Share

Chapter Ten

NAGISING si Anastasia ng umagang iyon na may ngiti sa mga labi. Parang panaginip lang kasi ang nangyari kanya sa mga nagdaang mga araw.

Bumangon siya at sumiretso sa terrace para magpa-araw at suminghot ng sariwang hangin na hindi niya magawa sa Maynila. Ipinikit niya ang mga mata, itinaas ang mga kamay para uminat. Malalim siyang humugot ng hangin at marahan iyong ibinuga.

Napadilat siya nang marinig niya ang boses ni Craig. Daling hinanap ng kanyang mga mata ang asawa at natagpuan niya ito sa may ibaba. Hubad-baro ito habang itinatanim nito ang nabiling bagong bulaklak. Nangalumbaba siya at hindi mapigilang titigan ang abalang lalaki.

Craig is a God's gift. Mula ulo hanggang paa nito ay walang tapon. Kahit na moreno at naliligo ito sa pawis ay ang lakas pa rin ng dating nito. No wonder kung bakit kinahuhumalingan ito ng lahat ng kababaihan sa Zahara.

"Good morning!" bati niya rito.

Kunot ang noong tiningala nito ang kinaroroonan niya at agad na ngumiti nang makita siya.

"Good morni
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status