Share

Chapter 5

Daphne's Point Of View

Ipinasa ni Tristan sa akin ang mga papeles nang mapansin niyang nakatulala lang ako doon. Tinanggap ko ang isang papel na ayun sa kanya ay ang adoption paper ko daw at tiningnan ito.

Una dito nakalagay ang pangalan ng mga nag-adopt DAW sa akin.

"Erasmus Cohen," mahina kong sambit sa ngalan ng aking adoptive parent DAW. Isa lamang ang nakalagay na pangalan doon ibig sabihin, single parent yung nag-adopt sa akin.

Pero infairness, kabog yung pangalan niya ng adoptive parent ko DAW.

Mas lalong naguguluhan ako nang makita kong "godmother" yung nakafill-up sa 'relationship to the child'.

So ninang ko yung nag-adopt DAW sa akin?

"4348 Dayap Street, Barangay Palanan, Makati City,"

Iyon ang nakalagay sa street address. Hinfi ko maintindihan, wala talaga akong maalala kahit isang detalye ng buhay ko. Ngayon ko nga lang nalaman ang pangalan ko.

"Daphne Silvestre Cohen." ito yung nakalagay sa 'child's name after adoption'.

Nakatingin lang si Tristan sa akin at sa mga papeles kaya hindi ako masyadong nakaka-focus.

Mas lalo akong naguluhan, saan nanggaling ang Silvestre? Ay bakit nasa middle name ko iyon?

Mase-stress ata ako dito eh.

"March 20, 1998," ang petsa ng kapanganakan ko.

So bente-kuwatro anyos na pala ako ngayon.

Marami pang ibang nakalagay sa adoption papers na hindi ko maintindihan kaya ibinalik ko na kay Tristan ang papel. Kasunod kong kinuha ang adoption certificate na nakalapag sa center table.

"This is to certify that Daphne Silvestre has been formally adopted into the 'happy days orphanage' by Erasmus Cohen, on this 18th day of April 2001."

pagbasa ko.

Abril 18, 2001, bale tatlong taon pa lang ako nang in-adopt na DAW ako ng Erasmus na yon.

Pero bakit adoption papers ang ipinapakita nito sa akin, hindi ba dapat yung birth certificate?

"May nakuha ka bang birth certificate ko?" tanong ko dahilan ng mabilis na pagyuko nito.

"Ahm, we are still looking on your birth certificate, hindi kase namin ma tract iyon kanina kaya medyo natagalan kami, but don't worry, they are doing their best to find your B.C." sabi nito dahilan upang maningkit ang aking mga mata.

Ang dami pang sinasabi eh.

Anong medyo natagalan? Eh sobrang tagal kaya nila sa labas bored na bored na ako dito kanina pa.

At sinong 'they' ang tinutukoy nito?

Napatingin ako sa wall clock na nakalagay sa itaas ng TV. Alas sais na pala ng gabi.

Marami pang ibang mga papeles na nakalagay sa mesa tulad ng mga id, voter's certification at mga school ids ko mula high school hanggang college, at iba pa. Hindi ko na ito tinignan dahil baka mas lalo lang akong maguguluhan, sumasakit pa naman ang ulo ko kapag nag-iisip ng mga bagay-bagay.

"P-pwede bang pakiligpit na lang ng nga papeles, nahihilo kase na ako," sabi ko at agad naman itong niligpit ni Tristan.

Inilagay niya ito sa ibabaw ng kanyang table hutch pero napansin kong may isa pa siyang papel na hinahawakan., kanina ko pa nakikita na sa kamay niya yon.

Ano kaya 'yun?

Ayan na naman ang curiousity ko, hindi ko mapigilang mang-usisa.

"Ano yang hinahawakan mo? Kanina ko pa napapansin na nasa kamay mo 'yan eh. Ano ba 'yan?"

tanong ko dahilan upang mapatingin ito sa kamay niya na kung saan niya hinakawakan ang papel.

Ngumiti ito nang nakakaloko. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o matatakot o ano dahil sa pagngiti niya. Parang may pinaplano siya sa isip na hindi ko gugustuhin.

"Ah ito?" tanong nito at itinaas ang papel. Nakatupi kasi ito kaya hindi ko tuloy makita ang mga nakasulat.

"May iba ka pa bang hawak sa kamay? Siyempre 'yan, loko-loko ka."

Inilapag nito ang papel sa lamesa. He unfolded the paper and then got a pen out of his pocket.

Kasalukuyang nakatayo ang masamang hangin sa harap ko habang nakapameywang pa. Kaya salubong ang kilay na tumingin ako sa kanya.

"What now?"

salubong ang kilay kong tanong.

"Read and sign,"

Pautos nitong sambit.

Aba at umuutos pa.

Kinuha ko ang papel mula sa lamesa at binasa iyon. Laking gulat ko nang mabasang Employment Contract pala ito.

Itinaas ko ang papel at tumingin sa mokong.

"Para saan 'to?" ani ko.

"Can't you see? It's an Employment Contract, for you to be my maid,"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status