Share

Chapter 3

Daphne's Point Of View

" Hindi akalaing,"

Bigla akong natigilan nang marinig kong may sumabay sa akin sa pagkanta, at naggaling ang tunog na iyon sa labas ng aking kwarto.

May nakikinig sa akin?

"Hahantong sa ganito,"

Nakakapanindig balahibo ang kanyang tinig, parang mistula itong ibon na humuhuni sa aking mga tenga. At mas lalong gumaganda ang boses nito dahil sa lalim nito.

Sino kaya yun?

Parang naistatwa ako sa pagkakahiga at inaabangan ang susunod na mga salitang bibigkasin niya. Kahit ang huminga ay ginawa ko, masubaybayan lang ang pagkanta nitong misteryosong tao na to.

"Aking sinta,"

Nakapako pa din ang aking mga mata sa pintuan, isang palaisipan sa akin ang kung sino man ang sumabay sa akin sa pagkanta.

" At aking mundo,"

Napangiti ako, gusto kong malaman kung sino ang kumanta sa likod ng pintuan na iyon, ano kaya ang itsura niya? Sana makita ko man lang siya.

Bumuti ang kalagayan ko dun ah, it lifted my mood in a while.

"Magkasama hanggang dulo."

Napuno ng katahimikan ang silid. Wala man lang nagsalita sa amin nang matapos na niya ang awitin.

"S-Sino ito?"

Buong lakas akong nagtanong, ngunit walang ni isang sumagot.

"May tao pa ba?"

Naghintay ako ng ilang minuto, inaabangan kung may makukuha akong sagot, ngunit ang tanging nakuha ko lamang ay katahimikan.

Umalis na kaya siya?

Napabuntong hininga ako sa pagkadismaya. Ni hindi ko man lang nakuha ang pangalan ng taong iyon, ni hindi ko man lang nakita ang mukha niya.

Nais ko sana siyang pasalamatan sa pagpapabuti niya ng kalagayan ko, kaso umalis siya agad.

Sayang naman...

Pag makakalabas na ako dito, yung taong iyon kaagad ang hahanapin ko.

"Ano ba yan, ba't ka naman umalis kaagad eh." sabi ko at pinagkrus ang aking mga braso.

"Pinakilig mo ako, panindigan mo 'to kung sino ka man—"

Hindi ko na napatapos ang sasabihin ko nang biglang pumasok ang masamang hangin sa kwarto, este si Tristan. May dala itong kumot at unan saka dumiretso ito sa couch sa katabi ng kama ko.

Wala akong kamalay-malay na gabi na pala.

He let out a soft groan before laying on the couch.

Aba! Feel at home ang mokong, nakatihaya pa ang higa sa sofa.

Iba din eh no.

Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata para matulog at para hindi ko na makita yung lalaking iyon dito. Baka masinghalan naman ako nun. Tsk!

"Matulog ka na,"

Biglang namulat ang mata ko sa narinig. Hindi ko inaasahang kakausapin pa niya ako sa kabila ng nangyari kanina.

Hmp! Bahala ka jan. Pabebe mode muna tayo.

"Sa isang kondisyon." sabi ko at ngumiti nang nakakaloko.

Tingnan natin kung saan aabot yang pasensya mo.

Tumagilid siya ng higa upang matingnan ako. Nakita ko sa aking peripheral vision na nakatitig ito sa akin at dah dun napalunok ako, parang hindi ata ako makakafocus sa plano ah.

Hindi, magfofocus ako.

Huwag papaapekto kay masamang hangin!

"May naalala ako, naging boyfriend kita."

Muli kong naalala ang mga salitang "mahal kita" na naririnig ko sa aking isipan.

Malakas ang loob kong nagkita na kami dati. Pakiramdam ko ay kilalang kilala ko na siya sa unang sandali pa lang na nakita ko siya.

Isang malalim na buntong hininga lamang ang nakuha ko bilang sagot. Sinasabi na nga ba, iniiwasan niya ang tanong ko.

Guilty ba siya?

"Here we go again," sabi nito at nagbuntong hininga ulit at tumagilid patalikod sa akin.

Dahil doon napatawa ako. "Baka totoo na may relasyon siguro tayo kaya umiiwas ka no?"

Binalot ng katahimikan ang buong kwarto.

Napangiwi ako, is he ignoring me?

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero wala akong sagot na nakuha. Ilang sandali pa ay may narinig na akong hilik na nagmumula sa katabi ko.

Tulog na pala ang masamang hangin.

I let out a deep sigh, maya-maya na din ay nakaramdam na din ako ng antok. Napagod ako sa kaka-overthink ng naka-duet ko kanina.

Saka ko na siya hahanapin pag naging ayos na ang kalagayan ko at makalabas na ako dito. Sa ngayon ay matutulog muna ako upang may sapat akong lakas para bukas.

Nag sign of the cross ako habang nakahiga at ipinikit na ang aking mga mata at sinimulan nang matulog.

Hindi pa ako tapos sa'yo, Tristan.

[Ps: Gawa-gawa ko lang yung lyrics sa kanta HAHAHA kayo na lang bahalang maglagay ng tono, baka kase ma copyright si me]

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status