ログインIsabella’s POVHindi ito dapat mangyari.Hindi ganito.Tahimik akong nakatayo sa labas ng kwarto.Naririnig ko ang mahihinang boses sa loob boses ni Javier… at ng babaeng dapat matagal ko nang tinanggal sa eksena.Cyanne.Napapikit ako sandali.Pinipilit kong kumalma.Pero sa bawat segundo na naririnig ko siya mas lalo kong nararamdaman na unti-unti kong nawawala ang kontrol.“At saka… may mga naaalala ako.”Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa akin.What?Nanigas ang katawan ko.Naaalala?Hindi pwede.Hindi pa.Hindi dapat.Dahan-dahan kong hinawakan ang doorknob.At tuluyang pumasok.“At least you’re awake.”Kalmado ang boses ko.Perpekto.Parang walang nangyari.Pero sa loob magulo.Magulo na.“Why are you here?”Diretso agad si Javier.Walang pag-aalinlangan.At doon ko unang naramdaman may nagbago.Hindi na siya yung lalaking madaling kontrolin.“I’m your wife,” sagot ko.Simple.Matibay.“Nandito ka kaya nandito rin ako.”Pero kahit sinasabi ko iyon hindi na ako sigurado
Tiffany’s POVHindi pa rin ako makagalaw.Nakatayo lang ako sa harap ni Javier habang nakatingin siya sa akin na parang may hinahanap parang may gustong alalahanin pero hindi niya maabot.“Did we… love each other?” Mahina niyang tanongAt kahit handa na ako sa tanong na ‘yon… iba pa rin kapag narinig mo na.“You were my everything.” Halos pabulong kong sagot.At nakita ko kung paano nagbago ang mukha niyakung paano siya nasaktan kahit hindi niya alam kung bakit.Pero bago pa kami makapagsalita ulit—“Hindi mo ba talaga titigilan ang asawa ko? Sinabihan na kita sa loob diba?”Nanigas ang katawan ko.Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino iyon.Isabella.Dahan-dahan akong humarap.Nakatayo siya ilang hakbang lang ang layo sa amin. Mas matalim ang tingin. Mas galit. Mas hindi na kontrolado.“At dito ka pa talaga sa harap niya?” dagdag niya, malamig. “Wala ka talagang hiya.”“Isabella—” putol ni Javier.Pero hindi siya pinansin.Sa halip, lumapit siya sa akin.Isang hakba
Tiffany’s POVTahimik.Pero hindi ito yung tahimik na payapa.Ito yung tahimik na parang may sasabog anumang segundo.Nakatayo sa harap ko si Isabella. Matigas ang tindig niya. Perpekto ang mukha. Kontrolado ang emosyon.Pero kita ko.Galit.Takot.At higit sa lahat ang pagkataranta.Hindi ako tumayo.Hindi ako umatras.Hindi na.Hindi na ako yung babaeng kayang balewalain. Lalo na kung alam kong tama ang pinaglalaban ko.“Sabihin mo kung sino ako sa kanya.”Mahina ang boses ko.Pero diretso.Walang panginginig.Saglit siyang natahimik.Kita ko kung paano siya nag-isip.Kung paano niya pinili ang susunod niyang galaw.“Walang dapat ipaliwanag,” sagot niya, malamig. “Hindi siya importante.”Parang may kumurot sa dibdib ko.Pero hindi ako nagpakita.Hindi ako bumigay.Bago pa ako makasagot napahawak si Javier sa ulo niya.“Javier?” sabay naming tawag.At doon napatingin ako kay Isabella.Sandali lang.Pero sapat.Pareho kaming may karapatan.At yun ang hindi niya matanggap.“Stop.”Mahi
Scarlett’s POVHindi ito dapat nangyayari.Hindi ganito kabilis.Hindi ganito kadali.Mahigpit kong hinawakan ang phone ko habang nakatitig sa screen sa litrato na kakasend lang.Isang café.Isang mesa.Dalawang tao.Cyanne Javier.Magkaharap.Magkalapit.At higit sa lahatmagkasama.Nanlamig ang buong katawan ko.Hindi ko na kailangan ng audio.Hindi ko na kailangan marinig ang usapan nila.Sapat na ang itsura nila.Sapat na ang paraan ng pagtingin ni Javier sa kanya.Hindi iyon tingin ng isang lalaki na hindi kilala ang kaharap niya.At kung anuman ang sinabi ni Cyanne—huli na.“Damn it…”Napahigpit ang hawak ko sa phone.Hindi ito pwedeng umabot sa ganito.Hindi ko hinayaan ang lahat ang plano, ang kasinungalingan, ang pagtakip—para lang bumalik siya.Para lang mabawi niya ulit ang anak ko.Agad kong pinindot ang pangalan sa contacts.Isabella.Isang ring pa lang—sinagot na niya.“Mom?”Kalma.Walang kaalam-alam.Lalong uminit ang dugo ko.“Nasaan ka?” direkta kong tanong.Nag
Tiffany’s POVHindi na ito ang sandaling pwede ko pang takasan.Matagal ko nang hinihintay ang tanong na iyon.At ngayon na nandito na—ako naman ang natatakot sumagot.Tinitigan ko siya.Si Javier.Ang lalaking minsan kong minahal…at ang lalaking ngayon ay nakatingin sa akin na parang estranghero—pero hindi buo.May kulang.At pareho naming nararamdaman iyon.“Because there was.”Narinig ko pa rin ang sarili kong boses.Mahina.Pero wala nang atrasan.Naningkit ang mata niya.“Then who did it?”Diretso.Walang paligoy-ligoy.Ganito siya dati.Ganito siya kapag gusto niya ng totoo.Huminga ako nang malalim.Hindi sapat ang kalahating katotohanan.Pero hindi rin sapat ang lakas ko para ibigay lahat.Hindi pa.“Javier…” mahina kong simula.Pero bago ko pa matapos—“Don’t,” putol niya agad.Mas madiin.Mas matalim.“Don’t say my name like that unless you’re going to tell me everything.”Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng mesa.Masakit.Pero tama siya.Wala na kaming lugar para sa kala
Javier’s POV“I’m going to find out.”Narinig ko pa rin ang sarili kong boses kahit wala na si Isabella sa silid.At sa unang pagkakataon…hindi ako natakot sa sagot.Mas natakot ako sa posibilidad na wala akong gawin.Napatingin ulit ako sa litrato sa kamay ko.Ako.At si Cyanne.Walang duda.Hindi iyon basta picture lang.Kung paano ko siya yakapinhindi iyon peke.Hindi iyon pwersado.It was real.Ramdam ko kahit hindi ko maalala.At iyon ang mas nakakabaliw.Dahan-dahan kong ibinaba ang litrato sa mesa, pero hindi ko binitawan ang folder.May laman pa ito.Kailangan kong malaman.Ngayon na.Agad.Binuksan ko ulit ang folder, mas maingat na ngayon.Hindi na ako basta naghahanap.Iniisa-isa ko.Pinag-aaralan.Pinipilit intindihin.At doon ko nakita.Isang dokumento.Medical record.Kumunot ang noo ko habang binabasa.Date.Ilang buwan na ang nakalipas.Diagnosisnapahinto ako.Traumatic brain injury.Nanlamig ang kamay ko.Accident.Iyon ang sinabi ni Isabella.So this part is true.
Javier's POVNandito pa rin kami sa ospital.Kinuha muna ng mga nurse si Mama. Kailangan daw niyang magpa-chest X-ray at blood tests para masigurong handa na talaga siya para sa operasyon.Si Cyanne naman, nakatulog na sa hita ko.Hindi ko siya ginising.Kulang siya sa tulog lalo na pagkatapos ng n
Javier’s POV Dahan-dahang ipinikit ni Cyanne ang mga mata habang papalapit ako sa kanya. Para bang hinihintay niya talaga ang halik ko at sa totoo lang, ako rin.Hindi ko maipaliwanag ang sarili ko tuwing nakikita ko ang mga labi niya. Simula nang may nangyari sa amin kagabi, parang may kulang sa
Scarlett’s POVHindi ako sanay mag hintay.Kapag may plano ako, ginagawa ko agad.Nasa harap ko ang final layout ng engagement party. Venue secured, media invited, strategic partners confirmed. Lahat carefully curated.At syempre… personal kong siniguradong nakatanggap ng invitation si Veronica.Hi
Javier’s POVDumating ang araw na ito nang mas mabilis kaysa inaasahan ko.Nakatayo ako sa harap ng salamin ng hotel suite na inihanda para sa amin. Maayos ang suit. Perfect ang fit. Flawless ang itsura.Para sa iba, isa itong selebrasyon.Para sa akin… isa itong battlefield.Mula sa bintana, tanaw







