Share

Chapter 2

Daphne's Point Of View

Biglang nagulat si Tristan sa sinabi ko, kahit ako nga ay hindi inaasahan ang sarili kong magtatanong ng mga ganiyang bagay sa isang estrangherong katulad niya.

Pero ginawa ko na, kailangan ko na itong panindigan.

"Nagtagpo na ba ang ating mga landas dati?" Tanong ko.

It feels illegal to ask someone you don't know like this, but curiosity kills me, kaya kinapalan ko na yung mukha ko sa pagtatanong.

Kinakabahan ako sa kanyang magiging reaksiyon. Paano kung magalit ito dahil pinakikialaman ko siya, o hindi kaya maiinis dahil sa kakulitan ko.

M

Arrghh! Dapat pinigilan ko na lang kase yung bibig ko eh.

"And how am I supposed to answer that?" sabi nito.

I'm in a bit shocked, hindi ko inexpect na ganun yung magiging sagot niya.

I'm expecting a yes or no answer.

"Just answer me,"

"Why would I talk about my personal life to a stranger like you?"

Napasinghap ako.

Sa tono pa lang nito ay alam ko na na naiinis siya. Simpleng oo at hindi lang naman yung hinihingi ko.

Kinulit ko pa rin siya hanggang sa sagutin na niya ang aking tanong.

"Yes or No," halos pabulong kong sabi.

Halos mawalan ako ng lakas nang marinig ko ang ganong tono ng boses niya. Hindi ko na gugustuhing marinig pa iyong muli.

Hinagis niya ang kamay kong nakapatong sa kamay niya na para bang nakahawak ito ng maruming bagay. Napatayo ito at napabuntong hininga.

"No... And. Don't. Ever. Bother. To. Ask. Me. About. My. Personal. Life. Again. Understand?" sagot nito at nilakasan ang boses nang sabihin ang salitang 'understand'.

Nanlaki ang mga mata ko sa diin ng kanyang pagsasalita, pinagsisihan ko kung bakit ko pa siya tinanong ng ganun.

Hindi ko nga pala siya kilala, hindi rin niya ako kilala, both of us were complete strangers. Dapat walang pakialaman sa isa't-isa.

Umiwas na lang ako ng tingin dulot ng pagkapahiya.

Maya-maya pa ay lumabas na siya ng kwarto at buong pwersang isinara ang pinto dahilan ng paggawa ng ingay sa buong kwarto.

Napatulala ako sa sa dingding dahil sa mga nangyari. Hindi naman niya akong kailangan sungitan. Pero kasalanan ko naman eh, dapat lang sa akin 'to.

Pero bakit nagalit siya kaagad sa tanong ko? Napabuntong hininga ako. Nahihiya na akong ipakita ang mukha sa kanya.

Grabeng kahihiyan ang nakukuha ko ngayong pa lang, ayoko na itong dagdagan pa...

Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa mga problema, gusto ko munang i-distract ang sarili ko.

Mayroong bedside cabinet sa kanang bahagi ko katabi ng aking kama at merong patient monitor sa ibabaw nito. Sa kaliwa ko naman ay ang kinaroroonan ng dextrose.

Para akong nakagapos sa sitwasyon kong ito.

Ano kaya ang pwedeng gawin dito.

I cleared my throat after thinking of something. I wanted to sing all of a sudden. Parang biglang gusto ko na lang kumanta. Kahit nakahiga ako ay hindi ito naging dahilan upang hindi ako makaawit.

***

"Mga salitang kay tamis,"

Binigkas ko ang bawat salita ng maingat, at dinadama ko ang himig ng kanta.

"Sa pagitan naming aking nami-miss,"

Bigla kong naalala ang mga sandaling hawak ko ang mga kamay ni Tristan. Pakiramdam ko ay may mga paru-parong nagsisiliparan sa aking tiyan at bigla akong napangiti.

Kinikilig ba ako?

"Pangakong di mag-iiwanan,"

Unti-unting napawi ang mga ngiti ko nang maalalang kung paano niya isinara ang pinto ng kwarto kanina lang.

"Kapit kamay at mga problema nating ay sabay lunasan,"

Biglang kumirot ang puso ko nang maalalang kung paano ihagis ni Tristan ang mga kamay ko kanina dahilan upang lumungkot ang ekspresyon ko.

Bakit nga ba ako apektadong apektado sa lalaking iyon?

Hindi. Hindi ko siya dapat pinagtutuunan ng pansin.

I need to stop this...

Nagfocus na lang ako sa pagkanta. Maging ako nga ay nabigla, marunong naman pala ako kumanta, parang alam na alam ko na ang gagawin, at parang sanay na sanay na akong gawin ito na parang parte ito ng aking daily routine.

Bumalik na ang aking sigla nang simula ko nang kantahin ang koro ng awitin. I snapped my right finger to make a beat and to also serve as an instrument.

"Ako'y iyong binibini, ika'y aking ginoo"

Bumalik ang aking nga ngiti at mas sumigla ako.

" Parang bumabagal ang mundo tuwing magkasama tayo,"

Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti sa aking mga labi. Kinikilig ako sa lyrics ng kanta.

Kahit nakahiga ako ay naggawa ko pa ring kumanta. Manghang mangha ako sa sarili ko.

Naggawa ko palang hindi isipin ang Tristan na 'yon kahit ilang segundo lang.

Napasinghap ako sa aking naisip. Enjoy na enjoy na ako sa pagkanta eh, bakit ba bigla na namang sumingit yung Tristan na 'yun?

Itinuloy ko pa rin ang pagkanta kahit distract na distract na ako sa kakaisip pa lang sa taong masungit na 'yon.

" Sa tuwing magkikita, may kislap ang ating mata"

"Hiling ko'y sana'y araw-araw ganito,"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status