Matiim na naglapat ang mga labi ni Psalm nang makitang kaagad dinaluhan ng mga magulang si Pearl.
"Okay ka lang ba, anak?" Umiling si Pearl, kunyari hirap bumigkas ng salita dahil sa sakit. Eksaherada masyado ang acting nito at dapat ay alam iyon ni Darvis kung tunay na matalino ang asawa niya. Pero tingin ni Psalm, pati ang lalaki ay napapaniwala ng kapatid niya sa pag-iinarteng iyon. Binitiwan siya ng asawa at nilapitan nito ni Pearl. Pinangko sa mga bisig. "Huwag kang matakot, dadalhin kita sa doctor ngayon din." Yumapos ang kapatid niya sa lalaki at palihim na sumilip sa kaniya, naglalaro sa mga mata nito ang mapanuyang ngiti. Tila basurang papel na nilamukos ang puso niya. "Ano'ng sinabi mo? Di mo ba nakitang acting lang iyang ginagawa ni Pearl? Don't tell naniniwala ka talaga!" sikmat niya sa asawa. Dumaan ang inis sa mukha ni Darvis. "Acting? Ano'ng klase kang kapatid? Nasa peligro na ang buhay ni Pearl at ng baby tapos acting lang 'to para sa iyo? Tigilan mo ako d'yan sa pagseselos mo. Buti pa umuwi ka na sa bahay natin," matigas na angil ng lalaki at binirahan ng alis, tangay si Pearl. Nahabol pa ng tanaw niya ang nagbubunying mukha ng kapatid. Biglang natahimik ang paligid matapos maiwang mag-isa roon sa corridor si Psalm. Mahigpit niyang kinuyom ang marupok na mga kamao. Ano bang aasahan niya? Dapat nakondisyon na niya ang sarili sa ganitong tagpo. Kailan man hindi siya naging priority ni Darvis. "Psalm, ikaw ba iyan?" Boses na nagpabalik sa kaniya sa huwesyo. Lumingon siya at napakurap. Papalapit sa kaniya ang lalaking pamilyar ang tindig at tikas. Ang tagal na mula nang huli niyang makita ito. "Ymir Venatici?" sambit niyang namilog ang mga mata. "Hey, long time no see! Kumusta ka na?" "Ha?" Saglit pa siyang nalito. Ang aura ng lalaki ay masyadong agresibo at imposing. Bahagyang ngumiti si Ymir, pilyo at may halong tukso. "Buntis ka ba?" Umukit sa mga mata ni Psalm ang panic at bumara ang hangin sa kaniyang lalamunan. Paano nito nalaman? Nahulog ang mga mata niya sa nameplate na nakapaskil sa gawing dibdib nito. Ymir Janus C. Venatici Hospital Director Obstetrics and Gynecology "Nakita ko si Darvis na umalis karga ang isang babae. Asawa mo at iniwan ka lang dito mag-isa?" Hindi siya makasagot. Katumbas ng matamis na lason ang lalaking ito. Bawat sarili ay niyayanig ang puso niya. Huminga siya ng maluwag pero biglang umikot ang pagilid at nanghina ang mga tuhod niya. Buti na lang nabawi niya ang balanse at hindi siya natumba pero sinaklot pa rin siya ni Ymir sa baywang upang saklolohan. "Ihahatid na kita pauwi," sabi nito. Tutop ang noo, sinipat niya ang lalaki. "Okay lang ba? Baka nakaabala na ako sa trabaho mo." "I'm on my way out. May appointment ako sa labas." "Thank you, Dr. Venatici," usal na lamang niya at hindi na tumanggi sa alok nitong tulong. Hinatid siya ni Ymir hanggang sa mansion. Pabugso-bugso pa rin ang pagkahilo niya at alam niyang napapansin iyon ng lalaking kasama. "If there's anything I can help, don't hesitate," sabi nito. Tila naudlot ang tibok ng puso ni Celeste. Tulong? Ano bang magagawa nito? Banayad siyang umiling. "Salamat, Dr. Venatici." Pagkasabi ay bumaba siya ng sasakyan at mabagal na naglakad papasok ng bahay. Sinalubong siya ilang katulong at binati. Matamlay niyang ginantihan ng ngiti ang mga ito at tumuloy na sa hagdanan paakyat sa kaniyang silid. Pero hindi pa man din siya nakaapak sa unang baitang ay narinig niya ang ingay ng mga guwardiya. Si Darvis ba 'yong dumating? Iniwan nito si Pearl sa hospital? Hindi na muna siya tumuloy sa itaas at hinintay ang asawa sa sala. Madilim ang mukha nito. Ito pa ba ang wala sa mood pagkatapos siyang iwan doon sa lobby ng hospital at piliing samahan ang bruhilda niyang kapatid? "Sino 'yong lalaking naghatid sa iyo? Ngayon ko lang siya nakita. Kaibigan mo?" usisa nitong isinalpak sa bulsa ng pantalon ang kamay. "Schoolmate ko siya noong college pero hindi kami close. Matagal ko na rin siyang hindi nakita, halos di ko na nga nakilala kanina nang lapitan niya ako roon sa hospital." "Ganoon ba? Huwag mo na siyang kausapin ulit, maliwanag?" "Bakit? May masama ba sa ginawa niya? Nagmagandang-loob lang siyang ihatid ako kasi ang asawa ko ay busy sa pag-aalaga sa aking kapatid," sarcastic niyang sagot. "Psalm!" pasigaw na angil ni Darvis. "Ano'ng sasabihin ng ibang tao kung makita nilang may kasama kang lalaki?" "At sa palagay mo, ano ang tingin ng mga tao habang karga mo si Pearl na mas mukhang wife mo kaysa sa akin?" Nagtagis ng mga ngipin ang lalaki at umukit sa mga mata ang galit. "Nagmamalasakit lang ako sa kapatid mo!" "Whatever," umikot ang eyeballs ni Psalm. Kapag talaga ang lalaki nagtaksil, umaapaw ang insecurity at ipapasa sa iba ang kahayupang ginagawa para lang linisin ang sarili. "Buntis si Pearl at kailangan alagaan ang kalusugan niya, pamangkin mo 'yong batang dinadala niya, hindi ka man lang nag-aalala?" Namilog ang mga mata niya. Gusto nitong mag-aalala siya sa kabit nito at sa batang bunga ng kataksilan ng dalawa? Kapatid daw niya si Pearl? Kung pamilya ang turing sa kaniya ng babaeng iyon, hindi siya nito aahasin. Ngayon sa usapan nila, siya na naman ang lalabas na masama? "Ano bang kinalaman mo sa pagbubuntis ni Pearl? Baka ikaw ang ama ng bata, mali ba ako?" Dumaan ang panic sa mga mata ni Darvis at nawala ang kulay sa mukha nito. "Ano'ng pinagsasabi mo?" agad nitong bawi. "Tama na nga, nagseselos ka lang." Lumapit ito at pinisil ang kaniyang ilong. Gesture iyon na sinusuyo siya ng asawa. Parang may kumalmot sa kaniyang puso. Kadiri ang lalaking ito! Kinuyom niya ang mga kamao at natutukso nang bigwasan si Darvis. Alam na niya kung ano ang binabalak nito. Ililihis nito ang usapan para isalba ang sarili. "Payakap nga sa wife ko." Akmang yayakapin siya ng lalaki pero umiwas siya. "Psalm naman, nagtatampo ka pa rin ba?" "Pagod ako at gusto kong magpahinga," malamig niyang sagot. Pinilipit niya ang mga daliri. Hindi man lang niya makitaan ng kunting pagsisisi ang asawa sa lahat ng kasinungalingang nilubid nito para patuloy siyang lokohin. Kahit pa yata malaman nitong alam na niya ang totoo'y hindi pa rin nito papanindigan ang kasalanan at kataksilan. Duwag! Sobrang duwag!Pumasada ang mga mata ni Psalm sa lahat ng dokumentong nakalatag sa table sa harap niya at sa digital files na nasa laptop. Iyon na ba lahat? Tumingin siya kay Mr. Cardona, and finance consultant niya at kay Ymir na nakaantabay roon."The money has been wired to your account, Madam. Okay na rin ang title transfer ng isla sa group of properties ni Dr. Venatici. Hindi tayo mati-trace. Updates na lang ang hihintayin mo para sa status." Report ni Mr. Cardona."Kung ganoon, oras na para sa plano ko," deklarasyon niyang ibinaling ang paningin sa labas ng bintana at tumagos hanggang sa kawalan. Oras na para sa kaniyang kamatayan. Psalm Florencio's existence will be gone."I received update from the hospital. Your sister is safe as will as the baby. Ano'ng gusto mong gawin ko sa kaniya?" singit ni Ymir na nakasandal sa window pane at nakapamulsa ang mga kamay. Nagre-reflect sa mamahaling relos na suot nito ang tilamsik ng liwanag ng araw mula sa siwang ng bintana. "Let the Florencio charge h
"Stop it, Darvis!" Umawat na si Senyor David at hinawakan sa balikat ang lalaki. "Wala kang mapapala kung papatayin mo ang hipag mo, ilalagay mo lang sa mas malalang problema ang pamilya at ang kompanya natin.""But, Dad-" umalma ni Darvis. "The baby is all a lie, daddy. Pumunta sa mansion ang boyfriend niya at inamin ang lahat sa akin! This bitch just made a fool out of me!"Nangisay na si Pearl at tumirik ang mga mata. Kulang na lang ay lumawit na ang dila. "Darwis Florencio! Pakawalan mo ang kapatid ko!" Mula sa pintuan ay matapang na sigaw ni Psalm. "Honey?" Dagling binitiwan ni Darvis si Pearl. Humandusay sa sahig ang dalaga, half-conscious. Kaagad itong dinaluhan ni Marina.Pumasok si Psalm, gwardiyado ng mahigit sampung black army at ni Dr. Ymir Venatici. Lumiit ang espasyo ng buong silid dahil sa mga ito na halos sakupin na ang kwarto. "Ang kapal ng mukha mo!" singhal ng babae. "Tingin mo mag-isang ginawa ni Pearl ang kasalanan? You have the bigger accountability because
"M-mom, wait lang-""Tigilan mo ang pagtawag sa akin niyan, nandidiri ako!" singhal ni Senyora Matilda. "You will do everything just to ruin your sister. Nilandi mo si Darvis, you make him believe na nabuntis ka niya. Hindi ako makakonekta sa mind set mo, Ms. Hermosa. Sobrang bulok ng utak mo, no, hindi lang utak kundi buong pagkatao mo." Tumayo sa inuupuang silya si Marina at lumapit kay Pearl. "Here is the result of the paternity test. Not a single drop of Darvis' blood is found in your baby's body." Hinulog nito sa harap ng dalaga ang dokumento.Napahabol doon ng tingin si Pearl at suminghap. Hindi pa siya talo. May paraan pa. Hindi naman kilala ng mga ito si Glen. "M-maniwala kayo, hindi po tunay ang result na ito! Gumawa ng pekeng paternity result si Dr. Venatici para magmukha akong masama! May relasyon kasi sila ni ate, matagal na. Heto, heto, may pictures ako!" Tarantang kinalkal niya ang loob ng bag at kinuha ang mga larawan. "S-senyora, tingnan n'yo po!" Gumapang siya papa
Kinawayan ni Psalm ang lalaking pumasok sa entrada ng restaurant. Dell Florencio. Third degree cousin ni Darvis. He is a motorbike enthusiast. Kumakarera at nangongolekta ng mga mamahaling motorsiklo. Ito ang una niyang naging kaibigan sa college at naging daan kaya nakilala niya si Darvis. Lagi itong wala sa bansa at sa Japan nagpipirmi mula nang magtapos ng pag-aaral."Kumusta, Dell?" Ngumiti siya at tumayo. "Akala ko next month pa ang uwi mo. Upo ka, um-order na ako. Favorite mo lahat nang iyan." She gestured the food.Pumasada roon ang mga mata ni Dell saka dinilaan ang ibabang labi bago ibalik ang paningin sa kaniya. "You're getting...ahm...big? No, sexier," panunudyo ng lalaki at naupo sa kaibayong silya. Agad tinikman ang finger foods. "Oo nga, bilis lumaki ng baby ko." Sinipat ni Psalm ang tiyan. "Gunggong talaga 'yong pinsan ko, no? Wala nang ginawang matino sa buhay niya mula nang makilala iyang kapatid mo," komento nito matapos lunukin ang nasa loob ng bibig. "Hayaan m
"Basta gumawa ka ng paraan!" gigil na sikmat ni Pearl kay Glen sa cellphone. "Parang may alam ang kapatid ko tungkol sa atin. Nasa akin na ang result ng paternity test, hindi anak ni Darvis ang bata! Walang kwenta 'yong doctor na kinausap mo, gago ka!" Sumigaw na ang dalaga dahil sa alimpuyo ng galit. "Ano bang gusto mong gawin ko?" Nayayamot na rin ang tono ni Glen."Pumunta ka ng mansion, baka nakatago roon ang resulta ng paternity test na hawak ni Psalm. Hanapin ko sa guest room bago pa iyon makita ni Darvis, saka natin pag-uusapan kung ano'ng sunod na gawin kapag nakuha mo na. Nasa akin naman ang original copy, hindi basta magre-release ng ibang kopya ang hospital dahil confidential ang document na ito.""Sige, pupunta ako ng mansion. Ipagdasal mong wala roon si Darvis at baka mapatay niya ako.""Tigilan mo 'ko sa drama mong iyan." Tinapos ni Pearl ang tawag at hindi mapakaling nagpalakad-lakad sa sala. Pumuslit muna siya at umuwi ng Hermosa residence pagkatapos niyang makuha an
Ngumiti ng tipid si Psalm at nakipagbeso kay Marina. "Kumusta po kayo, Tita?""Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan. Okay ka lang ba?" Banayad na pinisil ng babae ang mga kamay niya. "I'm getting by, Tita. Maupo po tayo." Inakay niya ito patungo sa couch at pinukol ng malambing na tingin si Ymir. Sumenyas sa kaniya ang doctor na lalabas muna para bigyan sila ng privacy ni Marina."Natuyo na yata ang utak ni Darvis at wala na sa maayos na katinuan. Matagal mo na bang alam ang tungkol sa kanila ng kapatid mo?" tanong ng aunt in-law niya. "Matagal na po, Tita. Ayaw ko lang na ma-eskandalo ang buong angkan at masira ang katahimikan ko kung makikialam na ang ibang tao na wala namang mai-ambag para solusyonan ang problema namin ni Darvis. Pero honestly, wala na po akong balak bumalik sa kaniya. Magiging toxic na ang pagsasama namin kung pipilitin ko pa kahit na mapatawad ko siya. Wala kasi akong tiwala sa kaniya, Tita. ""Naintindihan kita, Psalm. Hindi ako nandito para makiusap na bumalik