Share

Paragon Series #1: Her Sensible Mistake
Paragon Series #1: Her Sensible Mistake
Author: Jelleenxx

Prologue

Daphne’s Point of View

"Bakit ka nagseselos kahit sa maliliit na bagay?!" Galit na tugon ni Christian at binato niya ang isang mamahaling vase malapit sa akin.

Mabilis kong ginalaw ang mga paa ko para hindi ako matamaan ng mga bubog mula sa plorera, ngunit huli na ako nang makita kong may dugong lumalabas sa aking tuhod.

Hindi ko na kaya ito! Lagi na lang akong mali. Sumosobra na siya.

Kahit masakit ang tuhod ko sa bubog, sinubukan ko pa ring bumangon.

"Ano ba Christian? Bakit ako nalang lagi ang mali? Hindi ka naman ganyan dati. I'm sorry, pero sumosobra ka!"

This is the first time na sumigaw ako pabalik sa kanya.

Nagbago ang mukha nito sa sinabi ko. Ang galit niyang mukha ay napalitan ng gulat nang marinig ang aking sinabi.

Nagulat siya sa sinabi ko.

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, bakas pa rin sa mukha niya ang pagkagulat. Akala ko yayakapin niya ako, pero nagkamali ako.

Halos malagutan ako ng hininga sa pagkakasakal niya sa akin. Tinulak niya ako sa pader dahilan para mapasigaw ako sa sakit ng likod ko.

"Kailan mo pa ako natutunang sagutin, ha Daphne!"

Bumalik sa mukha nito ang galit na ekspresyon. Nanlilisik ang mga mata nito na para bang handa na siyang pumatay ng tao.

Hindi pa rin siya tumitigil sa pagsakal sa akin. Ang tanging nagawa ko lang ay umiyak dahil sa pisikal na sakit, pagka-dismaya at takot.

Gusto ko nang lumayo sa kanya...

"C-Christian, please forgive me," nagawa ko pa ring magsalita kahit na halos hindi na ako makahinga.

Sinipa ko siya sa sikmura, dahilan upang matumba ito, at sinamantala ko ang panahon para makatakas ako ng penthouse.

Sa kabila ng kahinaan ko, pinilit kong tumakas. Wala akong pakialam kung duguan man ako sa paglalakad, ang mahalaga lang sa akin ay makatakas ako sa mala-impyernong lugar na ito, na sana dati ko pa ginawa.

Patakbo akong pumasok sa elevator at dali-daling pinindot ang ground floor button. Medyo matagal bago ako makarating ng ground floor dahil mula 8th floor pa yung penthouse ni Christian.

Wala nang katao-tao dito dahil madaling araw na, marahil ay tulog na ang mga nakatira dito. Mabuti na rin iyon nang makakatakbo ako ng malaya at nang walang nababangga.

Pagkalabas ko ng building ay dumiretso ako kaagad ng parking lot para hanapin ang kotse ko at salamat naman at madali ko itong nahanap.

Good thing I still have my keys with me.

Habang nakaupo ako sa kotse, natigilan ako ng makarinig ako ng malakas na kalabog mula sa bintana ng sasakyan, at bigla akong nabalot ng takot sa kung sino iyon.

“Bubuksan mo ‘to o babarilin kita?”  mahinahong sabi niya at itinutok sa akin ang baril niya.

Kalmado ang boses ni Christian, pero halatang-halata na pinipigilan lang niya ang kanyang galit, dahil nakakadiin ang bawat salitang lumalabas sa kanyang mga labi.

Ilang segundo akong nabigla sa kanya at sa baril na dala niya. Nanginginig ang mga kamay ko at hindi ko alam ang gagawin.

Ilang sandali pa, hinampas niya muli ang bintana ng sasakyan. Kailangan kong umalis bago pa niya masira ang kotse ko.

"Bumaba ka!" sigaw niya.

Hindi ko siya pinakinggan, dali-dali kong pinaandar ang sasakyan at umalis sa lugar.

Hindi pa ako nakakalayo nang makarinig ako ng putok ng baril kaya napasigaw ako habang nagmamaneho.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig ulit ako ng bagong putok, ngunit malapit sa akin ang tunog.

Napatingin ako sa rearview mirror nang makita ko si Christian na hindi ko namalayang nakasunod pala sa akin sakay ng motor niya.

Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko na may halong takot at pangamba.

Maya maya narinig ko yung tawa niya sa likod.

"Daphne, malapit na ako," aniya sa kakaibang boses.

Tumindig ang balahibo ko at nanginginig ang mga kamay ko. Pakiramdam ko tutulo din yung luha ko mamaya. Nabalot na ng takot ang buong pagkatao ko.

Hindi naman ako nagkulang ng pagmamahal sa kanya...

Gusto kong pindutin ang accelerator pedal. Pero nagsisimula na akong makaramdam ng pamamanhid sa paa ko.

Wala akong magawa ...

Maya maya ay muli siyang nagpaputok sa sasakyan. Hindi ko sinasadyang napaikot ang manibela at umikot ang sasakyan hanggang sa mabangga ito sa isang poste.

Dahil sa impact ng banggaan, kasalukuyang nabaligtad ang sasakyan ko at walang tutulong sa akin dahil wala akong nakikitang tao na pwede kong hingan ng tulong.

At sa tingin ko wala na rin si Christian.

Para na din akong tinatawag ng kalikasan para matulog.

Kung ito na ang huling sandali ng buhay ko, gusto ko lang malaman mo Christian na ...

“M-mahal pa rin kita...”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status