Napagod sa kalalaro nila si Angelu at nakatulog. Maingat na ibinaba ni Darvis ang anak sa kama at lumabas sa balkonahe. Mula roon at tanaw niya sa tabing-dagat sina Ymir at Psalm. Nagkukulitan marahil ang mga ito. May hawak na kung ano ang doctor at pilit iyon inaagaw ni Psalm. Lumundag na ang babae hanggang sa nawalan ng balanse at nabuwal sa mga bisig ni Ymir. Pinangko ito ng lalaki at dinala sa malaking bato na hindi abot ng tubig-dagat dahil low tide pa. Ibinaba ito roon ng doctor. Bumuntong-hininga si Darvis at humigpit ang hawak sa railing. Masokista na nga siguro siya. Kahit pinipilipit ng kirot ang puso niya pero natitiis pa rin niyang panoorin ang dalawa. Obviously, they owned up the world, they're happy and he is not part of it. Tanggap niya kahit masakit pa rin. Tatanggapin niya kahit mahirap umusod at parang imposible ang paghilom. Kailangan niyang tanggapin kasi mahal niya si Psalm at ang paglaya nito ang patunay na totoo ang kaniyang nararamdaman.Nag-vibrate ang cellph
Bakas ang pagtutol sa mukha ni Pearl pagkatapos marinig ang sinabi ni Don Romano. "Pero, Lolo! Nauna nang kasunduan ang tungkol sa kasal bago ang merging, di ba?" apela ng dalaga."Pero tumanggi si Darvis sa kasal. Hindi natin siya maaring pilitin, hindi iyon makabubuti sa kompanya. You can still work at the finance department; I will make sure of that."Bumagsak ang mga balikat ni Pearl. Kung hindi matutuloy ang kasal nila ni Darvis, magmumukha siyang joke sa lahat. Rejected sa dalawang lalaking parehas niyang hinahabol. Samaniego heiress pero binasura ng dalawang prospected grooms? "Lolo, dapat siguro i-discuss muna natin ito kina Senyor David at Senyora Matilda.""Nakapag-usap na kami ni David. Sang-ayon siyang i-kansela na lamang ang kasal ninyo ni Darvis. Hanggang ngayon daw ay umaasa pa rin si Darvis na maibalik sa piling niya sina Psalm at ang anak nila. The more reason that I have to cancel your marriage to him."Frustrated siyang umakyat sa kaniyang kuwarto at iniwan sa lawn
Naudlot ang paghikab ni Psalm nang mapansin si Ymir na nakatitig sa kaniya. Mabagal na naglakbay ang mga mata nito pababa sa katawan niya hanggang sa humantong sa bahagi kung saan nakakubli ang iniingatan niyang pagkababae. Itiniklop niyang maigi ang mga hita at tumikhim. Ibinaba sa kaniyang kandungan ang sketchpad. "Bawal kang antukin, mag-o-overtime tayo ngayon," seryosong pahayag ni Ymir. "O-overtime?" inosente niyang tanong. "Gagawa tayo ng tatlong bata, akala mo ba nagbibiro ako? Ipasok na ang mga iyan," utos nito sa crews na nasa labas ng cabin at naghinintay. Nasa yate sila at kasalukuyang naglalayag pauwi ng isla. Umawang ang bibig niya nang ipasok ng tatlong crews ang tatlong malaking boxes. Itinuro ni Ymir sa mga ito ang sulok para doon iparada ang binubuhat na mga kahon. Kanina napansin niyang maraming kargamento ang iniaakyat sa yate bago sila umalis. Nakalimutan lang niyang magtanong dahil nawili siya sa panonood ng sunset mula sa top deck. "Ano'ng laman ng mga iyan
Scroll and click, scroll and click. Thirty minutes nang ginagawa iyon ni Darvis sa desktop computer. He can't put his mind into the job without Psalm's face get in the way. Dumagdag pa ang bagong release ng Ford Magazine women's edition. Para siyang bumalik noong una niyang nakilala ang asawa. Her timid eyes yet artsy. Kung tumitig para bang may nakikitang kamangha-mangha. Laging maningning ang mga mata, larawan ng magandang bagay sa mundo na nanaisin mong hindi kumupas tulad ng bituin at buwan, mga bulaklak at valleys. "Ang ganda ni Madam sa headshot photo niya, Sir," komento ni Frederick na sinilip ang magazine."Um, she is always beautiful, nothing's change.""Siya ba ang kauna-unahang Pinay na nafi-feature sa Ford, Sir?"Tumango siya. "She deserved to be noticed. Magiging inspiration siya ng mga modelong kasama niya noon, pati ng ng young model aspirants ngayon.""Tama po kayo. Nag-notify nga pala ang staff ni Don Romano, Sir. Parating daw siya at kakausapin ka." Natigil si Dar
"Doc, ito na po ang latest issue ng Ford Magazine para sa women's category." Pumasok ng opisina ni Ymir si Lui, bitbit ang naka-wrap na magazine.Nag-angat ng mga mata ang doctor. A hint of cruelty and success streams in his light foggy eyes. Kinuha niya ang magazine na nilapag ni Lui at tinanggal ang glossy wraps. Si Psalm ang nasa cover. Head shot photo while she is looking up at the space above, holding her mechanical charcoal pencil. Makikita sa abuhing mga mata ng babae ang sining na nilalapat nito sa mga design. Hindi lang ang tungkol sa world class talent nito sa designing ang highlights ng magazine, naroon din ang appointment nito bilang COO ng Florencio Group at Green Tech International. Sa gitna ng struggle nito bilang single mother at asawa na annulled kay Darvis Florencio, her achievements are enumerated without exaggeration and prejudice. "Psalm Hermosa a.ka. Chantal El Camino, a woman who built herself back after the fall and follow her dream through from the ashes. Sh
Mabilis na binawi ni Psalm ang kamay. Si Darvis naman ay tumikhim at itinuon ang tingin sa daan na binabagtas nila. Matagal niyang tinitigan ang lalaki, inarok kung sinadya nito ang paghawak sa kamay niya. "Should I drop you off to the hospital?" tanong nito na may ligalig sa tono. Takot ba itong magalit siya?"No, itabi mo na lang. I can take it from here." Nagtanggal na ng seatbelt si Psalm at nilikom ang mga gamit. Ang bag at ang tablet."I'm sorry, Psalm. Hindi ko sinasadyang hawakan ka. My hand-""Naninibago ako sa iyo, Darvis. Takot ka bang magalit ako?" Napailing siya."What's new with that? Dati ba hindi ako takot na magalit ka? Baka hindi mo lang napansin. I am always on my toes everytime you're upset. Siguro lang, mas takot ako ngayon. I am trying to rebuild your trust in me, and I don't want-""Alam ko, but it's not like that. Ang OA ko naman kung magagalit ako dahil lang nahawakan mo ang kamay ko. Hindi na tayo teenager, Darvis. Isa pa, I was once your wife. You've been h