Ito na yata ang pinakamaayos na takbo ng aking araw mula nang dumating si Meriah dito sa ABU. Maganda ang naging paggising, maagang nakapasok, sigurado ang naging mga sagot sa quiz at inaprubahan ng professor ang aming gawa sa research paper. Ngayon naman ay magagandang bagay ang naririnig ko.
"Totoo? Tinulungan ni Meriah ang mga council?"
"Oo, 'yon ang sabi ni Levy. Mas maganda pa nga raw ang kalidad ng trophy at medals kaysa sa lagi nilang pinagpapagawaan."
"Okay naman pala si Meriah, e."
Pinagpatuloy ko ang pagkain. Narito kami sa canteen para sa tanghalian. Gutom ang dalawa kaya tahimik ang naging pagkain namin, dahilan upang marinig ko ang usap-usapan sa gawing likuran.
Ngunit kahit gaano pa rin kapayapa ang daloy ng oras, mayroon pa ring kung sinong puro negatibo ang hatid ng presensya.
"Naku, pakitang tao lang 'yan. Malamang n'yan napilitan
"Suggestion nga iyon ni Chustine. Alam mo na, laking syudad kaya maraming alam na gano'ng lugar. Pero pinag-iisipan pa naman," paliwanag ni Levy.Tutal ay nag-aaya naman daw ng hang out si Chustine, mabuting isabay na ang selebrasyon para sa tagumpay ng event."Titingnan ko pa kung may makakasama ang kapatid ko sa bahay sa gabing 'yon.""Sige, isasali na kita sa group chat mamaya para alam mo 'yong mga napag-uusapan."Palabas na kami ng unibersidad nina Jef, Nat at Andeng para umuwi nang makasalubong ko si Levy malapit sa gate. Agad niyang binuksan ang usapan tungkol sa selebrasyon kaya naman pinauna ko na ang tatlo dahil tatawid pa sila sa kabila ng kalsada upang mag-pa-print ng survey forms nila.Tinapik ako ni Levy sa balikat nang matapos ang pag-uusap. Nang makalabas, sinipat ko ang tatlo mula sa pagitan ng mga nagdadaanang sasakyan at nakitang naroon pa sila. Maraming estudy
"Salamat po," pasasalamat ko sa librarian nang matapos ako sa pagsasagawa ng survey sa library.Apat na oras akong naglagi sa library sa pagpapasagot ng survey forms sa mga estudyanteng nagdadatingan. Ang payo ni Meriah ay kahit ibang kurso, basta pumapasok sa klase ng business management, maaari kong pasagutan. Naisip kong tama naman siya kaya ginawa ko. Mabuti ay natapos ko iyon sa isang hapon nang maaga kaming natapos sa klase.Nang sumunod na araw ay napagpasyahan namin ni Meriah na roon gawin sa aming tambayan ang pag-ta-tally ng resulta sa isinagawang survey."Hindi ko nakikita si Leslie," pagbubukas ko ng kaswal na usapan."Business trip," tipid niyang sagot nang hindi tumitingin sa akin.Marahan ang tipid kong pagtango nang sulyapan ko siya dahil akala ko ay hindi na niya dudugtungan pa ang kaniyang sinabi. "Her mother introduced her to the world of business," tulad
"Fine." Lilingunin ko sana ang nagsalitang si Meriah ngunit nilagpasan na ako nito.Napatitig na lamang ako sa palayo niyang likod, hindi buo sa loob kung ano ang dapat gawin."Oh–," hindi naituloy ni Jef ang anumang sasabihin nang lagpasan din sila ni Meriah. "Ano'ng nangyari?" baling nito sa'kin, ilang hakbang pa upang marating ko ang distansya sa pagitan namin."Lumalabas na ang totoong ugali," sa halip ay si Andeng ang sumagot na siya kong nilingon.Nag-iwas ito ng tingin nang makitang wala ako sa kondisyon para sa mga ganoong linya nila.Sa klase ay patuloy na naging okupado ang aking isipan. Hindi ako mapakali dahil sa nangyaring hindi pagkakaintindihan."Siya? Walang kwenta? Iyon ba ang naging dating sa kaniya ng aking ginawa?" paulit-ulit kong tanong sa isipan.Nang dahil sa namumuong pakiramdam ko para sa kaniya, kaakibat n
Nag-alok kami ng tulong kay Manang Tasing sa kaniyang pagluluto ngunit tinanggihan niya kami. Sabi niya ay mas mapapadali kung siya na ang gagawa lahat. Kaya heto kami ngayon sa sala, dinadaldal ni Jane si Meriah."Ngayon lang talaga kita nakita, Ate Meriah."Nakaupo ako sa dulong bahagi ng sofa habang ang kapatid ay sa kabilang dulong bahagi nito, malapit kay Meriah na nakaupo sa pang-isahang upuan na sofa."I was enrolled on the third week of June," tugon ni Meriah. "I'm just a new student."Inabot ko ang basong may lamang juice sa lamesita upang inumin habang nakikinig sa kanila."Oh, kaya pala," tumatangong sabi ni Jane bago iniba ang usapan. "Parang hindi naman pang-public school ang beauty mo, Ate."Muntik na akong masamid dahil sa sinabi ng kapatid."Really?" May multo na ng ngiti sa labi ni Meriah nang sulyapan ko ito. "Well, I wa
"Ang sarap sa pakiramdam!" ani Leslie sa katabing si Meriah. Marahil ay tinutukoy ang huling pagsusulit para sa midterm.Pare-pareho kaming naglalakad pababa sa gusali at nagkataong nasa harapan namin sila at nauunang maglakad. Kung titingnan ay mukha kaming magkakasabay na tila isang grupo."It's been a tough week," walang ganang tugon ng kaniyang katabi at pinasadahan ng mga daliri ang taas na bahagi ng buhok, dahilan upang maiba ang ayos nito at umalon ang nakaladlad na buhok sa likod."Excited na ako sa celebration mamaya! Ano ba'ng isusuot mo?" pag-iiba ng usapan ni Leslie.Kasama na pala siya roon."Hindi ko alam," sagot ni Meriah. "Bahala na mamaya."Nang madaan sa parking lot ay lumiko na papunta roon ang dalawa. Samantala, ngayon pa lang kumibo ang aking mga kasama nang mawala ang dalawang nasa harapan."Ano kayang celebration 'y
Hindi ko na matandaan kung kailan ako huling uminom. Ang natatandaan ko lang ay nagsuka ako sa huling beses na uminom ako at naging dahilan iyon ng pagiging huli sa klase ni Jane noong sumunod na araw kaya simula noon ay iniwasan ko nang uminom. Sa ngayon, sinisigurado kong kontrolado ko ang aking sarili at pati na rin ang mga babaeng kasama sa mga oras na ito."It's been a long time since we last drink, right?" narinig kong kinausap ni Chustine si Meriah."Yeah, it was our Christmas party," sagot naman ni Meriah.Nakatayo ang iba naming kasama habang nagkakantahan, marahil ay malalakas na ang loob dahil bahagya nang tinamaan mula sa iniinom. Kami lang ang natirang nakaupo nina Jef, Andeng, Chustine at Meriah. 'Di tulad ni Leslie at Nat, si Andeng at Meriah ay beer na rin ang iniinom. Nagpaubaya na sila sa dalawang babae na hindi sanay uminom ng beer at itinira na sa kanila ang kaunting cocktail na nasa tower.&nb
"'Yong sa partner game, ayos na. Kayong dalawa na ang bahalang mag-facilitate doon," pagtutukoy ni Jef sa dalawang miyembro ng aming organisasyon. "'Yong sa seminar, ayos na. Kasya ang budget para sa pambayad sa mga guest speaker at pati na rin sa photobooth," ani Jef, hindi inaalis ang tingin sa hawak niyang notebook kung saan nakasulat ang lahat ng plano para sa mga event na aming gagawin. James, 'yong catering ayos na?"Nang sulyapan niya ako ay nagtaas lamang ako ng hinlalaki upang sabihin na maayos na ang lahat sa parteng iyon. Kinausap ko na ang dati kong pinagtrabahuhan dahil kailangan namin ng catering services para sa aming inoorganisang seminar. Sa totoo lang, kapos ang aming budget para roon kaya naman ginawan ko ng paraan. Pinabawasan ko ng isang serbidor ang serbisyo nila sa amin upang mabawasan din ang bayad sa kanila. Naisipan kong ako na lamang ang papalit bilang isang serbidor. Hindi ko pa iyon naipapaalam kay Jef pero sa tingin ko naman ay wala
Nilingon ko si Meriah nang mapansing hindi siya gumagalaw sa kaniyang kinatatayuan. Ipinangtatakip pa rin niya ang kaniyang bag sa kaniyang likuran dahil namantsahan ang suot niya dahil sa buwanang dalaw.Napabuntong-hininga ako. Ito lamang ang aking naisip dahil walang susundo sa kaniya pauwi sa kanila."But..." nagdadalawang isip siyang sumakay sa upuan sa likuran ng aking bisikleta."Ayos lang, kaya ko," pangungumbinsi ko."No," aniya sa matigas na boses. "It's too far from here and the sun's gonna burn us alive!" may pag-eeksaherada niyang sinabi."Sige, hindi na kita ihahatid sa inyo. Sumakay ka na, may iba tayong pupuntahan.""To where?""Sakay na," sa halip ay sinabi ko.Dahan-dahan, naglakad siya papunta sa aking likuran at mabilis na umupo sa bakal na upuan sa aking likuran."Uhm... saan