Share

Chapter Eight

SAPO ang sentido nang magising si Anastasia. Hindi pa niya magawang maimulat ng husto ang mga mata niya dahil sa paminsan-minsang kirot sa ulo niya.

Noong huling inom niya ng alak limang taon na ang nakalilipas, noong magdesisyon siyang umalis sa puder ni Craig. Ipinangako niya sa sarili na hinding-hindi na siya iinom dahil ayaw na niya ulit maranasan ang hangover.

Craig...

Nanlalaki ang mga matang napadilat siya nang maalala niya si Craig at ang pag-uusap nila sa pool area. Bumalikwas siya ng tayo at inilibot ang tingin sa buong paligid ng kwarto. Naroon siya sa sarili niyang kwarto.

Nabatukan niya ang sarili ng wala sa oras. Bakit ba niya kasi hinayaang uminom ng marami? At bakit ba kasi ang hina-hina niya pagdating sa alak?

Nangiwi sita nang maalala niya ang mga pinagsasabi niya kagabi kay Craig. Gusto niyang saktan at iling ang sarili dahil sa hiyang nararamdaman.

"You hate him, Anastasia? Talaga lang ha?" aniya sa sarili. Parang batang nagpapadyak siya sa ibabaw ng kama.

"Paano m
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status