MasukRaya’s POVIlang ulit akong bumuntonghininga ng malalim, hindi ako p’wedeng bumalik na hindi maayos ang ekspresyon ng mukha ko. Haharap ako sa iba’t-ibang tao hindi bilang ako lang, kundi bilang asawa ni Lysander. Kailangan kong ayusin ang sarili ko at kung ano ang sasabihin ng ibang tao sa akin bilang parte ng pamilya Venile.Nang pumasok na muli ako sa venue ay agad kong inikot ang paningin ko, ngunit hindi ko agad makita si Lysander. Sa halip, isang lalaking nakauniform tulad ng mga waiter ang lumapit sa akin.“Mrs. Venile?” Tanong niya gamit ang magalang na boses. “Hinahanap ninyo po ba si Mr. Venile?” Dagdag pa niya at ngumiti.Tumango naman ako ng may pagtataka.“May problema ba? Nasaan ba si Lysander?” Tanong ko at muling inikot ang tingin sa paligid, ngunit hindi ko talaga siya makita.“Nasa second floor na po si Mr. Lysander, binilin niya po na kung hanapin mo siya ay sabihin namin kung nasaan siya,” sambit niya gamit ang magalang at mahinahon na tono.“Anong ginagawa niya sa
Raya’s POV“Are you ready?” Tanong ni Lysander sa akin habang inaayos niya ang butones ng suot niyang navy blue na suits, habang nakaupo naman ako sa harap ng vanity mirror at sinusuot na lang ang hikaw at k’wintas ko.Tinignan ko siya sa repleksyon ng salamin at nakitang naglalakad na siya palapit sa akin, bago pa man ako makasagot sa tanong niya ay tuluyan na siyang nakatayo sa likuran ko at inabot ang hikaw na nakahanda sa gilid.“Ako na ang magsusuot,” sambit niya at marahan na inayos ang k’wintas sa leeg ko, pinanood ko lang siya sa salamin hangga’t matapos siya. “Bagay na bagay sa’yo, sobrang ganda mo,” bulong niya sa gilid ng tenga ako at dinampian ng halik ‘yon.Napangiti naman ako ng tipid at hinaplos ang ulo niya habang ang pisngi niya ay nakapatong na ngayon sa balikat ko. “Sa tingin ko, ayos lang talagang sumama ako sa event? Sobrang dami ng issue ko ngayon at hindi ko alam kung tamang desisyon na sumama ako sa’yo, hindi ba mas maganda kung maiwan na lang ako at—”“Raya,”
Vanessa’s POVNanginginig ang buo kong katawan pagpasok ko ng k’warto, kahit sa gate namin ay may iilan ng mga reporters na nakaabang sa akin para interviewhin tungkol sa pagkawala ng kontrata ko sa kumpanya. May ilan na rin na tanong tungkol sa pagkakaroon ko ng kapatid sa labas, gusto nilang malaman kung alam ko ang totoo at tinago lang namin sa publiko ang tungkol dito.Walang lakas kong binagsak ang mga bitbit kong gamit sa sofa at mabilis na naupo sa kama, agad kong nilabas ang cellphone ko at hinanap ang numero ni Michael. Kailangan ko siyang makausap, siya lang ang makakaintindi sa akin.Sa unang tawag ko ay hindi siya agad sumagot, kaya muli akong tumawag at mabuti na lang ay sinagot na niya.“Vanessa,” tawag niya sa pangalan ko mula sa kabilang linya.Nang marinig ko ang boses niya ay nagkaroon ako ng kaunting pag-asa, ngunit nagsimula rin na magluha ang mga mata ko.“M-Michael…” Nanginginig ang boses kong tawag sa kaniya, handa ng isumbong ang mga nangyari ngayong araw. “Mic
Vanessa’s POV“We saw the issue you’re in and this time, we have no time to deal with it,” salubong sa akin ni Mr. Lucian pagkaupo ko pa lang sa harapan niya, hindi man lang niya ako binati o ano man.“P-Pardon?” Hindi ko makapaniwala na saad, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. “A-Anong ibig mong sabihin, nakapirma ako ng kontrata sa kumpanya na ‘to. Trabaho ninyo na linisin ang pangalan ko kahit na anong mangyari,” sambit ko, mariin na nakakuyom ang mga kamay.Matalim niya akong tinignan, at komportableng sumandal siya sa kaniyang swivel chair. “Ms. Reyes, una pa lang ay sinabihan na kita na ayaw ko sa lahat ay ang mga artista na malapit sa issue. Sa tingin mo ba ay pinapirma ka namin sa kumpanya para lang maubos ang budget kakalinis ng pangalan mo?” Seryoso niyang saad, walang kahit na anong emosyon akong marinig doon.Para siyang kumakausap ng isang taong walang halaga sa kaniya, para akong isang baguhan na artista sa mga mata niya na p’wede niyang maliitin at ita
Lysander’s POV“Don’t touch her,” malamig kong saad at pinigilan ang kamay niyang akmang hahawak kay Raya.Gulat silang napatingin sa akin, maging si Raya ay hindi akalain na malalaman ko ang lihim na pagkikita nila ngayon. Hindi ko alam pero mas lalo akong nakaramdam ng inis, hindi sa kaniya kundi sa kilos at desisyon niya.Alam kong kahit mag-asawa kami ay may sarili pa rin siyang pag-iisip at desisyon, pero sana hindi sa ganitong bagay… Gusto kong pagkatiwalaan niya ako, gusto kong maging open siya sa mga ganitong bagay dahil asawa niya ako at hindi lang basta kung sino.Kung sa tingin niya ay masasaktan ako kung makikipagkita siya sa ex-boyfriend niya, nagkakamali siya. Mas nasasaktan akong hindi niya ako kayang pagkatiwalaan, na hindi niya kayang magsabi sa akin.“Lysander, anong ginagawa mo rito?” Mahina niyang tanong sa akin, gulat pa rin.Doon na niya nakuha ang buo kong atensyon, yumuko ako para tignan ko siya. “Ikaw ang dapat tinatanong ko ng ganiyan, Raya,” balik kong tanon
Raya’s POVPagpasok ko pa lang sa restaurant na binigay niya kung saan kami magkikita ay agad ko na siya agad na natanaw, nakaupo siya sa tabi ng malaking glass window kung saan tanaw ang mga sasakyan sa labas ng building.Hindi na ako nag aksaya ng oras at agad na naglakad patungo sa kaniya, pagtayo ko pa lang sa gilid niya ay agad ng umangat ang tingin niya sa akin.“Raya,” tawag niya sa akin na parang hindi makapaniwala na talagang pumunta ako para makipagkita sa kaniya.“Sinabi mo na alam mo kung sino ang nagpakalat ng tungkol sa pamilya ko kaya ako nagpunta rito, h’wag mong isipin na may iba akong dahilan.” Pangunguna ko na sa kaniya.Sa totoo lang ay wala naman na akong dahilan para tagpuin siya o kung p’wede nga lang ay hindi na magsalubong ang landas namin pero dahil sinabi niya na alam niya kung sino ang nagpakalat ng impormasyon tungkol sa pagiging anak ko sa labas kailangan ko siyang harapin ulit.Nakita ko ang kaunting pagkadismayado sa mata niya ngunit agad din ‘yon na na
FERON'S POV“Are you happy?” tanong ko habang magkahawak kamay kaming naglalakad ni Lucy sa hallway ng hospital palabas—ang bagay na ginagawa lang namin noon kapag may mga taong nakatingin at patunayang talagang mag-asawa kami. Ngayon, may nakatingin man o wala ay hindi na ‘yon mahalaga. We smile a
Feron’s POVMabilis akong tumingala para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo at huminga ng malalim. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa kumalma muli ang nagwawalang emosyong gustong kumawala sa dibdib ko.Walang pagmamadali akong naglakad papasok sa kuwarto kung saan sumalubong sa paning
Lucy’s POVTinulak ako ni Lhea paupo sa kama ng marahan at sumunod siya. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit kahit na nanlalamig ang kaniya.“Fine, I will tell you everything.”Huminga siya ng malalim ng tumingin sa akin. Halatang may pag-aalinlangan pa rin sa mga mata niya ngunit nagpatuloy si
Feron’s POV Bahagya akong napangisi. I couldn't believe him. Talaga palang hero ang tingin niya sa sarili niya. Nakikita niya ang mga pagkakamali ni Geff pero bulag siya sa mga pagkukulang niya sa kapatid ko. He failed to teach him. He failed to guide him. And most of all, he failed to show him ho







