Share

Chapter 3 - Growing lies

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-06-13 03:30:25

Main Office, Florencio Group.

Banaag ang iritasyon sa mukha ni Darvis ngunit agad naglaho iyon pagkatapos niyang marinig ang sinabi ni Psalm. Matinding ligalig ang umukit sa mga mata ng lalaki. 

"Hon, masyadong busy ngayon sa kompanya dahil sa pagpasok ng bagong investors. I'm sorry kung nawalan ako ng oras para samahan ka. Uuwi ako ng maaga, okay? Huwag ka nang magalit." Nilangkapan niya ng lambing ang boses.

Walang sagot mula sa kabilang linya. Humigpit ang puso ni Darvis. Masyado na ba niyang napabayaan ang asawa? Huminga siya ng malalim at muli sanang magsasalita pero naunahan siya ni Psalm.

"Ano'ng oras ka uuwi?" Bakas ang pagod sa tono ng babae.

Nakahinga siya ng maluwag at sinipat niya ang suot na relos.

"Six o'clock," may alanganin niyang sagot.  

"Okay," kaswal na tugon ni Psalm at tinapos ang tawag nang hindi man lang nagpaalam.

Nang marinig ang pagkaputol ng linya ay naupo muli sa swivel chair si Darvis at bahagyang ngumiti. Clingy pa rin talaga ang asawa niya. Hindi naman sa ayaw niya ng ganoon. Binalingan niya ang nakabinbin na trabaho. 

Nitong mga nakaraang araw masyado siyang nasabik kay Pearl. Maraming alam ang isang iyon at hindi niya matanggihan. Nawalan tuloy siya ng oras kay Psalm. Siguradong nalulungkot ang asawa niya. Alam naman niyang mali ang kaniyang ginagawa pero kailangan niya ng tagapawi ng stress at ng init ng kaniyang puson. Kahit may affair siya sa ibang babae hindi maikakailang si Psalm pa rin ang mahal niya, hindi magbabago iyon.

Tumunog ang kaniyang cellphone at natigil sa pagsirko ang isip niya.

Si Pearl ang tumawag.

"Ano'ng problema?" pormal niyang sagot.

"Kuya, nami-miss na kita." Nanuot sa tainga niya ang malambing na boses ng babae. "Alam mo ba, bumili ako ng bagong lace gown, gusto mo bang makita?"

Lumundag ang Adam's apple ni Darvis at bumigat ang kaniyang paghinga. Nagbalik sa alaala niya ang makinis na alindog ni Pearl. Pero may pangako siya kay Psalm na uuwi ng maaga ngayon. Kailangan niyang pigilin ang sarili. 

"Uuwi ako ng mansion ngayong gabi," sabi niya.

"Kuya, ayaw mo ba talaga akong samahan? Mahal kita alam mo iyan, mas mahal kita higit kaysa pagmamahal sa iyo ni ate."

"Pearl, pinag-isipan mo ba kung sino tayo para sa isa't isa? Kung sino ka?" Malamig niyang kastigo sa kausap. "Kapatid mo ang niloloko natin, naisip mo ba iyon? Pumayag akong ikama ka kapalit ng pera, huwag kang maghangad na makuha ang pag-ibig ko. Si Psalm lang ang pwedeng magmamay-ari ng puso ko. Kung wala ka nang sasabihin ibababa ko na 'tong phone, may tatapusin pa akong trabaho."

Oras na siguro para klaruhin niya kay Pearl kung saan ang lugar nito sa buhay niya. Wala siyang pakialam kung magalit ito at magtampo. Hindi naman siya nagkulang, sa simula pa lang ay alam na nito kung ano lang ang hangad niya. 

Narinig niyang iingos-ingos sa kabilang linya ang babae. 

"Bakit feeling ko ngayon hindi mo nagustuhan ang mga ginagawa natin sa kama? Pero bakit nagagawa mo akong galawin ng ilang beses? Akala ko mahal mo ako. Kahit kunti ba ay wala kang nararamdaman para sa akin?"

Matagal na hindi nakasagot si Darvis. Bumuntong-hininga siya.

"Si Psalm lang ang mahal ko."

"Ganoon ba? Wait lang, may ipapakita ako sa iyo, Kuya." 

Ipinasa sa kaniya ni Pearl ang resulta ng pregnancy test. Saglit siyang hindi nakakilos.

"Buntis ka?"

***

Florencio Mansion...

Mapait na ngumiti si Psalm. Nagmadali pa siyang umalis ng hotel para umuwi rito. Pero wala namang Darvis na dumating. Bakit pa kasi siya naniwala sa sinabi nito kanina. Siguro ay umaasa ng kaunti ang puso niya na baka may pag-asa pa na maayos ang pagsasama nila.

Sinuyod niya ng tanaw ang buong garden kung saan naka-setup ang magarbong buffet. Dati tuwing anniversary nila, binibigyan nila ng day off ang mga kasambahay at may kasama pang cash gifts.

Ngayon din naman. 

Dati masaya niyang ipinamudmod ang gifts nila habang pinagtatawanan siya ni Darvis dahil mas excited pa raw siya dahil sa ingay niya at pagiging atat na buksan ang cash gifts.

Ngayon, walang Darvis na naroon. 

"Ma'am, sobrang busy siguro ni Sir sa trabaho kaya hindi siya nakauwi pero tiyak iniisip niya kayo ngayon." Pangongonsola ng ilang katulong. Alam ng mga kasambahay kung gaano siya kamahal ng asawa niya. Malamang ay nagtataka na ang mga ito.

"Alam ko, don't worry, okay lang ako. Sige na, enjoy n'yo ang gabi."

"Kahit papaano, Ma'am, maswerte pa rin kayo kay Sir, hardworking po siya."

Ngumiti siya ng mapakla. Hardworking sa hita ng ibang babae. 

Pagkatapos kumain ng mga kasambahay ay kaniya-kaniyang umalis ang mga ito. Naiwan siyang mag-isa sa dambuhalang mansion.

Habang nakatitig sa liwanag mula sa kandela, naisip niya kung gaano kawalang-hiya ang asawa niya. Mahal daw siya. Bwesit! Sumobra pa ang pagmamahal nito sa kaniya kaya umapaw iyon at napunta sa puson nito? Magtaksil na lang, sa sariling kapatid pa niya? Nakakatawa! Kapag nalaman ng lipunan ang tungkol sa ginawa nito, malamang pati sa kabilang buhay ay ekis ito kay Satanas.

Nag-vibrate ang cellphone na nasa tabi niya sa couch. Pumasok ang chat ni Darvis.

Husband: Hon, may urgent dito sa opisina. Bukas na ako makakauwi, may regalo ako sa iyo. Gusto mo bang magbakasyon muna?

Klaro na sa kaniya. Si Pearl ang pinili ni Darvis. Buti naman, ngayon malinaw na sa kaniya. Hindi na siya lilingon pa sa nakaraan kahit maraming magagandang alaala roon. 

Hinaplos niya ang tiyan. Maingat na dinama ang buhay na pumipintig sa kaniyang sinapupunan. 

"Baby, hindi na natin kailangan ang Papa mo. Ikansel na natin siya sa buhay natin, okay? Ibibigay ni Mama sa iyo ang pagmamahal na walang kapantay."

Ang pahayag niyang iyon ay hindi lang para sa bata kundi para na rin sa sarili niya. Matagal na panahon ding nakatuon lang siya kay Darvis at halos kalimutan na niyang mahalin ang kaniyang sarili. Babawi siya. 

"Goodbye, Darvis. Sana ma-realize mo na hindi ka naging karapat-dapat sa akin at sa pagmamahal ko."

Dinampot niya ang cellphone at nag-reply sa chat ng asawa.

Wife: Okay. Birthday mo na nga pala in three months' time, may hinanda akong gift para sa iyo, sana magustuhan mo.

Husband: Really? Excited akong malaman kung ano iyon.

Mapait na ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Nakasanayan na niyang maghanda ng regalo tuwing kaarawan ng asawa. Hopefully, masisiyahan ito sa ibibigay niya ngayon. Ibababa na sana niya ang phone nang mag-chat naman si Pearl.

Pearl: Ate, kasama ko si Kuya Darvis, kita mo na, ako ang pinili niya. Kawawa ka naman. Huwag ka na kasing umasa, hindi mo naman siya mabigyan ng anak.

Para na siyang sinasakal ng paninikip ng kaniyang dibdib. Pero hinamig niya ang sarili. Magiging matatag siya alang-alang sa kaniyang anak.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 106 - spiral of regrets

    Binulabog ang buong mansion ng sunud-sunod na kalabog at ingay ng mga nababasag na gamit mula sa master bedroom. Ang mga katulong na hindi alam kung ano ang gagawin ay hindi na makapag-focus sa kanilang trabaho. Hanggang sa gumabi pero maya't maya pa rin ang alingawngaw ng marahas na kalampag ng mga furnitures na tila ba inihahampas sa dingding. "Hello po, Senyora?" Nangangatal ang boses ni Zeta. Nagpasya na ang kasambahay na ipaalam sa ancestral house ang sitwasyon."Sino ito?" malditang sagot ni Senyora Matilda. Sa landline lamang tumatawag si Zeta. Wala naman kasi itong personal contact details sa mga amo maliban kay Psalm. Hindi na rin ito sumubok na tawagan ang babae dahil alam na nito ang tunay na estado ng pagsasama ng mag-asawa gawa ng minsang naikuwento ni Lucille."A-ako po si Zeta, katulong po rito sa mansion.""Ano'ng kailangan mo?" "Si Sir Darvis po kasi, nag-aamok po rito. Kanina pa siya nagbasag ng mga gamit sa loob ng kuwarto. Baka po kung ano ang maisip niyang ga

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 105 - the gift

    Pumasada ang mga mata ni Psalm sa lahat ng dokumentong nakalatag sa table sa harap niya at sa digital files na nasa laptop. Iyon na ba lahat? Tumingin siya kay Mr. Cardona, and finance consultant niya at kay Ymir na nakaantabay roon."The money has been wired to your account, Madam. Okay na rin ang title transfer ng isla sa group of properties ni Dr. Venatici. Hindi tayo mati-trace. Updates na lang ang hihintayin mo para sa status." Report ni Mr. Cardona."Kung ganoon, oras na para sa plano ko," deklarasyon niyang ibinaling ang paningin sa labas ng bintana at tumagos hanggang sa kawalan. Oras na para sa kaniyang kamatayan. Psalm Florencio's existence will be gone."I received update from the hospital. Your sister is safe as will as the baby. Ano'ng gusto mong gawin ko sa kaniya?" singit ni Ymir na nakasandal sa window pane at nakapamulsa ang mga kamay. Nagre-reflect sa mamahaling relos na suot nito ang tilamsik ng liwanag ng araw mula sa siwang ng bintana. "Let the Florencio charge h

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 104 - saving the bad

    "Stop it, Darvis!" Umawat na si Senyor David at hinawakan sa balikat ang lalaki. "Wala kang mapapala kung papatayin mo ang hipag mo, ilalagay mo lang sa mas malalang problema ang pamilya at ang kompanya natin.""But, Dad-" umalma ni Darvis. "The baby is all a lie, daddy. Pumunta sa mansion ang boyfriend niya at inamin ang lahat sa akin! This bitch just made a fool out of me!"Nangisay na si Pearl at tumirik ang mga mata. Kulang na lang ay lumawit na ang dila. "Darwis Florencio! Pakawalan mo ang kapatid ko!" Mula sa pintuan ay matapang na sigaw ni Psalm. "Honey?" Dagling binitiwan ni Darvis si Pearl. Humandusay sa sahig ang dalaga, half-conscious. Kaagad itong dinaluhan ni Marina.Pumasok si Psalm, gwardiyado ng mahigit sampung black army at ni Dr. Ymir Venatici. Lumiit ang espasyo ng buong silid dahil sa mga ito na halos sakupin na ang kwarto. "Ang kapal ng mukha mo!" singhal ng babae. "Tingin mo mag-isang ginawa ni Pearl ang kasalanan? You have the bigger accountability because

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 103 - chain of judgement

    "M-mom, wait lang-""Tigilan mo ang pagtawag sa akin niyan, nandidiri ako!" singhal ni Senyora Matilda. "You will do everything just to ruin your sister. Nilandi mo si Darvis, you make him believe na nabuntis ka niya. Hindi ako makakonekta sa mind set mo, Ms. Hermosa. Sobrang bulok ng utak mo, no, hindi lang utak kundi buong pagkatao mo." Tumayo sa inuupuang silya si Marina at lumapit kay Pearl. "Here is the result of the paternity test. Not a single drop of Darvis' blood is found in your baby's body." Hinulog nito sa harap ng dalaga ang dokumento.Napahabol doon ng tingin si Pearl at suminghap. Hindi pa siya talo. May paraan pa. Hindi naman kilala ng mga ito si Glen. "M-maniwala kayo, hindi po tunay ang result na ito! Gumawa ng pekeng paternity result si Dr. Venatici para magmukha akong masama! May relasyon kasi sila ni ate, matagal na. Heto, heto, may pictures ako!" Tarantang kinalkal niya ang loob ng bag at kinuha ang mga larawan. "S-senyora, tingnan n'yo po!" Gumapang siya papa

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 102 - payback by karma

    Kinawayan ni Psalm ang lalaking pumasok sa entrada ng restaurant. Dell Florencio. Third degree cousin ni Darvis. He is a motorbike enthusiast. Kumakarera at nangongolekta ng mga mamahaling motorsiklo. Ito ang una niyang naging kaibigan sa college at naging daan kaya nakilala niya si Darvis. Lagi itong wala sa bansa at sa Japan nagpipirmi mula nang magtapos ng pag-aaral."Kumusta, Dell?" Ngumiti siya at tumayo. "Akala ko next month pa ang uwi mo. Upo ka, um-order na ako. Favorite mo lahat nang iyan." She gestured the food.Pumasada roon ang mga mata ni Dell saka dinilaan ang ibabang labi bago ibalik ang paningin sa kaniya. "You're getting...ahm...big? No, sexier," panunudyo ng lalaki at naupo sa kaibayong silya. Agad tinikman ang finger foods. "Oo nga, bilis lumaki ng baby ko." Sinipat ni Psalm ang tiyan. "Gunggong talaga 'yong pinsan ko, no? Wala nang ginawang matino sa buhay niya mula nang makilala iyang kapatid mo," komento nito matapos lunukin ang nasa loob ng bibig. "Hayaan m

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 101 - cheater getting cheats

    "Basta gumawa ka ng paraan!" gigil na sikmat ni Pearl kay Glen sa cellphone. "Parang may alam ang kapatid ko tungkol sa atin. Nasa akin na ang result ng paternity test, hindi anak ni Darvis ang bata! Walang kwenta 'yong doctor na kinausap mo, gago ka!" Sumigaw na ang dalaga dahil sa alimpuyo ng galit. "Ano bang gusto mong gawin ko?" Nayayamot na rin ang tono ni Glen."Pumunta ka ng mansion, baka nakatago roon ang resulta ng paternity test na hawak ni Psalm. Hanapin ko sa guest room bago pa iyon makita ni Darvis, saka natin pag-uusapan kung ano'ng sunod na gawin kapag nakuha mo na. Nasa akin naman ang original copy, hindi basta magre-release ng ibang kopya ang hospital dahil confidential ang document na ito.""Sige, pupunta ako ng mansion. Ipagdasal mong wala roon si Darvis at baka mapatay niya ako.""Tigilan mo 'ko sa drama mong iyan." Tinapos ni Pearl ang tawag at hindi mapakaling nagpalakad-lakad sa sala. Pumuslit muna siya at umuwi ng Hermosa residence pagkatapos niyang makuha an

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status