Beranda / Romance / Paid To Become The Billionaire's Wife / CHAPTER 2: SCOLDING THE SCUMBAG

Share

CHAPTER 2: SCOLDING THE SCUMBAG

Penulis: JEREMEYA
last update Terakhir Diperbarui: 2024-10-10 14:45:23

Matapos marinig ang sinabi ni Elisia ay agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha nito.

Buwan na ang nakalilipas noong gabing nalaman ni Elisia ang sakit ni Jace. Galit at pagkabalisa ang naramdaman niya, gusto niyang pumunta kay Kyle para sabihin dito ngunit hindi niya inaasahan na makita itong may kasamang babae sa mumurahing bahay na nirerentahan nito. Matapos siya nitong ligawan ng maraming taon. 

Nang mga oras na iyon ay para bang ang tatlong taong pag-iibigan at sampung taong pagiging childhood sweetheart nila ay tila ba naging isang malaking biro. 

“Elisia, ang bastos mo.” Nagsalubong ang kilay ni Kyle. “Siya at ako ay hindi katulad ng iniisip mo. Lasing ako.” 

“Kung sa tingin mo bastos ako bakit hindi mo isipin kung gaano ka kapangit?” Diretsong ganti ni Elisia. “Huwag kang magpakamoral dito. Labas. Para kang daga sa kanal, napakadumi mo.” 

Matapos makita ito ay lumabas ng pinto si Elisia at umalis. Sa daan ay muli niyang nakita ang ina ni Kyle na mukhang may ide-deliver. Nakita nito ang kaguluhan sa mukha ni Elisia. Mula din sa kaniya kung bakit nalaman ni Elisia na nakikipagkita si Kyle sa mga mayayamang babae lingid sa kaalaman nito. 

Matapos sabihin iyon ay hindi na niya hinintay pang sumagot si Kyle. Nang makita ang taxi sa tabi nito ay agad niyang binuksan ang pinto at sumakay. 

Sa kabilang banda, dumiretso si Nathan sa Lucero's group matapos umalis sa munisipyo.

“Sir Nathan, pinaghintay niyo ako ng matagal, bakit mo naman pinag-drive ang sarili mo ngayon?” 

Bago pa makasagot ay nag-ring ang cellphone ni Nathan. 

“Brother, nasaan ka?” Ang tawag ay mula sa kaniyang kababata na si Duke Alcantara. 

“May sasabihin akong importante.” 

“Ang sama talaga ng ugali mo,” pagrereklamo ni Duke mula sa kabilang linya. “Pero sino ba ang gumawa sa akin bilang pinakamahusay na tao sa mundo na hindi naaalala ang pagkakamali ng mga kontrabida? Kahit na ang brutal mo sa’kin babalaan pa rin kita.” 

Ganito na talaga si Duke mula pa noon. Kung ano-anong walang saysay ang lumalabas sa bibig. Palaging gustong sumama sa kung saan ang masaya. 

“Babalik na ng Pilipinas si Kassandra, at diyan siya sa Manila mananatili.” 

Matagal nang hindi naririnig ni Nathan ang tatlong salita na Kassandra mula sa mga kaibigan. Mula nang maghiwalay sila nito ay halos lahat ng nasa palagid niya ay hindi na kailanman binanggit ang tatlong salita na ito. Walang naglakas loob na tanungin si Nathan kung bakit sila naghiwalay.

Maliban sa mga kababata niya, lalong lalo na si Duke.

“Wala na kaming kinalaman pa sa isa't isa,” saad niya sa malamig na boses. “Bumalik man siya o hindi anong kinalaman no’n sa ‘kin?” 

“Paano kung sabihin ko sa’yo na dadalo siya ng Lucero's Centennial Celebration?” 

“Paanong nangyaring hindi ko alam?” Bilang namumuno ng Lucero's group, walang kaalam-alam si Nathan sa mga taong dadalo sa nasabing pagdiriwang ng kumpaniya. Nakakagalit lang.

“Nakipag-dinner si Lolo kay Lola kanina at narinig kong nabanggit nila iyon sa hapagkainan.” Tila naramdaman ni Duke ang galit sa tono ng boses ni Nathan. “Ang sabi gusto daw ng Lola mo na magkabalikan kayong dalawa, kaya itinago niya sayo ang tungkol sa bagay na iyon. Maganda ang intensyon ng Lola mo, alam naman ng lahat na gusto mo si Kassandra bata pa lang kayo. Huwag mo sanang sisihin si Lola, siya din ay…” Naputol ang sasabihin nito ng magsalita siya.

“Kasal na ako.” 

“Ano?!” 

Muling nagbalik sa isip niya ang una nilang pagkakakilala ni Elisia.

Ang unang beses na nagkakilala sila ng personal ni Elisia ay matapos nilang mag-chat ng dalawang araw. 

Ayon sa paglalarawan ni Nathan Lucero ay hinanap ni Elisia sa loob ng coffee shop ang lalaking tugma ang katangian sa ibinigay sa kaniya. Nang magtagpo ang mga mata nila, medyo hindi makapaniwala si Elisia. Dahil ang lalaking naka-itim na damit sa harap niya ay ibang iba sa lalaking naiisip niya.

“Hello, Elisia. Ako si Nathan Lucero.” 

“Hello.” Iniabot niya ang kamay sa lalaki na agad naman nitong tinanggap. Ang malaking kamay nito ay halos sakupin ang buong kamay ni Elisia. 

Naglakas loob lang na tumingin si Elisia ngunit sa loob niya ay nakararamdam siya ng kaguluhan. Ang akala niya ay isa itong nagmamantikang matandang lalaki na may malaking tiyan. Ngunit isa pala itong napakagwapong lalaki. Paano nito napagmukhang pang thirties ang itsura?

Inabot ni Nathan ang menu kay Elisia. “Tignan mo kung ano ang gusto mong inumin.” 

“Okay na ako sa Latte.” Hindi na niya kinuha ang menu at basta na lang sinabi ang gusto.

“Okay.” 

Medyo naguguluhan pa rin si Elisia. Ang buong akala niya ay nakakita na siya ng maraming pogi sa buhay niya simula pagkabata, ngunit kung ikukumpara ang “gentle president” na nasa harapan niya. Ang mga gwapong lalaki na kasing edad nito ay tila walang panama.

Matangkad ito at may ngiti sa mga labi. Ang bawat aspeto ng mukha nito ay malambot at tila nang-aakit. Para itong poster na nakaupo sa harapan niya. Ang kagwapuhang taglay nito ay nang-aakit ng mga tao sa paligid nila para pagmasdan ito. 

Napalunok si Elisia at nakaramdam ng hindi kasiguraduhan. 

Matapos basahin ni Nathan ang menu ay hindi na niya masyado tinanong pa si Elisia. Inumpisahan na lamang niyang sabihin ang laman ng isip niya. “Ang Lola ko at ako ay may magandang relasyon pero inoperahan siya nitong nakaraan kaya hindi maganda ang kalusugan niya. Ang tanging hiling niya ay ang makasal ako kaagad, kaya gusto kong maghanap ng karapat-dapat na babae. At pasukin ang mundo ng pagpapakasal.”

Wala pa masyadong sinasabi si Nathan ngunit na-iimagine na ni Elisia ang kwento ng mayamang pamilya sa isipan niya. “Ang bunso kong kapatid ay may sakit at kailangan ng pambayad sa pagpapagamot.”

“Isa kang mabait na kapatid,” pagpapatuloy ni Nathan, “kung i-co-consider ang trabaho mo ng isang taon pati ang kaseryosohan ng pagpapakasal, sa palagay ko ay may obligasyon akong dagdagan pa ang ibabayad ko para na rin sa oras na mawawala sa’yo. Kaya bilang dagdag regalo sa kasal, susundin ko ang napag-usapan online kasama sa babayaran ko ang bill ng tubig, kuryente at maging ang tutuluyan mo. Willing akong bayaran ang lahat ng pangangailangan mo sa araw-araw habang kasal tayo. Pwede rin kitang bilhan ng kotse at bahay. Pwede mo itong bilhin sa kahit anong lugar mo gustuhin.”

“Hindi, ang pera na matatanggap ko sa kasal ay malaki na.” Isang milyon, Isang milyon iyon. Bumili ng bahay at kotse kung gusto niya? Naiintindihan na ni Elisia ang malaking agwat ng katayuan nila sa buhay. “I will cooperate,” pagpayag niya.

Nais nitong magbigay ng pera ngunit wala siyang lakas na loob na kunin ito. Kahit na bata pa si Elisia mayroon siyang paniniwala na ang swerte ng isang tao ay dumadaloy, kung hihingi siya ng sobra ngayon, kukunin niya ‘yon sa dapat na pagmumulan non sa hinaharap.

Kung hindi lang dahil sa kapatid niya ay hindi siya papayag sa nakakalokong kasunduan na ‘to.

“Naniniwala ako sa’yo, Ms. Flores.” Tinignan siya nito at tinanguan. Ngumiti siya ng alanganin. Hindi niya alam ngunit sa hindi malamang dahilan ay hindi niya ito kayang titigan sa mga mata.

“Kung wala ng problema sa side mo, Ipapadala ko na ang pera sa’yo at pwede mo ng pirmahan ang kasunduan.” Inilagay ni Nathan ang dokumento sa lamesa at ibinigay iyon kay Elisia. “Huwag kang mag-aalala, habang kasal tayo ay hindi ako kikilos ng hindi karapat-dapat sa’yo Miss Flores. Kailangan lang kita sa harap ng pamilya at kaibigan ko para umarte sa harap nila kasama ako.” 

Hanggang sa mapirmahan at matanggap ni Elisia ang certificate ay pakiramdam niya na ang dalawang araw na nagdaan ay tila parang isang panaginip lang.

“Miss Flores? Miss Flores? Hello?” 

Ang boses ng HR ang nakapagpabalik sa kaniya sa reyalidad.

“Oh, sorry,” paumanhin niya at napapahiyang nginitian ito. 

“Okay lang, ipagpatuloy na natin ang pagtatanong. Ngayong taon ka

lang nakapagtapos. Ayos lang ba na tanungin ko ang marital status mo?”

“Oh, kasal na ako.” 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 102: IMBESTIGASYON

    “Okay ka na ba? Kamusta ang pakiramdam mo?” Nang sandaling lumapit si Jake ay mabilis ring lumapit si Nathan sa tabi niya. Walang salitang namutawi sa bibig ni Nathan, tinignan lang siya nito nang may pag-aalala sa mga mata. “Mas mabuti na.” Palaging naiisip ni Elisia na hindi naman ito malaking bagay. Kumpara sa mga sugat niya, mas nag-aalala siya sa mga gamit nila. “Kamusta naman? Maayos ba’ng nakuhanan ang materials natin?” tinanong ni Elisia si Jake. “Hindi na masama.” Ngumiti si Jake at sinabi, “Na-edit ko na ang paunang version ng report video. Pwede mong tignan pagkatapos ay ayusin na lang ulit natin.” “Buti naman, hayaan mo akong makita agad.” Gusto lang ni Elisia na makita ang resulta ng pinaghirapan niya, kaya nang sandaling iyon ay panandalian niyang nakalimutan ang presensya ni Nathan sa tabi niya. Hindi galit si Nathan, ngunit nanatili lang siyang tahimik sa gilid. Nang dalhin ni Jake ang laptop nito, naupo siya sa tabi ni Elisia at pinanood iyon kasabay nito. Hal

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 101: TENSYON

    Matagal nang nagsisilbi si Simon kay Nathan, pero ito ang unang beses na nakita niya itong wala sa sarili.Ang amo niya na napaka-elegante tuwing weekdays, ngayon ay nakasuot ng marumi at magulong damit sa unang pagkakataon. Ang damit nito ay nabahiran ng pulang mantsa ng dugo. Labis na ikinagulat iyon ni Simon. Ang tauhan sa ambulansya na nasa tabi niya ay agad na umabante at kinuha si Elisia at Nathan mula sa sasakyan patungo sa ambulansya. May propesyunal na doctor rin sa loob no'n.Hindi katagalan simula ng makapasok sa ambulansya at makaalis sina Nathan at Elisia, si Mike kasama ang mga tauhan ng manager ng tindahan na nakaitim ay nagmaneho sa bahaging iyon, ngunit bago pa man sila makababa sa sasakyan para harapin ang isa’t isa, biglang dumating ang mga pulis at pinaligiran sila. Sa kabilang banda, natatakot si Elisia sa reaksyon ni Nathan. Ang sugat na nasa braso niya ay mukhang nakakatakot, ngunit nararamdaman niya na wala namang natamaan sa buto niya. Dahil kapag nasugata

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 100: OKAY LANG AKO

    Natural na naagaw ng kilos ni Elisia ang atensyon ni Nathan. Ikinagulat niya ang ginawa nitong pakikipagharap sa dalawang lalaking nasa harapan nito.Sa kabilang banda, ang bagay na iyon ay normal na para kay Elisia. Matapos ang lahat, noong bata pa siya, madalas siyang makipag-away kasama si Danica laban sa mga lalaking nang-aapi sa kanila. Ayos lang iyon noong bata pa siya, pero nang tumanda na siya, ang pisikal na kaibahan sa pagitan ng lalaki at babae ay nakikita na. Nang oras na iyon, alam ni Elisia na hindi siya mananalo kung aasa lang siya sa pisikal na lakas. Kaya naman sa tuwing nagkakaproblema siya, naghahanda siya ng maliliit na kagamitan. Bago bumaba, hindi kinalimutan ni Elisia na ibaba muna ang bag niya. Upang masiguro na ang mga gamit niya ay hindi mawawala. Sa bahaging iyon, hindi na sumagot pa si Elisia sa mensahe ni Jake. Dahilan para maisip ni Jake na may masama ng nangyari. Kaya naman agad niyang pinagana ang kotse at plano niyang sunduin si Elisia at Nathan. M

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 99: NAHULI

    “Tina, bakit pakiramdam ko ang wirdo ng mga nangyayari.” Si Mike at ang store manager ay lumabas ng kwarto at pinaalis ang mga taong nasa paligid nila. Lumapit si Mike sa manager at sinabi rito ang pagdududa niya. “Anong problema?” Hindi pa rin ito gaanong maintindihan ng manager.“Sabihin mo, talaga ba na ang dalawang taong iyon ay si Mr. Lucero at Mrs. Lucero?” Tinignan ni Mike ang manager ng may mahinahong ekspresyon sa mukha. “Sa pagkakaalam ko, si Nathan Lucero lang ang nag-iisang tagapagmana ng Lucero's Group. Ang matandang Lucero ay isang taong hindi nagbabago ng isip. Sa tingin mo ba, papayag ang matandang Lucero na ang apo niya ay naghahanap ng taong magdadala ng items para sa kanya? At kasal na siya, bakit kailangan pa niya ng taong magdadala ng items para sa kanya?”“Marahil dahil naaawa siya sa sakit na mararamdaman ng asawa niya sa panganganak. Normal naman iyon,” saad ng manager, “Marami tayong mayayamang asawang babae noon na pumunta sa'tin dahil nag-aalala sila na maw

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 98: SALAMAT MR. LUCERO

    Nakaupo si Elisia sa tabi nito, bahagyang nalula siya sa mga sinabi nito. Pakiramdam niya ay maling gamot ang nainom nito ngayon. Sa huli, dalawang beses lang siyang naubo, hindi na siya kumibo pa at tahimik na lang na naupo sa tabi nito.Ikinalma ni Jake ang sarili at inobserbahan ang estado ng dalawang tao sa likuran niya sa rearview mirror. Matapos magmaneho ng mahigit kalahating oras, ang senaryo sa paligid nila ay mas lalong umonti. At sa wakas, ang kotse ng store manager ay huminto sa puting building.“Mr. Lucero, Mrs. Lucero.” Pagkaparada ng sasakyan, tumakbo palabas ng kotse ang store manager at magalang na sinalubong sila Nathan at Elisia.Ang dalawa ay nagkasundo sa loob ng kotse. Dahil handa siyang tulungan ni Nathan, sisiguraduhin ni Elisia na gagamitin niya ito ng tama. Kaya naman ng makababa sa kotse, natural na kinuha niya ang mga braso nito.Naglakad silang apat papalapit sa gate. Nang makita nila ang puting building sa harap nila, hindi pa rin maiwasang magulat ni E

  • Paid To Become The Billionaire's Wife    CHAPTER 97: HANDA AKONG MAGBIGAY

    Matapos dumating ni Nathan, mas lalong naging mapagbigay ito. Gumastos lang naman ito ng nagkakahalaga ng walong numero sa tindahan.Hindi niya alam kung ang paggastos nito ay para galitin si Jake o para tuluyang maalis ang pagdududa ng store manager. Ngunit ano man sa dalawa, ang paggastos na iyon ay talagang labis na ikinabahala ni Elisia.Okay, ang pera ba ng mayayaman ay hindi mabibilang na pera? Ang gano'n kalaking pera, gagastusin lang nito dahil sinabi nito?Sobrang nababahala si Elisia, ngunit sa kabila no'n ay hindi naman maitago ang ngiti sa mukha ng store manager. Matapos ang kalahating oras, matapos ang paalala ni Elisia, sa wakas ay opisyal na itong nailagay sa pang-araw-araw na routine. Ang store manager ang nagmamaneho sa unahan upang pangunahan ang daan. Sa likod naman nito ay si Jake, at si Nathan at Elisia ay nakaupo sa likurang upuan. Sinusundan nila ang kotse ng manager papunta sa destinasyon nila.“Bakit nandito ka? Wala ka bang gagawin ngayong hapon?” Medyo nasu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status