Share

Chapter 1

Daphne's Point of View

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na kwarto. Masakit ang buong katawan ko lalo na ang ulo ko. Gustung-gusto kong bumangon sa kama, ngunit hindi ko magawa dahil maraming mga kagamitan na nakakabit sa aking mga binti at braso. Pakiramdam ko din may benda sa ulo ko.

Nasa ospital ako.

Ano ang nangyari?

Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Nakakaloka dahil puro puti lang ang makikita mo dito. Mula sa sahig, puti din ang mga dingding at ang kamang hinihigaan ko.

Wala ni isang bintana sa lapad ng kwarto. Hindi ko tuloy masasabi kung umaga o gabi na.

Nakakabingi din ang katahimikan sa kwarto. Pakiramdam ko mababaliw na ako anumang oras.

Sinubukan kong umupo, pero biglang sumakit ang gitna ng ulo ko. Parang pinipiga ang utak ko sa sobrang sakit dahilan upang mapa-aray ako nang mahina.

Itinaas ko ang kaliwang kamay ko para ipanghawak ito sa aking ulo nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Pumasok ang isang medyo matabang doktor na may notepad sa kanang kamay at isang petite na maputing nurse na nakasunod sa likod niya.

Natigilan kaming tatlo ng makita ang isa't-isa. Pero maya-maya din ay nilapitan ako ng nurse para tulungan akong makahiga ulit. Hindi ko pa rin maalis ang pagkakahawak sa ulo ko dahil hindi pa rin nawawala ang sakit nito.

Nang masigurado nilang nakahiga na ako nang maayos, nagsimula na akong tanungin ng doktor.

"Pwede ko bang malaman ang pangalan at petsa ng kapanganakan ng pasyente?" mahinahong tanong niya.

Pangalan? Ang pangalan ko?

Natigilan ako bigla kasi hindi ko alam ang isasagot ko.

Nagsisimula na akong mag-panic. Anong pangalan ko? Pinagpapawisan na ako sa kaba nang hindi ko na maalala.

Ilang sandali pa ay may biglang pumasok ng kwarto na napukaw ng atensyon ko.

Tumingin siya sa akin at hindi ko alam kung bakit tila bumagal ang paligid nang magtama ang aming mga tingin. Tumitingin siya sa akin gamit ang mapupungay nitong mga mata at nalulula ako.

He has broad shoulders, kaya bagay na bagay ang suot nitong simple blue t-shirt na pinatungan ng black na leather jacket. Mas tumangkad siyang tingnan dahil sa light blue denim pants nito.

Siya kaya ang nagdala sa akin dito?

"Mabuti, gising ka na," walang emosyon niyang sabi, tsaka nilaro ang ang undercut nitong buhok at umupo sa couch sa tabi ng kama ko.

"Maaari ko bang makuha ang pangalan ng pasyente at petsa ng kapanganakan?" Tanong ulit ng doktor.

Kaya naman bumalik ako sa realidad. Napalunok nalang ako ng sarili kong laway at mas lalo akong kinabahan, nakatingin silang lahat sa akin, inaabangan ang isasagot ko.

"I-I don't know," sabi ko sabay iwas ng tingin.

Narinig kong bumuntong hininga ang doktor at lumabas ng kwarto, nakasunod pa rin sa kanya ang puting nurse.

"Sumama ka sa amin, Mr. Tristan," sabi ng doktor. Biglang tumayo yung katabi ko at lumabas kasama sila.

Teka, bakit parang pamilyar sa akin ang pangalang iyon?

Pinilit kong alalahanin kung saan ko narinig ang pangalang "Tristan" kahit namimilipit na ako sa sobrang sakit ng ulo ko.

Napakagat labi ako at nagpipigil ng luha, wala akong magawa para mawala ang sakit ng ulo ko.

"I love you ..."

Nanlaki ang mata ko nang may marinig akong boses sa aking isip.

"Mahal,"

May relasyon ba kami ng Tristan na iyon?

Pagkarinig ko sa no'n, nakaramdam na ako ng matinding sakit sa gitna ng aking ulo, na para bang minamartilyo ang aking utak, kaya napasigaw ako ng malakas bago ako tuluyang lamunin ng kadiliman.

***

Nagising ako na katabi ko si Tristan, busy sa pagtype sa phone, at hindi pa niya namalayang gising na ako. Pero parang may nag-uudyok sa akin na yakapin siya, pero dahil sa sakit ng katawan ay hindi ko na ginawa, hinawakan ko na lang ang isang kamay niya na nakapatong sa kandungan niya.

Tiningnan ko siya at natigilan siya sa ginawa ko. Napatigil din siya sa pag-type sa phone nito at ibinaling ang atensyon sa akin.

Tinitigan din niya ako na may halong pagtataka na para bang inaabangan ang sunod kong gagawin. Ngayong malapit na siya sa akin, sasamantalahin ko na ang panahon para tumitig sa mga mata nitong kulay kape.

Lalong bumilis ang tibok ng puso ko at bumagal pa rin ang paligid habang nakatingin kami sa isa't-isa, para akong nalulunod sa mga titig niya.

"May relasyon ba tayo, T-Tristan?"

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status