Share

Chapter 172

last update publish date: 2026-09-21 23:23:05
Palabas na ng main building ng PAF si Helga at katatapos niyang magbigay ng update kay Col. Ramirez tungkol sa mga armadong kalalakihan sa resort ni Mr. Huang, na bagong ka-transaksiyon ng presidente ng JNQ Steel Corporation, nang mag-ring ang kanyang cellphone.

Kumunot ang noo niya dahil hindi naka-save sa contacts niya ang numerong iyon. Ibinalik niya sa kanyang bulsa ang phone dahil hindi niya talaga nakaugaliang sumagot sa tawag o text ng taong hindi naman niya kilala.

Dahil nakatalaga siya
Lilian Alexxis

thank you po sa pagdaan

| 7
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
kawawa naman ang aming baby heaven na yan..asan Kana ba Nikko babaero nabubuly si baby heaven dahil sa Yo..... Ms Lilian kailan kaya nalalaman ni Nikko na anak. Iya si heaven..exciting(。♡‿♡。)(。♡‿♡。)
goodnovel comment avatar
CellieA
wow artist din si Heaven like ng daddy nya...
goodnovel comment avatar
Ester Espina
Author san po madami update...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 173

    “Ingat po sa work, Mommy!” nakangiting paalam ni Heaven sa ina habang kumakaway.Kinawayan din ni Helga ang anak bago siya nagmaniobra para lumabas na ng gate. Tinanaw pa niya si Heaven sa rearview mirror na nakamasid pa rin sa kanya. Pumayag lang sumama ang bata sa kanyang Lola Jen para bumalik sa bahay ng tuluyan nang nakalabas ng gate ang sasakyan ng kanyang mommy.Napabuntong-hininga si Helga. Ayaw sana niyang iwan ang anak lalo na sa naranasan nitong pambu-bully pero may pinirmahan siyang kontrata sa JNQ Steel at sinumpaang tungkulin sa bayan. Kahapon sila dumating mula sa limang araw na biyahe sa China, at sabi ni Vincent, wala pa silang naka-schedule na biyahe ngayong linggo, kaya nagtataka siya kung bakit bigla na lamang siyang ipinatawag ng boss.Kanina, pagkahatid niya kay Heaven, kinargahan na lang niya ulit ng laman ang kanyang luggage. Naisip niya na mabuti na ang handa siya at may dala sa sasakyan sakaling may biyahe pala sila.Pagdating niya sa CEO’s floor, lumiwanag a

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 172

    Palabas na ng main building ng PAF si Helga at katatapos niyang magbigay ng update kay Col. Ramirez tungkol sa mga armadong kalalakihan sa resort ni Mr. Huang, na bagong ka-transaksiyon ng presidente ng JNQ Steel Corporation, nang mag-ring ang kanyang cellphone. Kumunot ang noo niya dahil hindi naka-save sa contacts niya ang numerong iyon. Ibinalik niya sa kanyang bulsa ang phone dahil hindi niya talaga nakaugaliang sumagot sa tawag o text ng taong hindi naman niya kilala.Dahil nakatalaga siya sa special assignment, hindi niya kailangang pumasok araw-araw sa PAF, habang sa JNQ naman ay on-call ang kontrata niya.Tumunog ang notification ng text message sa kanyang cellphone. Sumakay muna siya sa kanyang kotse bago tiningnan kung sino ang nagmensahe.Please come to the office now– NikkoKumunot ang noo niya dahil wala naman siyang kilalang Nikko, maliban sa presidente ng JNQ Steel na sigurado siyang hindi siya ite-text nang direkta dahil si Vincent dapat ang nagte-text sa kanya o tumat

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 171

    Habang paliblib nang paliblib ang daang tinatahak ng sinasakyan nina Helga, mas iginagala niya ang kanyang paningin sa paligid. Nasa ibang bansa siya at hindi bihasa sa lugar, kaya kailangan niyang tandaan ang dinadaanan nila. Piloto siya at walang alam sa pagnenegosyo pero kahina-hinala para sa kanya na sa isang liblib na lugar magpupulong ang mga pinuno ng dalawang kumpanya upang magkasundo sa transaksiyon. Pinigil ni Helga na manlaki ang kanyang mga mata nang matanaw na papasok sila sa isang property na may mataas na gate at sa labas pa lang ay napakarami nang kalalakihan na may hawak na mahahabang mga armas na hindi lang simpleng armalite.May mga nakatayo rin sa itaas na sa tingin niya ay mga sniper na halatang alerto sa pagmamatyag. Napalingon siya kay Nikko nang ginagap ng lalaki ang kanyang kamay at saka iyon pinisil. Tatanggalin sana niya ang kamay ng lalaki, pero nagdalawang-isip siya dahil baka hindi na siya isama nito sa susunod na meeting. Kailangan pa naman niyang mag-re

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 170

    Iginala ko ang aking paningin. Iniwan ko lang sandali ang prinsesa ko para sabihan ang reception na ihanda ang paborito kong mesa malapit sa balcony, nawala na agad siya. Umikot ako muli at nakita ko ang likod niya habang ang malaking bahagi ng kanyang katawan ay natatakpan ng poste. Excited akong makasama siya sa favorite spot ko para mag-almusal. Sana magustuhan din niya. Palapit na ako nang marinig kong may kausap siya. Nanlaki ang mga mata ko at nagsimulang sumibol ang kaba nang marinig ko ang sinasabi ng flight attendant na naka-one-night stand ko noon. Wala sa sariling naikuyom ko ang kamao ko. Kung alam ko lang na sisiraan ako ng babaeng ito sa prinsesa ko, matagal ko na siyang tinanggal sa trabaho. “Tsk tsk tsk. Baka umasa ka na gusto ka niya? Sex lang iyon para sa kanya,” sabi pa ng siraulong babae.Ano bang hindi naiintindihan ng babaeng ito sa one-night stand? Anong pakialam niya kung may ibang babae akong magustuhan? Magpapakita na ako bago pa kung ano-ano ang sabihin ni

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 169

    Alas-siyete pa lang ng umaga, nakaligo at nakagayak na si Helga. Minabuti niyang maging handa upang hindi siya maiwan sa hotel ngayong araw. Nagbabakasakali siyang maisama ni Nikko sa mga lakad ngayon.Pagbaba niya sa hagdan, may narinig siyang tila pag-ungol kaya hinanap niya kung saan nagmumula ang boses.“Ugh.”“Ahh”Kumunot ang noo ni Helga nang lalong lumakas ang naririnig niya. Marahan siyang naglakad at pagliko niya sa pasilyo ay tumambad sa kanya ang isang maliwanag na silid na may mga gym equipment. Sa bandang gilid ay naroon si Nikko, nakatayo at pawisan, habang buhat-buhat ang curl bar na may malalaking plates sa bawat dulo.Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki nang makita siya sa p***o. Ibinalik muna niya sa rack ang curl bar bago nilapitan si Helga.“Good morning!” bati ng babae.“Good morning! Gutom ka na ba?” masayang bati ng lalaki.Umiling si Helga. “Hindi pa naman.”“Then, wait for me. Sabay na tayong bumaba sa restaurant para mag-almusal,” nagmamadaling sabi ni Nikko

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 168

    “Ahhhhhhhhhhh!”Hinila ni Helga ang comforter upang takpan ang kanyang katawan. Napabalikwas naman si Nikko at agad tumayo, inakalang may kalaban. Nakaumang pa ang dalawang kamay nito habang nakakuyom ang mga kamao, handang-handang manuntok.Nang makita ni Helga na may suot na T-shirt at pajama si Nikko, napasilip siya sa ilalim ng comforter at nakahinga nang maluwag nang makitang may suot siyang damit.“Bakit ka nakahiga sa tabi ko?” kunot ang noo na tanong ni Helga.Napapikit si Nikko at napahawak sa kanyang ulo. “Nakatulog ako sa tabi mo habang mino-monitor ang lagnat mo.”Lalo pang nagsalubong ang mga kilay ni Helga. “Pagdating namin kagabi ni Vincent galing sa meeting, hindi ka magising kahit naka-ilang katok na kami kaya pinakuha ko na ang susi,” paliwanag ng lalaki. “Tulog ka pero nanginginig. Paghawak ko sa noo mo, nilalagnat ka.”Idinikit ni Helga ang likod ng kanyang palad sa kanyang leeg. May sinat pa siya. Bahagya siyang nakonsensiya sa pagsigaw kanina.Walang salitang nag

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 06 

    Halos pigilan ni Cielo ang paghinga nang magsimulang sumuot sa kanyang ilong ang amoy ng pamilyar na pabango ni Nathan. Crisp, outdoor, and woody scent. Iyon mismo ang paborito niyang perfume para sa lalaki. Ang amoy ng balat ni Nathan na nagpapabaliw sa kanya noon. Nagtama ang kanilang paningin a

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 05

    Pinagkagat ni Cielo ang kanyang mga bagang upang pigilan ang sarili niyang magmukhang nagulat sa mukha ng lalaki na sa puwesto niya ngayon ay kanyang tinitingala kahit pa nasa tatlong pulgada ang heels ng suot niyang sapatos. Lubha pa rin itong matangkad nang malayo sa kanya.Sabay pang gumala ang

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 04

    Mula sa War Room, dinala ni Nora si Cielo sa isang malaking opisina sa ikalawang palapag lamang ng production site. Pagpasok nila, bumungad ang isang set ng beige na leather couch at sa dulo nito ay ang isang malaking mesa na gawa sa hardwood. Dark brown ang kulay ng floor tiles at may glass window

  • Playing Cupid for My Mommy and Billionaire Daddy   Chapter 03

    “Hindi ka ba nakakaintindi?” pahabol na sigaw ng galit na galit na lalaki kay Cielo nang makita niyang binalewala na siya ng babae.“Maganda ka sana, pero walang manliligaw na engineer sa iyo dahil mayabang ka. Bulok naman ang kotse mo!” natatawa pang sabi naman ng isa habang sinusundan si Cielo pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status