Share

Kabanata 5

Author: Wolf Cloud
Sinabi ni Noelle, “Nawalan ng passport ang kaibigan ko at nagtatanong siya kung paano makakakuha ng bago.”

Nagmadali si Shawn palapit at hinawakan siya ng mahigpit. “Natakot ako bigla. Akala ko lilisanin mo ang bansa ng wala ako.”

Umiwas si Noelle mula sa kanya at sumuka na naman. Naaamoy niya ang pagiging sweet niya ng husto, pati ang pabango ng babae.

Minsahe ni Shawn and likod ni Noelle habang nasasaktan ang ekspresyon. “Anong ipinakain nila sa iyo? Sinabi ko na sa kanila na ingat sila sa mga pagkain dahil sa sikmura mo… Tatanggalin ko na sila ngayon din!”

Itinulak siya palayo ni Noelle ng buong lakas. “Puwede mo tanggalin ang kahit na sinong gusto mo tanggalin, pero huwag mo akong gamitin na palusot para sa mga ginagawa mo!”

Naguluhan siya sa biglaang niyang galit. “Galit ka ba sa akin, Elle? Dahil ba masyado akong abala para makasama ka? Hindi muna ako papasok bukas para makasama kita. Okay ba iyon sa iyo?”

Gusto niya halos matawa sa kalokohan ng sitwasyon. “Ako lang ang sasamahan mo?”

“Oo, ikaw lang.”

Huminga si Noelle ng malalim. “Sana tuparin mo ang pangako mo.”

Sa gabing iyon, umulan ng malakas. Patuloy sa pagsuka si Noelle simula ng makauwi. Gusto ni Shawn na manatili sa tabi niya, pero ang sabi ni Noelle ay lumayo siya. “Huwag ka lumapit sa akin. Lalo lang ako nasusuka sa amoy mo.”

Inamoy niya ang kanyang damit. “Baka hindi mo gusto ang amoy ng cologne ko. Iba ang gagamitin ko sa susunod.”

“Alam mo dapat na hindi iyon dahil sa cologne, Shawn!” galit niyang sinabi.

“Sige na, sige na. Huwag ka na magalit. Hindi na ako maglalagay ng cologne, okay?”

Naghilamos si Noelle at tinitigan ang repleksyon niya sa salamin. Nakita rin niya si Shawn na aligagang naghihintay sa kanya sa labas ng banyo, may dala siyang baso ng mainit na tubig.

Hindi pa din niya maintindihan. Paano niya nagagawang umarte na mahal siya ni Shawn kung itong umaalingasaw siya sa tamis ng amoy ng pabango ni Jessica? Paano niya nasira ang relasyon nila ng ganoon na lang kung ganito ang ipinapakita niya pinahahalagahan siya?

Sinusubukan ba niyang patunayan na tama ang mga senior executives? Na okay lang sa mga lalake na magloko basta hindi alam ng asawa nila?

Well, mali ang tingin niya sa kanya. Hindi siya ang walang muwang at madaling lokohin na babae, at hindi rin niya isusuko ang mga prinsipyo niya. Dahil hindi na buo at puro ang pag-ibig niya, ayaw niya na kahit maliit na parte nito.

Sa sumunod na umaga, isinama ni Shawn si Noelle sa ospital. Matapos ang mga test, may konklusyon na ang mga doktor. “Mukhang mayroon siyang emotional gastroenteritis.”

“Anong ibig sabihin nito?” tanong ni Shawn.

“May matinding emotional stress na pinagdadaanan ang pasyente na matindi ang epekto sa kanya, ang resulta ay gastrointestinal dysfunction at pagsusuka.”

Tinanong ni Shawn si Noelle, “May problema ka ba na kinakaharap, Elle? Sabihin mo kung anong bumabagabag sa iyo. Baka matulungan kita na ayusin ito.”

Umiwas siya ng tingin mula sa kanya, iniwasan niya ng lambing niya. “Hindi mo kaya.”

“Bakit hindi mo muna sabihin sa akin? Ilang mga bagay lang sa mundo ang hindi ko kayang ayusin.”

Tama siya. Totoong issue ito na siya lang ang may kaya. Panandalian, gusto tanungin ni Noelle kay Shawn kung sino ang una niyang ililigtas kung mahuhulog sila sa tubig ng sabay ni Jessica.

Pero kung iisipin, naisip din niya na dapat walang ipaubaya ang buhay nila sa iba. Ang umasa sa iba ay magiging resulta lang sa matinding kalungkutan kung mabibigo sila.

Marunong siyang lumangoy, kaya ililigtas niya ang kanyang sarili. Hindi na niya kailangan si Shawn.

Nag-apply si Noelle sa art academy sa Neloria sa pangalang Aria Byrd. Isinuko na niya ang kanyang pangarap ng pakasalan si Shawn. Sa hinaharap, mabubuhay na lang siya para sa kanyang sarili.

“Ano kaya kung manood tayo ng movie ngayong tanghali, Elle?” ideya ni Shawn. “May bagong comedy na ipapalabas, at mapapasaya ka nito.”

“Ngayong tanghali? Wala ka bang trabaho?” tanong ni Noelle.

“Nagkasundo tayo na buong araw kitang sasamahan, hindi ba? Tutuparin ko ang sinabi ko. Hindi ko sinisira ang mga pangako ko.”

Sa oras na iyon, tumunog ang phone niya. Gusto niya tanggihan ang tawag pero nag-alinlangan siya matapos makita ang caller ID. Pinanood ni Noelle ang ekspresyon niya na nagbago mula sa inis at naging nahihirapan.

Ngumiti siya. “Sagutin mo. Importante ang trabaho.”

“Babalik din ako, okay? Bigyan mo lang ako ng limang minuto.”

“Okay.”

Aalis na siya dapat dala ang phone niya, pero pinigilan siya ni Noelle. “Sagutin mo dito. Hindi naman sa hindi ako nakakaintindi ng business jargon. Hindi ako magsisiwalat ng mga sikreto.”

Nanigas siya, nakakailang ang dating niya. Makalipas ang ilang sandali, sinagot niya ang tawag, nagkunwari siyang galit. “Hindi ba’t sinabi ko na huwag akong tawagan ngayon? Anong nangyayari?”

Hindi alam ni Noelle kung anong sinabi ni Jessica, pero narinig niya ng kaunti ang pag-iyak niya. Naging maingat ang tono ni Shawn habang nanonood siya. “Sige, naiintindihan ko. Sandali lang.”

Ibinaba niya at humingi siya ng tawad. “Kailangan ko pirmahan ang isang urgent na dokumento, Elle. Dinala ito ng manager sa ospital—nasa baba siya. Babalik din ako agad pagkatapos itong pirmahan, okay? Kalahating oras lang at babalik na ako.”

Tumango siya, at tumakbo siya halos palabas ng kuwarto.

Nataw ang doktro at sinabi, “Mahal na mahal ka talaga ni Mr. Pitt, Mrs. Pitt. Willing siyang isantabi ang trabaho niya para sa iyo.”

“Ganoon ba?” sumimangot si Noelle. “Pasensiya na. Kailangan ko magbanyo.”

“Sige lang.”

Nilisan niya ang kuwarto at nakita si Shawn na tumakbo sa emergency stairs dahil masyadong maikli ang pasensiya niya para hintayin ang elevator. Hindi siya nagsinungaling—bumaba siya talaga.

Pero, ang pinuntahan niya sa ibaba ay ang gynecology department.

Sa oras na iyon, tumunog ang phone niya. Message ito mula kay Jessica. “Pasensiya na tungkol dito, Ms. Anderson, pero baka hindi ka na niya makasama buong araw. Nakita mo naman kung gaano siya nagmamadali matapos ko siyang tawagan, hindi ba?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 21

    Sinabi na nakakaantig ng husto ang performance ni Shawn sa video. Sobrang nakakakumbinsi ito na kahit ang mga ibang tao na hindi naiintindihan ang lenguwahe ay batid kung gaano siya kadesperado base sa ekspresyon niya at subtitles.“Hindi iyon mangyayari,” sambit ni Noelle, hawak ang pusa sa mga bisig niya at yumuko siya. “Kasi, kanya-kanya tayaong mga tao na hindi required na umasa sa iba para mabuhay.“Kung pinili niya na sukuan ang sarili niya dahil dito, problema na niya iyon. Ang ibig ko sabihin, walang dapat na magsakripisyo ng kaligayahan nila para sa kanya.”Final na ang desisyon niya. Kahit na magpakita si Shawn sa harap niya, umiiyak at nagmamakaawa, hinding-hindi siya babalik sa kanya.Ngumiti ng kaunti si Cameron at mahinang sinabi, “Mabuting bagay iyon kung ganoon. Puwede ka manatili dito ng payapa. May mabigat na snowstorm kailan lang, at naharangan ang mga daan papunta sa lungsod.“Kung may tao man na mapagkamalan ka na ikaw ang nasa missing person notice, hindi sil

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 20

    Matagal ng kinain ng kalungkutan ang pag-iisip ng tama ni Shawn. Noong nagbigay lang ng hindi malinaw na domestic address ang caller at nagawa niyang ngumiti at ibinaba ang tawag.Hindi naman nakakagulat na nagsinungaling ang caller. Pero, hindi niya sinisi ang tumawag dahil masyado na siyang pagod para magkaroon ng pakielam.Simula sa araw na iyon, walang tigil ang mga natatanggap na tawag ni Shawn.Paulit-ulit siyang nilalapitan ng mga tao na sinasabing nakita nila si Noelle, ang bawat isa ay humihingi ng pabuya. At kahit na alam niyang ang karamiha nsa kanila ay nagsisinungaling, patuloy si Shawn sa pagbabayad sa kanila, kumakapit sa maliit na pag-asa. Sa huli, naglaho ang mga pabuya kasama ng mga tumatawag, walang balita o impormasyon na iniwan.Pero walang pakielam si Shawn. Kaunting pag-asa ang dahilan para magpatuloy siya, at kahit na may tao na gustong makipagkita mismo, pupunta siya ng walang alinlangan.Dagdag pa dito, may mga babae na gusto siyang puntahan kahit ganito

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 19

    Ang lahat ng mga papel na nakakalat sa sahig ay parehong mga papel na ginamit ni Noelle sa sulat niyang ibinigay kay Shawn. Ginamit niya ang lahat ng mga hindi nagamit na notebook ni Noelle sa kuwarto at matinding nagsusulat—ng walang pahinga—ng ilang araw na.Mukhang hindi na mahalaga ang oras sa mga sandaling ito.Hindi mapigilan ni Lydia na umiyak at sabihin, “Malinaw na araw kang makita ni Noelle. Ano pa ang silbi ng pagpuno sa kuwartong ito ng mga sulat ng paghingi ng tawad? Dapat sinabi mo sa kanya ang mga salitang iyan mismo.”Noong marinig ito ni Shawn, natigilan sandali si Shawn at nag-isip ng mapansin na may punto si Lydia. Pero, masyado na siyang malalim sa ginawa niya para umatras.Tinignan niya si Lydia habang namumula ang mga mata niya at sinabi, “Alam ko na patatawarin niya ako. Kapag natapos ako magsulat, siguradong patatawarin niya ako! Kailangan ko ipakita sa kanya kung gaano ako kasinsero—”Paos ang boses niya, pero ramdam ang gana niya, at kakaiba ang tindi ng

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 18

    Nagmamadali si Shawn, pero ang pagsecure ng visa at flight ticket ay hindi bagay na magagawa agad.Makalipas ang tatlong araw, matapos dumating sa Neloria, doong lang nasimulan ni Shawn na kontakin ang embassy para hanapin si Noelle.Kumatok si Shawn sa pinto ng apartment, isinigaw ang pangalan ni Noelle at nagmadaling pumasok sa loob. Pero, pinigilan siya ng landlord, na si Cameron Abner, na nasa gitna ng paglilinis.“Sino ka?” maingat niyang tanong.“Hinahanap ko si Noelle,” sagot ni Shawn. Agad niyang idinagdag, “Asawa ko siya, at nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan kailan lang. Gusto ko lang siyang makausap para linawin ang mga bagay-bagay.”Noong marinig ito, sumenyas lang si Cameron at sinabi, “Walang tao na ganyan ang pangalan dito.”“Ang buong pangalan niya ay Noelle Anderson.”Ipinilit ni Cameron, sinabi niya, “Sinisiguro ko sa iyo, walang Noelle Anderson na nakatira dito. Isa lang ang tenant ko na ang pangalan ay Aria Byrd.”Noong marinig ang pangalan, naguluhan

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 17

    Si Karen Green, isang middle-aged na babaeng kakahiwalay kailan lang dahil sa asawa niyang nangaliwa, ay galit na galit. Humakbang siya palapit at humarang sa daan ni Jessica para sabihin, “Paano nagawa ng babaeng katulad mo na piliin maging homewrecker at sirain ang pagsasama ng iba? Isa ka lang walanghiyang homewrecker!”Matapos makita na ipinapahiya siya ng isang estranghero, galit na sumagot si Jessica, “Ikaw, kumpara sa lahat ng tao dito, ay tinatawag akong homewrecker? Baka hindi mo kaya maging homewrecker sa pagmumukha mong yan. Baka tinatawag mo ako ng ganyan dahil hindi mo kaya panatilihing iyo lang ang lalake mo at ipinagpalit ka, tama?”“Hmph! Mas mabuti pa din ito kaysa itapon ka lang sa kalsada ng halos walang saplot!” galit na sagot ni Karen, sinunggaban niya si Jessica. Agad na nagkagulo.Dahil malapit lang ang tahanan ni Karen, agad niyang natipon ang mga kaibigan niya para ipahiya si Jessica bilang walang hiyang homewrecker. Matapos makita ang lumalalang sitwasyon,

  • Pag-Ibig na Napadaan   Kabanata 16

    “Wala ka sa posisyon para husgahan si Noelle!” galit na sinabi ni Shawn. “Bukod pa doon, ang kumalat ang mga litratong iyon ang habol mo mismo, hindi ba?”“Malinaw ang mga kuha mong litrato sa akin pero sinasadya mo na hindi ka makunan ng litrato. Alam ko ang sinusubukan mo gawin, Jessica. Balak mo akong iblackmail!”Kahit na nalaman na niya sawakas ang mga nangyayari, alam ni Shawn na huli na ang lahat.Gusto pa din depensahan ni Jessica ang sarili niya. Pero, nandidiri ng husto si Shawn sa kanya. Ayaw niyang bigyan siya kahit kaunting pagkakataon.Agad na kinuha ni Shawn ang phone niya, tinawagan ang security ng villa at sinabi, “Kailangan ko magpadala kayo ng tao dito para alisin ang isang tao na hindi nababagay dito ngayon din.”Dahil ang security personnel ng villa ay nakaduty lagi, agad silang dumating matapos matanggap ang tawag.Ayaw umalis ni Jessica at nagpupumiglas. “Ikaw ang nagpapunta sa akin dito, Shawn! Aalis ako kung gusto mo na umalis ako, pero huwag mo akong tra

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status