monreal
Try harder, Pearlita! kahit may 100 faces ka pa, lumalabas pa rin ang ugali mo. Ang toxic din talaga ni Matilda, jusko!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 129 - evening tryst

    Photos, love letters, gifts, the pregnancy test and report from the hospital. Nakalatag ang mga iyon sa table sa loob ng study room. Mga bagay na iniingatan noon ni Psalm pero ibinalik kay Darvis noong umalis ito at nagpanggap na patay na. Kumuha ng picture ang lalaki. Bagong kasal lang sila roon at makikita sa mga mata niya ang pagmamahal sa asawa. Kailan ba siya nagbago? No. Hindi siya nagbago. Walang ganoon. Naging mayabang siya at arogante. Inisip niyang ang pagkakaroon ng kapangyarihan at yaman ay sapat nang lisensya para gumawa ng kasalanan. Bumigay siya sa hamon ng mga kaibigan at kinalimutan ang pangako niya kay Psalm. Huli na nga ba ang lahat para sa kanila? Wala na bang second chance para sa kaniya? Ang dali lang gumawa ng mali at piliing magkasala pero ang hirap ayusin ng tiwalang nasira. Pakiramdam niya ay hindi sapat ang buong buhay na pagsisisi.Dinampot niya ang kopitang may alak at inubos ang laman. Ibinalik niya sa latag ng mga pictures ang kinuhang larawan. Inutusa

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 128 - intervening fate

    "Come on, Psalm." Ymir tilted his head towards the car. Kinuha nito ang kamay ni Psalm at pilit pinakakapit sa braso nito. They walked away, leaving Pearl or Felizz, whoever she is portraying unable to decide on what to do. Susunod ba sa kanila o hindi. Pero alam ni Psalm na maya-maya lang ay hahabol ang kapatid niya. Makapal ang mukha nito. Kasing-kapal ng plastic surgery na ginawa nito, malamang matapos niyang isprehan ng asido. "Ignore her," sabi ni Ymir pagkasampa nila sa loob ng Bently. "Okay lang naman ako, wag kang mag-alala. Never ko siya gagawing big deal as long as hindi niya ako bubwesitin gaya noon. Nga pala, she is flirting with you? Mukhang kina-career niya ang pagiging Felizz.""Fake heiress, you mean?" Nilingon siya ng doctor matapos nitong buhayin ang makina ng sasakyan. "Hawak pa rin niya lahat ng karapatan ng tunay na Felizz kahit fake siya.""We will expose her in no time, just wait and see." Umusad ang sasakyan at hindi pa man din sila nakakalayo sa premises

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 127 - cross paths again

    Pumipintig ang kirot sa ulo ni Darvis. Tumindi pa iyon nang datnan niya sa mansion si Senyora Matilda. Tiyak nakarating dito ang balita, malamang nagkalat na ang ibang miyembro ng board at pinagsabi ang pagpunta ni Psalm sa kompanya."Totoo bang nagpunta ng kompanya ang asawa mo at itinalaga mo bilang COO? Ano'ng pumasok sa utak mo, Darvis? Ano'ng alam ng babaeng iyon sa business? Hindi porke't magaling siyang modelo noon ay magiging mahusay na rin siya sa larangan ng kalakal! Nasisiraan ka na talaga ng ulo, imbis na pagtuunan mo iyang posisyon mo, naglagay ka pa ng walang kuwentang empleyado! Humihina na ang kapit mo sa liderato ng kompanya, Darvis. Anumang oras ay pwede kang tanggalin diyan."Bumuntong-hininga siya. "Balak ikansela ng Green Tech ang partnership natin sa kanila pero dahil kay Psalm ni-reconsider nila ang plano at muling bubuksan ang negotiation. Kahit pa sabihin ninyong walang background sa business ang asawa ko pero sa pagkakataong ito'y siya ang nagsalba sa kompany

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 126 - penetrating his territory

    "Psalm!" Ang pagsambit na iyon ni Darvis sa pangalan ng asawa ay nalunok nito at kulang na lang ay mahulog ito sa high seat na inuupuan. Pumasok ng conference room si Psalm. Hindi tinatanggal ang suot na dark eyeglasses. Kailangan niyang maging civil kaya bawal munang makita ni Darvis ang poot na nabubuhay sa mga mata niya. Lahat ng members ng board ay nagulat din at tumayo sa kaniya-kaniyang silya. "Mrs. Florencio!""My business name is Chantal El Camino, investor of this company. I am looking forward to work with all of you, gentlemen." She addressed the board with clarity and confidence."P-Psalm," gumagaralgal ang boses ni Darvis. Buong pangungulilang hinagod ng maingat na titig si Psalm. Mabagal itong naglakad. Tila ba takot na magkamali kahit sa paghakbang at baka maglahong bigla ang dating asawa.Tumikhim si Ymir at iniharang ang sarili. "Chantal El Camino is your new COO, Psalm Hermosa might be your ex-wife but clearly she annulled your marriage so stop this drama, Darvis. Y

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 125 - the new in-charge

    "Finally, I'm back..." sambit ni Pearl at hinubad ang suot na sunglasses. Naglibot sa labas ng airport ang paningin at humantong sa luxury car na naghihintay sa kaniya.In less than three months, muling siyang nagbalik ng bansa, suot ang bagong mukha at ang katauhan ni Felizz Angeliq Samaniego, heiress ng Samaniego Global Enterprise. Tikwas ang kilay at aroganteng hinintay niyang pagbuksan siya ng pinto ng sasakyan ng driver niyang si Martin. Sumakay siya at idiniin sa tainga ang cellphone na kanina pa nag-vibrate."Madam Daisy, nasaan na kayo?"Kasabay niya sa flight ang manghuhula kasama si Sheena. Dala ng mga ito ang anak niya.""Papunta na kami ng bahay-ampunan," sagot ni Madam Daisy."Mabuti naman. Bukas, subukan mo ulit na makipag-negotiate sa BJMP. Sabihin mong handang magbigay ng reward Samaniego Global Enterprise kung papayag sila sa pabor na hinihingi natin," instruct niyang isinandal sa headrest ang ulo. Hindi nila nailabas sa kulungan ang mga magulang niya. Bukod sa mabig

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 124 - media lies

    "Sa ngayon ay missing ang asawa ko, buhay siya pero hindi ko siya mahanap. Kaya hinihingi ko ang inyong tulong. Any news of her whereabouts is highly appreciated, everyone. Please, help me find my wife!" Darvis asked humbly.Isa sa mga rason kung bakit siya nagkaroon ng presscon ay para hilingin ang tulong ng media at ng komunidad mismo sa paghahanap sa mag-ina. Hindi niya matitibag ang pwersa ni Ymir Venatici. Kailangan niya ng suporta at ang masa ang tutulong sa kaniya."Nakita namin kung gaano mo kamahal ang asawa mo, Mr. Florencio. Tutulong ang media industry sa iyo sa paghahanap sa kaniya," pahayag ng isa sa mga reporter.Nagpaabot din ng kompirmasyon ang ibang networks and newspapers correspondents. "Maraming salamat sa inyong lahat, tatanawing malaking utang na loob ng Florencio Group ang inyong tulong! Once again, thank you for coming today to hear my side of the story." He dropped the final remarks. Umalis si Darvis ng lounge na puno ng determinasyon. "Now then, Venatici, th

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status