Share

Chapter 4

Daphne's Point Of View

"Siguraduhin mo lang na condo mo yung pagdadalhan mo sa akin." pagbabanta ko kay masamang hangin habang siya ay todo tulak ng wheelchair na inuupuan ko palabas ng elevator.

Five days ang itinagal ko sa ospital bago ako pinalabas. Ang mga do na din ang nagkumbinsi kay masamang  hangin na sa kanya muna ako mamalagi dahil wala silang record ng relative ko ni kahit malayong kamag-anak na pwedeng kumuha sa akin, siyempre, kagaya ng inaasahan, nagmatigas muna yung masamang hangin hanggang sa mapilitan na lang siya na sumunod dahil nagmamatigas din ang doktor.

So, he decided to take me to his condo.

Nahiya na nga ako dahil pati bills ko siya pa ang nagbayad. Pero siyempre, hindi pa rin magbabago ang isip ko na masamang hangin itong mokong na 'to.

"Aray, hinay-hinay naman," pagrereklamo ko.

"Tss."

Paano ba kase nasa fourth floor pa yung unit niya tapos nagdadabog pa siyang itulak yung wheelchair ko. Kaya ayun nasagi yung kanang bahagi nito sa gilid ng elevator.

Ano ba 'yan, kapahamakan talaga ang dala sa akin ng mokong na ito eh.

Ang haba masyado ng hallway, excited pa naman ako makita kung ano ang itsura ng condo ni masamang hangin.

Tumigil kami sa pinakadulong bahagi ng hallway. May inilabas si Tristan mula sa kanyang bulsa na susi upang buksan ang pintuan ng condo niya.

Napanganga ako nang makita ko ang loob ng condo. Pagbukas ng main entrance ay ang magarang sala agad ang bumungad sa akin.

Tinulak ni Tristan ang wheelchair ko papasok sa loob, kung maganda itong tignan mula sa labas ay mas may ikagaganda pa pala ito sa loob.

The flooring tile in the living room appears like wood, and it is just stunning. The ceiling design is also quite beautiful. Because of the Italian furniture that was chosen, including that tufted bench, everything simply appeared to be magnificent.

Napaka moderno ng dating ng condo na ito. Big time naman pala si masamang hangin.

Puro kulay puti, itim at kape lang ang makikita mong kulay dito. Ang gara ding tignan ang chandelier sa living room. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong prinsesa dahil sa gara ng titirhan ko.

At siyempre pakiramdam ko lang iyon.

Tumigil siya sa pagtulak na wheelchair ko sa tapat ng kulay kape a L-shaped na sofa at inalalayan akong makaupo doon.

Sus, ano kaya ang nakain ng masamang hangin na 'to? Biglang nagiging gentleman eh.

Pagkatapos niya akong paupuin sa malambot na sofa ay ihinugot kaagad nito ang cellphone mula sa bulsa at may tinawagan. Lumabas siya ng bahay at isinara ang pinto.

Iiwan niya akong mag-isa dito?

Imbes na sumimangot ay tumingin na lang ako sa paligid ng bahay. Sa tapat ng sofa ay may malaking flat-screen TV sa isang mamahaling cabinet, na napapalibutan ng maraming libro. Aba't bookworm pala ang masamang hangin.

Behind the sofa is the kitchen. An island counter that screams luxurious with a granite counter top. I was also surprised by the built-in two-door refrigerator. Floating cabinets also look expensive, they are made of birch wood, which adds the attractiveness of the while kitchen.

A table with a lot of kitchenware set up for usage is placed close to the window. For instance, there are various small bottles of salt, sugar, and pepper, as well as long, short, big, and small knives, a silver sink and faucet, a wooden round cutting board, some washing-up liquid, and other items. A tiny black radio is also available for entertainment.

Naputol ang aking pagpapantasya sa condo dahil sa biglaang pagsiwang ng pinto ng main entrance. At doon nakita ko ang isang lalaki na mukhang yayamanin din na panay ang silip sa loob. Dumukwang ako upang makita niya na may tao sa dito. Ngunit nang makita niya ako ay bigla itong ngumiti at tumalikod upang kausapin ang dalawa niyang kasama, at kasunod iyon ng biglang pagsara ng pinto.

Weird. Sino kaya ang lalaking yon?

Ilang minuto kong nilibot ang tingin sa paligid at sinisimulan na akong ma bored. Nasaan na ba yung Tristan na 'yun? Balak ata akong iwan dito mag-isa eh.

Nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto, pumasok na ang masamang hangin na may dalang mga papeles.

Dumiretso siya sa sofa na kinauupuan ko at nilapag sa center table ang mga papeles na dala niya.

I looked at him in confusion. Ano ang nais iparating ng mokong na 'to?

"Daphne Cohen," sabi nito.

Sino ba yung Daphne Cohen na 'yun? At bakit sinasabi niya sa akin 'to?

"H-ha?"

"Iyon ang pangalan mo."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status