Pamilyar na ngiti ang bumati kay Ymir mula sa babaeng kanina pa niya sinusundan ng tingin hanggang sa humatong na nga siya rito sa balkonahe dahil hinabol niya ito. Nilaro ng mabining simoy ng hangin ang buhok nitong nakalugay lamang at walang kahit na ano'ng dekorasyon pero kung pagmasdan ay mas maganda pa sa diyamanteng kumikislap sa leeg nito. "Good evening, Dr. Venatici..." kaswal na bati ni Psalm. Umikot ito at isinandal ang balakang sa barandilya. Bakas sa maliit at maganda nitong mukha ang pagod."I hope you mind me barging in here. Gusto mo yatang mapag-isa pero inabala kita, ayos lang ba?" maingat niyang pahayag. Honestly, hindi niya alam kung ano ang tamang salitang sasabihin. Pakiramdam niya, ang babaeng nasa harapan ay mistulang babasaging kristal ang emosyon. Baka masagi niya ang ipinagbabawal na bahagi ng emosyong iyon at mababasag na lang ito bigla. Nababasa niya sa mga mata nito ang labis-labis na poot at kalungkutan. Saan nagmula iyon? Ano'ng pinaghuhugutan? "Okay

Lumobo sa pagmamalaki ang puso ni Darvis habang nalulunod sa papuri at paghanga ng guests. Pero nagtaka siya sa anino ng pagod at kawalan ng sigla ni Psalm. Baka may dinaramdam lang ang asawa at siguro sobrang ligalig lang niya kaya hindi niya makita ang inaasahang saya sa mga mata nito. Matagal na nitong pangarap ang yate, naisip pa nga niya na lulundag ito sa tuwa. Kinapa niya sa bulsa ng pantalon ang jewelry box na naglalaman ng kwintas at binuksan iyon. "Here, honey..." nakangiting iniumang niya kay Psalm ang necklace.Suminghap ang karamihan sa mga panauhin nilang saksi sa magarbong celebration na iyon. "Binili niya talaga ang ganyan kamahal na kwintas para sa wife niya! Balita ko, dalawa lang iyan at ang isa ay nasa royal family ng Mauritius.""Walang kasing swerte si Psalm sa husband niya, ini-spoil siya ng ganyan. Wala na siyang mahihiling pa."Lihim namang napangisi si Darvis. Of course, paano siya maikukumpara ni Psalm sa ibang lalaki kung kayang-kaya niyang ibigay anuman
Nakailang buntong-hininga na si Psalm habang nakaupo sa bench, kandong ang pusang si Chowking na komportableng natutulog. Kanina pa siya nakatanaw sa kawalan at pilit inaalis sa isip ang mga alaala nila ni Darvis sa nakaraan. Ayaw na niyang balik-balikan pa ang mga iyon kung nawawalan din lang naman ng kuwenta dahil sa kataksilan ng asawa niya, bukod sa kirot lang sa puso ang dulot sa kaniya.Tumunog ang cellphone na nasa kaniyang tabi. Sinipat niya iyon. Si Pearl na naman. Pagod na siyang estimahin ang ganitong mga paandar ng kapatid. Alam niyang gagalitin lamang siya nito. Sabagay, wala na siyang pakialam pa. Binuksan niya ang chat nito at bumulaga sa kaniya ang larawan ng mamahaling kwintas.Pearl: Gift ni Kuya ito para sa iyo, tinulungan ko siyang piliin ito, sana magustuhan mo.Naglapat ang mga labi ni Psalm at kinuyom ang kamao hanaggang sa mamuti na ang buko at naglitawan ang maliit na mga litid sa matingkad na kulay ng kaniyang balat.Maliwanag naman sa kaniyang dapat na siya
Inasahan ni Darvis na ihahatid siya ni Psalm hanggang sa sasakyan sa labas ng bahay. Nakagawian na nitong gawin iyon pero wala ang asawa nang bumaba siya sa sala kung saan ito madalas nag-aabang sa kaniya."Nasaan ang wife ko?" tanong niya sa katulong na nagpupunas ng mga figurine sa dibisyon palabas ng swimming pool."Lumabas po siya, Sir, kasama si chowking. Nandoon yata sila sa garden."Kumunot ang noo ni Darvis. Ano na naman 'tong drama ng asawa niya? Kung tutuusin, mas clingy pa nga ito kaysa kay Chowking kung makapulupot sa kaniya na para bang ayaw siya nitong umalis. Nasanay siya sa ganoong ugali nito kaya hindi niya napaghandaan ang bigla nitong pagbabago. Banas na ngumisi na lamang ang lalaki. Nagpapaka-hard to get ngayon si Psalm? Indikasyon lamang iyon na mahal siya nito at gusto nitong magpasuyo sa kaniya. Pagdating ng kaniyang opisina ay tinawag niya ang ilan sa mga staff.Mahigit sampu ang personal staff niya na naka-puwesto ang desk sa labas ng main office. Maze of cub
Sinundot ng piping galit ang dibdib ni Darvis dahil sa ikinikilos ni Psalm pero hindi niya pinilit ang asawa na pagbigyan siya. Naintindihan niyang nagtatampo lamang ito gawa ng nangyari roon sa hospital kanina. Kinabukasan ay maaga siyang gumising at nagtungo sa kusina. Napag-isip-isip niya kagabi, mukhang iniiwasan talaga ng asawa, bukod sa lumayo ito sa kanyang yakap kahapon. Mali ang ginawa niya roon sa hospital. Mahalaga si Pearl pero mahal niya si Psalm at hindi dapat ganoon ang inaasta niya sa harap ng asawa.Saglit siyang tumigil sa may bungad ng pintuan at pinagmasdan si Psalm na abala sa paghahanda ng agahan. Bumuntong-hininga siya at nilapitan ang asawa. Binigyan ng back-hug.Pero pumiglas si Psalm at itinulak siya."Ano ba, may ginagawa ako!" sikmat nitong nagpatigil sa tibok ng puso niya.Dati tuwang-tuwa ito kapag niyakap niya ng ganoon. Bagamat ngayon ay bakas ang disgusto sa mukha nito."Tungkol ba 'to roon sa nangyari sa hospital kahapon?" utas niyang naiirita na rin