ログインSana po nandiyan pa kayo.
Kasalukuyang katatapos ng one-on-one meeting nina Nathan at Nikko tungkol sa dinaluhan niyang Global Steel Summit sa Dubai. Ini-report niya sa kanyang kuya ang mga business deal na kanyang nasungkit doon nang may kumatok sa pinto ng Chairman, na agad nagbukas.“Papa Nathan!” sabay na sigaw nina Hans at Anya na tumatakbong pumasok at nag-unahang nagpakalong sa lalaki.Napangiti si Nikko at nanatiling nakatingin sa pinto. Bahagyang kumunot ang noo niya nang makitang sina Abe at Isla lamang ang kasunod na pumasok at sumara na ang pinto.“Where’s Heaven?” nag-aalala niyang tanong sa mag-asawa.Last time kasi na bumisita sina Isla at ang kambal na wala si Heaven ay nilagnat daw ang bata, kaya nag-alala siya na baka nagkasakit na naman ito.“May sakit ba siya ulit?” dagdag pang tanong ng lalaki.Napangiti si Isla. “She’s okay, Nikko.”“Naka-bakasyon kasi ang mommy niya, kaya nag-bonding ang mag-ina sa Bohol,” paliwanag ni Abe.May kung anong gumaan sa dibdib ni Nikko nang marinig ang paliwa
Tambak sa ibabaw ng mesa ni Nikko ang ilang dokumento na kailangan ng kanyang approval dahil kauuwi lang niya kagabi mula sa apat na araw na Global Steel Summit, kung saan nagpupulong sa Dubai ang steel producers, traders at policymakers sa buong mundo upang talakayin ang trade, overcapacity at industry standards.Mula nang dumating siya kaninang umaga sa JNQ Headquarters, hindi pa niya maupuan ang mga dokumento dahil sa kaliwa’t kanang meeting na kanyang dinaluhan. “Sir, i-remind ko lang po ang lunch meeting ninyong magkakapatid sa office ni Chairman,” ani Vincent habang umaakyat sila sa hagdan pabalik sa kanyang opisina mula sa client meeting sa Sales Department.Nakagawian nilang magkakapatid na gamitin ang hagdan kapag isa o dalawang palapag lang naman ang pagitan. Iyon din kasi ang ipinapatupad nila sa buong kumpanya.“Anong oras na ba?” kunot ang noo niyang tanong. “11 am,” sagot ni Vincent.Bahagyang nilingon ni Nikko ang lalaki. “Natapos mo na ba iyong report natin sa Chairm
Sabay na tumagilid sa ere ang dalawang FA-50PH at saka umikot para sana bumalik na sa base dahil tapos na ang morning routine nila na ikutin ang northern boundary ng bansa nang makita nila sa kanilang radar ang papalapit na missile. Nagtinginan ang dalawang piloto. Mabilis ang aksyon ng team leader na agad nagpakawala ng flares bago sila naghiwalay. Ilang ulit silang nagsirko sa alapaap hanggang sa sumabog sa kawalan ang missile.“This is Border Patrol 1099. A missile from unknown contact tried to hit us,” pagbibigay ng report ng leader.“1099 and 1100, do not engage and return to base now,” utos ng nasa kabilang linya.Sabay silang nag-dive pababa sa 500 feet upang hindi sila ma-detect ng kahit na anong radar. Umangat lang silang dalawa muli sa ere habang papasok na sila sa siyudad. “Today ang start ng vacation mo, hindi ba?” tanong ng team leader sa kasamahan niya sa radyo.“Yes, Sir!” sagot ng nasa kabilang jet.Magkasunod na nag-land sa Fernando Airbase ang dalawang fighter jets.
Maraming salamat po sa patuloy na pagbabasa ng "Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy."Nais ko lang pong ipaalala na ang mga nakasulat sa nobelang ito ay pawang kathang-isip lamang. Anumang pagkakahawig sa ilang kaganapan sa totoong buhay ay bahagi lamang ng pagpapaunlad ng kuwento.Ang mga establisimyento, ahensiya ng pamahalaan, at mga lugar na nabanggit o mababanggit sa nobela ay ginamit lamang para sa nobela at walang anumang kaugnayan ang mga ito sa totoong buhay.-Lilian Alexxis
Nang magising si Helga, nasa loob na siya ng VIP Room. Aburido siyang napatingin sa paligid. Nag-iisa lang siya. Pagkuwan, bumukas ang pinto at pumasok si Ana. Pagkakita sa kanya, ngumiti ang babae.“Gising ka na pala!” energetic nitong sabi bago muling lumabas ng silid.HIndi nagtagal ay bumalik ang babae, kasunod ang nurse at doktor. May mga tinanong sa kanya at nang masigurong okay siya, doon lamang ipinaliwanag sa kanya na nasa Neonatal ICU ang anak niya para sa gamutan, pero siniguro ng mga ito na makalalabas din agad ang baby niya.“Ate, si Ate Isla po?” tanong niya dahil alam niyang si Isla ang kasama niyang nagpunta sa ospital.“Umuwi na sila ni Señorito kasama ang Mama mo. Ako ang magbabantay sa iyo dito ngayong gabi,” paliwanag ni Ana.Nakaramdam ng hiya si Helga. “Ate, pasensiya na po kung pati ikaw naabala ko.”Umiling ang babae at saka ngumiti. “Ano ba iyan, Helga? Para ka namang others!”“Marami na po kasi akong napeperwisyo,” malungkot niyang sabi.“Huy! Bawal sa nangan
Nakatulog si Helga sa kanyang silid matapos niyang maghugas ng pinagkainan nila noong tanghali. Nagising siya sa pamamanhid ng balakang at pananakit ng tiyan. Gusto niyang tawagin ang mama niya, pero nag-alala siya na baka may ginagawa ito, kaya pinilit niyang umupo. Mas lalo pa siyang nasaktan nang maupo sa kanyang kama, kaya tumayo na lamang siya.Hawak niya ang malaking tiyan habang humahakbang nang maingat pababa sa hagdan. Napahinto siya nang marinig niyang may kausap ang ina. “Kabuwanan na ng kapatid mo. May extra ka bang naitabi para sa panganganak niya?” Inakala niyang kausap nito sa telepono ang kanyang Kuya na matagal nang hindi nagpapakita sa kanila. Muli siyang humakbang ngunit natigilan nang marinig ang boses ni Harris.“Nagpabuntis siya sa kung kanino, tapos sa akin hihingi ng pampaanak?” galit na sabi ng lalaki.“Hinaan mo ang boses mo, baka marinig ka ng papa mo,” saway ni Jen sa panganay.“Sinabi ko na sa inyo, Mama, kailangang matutong tumayo sa sarili niyang mga pa
Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang
Mula sa War Room, dinala ni Nora si Cielo sa isang malaking opisina sa ikalawang palapag lamang ng production site. Pagpasok nila, bumungad ang isang set ng beige na leather couch at sa dulo nito ay ang isang malaking mesa na gawa sa hardwood. Dark brown ang kulay ng floor tiles at may glass window
“Hindi ka ba nakakaintindi?” pahabol na sigaw ng galit na galit na lalaki kay Cielo nang makita niyang binalewala na siya ng babae.“Maganda ka sana, pero walang manliligaw na engineer sa iyo dahil mayabang ka. Bulok naman ang kotse mo!” natatawa pang sabi naman ng isa habang sinusundan si Cielo pa
Napahawak sa kanyang dibdib si Cielo pagliko niya sa kalsadang tutumbok sa gate ng JNQ Motors Automobile Factory. Oras ng pagdating ng mga empleyado, kaya abala ang pedestrian gate, pati ang pasukan ng mga sasakyan. Pagdating niya sa gate, isang friendly smile ang ibinungad sa kanya ng guwardiya. N







