Share

Kabanata 7

Penulis: Wolf Cloud
Tatlong araw na lang ang natitira bago ang flight ni Noelle.

Nagpadala si Jessica ng litrato sa kanya na nag-iihaw si Shawn sa tabing dagat. “Dinala niya ako sa Moldova para sa holiday reward sa pagiging buntis sa anak niya! Sinabi niya sa akin na mahiga ako at hayaan siya na magluto dahil buntis ako.”

Hindi sumagot si Noelle. Inimbitahan lang niya ang mga malalapit niyang mga kaibigan para magkaroon ng huling pagtitipon. Marahil hindi na nga naman nila makita ang isa’t isa. Nagsaya siya sa kanilang pagittipon.

Dalawang araw na lang bago ang flight niya.

Nagpadala si Jessica ng isa pang litrato ni Shawn na nagbabagsa siya ng libro “What to Expect When You’re Expecting”.

Jessica: “Mukhang ang bagong daddy namin ay nag-aalala sa bata. Halos kasing laki pa lang ng bean ang baby, pero araw-araw na siyang kinakausap ng ama niya.”

Hindi pa din sumagot si Noelle. Pumunta siya sa bangko para ipaconvert ang pera niya sa Nelorian dollars. Pagkatapos, kinansela niya ang lahat ng bank cards niya.

Isang araw na lang bago ang flight ni Noelle.

Sa pagkakataong ito, nagpadala si Jessica ng video. Nagpakita ito ng romantic fireworks malapit sa tabing dagat. Sobrang naantig si Jessica at naiyak pa siya, at pinagaan ni Shawn ang loob niya ng mahinhin. “Bakit ka umiiyak? Mas marami pang mga sorpresa sa hinaharap tulad nito.”

Jessica: “Ipinareserve niya ang buong isla para sa akin at binili lahat ng fireworks na mayroon sa Moldova para igunita ang kaarawan ko.”

Kaarawan pala ni Jessica. Naisip ni Noelle na double celebration ito—ang balita ng pagdadalantao niya at kaarawan ni Jessica ay nagsabay.

Ngumiti lang siya ng kaunti matapos panoorin ang video. Pagkatapos, tumawag siya sa local charity organization. “Hi, Gusto ko idamit ang mga damit ko para sa mga tao na nakatira sa mabubundok na lugar.”

Hindi nagtagal, isang representative ng organisasyon ang dumating gamit ang sasakyan. Inimpake ni Noelle ang alhat habang wala si Shawn. May malalaking mga bag ng damit at sapatos. Dinonate niya itong lahat, wala siyang itinira.

Para sa mga personal na gamit tulad ng identification, degree certificate at pang araw-araw na gamit, dinala ni Noelle ang mga ito sa crematorium at nagbayad para sunugin para sa kanya.

Noong nakabalik siya sa bahay kung saan limang taon siyang tumira, hindi niya mapigilan maramdaman na hindi na niya kilala ang tahanan. Nilinis niya ng husto ang paligid kung saan walang natirang bakas na tumira siya dito. Ang dinala lang niya at satchel na laman ang kanyang passport.

Ang iba pa niyang dinala na gamit ay ang kanyang phone. Ginamit niya ito para tumawag ng Uber para makatungo sa airport.

Tumigil ang sasakyan sa labas ng terminal. Babayaran na siya dapat ni Noelle ng tumawag si Shawn sa kanya. “Nakabalik na ako galing business trip; susunduin na kita ngayon sa bahay. Magdinner tayo sa labas.”

Nagbalik na nga talaga siya, pero kasama niya si Jessica. Nakaupo si Noelle sa Uber at pinanood silang lumabas ng sabay mula sa terminal. Itinutulak niya ang pushcart kung saan nakalagay ang mga maleta nila—isang pink at isang blue. Malinaw na pares ito.

Magkayakap ang mga braso nila habang nakasandal si Jessica sa balikat niya.

“Nakakapagod ba ang lakad mo?” tanong ni Noelle.

“Hindi, okay lang. Oo nga pala. Naalala ko na sinabi mong puwede ko na buksan ngayon ang regalo mo sa akin.”

“Oo.”

“Nasasabik na akong makita ang regalo mo. Hindi ako makapaniwala na pinaghintay mo ako ng isang linggo! Araw-araw sinusubukan ko hulaan kung ano ito. Baka bagay na napakahalaga nito dahil anniversary gift,” sambit niya.

“Sobrang halaga ng ibig sabihin nito. Maiintindihan mo kapag nakita mo.”

“Sige. Hintayin mo ako, okay? Aabutin ako ng mga dalawang oras para makauwi.”

Sapat na ang dalawang oras para sa kanya. Sa mga oras na iyon, nilisan na ng eroplano ang airspace.

“Okay,” sagot niya.

“Kita tayo mamaya kung ganoon. Mahal kita, Elle.”

Matapos ibaba ang tawag, nakita niya na ang ekspresyon ni Jessica ay hindi natutuwa. Samantala, lumapit si Shawn para halikan siya, para pagaanin ang kanyang loob.

Sinabi ng driver, “Hindi ka pa nagbabayad, miss.”

Binawi ni Noelle ang tingin niya at itinransfer ang lahat ng pera niya na nasa account sa kanya. Nagulat siya ng makita ang halaga. “Nagkamali ka ata, miss. 130 dollars lang, hindi 13 libong dolyar! Ibabalik ko ang sobra sa iyo.”

“Hindi, okay lang.” binuksan niya ang pinto para lumabas. “Hindi ko na gagamitin ang pera sa hinaharap. Salamat sa pagdadala mo sa akin dito.”

“Walang anuman. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Bukod pa doon, kailangan kita dalhin dito dahil binayaran mo ako.”

“Iba iyon. Dinala mo ako dito para simulan ko ang paglalakbay ko sa bagong buhay.”

Matapos bumaba sa sasakyan, pinatay ni Noelle ang phone niya, inalis ang sim card, at itinapon ito sa basurahan. Pagkatapos, ibinigay niya ang phone sa bata.

Masaya siya. “Salamat, miss!”

Ginulo niya ang buhok ng bata. “Walang anuman.”

Nahiya ang nanay niya. “Hindi kami puwede tumanggap ng mamahaling bagay.”

“Pupunta ba kayo abroad?” tanong ni Noelle.

“Oo. Pupunta kami sa Arilla para hanapin ang ama niya,” sagot ng babae.

Ngumiti si Noelle. “Kunin ninyo. Baka magamit ninyo ito doon.”

“Sige. Salamat.”

Kumaway siya para magpaalam sa kanila. “Ingat kayo.”

Pumasok siya sa airport ng marinig ang anunsiyo. “Ms. Aria Byrd, pakiusap tumuloy ka sa gate H23 sa oras na marinig mo ang anunsiyo. Ang flight mo ay paalis na…”

Tumalikod si Noelle muli para sa huling pagkakataon at tinignan ang labas ng airport. Pagkatapos, pumunta siya sa boarding gate ng dala ang kanyang passport, determinado siya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Bajan Mishell
𝒎𝒚 𝒃𝒂𝒚𝒂𝒅...... 𝒈𝒂𝒏𝒅𝒂 𝒏 𝒔𝒂𝒏𝒂 𝒆𝒊𝒊𝒊
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 21

    Sinabi na nakakaantig ng husto ang performance ni Shawn sa video. Sobrang nakakakumbinsi ito na kahit ang mga ibang tao na hindi naiintindihan ang lenguwahe ay batid kung gaano siya kadesperado base sa ekspresyon niya at subtitles.“Hindi iyon mangyayari,” sambit ni Noelle, hawak ang pusa sa mga bisig niya at yumuko siya. “Kasi, kanya-kanya tayaong mga tao na hindi required na umasa sa iba para mabuhay.“Kung pinili niya na sukuan ang sarili niya dahil dito, problema na niya iyon. Ang ibig ko sabihin, walang dapat na magsakripisyo ng kaligayahan nila para sa kanya.”Final na ang desisyon niya. Kahit na magpakita si Shawn sa harap niya, umiiyak at nagmamakaawa, hinding-hindi siya babalik sa kanya.Ngumiti ng kaunti si Cameron at mahinang sinabi, “Mabuting bagay iyon kung ganoon. Puwede ka manatili dito ng payapa. May mabigat na snowstorm kailan lang, at naharangan ang mga daan papunta sa lungsod.“Kung may tao man na mapagkamalan ka na ikaw ang nasa missing person notice, hindi sil

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 20

    Matagal ng kinain ng kalungkutan ang pag-iisip ng tama ni Shawn. Noong nagbigay lang ng hindi malinaw na domestic address ang caller at nagawa niyang ngumiti at ibinaba ang tawag.Hindi naman nakakagulat na nagsinungaling ang caller. Pero, hindi niya sinisi ang tumawag dahil masyado na siyang pagod para magkaroon ng pakielam.Simula sa araw na iyon, walang tigil ang mga natatanggap na tawag ni Shawn.Paulit-ulit siyang nilalapitan ng mga tao na sinasabing nakita nila si Noelle, ang bawat isa ay humihingi ng pabuya. At kahit na alam niyang ang karamiha nsa kanila ay nagsisinungaling, patuloy si Shawn sa pagbabayad sa kanila, kumakapit sa maliit na pag-asa. Sa huli, naglaho ang mga pabuya kasama ng mga tumatawag, walang balita o impormasyon na iniwan.Pero walang pakielam si Shawn. Kaunting pag-asa ang dahilan para magpatuloy siya, at kahit na may tao na gustong makipagkita mismo, pupunta siya ng walang alinlangan.Dagdag pa dito, may mga babae na gusto siyang puntahan kahit ganito

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 19

    Ang lahat ng mga papel na nakakalat sa sahig ay parehong mga papel na ginamit ni Noelle sa sulat niyang ibinigay kay Shawn. Ginamit niya ang lahat ng mga hindi nagamit na notebook ni Noelle sa kuwarto at matinding nagsusulat—ng walang pahinga—ng ilang araw na.Mukhang hindi na mahalaga ang oras sa mga sandaling ito.Hindi mapigilan ni Lydia na umiyak at sabihin, “Malinaw na araw kang makita ni Noelle. Ano pa ang silbi ng pagpuno sa kuwartong ito ng mga sulat ng paghingi ng tawad? Dapat sinabi mo sa kanya ang mga salitang iyan mismo.”Noong marinig ito ni Shawn, natigilan sandali si Shawn at nag-isip ng mapansin na may punto si Lydia. Pero, masyado na siyang malalim sa ginawa niya para umatras.Tinignan niya si Lydia habang namumula ang mga mata niya at sinabi, “Alam ko na patatawarin niya ako. Kapag natapos ako magsulat, siguradong patatawarin niya ako! Kailangan ko ipakita sa kanya kung gaano ako kasinsero—”Paos ang boses niya, pero ramdam ang gana niya, at kakaiba ang tindi ng

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 18

    Nagmamadali si Shawn, pero ang pagsecure ng visa at flight ticket ay hindi bagay na magagawa agad.Makalipas ang tatlong araw, matapos dumating sa Neloria, doong lang nasimulan ni Shawn na kontakin ang embassy para hanapin si Noelle.Kumatok si Shawn sa pinto ng apartment, isinigaw ang pangalan ni Noelle at nagmadaling pumasok sa loob. Pero, pinigilan siya ng landlord, na si Cameron Abner, na nasa gitna ng paglilinis.“Sino ka?” maingat niyang tanong.“Hinahanap ko si Noelle,” sagot ni Shawn. Agad niyang idinagdag, “Asawa ko siya, at nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan kailan lang. Gusto ko lang siyang makausap para linawin ang mga bagay-bagay.”Noong marinig ito, sumenyas lang si Cameron at sinabi, “Walang tao na ganyan ang pangalan dito.”“Ang buong pangalan niya ay Noelle Anderson.”Ipinilit ni Cameron, sinabi niya, “Sinisiguro ko sa iyo, walang Noelle Anderson na nakatira dito. Isa lang ang tenant ko na ang pangalan ay Aria Byrd.”Noong marinig ang pangalan, naguluhan

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 17

    Si Karen Green, isang middle-aged na babaeng kakahiwalay kailan lang dahil sa asawa niyang nangaliwa, ay galit na galit. Humakbang siya palapit at humarang sa daan ni Jessica para sabihin, “Paano nagawa ng babaeng katulad mo na piliin maging homewrecker at sirain ang pagsasama ng iba? Isa ka lang walanghiyang homewrecker!”Matapos makita na ipinapahiya siya ng isang estranghero, galit na sumagot si Jessica, “Ikaw, kumpara sa lahat ng tao dito, ay tinatawag akong homewrecker? Baka hindi mo kaya maging homewrecker sa pagmumukha mong yan. Baka tinatawag mo ako ng ganyan dahil hindi mo kaya panatilihing iyo lang ang lalake mo at ipinagpalit ka, tama?”“Hmph! Mas mabuti pa din ito kaysa itapon ka lang sa kalsada ng halos walang saplot!” galit na sagot ni Karen, sinunggaban niya si Jessica. Agad na nagkagulo.Dahil malapit lang ang tahanan ni Karen, agad niyang natipon ang mga kaibigan niya para ipahiya si Jessica bilang walang hiyang homewrecker. Matapos makita ang lumalalang sitwasyon,

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 16

    “Wala ka sa posisyon para husgahan si Noelle!” galit na sinabi ni Shawn. “Bukod pa doon, ang kumalat ang mga litratong iyon ang habol mo mismo, hindi ba?”“Malinaw ang mga kuha mong litrato sa akin pero sinasadya mo na hindi ka makunan ng litrato. Alam ko ang sinusubukan mo gawin, Jessica. Balak mo akong iblackmail!”Kahit na nalaman na niya sawakas ang mga nangyayari, alam ni Shawn na huli na ang lahat.Gusto pa din depensahan ni Jessica ang sarili niya. Pero, nandidiri ng husto si Shawn sa kanya. Ayaw niyang bigyan siya kahit kaunting pagkakataon.Agad na kinuha ni Shawn ang phone niya, tinawagan ang security ng villa at sinabi, “Kailangan ko magpadala kayo ng tao dito para alisin ang isang tao na hindi nababagay dito ngayon din.”Dahil ang security personnel ng villa ay nakaduty lagi, agad silang dumating matapos matanggap ang tawag.Ayaw umalis ni Jessica at nagpupumiglas. “Ikaw ang nagpapunta sa akin dito, Shawn! Aalis ako kung gusto mo na umalis ako, pero huwag mo akong tra

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status