Share

Chapter 2 - Pregnant

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-06-13 03:25:27

Tatlong buwan ang lumipas mula nang magdesisyon si Psalm na umalis at iwanan ang asawa. Kinailangan niyang humanap ng tiyempo dahil alam niyang may mga nakabantay sa kaniya sa mansion.

Mabigat ang loob na hinimay niya lahat ng alaala ng nakaraan nila ni Darvis. Libo-libong mga larawan, daan-daang libong mga salita na nakaukit sa love letters at patong-patong na mga regalo. Itinago niya ang mga iyon sa isang ligtas na silid para ihanda bilang sorpresa kay Darvis sa araw ng kaniyang pag-alis.

Isang umagang abala ang lahat sa paghahanda  para sa wedding anniversary nila ni Darvis nagkaroon ng pagkakataon si Psalm na pumuslit. Kinuha niya sa pinagtataguan ang naka-impakeng mga gamit. Tahimik at mahinahon siyang lumisan sakay ng taxi na nag-deliver doon ng in-order niyang ice cream.

"Saan tayo, Ma'am?" tanong ng may edad na driver.

"Holiday Capital Hotel," matamlay niyang sagot.

Ramdam niya ang mabining haplos ng pintig sa kaniyang sinapupunan. Tila ba pinalalakas ang loob niya. Oo. May buhay roon. Isang buhay na kailangan niyang ingatan at protektahan.

Sabik siya na nag-aalala.

Paano kung malaman ni Darvis? Matatapos ba ang pagkalulong nito ngayon sa kapatid niyang si Pearl?

Baka hindi rin. Malamang ay tuluyan nang nalason ng pagnanasa ang utak at puso ng asawa niya. Dati nasabi niya na minsan na siyang ipinahamak ni Pearl kaya nagkaroon siya ng trauma. Pero duda siya kung naniwala noon si Darvis. Anghel na walang pakpak ang tingin nito sa kaniyang kapatid. Likas kasing malambing si Pearl. Pala-kaibigan bukod sa maganda at matingkad ang pagiging mestiza. Kahinaan ng mga lalaki ang alindog ng kaniyang kapatid. Pero hindi niya inasahan na pati ang asawa niya ay mabibihag. Akala niya sapat ang pagmamahalan nila para maging baluti nito laban sa tukso. 

"Ma'am, nandito na po tayo," pukaw sa kaniya ng driver.

"Thank you," inabot niya rito ang pamasahe at bumaba.

Naka-book na siya sa Holiday Hotel. Doon muna siya mananatili. Four-star ang hotel na iyon at sinadya niyang doon magtago pansamantala. Hindi siya agad matutunton ni Darvis. Hindi nito maiisip na mag-i-stay siya sa hotel na iyon.

"Salamat, Manong!" Muli niyang pasalamat sa driver matapos nitong i-diskarga ang mga bagahe niya.

Tinulungan naman siya ng gwardiya papasok sa gusali at inalalayan din ng hotel staff patungo sa elevator. Pagdating sa kaniyang suite, inayos niya sa cabinet ang mga gamit at nagpaakyat na rin ng early lunch mula sa fine dining sa ibaba. Gutom na siya. Gatas lang ang ininom niya kanina.

Nahinto siya sa pagkuha ng hanger  nang biglang umasim ang kaniyang sikmura kasabay ang pag-ikot ng buong paligid.

Tutop ang bibig, nagmamadali siyang pumasok ng banyo at dinakma ang toilet bowl. Narinig pa niya mula roon ang cellphone niyang nagri-ring. Nahahati ang atensiyon niya sa sikmurang nag-alburuto at sa kumakantang cellphone.

Halos maluha siya habang sumusuka at nangangatal na ang mga tuhod niya. Inabot niya ang face towel at nagpunas sa bibig. Nagtungo siya sa may lavatory at nagmumog saka lumabas ng banyo.

Binalikan niya ang cellphone na nasa kama, tiningnan kung sino ang tumawag. Lalong umasim ang sikmura niya nang makitang si Darvis ang caller.

"Psalm, ayos ka lang ba? May nangyari ba sa iyo?" Bakas sa tono ng lalaki ang panic at pag-aalala.  

"Okay lang ako," malamig niyang tugon. Kumuha siya ng tissue mula sa box ng Kleenex at suminga roon. Ang hungkag ng sikmura niya. Pati ang natirang sugar yata na nagpapanatili ng lakas niya ay naubos nang sumuka siya. 

"Umiiyak ka ba? May nanakit sa iyo, sabihin mo sa akin, Psalm!"

Napaismid na lang siya.

Mula nang maging patriarch ng angkan ng mga Florencio si Darvis, malakas at gentleman ang imaheng nakikita ng ibang tao rito. Tuwing may nanakit kay Psalm tinitiyak nitong magbabayad ang mga iyon at malaman ng mga taong iyon kung gaano ito kabangis.

Sumimangot si Psalm habang iniisip kung tunay ba o pagpapanggap lamang lahat ng pag-aalaga ng asawa sa kaniya. Biglang sumakit ang ulo niya sa pag-iisip. Gusto muna niyang ipahinga ang utak.

"Nasaan ka? Hindi kita makita rito sa bahay. Umalis ka ba?"

Tumirik ang mga mata niya. "May inasikaso lang ako."

"Okay ka lang ba?"

"Well, masama ang loob ko sa isang tao." 

Kung malaman nitong nag-chat sa kaniya si Pearl at sinabi ang tungkol sa pregnancy, paano kaya magre-react ang asawa niya? Sabagay, hindi na siya interesado pang malaman iyon.

"Kanino? Sino'ng may lakas ng loob na sirain ang mood mo?"

'Ikaw!' 

Gusto niyang ibulyaw dito. 

Bumalong ang likido sa mga mata ni Psalm kasabay ang pagsilip ng sarkastikong ngiti. Magsasalita sana siya ulit nang mag-notify ang cellphone na ginagamit niya para sa contact ng nga charity institutions na binibigyan niya ng support. May pumasok na bagong chat mula kay Pearl. Binasa niya iyon.

Pearl: Ate, sinabi ko na kay Darvis ang tungkol sa pagbubuntis ko. Tingin mo, pipiliin ba niyang samahan ka sa wedding anniversary n'yo ngayon or sa akin siya pupunta...sa anak namin, ang nakatakdang tagapagmana ng angkan ng mga Florencio.

Mas masaganang luha ang bumukal sa mga mata ni Psalm. Luha ng galit. Talagang sinasagad ng kapatid niya ang natitirang pasensya sa kaniyang katawan. Kung nasa harapan niya lang ito baka kanina pa ito nakalbo.

"Darvis," muli niyang binalingan ang asawa. "Ikaw ang sumira sa araw ko...happy wedding anniversary sa iyo."

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 200 - bait

    Masigla at masaya ang buong villa. Nag-host ng dinner banquet si Darvis para sa pamilya upang i-celebrate ang pagbubuntis ni Lexy. Off-limits sa media at exclusive lamang para sa kamag-anak ang party. Tuwang-tuwa naman si Lexy sa mga regalong natatanggap. Feeling niya tuloy ay manganganak na siya bukas. "Nga pala, may close door meeting na naman kayo kanina ni Kuya Ymir. Ano bang pinag-usapan ninyo? Hindi ka nagkukwento kahit noong nagkita kayo ni Mommy," usisa niya sa asawa. "Hayaan mo na iyon, kunting problema lang at kaya ko nang ayusin. Right now, mag-focus tayo sa baby natin, okay?" Hinaplos nito ang kaniyang balakang."Pero, Darvis, kailangan kong malaman kung may problema tayo para alam ko kung saan lulugar o kung may kailangan akong gawin para hindi lumala. Hindi makatutulong sa akin iyang paglilihim mo, I am not a sheltered princess. I am a survivor of abuse, remember that." May bahid ng inis sa kaniyang tono. Darvis let out a sigh. "Alright, I'll tell you later. Mag-enjoy

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 199 - joy and tears

    "Money can move mountains as it can bend the law. If the price is right, money can buy everything, even superficial happiness," sabi ni Darvis at sumandal sa railing ng balcony. Kausap niya ang mga magulang. Wala siyang ibang mapagsabihan tungkol sa bagong krisis na sumusubok ngayon sa pagsasama nilang dalawa ni Lexy. Naghihintay siya na may isang tao na magsabing hindi kailangang ipawalang-bisa ang kasal niya. This is one thing that he is willing to fight in order to keep even if it costs him his life. "Darvis!" tili ni Lexy mula sa loob ng kuwarto. Naaalarmang tumakbo sila ng mga magulang niya papasok pero binalya siya ng yakap ng asawa. Natatawa pero naluluha itong lumundag-lundag habang nasa mga bisig niya. "Tingnan mo!" Ipinakita nito ang test pack. Dalawang pulang guhit? "Buntis ako!" tili nito at lumipat ng yakap kay Senyora Matilda. "Congratulations, hija!"Nagkatawanan na rin sila ng daddy niya. Ayaw niyang i-spoil ang kaligayahan ng asawa kahit pa posibleng parte pa ri

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 198 - bigamy

    Nabasa ni Darvis ang dokumentong ipinasa ni Ymir sa email niya. Marriage certificate nina Lexy at Jacob Smith, dated last year and the wedding venue was in New York. Sabi ng doctor kanina sa phone 'wag siyang maniwala kahit authenticated ang papeles at certified true copy ang hawak nila. Gusto niyang tanungin si Lexy pero nag-aalala siyang baka makadagdag lang sa stress ng asawa. Siguradong ide-deny nito ang marriage certificate na iyon at walang dudang paniniwalaan niya anuman ang sasabihin nito. "Sir, ready na silang lahat sa conference," abiso ni Fred sa kaniya. Kung wala sana siyang meetings ngayong araw, gusto niyang pagtuunan ng atensiyon ang tungkol kina Lexy at Jacob. Tumayo siya at lumabas sa likod ng kaniyang desk. He went out of the office and directed towards the conference. An important guest is waiting for him inside other than the dignitaries and delegates of their new business venture."Don Romano," lumapit siya sa matanda at nakipagkamay rito. "Congratulations for

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 197 - stepmom

    Alas-diyes pa lang ng umaga pero panay na ang hikab ni Lexy, hindi pa rin siya tinantanan ng antok kahit sapat naman ang tulog niya sa gabi. Buti na lang at tapos na ang meeting nila ni Sunday sa tatlong clients. Tagumpay rin nilang naayos ang kontrata ng import-export services na ni-require ng mga kliyente. "Buntis ka ba? Kanina ka pa humihikab," komento ni Sunday. Nagpalitan sila ng mga dokumentong pipirmahan. Signatory silang dalawa sa lahat ng paper trail na papasok at lalabas ng opisinang iyon. "Bakit? Gusto mong maging ninang ng baby ko?" tikwas ang kilay niyang tugon. Umirap ito at itinuon ang paningin sa papeles na lalagdaan. "Hindi ka mai-insecure na mas maganda pa sa mommy ang magiging ninang ng anak mo?" "Kanino mo narinig na mas maganda ka sa akin? May sira sa mata ang taong nagsabi no'n. Dapat magpa-EO na siya.""Ayaw mo lang aminin.""Bakit ko aaminin ang hindi naman totoo?" Binalingan niya ang phone na tumunog at agad naalerto ang sistema nang makita kung sino ang t

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 196 - revival from wounds

    Isang linggo pagkatapos ng honeymoon trip nila sa isla, naging active ang morning sickness ni Lexy. Tinatamad siyang bumangon sa umaga. Kahit mataas na ang sikat ng araw ay inaantok pa rin siya. Laging masakit ang ulo niya at nasusuka siya. Pero kapag iniisip niyang buntis siya sa anak nila ni Darvis, bumabawi ang sigla niya. Pagkatapos ihain ang agahan ay nag-brew siya ng kape para sa asawa. Maglilinis siya mamaya pagkaalis nito. Medyo magulo pa ang kitchen dahil nagdagdag siya ng mga gamit. Lumipat na sila sa bahay na binili ni Darvis para sa kaniya. Natutuwa siya sumama sa kaniya ang lalaki. Akala niya ay roon pa rin ito mananatili sa penthouse. Nasaklot niya ang sikmura nang sumigid na naman ang asim paakyat sa lalamunan niya. Mabilis siyang uminom ng maligamgam na tubig. Humupa ang kulo sa tiyan niya."Are you okay?" Dinaluhan siya ni Darvis na kapapasok lamang ng dining room at nakita siyang nakayukyok sa sandalan ng silya. "Nasusuka na naman ako," angal niyang tipid na ngumi

  • PSALM: REVENGE OF THE PREGNANT WIFE   Chapter 195 - phase 4, baby planning

    "Okay lang ba si Lexy?" tanong ni Psalm kay Ymir na nagtitimpla ng gatas para sa kaniya. Isinampa niya ang mga binti sa kinauupuang L-shaped sofa. "She will be fine. Kasama niya si Darvis and they're spending their honeymoon right now at the island." Pumihit ang asawa niya bitbit ang personalized thumbler na may pangalan niya. Naroon ang gatas at sinamahan na rin nito ng prutas para sa digestion. "Did you schedule for Lexy's treatment?" "I referred her to a multi-disciplinary team.""Hindi mo personal na iha-handle?""Psalm, I need to concentrate on your recovery, okay? Si Darvis na ang bahala kay Lexy. I will assist if necessary but I can't compromise your health status."Saglit siyang nawalan ng imik. It's been week since she gave birth to their twins through C-section. She is staying here at the cabin suite of Ymir in the hospital. Maraming surgeries na naka-kalendaryo ang asawa niya pero gusto nitong maging hands on sa pag-aalaga sa kaniya kaya rito na muna sila nag-stay. Si An

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status