แชร์

Chapter 4

ผู้เขียน: Maijan
last update วันที่เผยแพร่: 2026-03-14 20:13:25

Nagising si Suzy dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana na tumatama sa kanyang mukha. Bumangon siya at mariing napapikit. Napahawak siya sa kanyang ulo nang makaramdam ng kaunting kirot.

“Hmmmm…” daing niya.

Babalik sana siya sa pagkakahiga nang may maalala. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o nahawa na siya sa pagiging baliw ni Travis, pero bakit parang totoo ang lahat?

“You’re my wife now… from the moment our fates collided.” Iyan ang mga salitang naaalala niya.

Kaagad niyang iminulat ang kanyang mga mata.

“Nasaan ako?!” gulantang niyang sigaw nang makitang nasa isang malawak at hindi pamilyar na kwarto siya.

“You’re in my room,” malamig na sagot ng kung sino.

Kulang na lamang ay lumundag ang kanyang puso palabas ng kanyang dibdib nang lingunin niya si Travis sa kanyang likuran na nakahiga sa kama at pinagmamasdan siya.

Ibig bang sabihin ay nagtabi sila ng lalaki buong magdamag?! At higit sa lahat… hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi?

Kaagad siyang bumangon at lumayo sa lalaki.

Umismid si Travis at bumangon na rin mula sa pagkakahiga.

Nalula na lamang si Suzy nang mapagtanto niyang walang damit na pang-itaas ang lalaki, dahilan upang bumalandra sa kanyang mga mata ang matipuno nitong katawan.

Naka-boxer lamang ito, at sa loob niyon ay napansin niya ang malaking nakaumbok.

Galit ba ang alaga nito sa kanya?!

Teka—wala siyang ginagawang masama!

Napalunok siya at napaatras.

Patagong napangisi si Travis nang mapansin niya ang reaksyon ni Suzy.

“Don’t worry, it’s just a morning wood. Normal ito sa aming mga lalaki,” wika niya habang isinusuot ang kanyang damit.

Napakurap-kurap si Suzy. Bakit ba nito sinasabi sa kanya ito?! Napasulyap lang naman siya roon… nang ilang segundo.

Isinawalang-bahala niya ang sinabi ni Travis.

“Bakit ako nandito?! Ano ba ang kailangan mo sa akin?!” hiyaw niya.

“I already told you. Papakasalan kita at wala ka nang magagawa dahil binili kita. Hindi ko na kailangang ipaliwanag sa’yo na simula kagabi ay pagmamay-ari na kita,” wika niya sa tonong mapag-angkin.

Hindi pa man siya nakakatutol ay muli nanamang nagsalita si Travis.

“I mean it. You can’t escape from me. Once you try to escape again, I will make sure you suffer the consequences of your actions,” madilim niyang pahabol.

Napako si Suzy sa kanyang kinatatayuan, tila napipi dahil ni isang salita ay walang lumabas sa kanyang bibig.

“It’s already 9:00. You should head downstairs and have your breakfast. Magpahinga ka mamaya dahil pagod ang isang rason kung bakit ka nawalan ng malay kagabi.”

Sinapo niya ang kanyang tiyan nang makaramdam ng gutom. Simula pa kagabi ay wala nang laman ang kanyang tiyan. Kaya sinunod na lamang niya ang sinabi ni Travis kaysa namnamin ang gutom.

Lumabas siya ng kwarto.

Bumalandra sa kanyang paningin ang mga mamahaling kagamitan sa mansyon. Kumikinang sa linis ang mga muwebles, at elegante ang hagdang paakyat. Mistula siyang nasa isang kastilyo sa mga palabas sa ganda at laki ng mansyon.

Naligaw pa siya sa paghahanap ng kusina dahil sa sobrang lawak ng lugar.

“Sa wakas ay nahanap ko na rin ang kusina,” hinihingal niyang utas sa pagod.

Pumasok siya sa kusina at napahinto ang mga katulong sa kanilang ginagawa nang makita siya. Lahat sila ay parang tinakasan ng dugo sa mukha nang makita siya, mutlang-mutla ang mga ito.

Nakakita ba sila ng multo?

“Gising ka na pala, hija. Halika rito at ikaw ay mag-umagahan na,” ani ng matandang kumadrona na si Tata.

Maraming pagkain ang nakahain sa mesa. Umupo siya at kumuha ng makakain. Sinita ng kumadrona ang mga katulong na bumalik na sa kani-kanilang mga gawain. Hindi maiwasang mailang ni Suzy dahil ramdam niya ang mapagmasid na mga titig ng mga ito.

Napahawak siya sa kanyang batok.

Buti na lamang at kasabay niyang mag-umagahan si Tata upang mabawasan ang kanyang pagkailang.

“Maya-maya lang ay darating na si Donya Vera, ang lola ni Travis, galing Paris. Paniguradong sabik siyang makilala ka… lalo na noong malaman niya ang tungkol sa kasal,” kuwento nito.

Napalunok si Suzy. Alam na kaagad nila ang tungkol doon? Eh hindi pa naman siya pumapayag!

Paano rin kung hindi siya magustuhan ng lola ni Travis? Lalo na ng mismong mga magulang nito?

“Lumaking ulila si Travis…” sabi ni Tata na para bang nabasa nito ang kanyang iniisip. Natigil sa pagsubo ng pagkain si Suzy sa narinig. Ibig bang sabihin, pareho sila?

“Bata pa lamang ay namatay na ang kanyang ama’t ina, kaya si Donya Vera ang nagpalaki sa kanya. Tiyak na magugustuhan ka niya.”

“Napaka-imposible naman po ata niyan…” bulong niya. Karamihan kasi sa mga napapanood sa teleserye ay ganito ang mga eksena. Ayaw nila sa mga mahihirap lalo na kung ito ay aasawahin ng kanilang anak o apo.

Narinig ni Tata ang kanyang bulong.

“Hindi ba nasabi sa’yo ni Travis? Kamukha mo ang kanyang dating nobya.”

“Si Irish po ba?” tanong niya. Matagal nya ng malaman kung sino ba si Irish na laging binabanggit ni Travis.

“Oo. Ikakasal sana silang dalawa noon, pero nawala ang lahat ng kanilang matagal na pangarap nang biglang masangkot si Irish sa isang malagim na insidente.”

Nakaramdam siya ng lungkot. Kaya ba siya nito niyakap noong una nilang pagkikita? Dahil kamukha niya si Irish? At tinawag din siya ni Travis sa pangalan ng dati nitong nobya.

“M-may larawan po ba kayo ni Irish?” hesitante niyang tanong.

Tumango ang matanda at binuksan ang cellphone nito upang ipakita kay Suzy ang larawan.

Parang may sumuntok sa kanyang puso nang makita iyon. Hindi siya iyon, ngunit hawig na hawig niya. Mula sa kutis, tindig, facial features, at ngiti—parang walang labis, walang kulang, na tila kambal sila. Sa buhok lamang nagkakaiba, dahil may pagkakulot si Irish habang ang kanya ay bagsak.

“Hindi nakita ang katawan ni Irish. Walang naging proper memorial service o kung ano pa man. Hanggang ngayon ay pinapahanap pa rin siya ni Travis, pero mukhang malabo na dahil ilang taon na ang lumipas at wala pa ring ni isang bakas niya. Unti-unti na kaming nawawalan ng pag-asa na matagpuan siya… pero hanggang ngayon ay umaasa pa rin kaming babalik siya,” paliwanag ni Tata.

Nalungkot si Suzy, ngunit mas nanaig ang kanyang pagkainis kay Travis. Ginagawa ba siya nitong replika ng nawawala nitong nobya? Kaya ba siya nito gustong pakasalan dahil kamukha lamang niya ang babaeng dapat sanang pakakasalan nito?

Kumuyom ang kanyang kamao.

“That bastard billionaire!” nanggigigil niyang wika.

Umaakyat na ata ang lahat ng dugo sa kanyang ulo. Gusto niya tuloy upakan ngayon ang pagmumukha ng lalaking iyon! Anong tingin niya sa kanya? Substitute bride?

Sa gitna ng kanyang pagngi-ngitngit sa galit ay napabaling ang kanyang atensyon sa batang kapapasok lamang ng kusina. Tinanggal nito ang suot na shades, dahilan upang magtagpo ang kanilang mga mata.

Ikinusot ni Suzy ang kanyang mga mata, sa pag-aakalang baka mali lamang ang kanyang nakikita. Bakit parang kamukha niya ang bata? Para itong isang maliit na bersyon niya.

Nanlamig ang bata nang makita siya.

“Mommy?”

Itinuro niya ang kanyang sarili.

“M-mommy?” pag-uulit niya.

Napalinga-linga pa siya upang tingnan kung siya ba ang tinutukoy ng bata. At malamang siya nga, dahil sila lamang ni Manang Tata ang naroon sa kusina.

“Nandito na pala si Donya Vera kasama si Arianna… anak ni Travis at Irish,” wika ni Tata.

Mukhang mawawalan na naman ata si Suzy ng malay dahil sa narinig. Nalaglag ang kanyang panga at nakaramdam ng panglulumo. Ano pa ang mga hindi niya alam tungkol kay Travis? Dahil gusto niyang malaman ang lahat—bago sila magpakasal.

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 6:

    Tumayo si Suzy mula sa pagkakaluhod upang harapin ang lalaki. Bahagya pa siyang napaatras, tila sinusukat ang distansya sa pagitan nila.“Travis, hayaan mo na… bata siya—” maingat niyang saad, pilit pinapakalma ang sitwasyon.“Shut up!” sigaw ni Arianna sa kanya. Halos umusok ang ilong nito sa galit, at ang mga mata’y nagliliyab na tila handang manakit anumang oras.Siya na nga ang sumusubok pumagitna upang pahupain ang galit ni Travis, ngunit mukhang siya pa ang nagmumukhang mali sa lagay na ito.“I don’t need your fvcking help!” galit na dugtong ni Arianna.Napapikit na lamang si Suzy, pinipigilan ang sumasakit na ulo. Wala pa siyang isang linggo sa lugar na ito, ngunit ramdam na ramdam na niya ang bigat ng stress na unti-unting sumisiksik sa kanyang dibdib.Padabog na nilagpasan sila ni Arianna, nakapulupot ang magkabila niyang braso sa dibdib habang nagmamartsa palayo.Napabuntong-hininga si Suzy at napahawak sa kanyang sintido, marahang minamasahe iyon upang maibsan ang kirot.“D

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 5

    “A-anak?” hindi makapaniwalang pag-uulit niya sa tanong.Makikita ang pilit na ngiti ni Tata. “Ah… siguro ay hindi nabanggit sa’yo ni Travis,” mahina nitong bulong, sinisiguradong hindi maririnig ni Arinna ang kanilang usapan. Napansin niya kung paano mamuo ang mga luha sa mata ng paslit. Hindi niya alam kung bakit tila may tumutusok sa kanyang puso—isang damdaming nagtutulak sa kanyang yakapin ang bata.Marahil ay dahil naiintindihan niya kung ano ang pakiramdam na maulila sa ina sa murang edad. At dahil kamukha niya si Irish, paniguradong katulad ni Travis, nakikita ng bata sa kanya ang alaala ng kanyang ina.Lumapit si Manang Tata sa bata at marahang hinaplos ang buhok nito. “Kumusta ang biyahe mo? Nahihilo ka ba o pagod? Baka gusto mo munang pumunta sa kwarto mo at magpahinga?”Ngunit tila walang narinig ang paslit. Nakatingin lamang ito kay Suzy—hindi inaalis ang titig, na para bang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.“I…” panimula ng bata, ngunit hindi nito mabigkas ang nai

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 4

    Nagising si Suzy dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana na tumatama sa kanyang mukha. Bumangon siya at mariing napapikit. Napahawak siya sa kanyang ulo nang makaramdam ng kaunting kirot.“Hmmmm…” daing niya.Babalik sana siya sa pagkakahiga nang may maalala. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o nahawa na siya sa pagiging baliw ni Travis, pero bakit parang totoo ang lahat?“You’re my wife now… from the moment our fates collided.” Iyan ang mga salitang naaalala niya.Kaagad niyang iminulat ang kanyang mga mata.“Nasaan ako?!” gulantang niyang sigaw nang makitang nasa isang malawak at hindi pamilyar na kwarto siya.“You’re in my room,” malamig na sagot ng kung sino.Kulang na lamang ay lumundag ang kanyang puso palabas ng kanyang dibdib nang lingunin niya si Travis sa kanyang likuran na nakahiga sa kama at pinagmamasdan siya.Ibig bang sabihin ay nagtabi sila ng lalaki buong magdamag?! At higit sa lahat… hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi?Kaagad siyang bumango

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 3

    “ASK. YOUR. SO-CALLED. FAMILY.”Hindi na mabilang ni Suzy kung ilang beses na umalingawngaw sa kanyang isip ang nakakapanindig-balahibong boses ni Travis.Nakatayo siya ngayon sa tapat ng kanilang bahay, dala ang libo-libong tanong na umiikot sa kanyang isip.Totoo bang binenta siya ng sarili niyang pamilya?Ayaw niyang tanggapin ang magiging sagot—lalo na kung iyon ang mismong kinatatakutan niya. Ang muling maabandona ng sariling pamilya.“Hindi… imposible…” mahina niyang bulong habang pinipihit ang doorknob.Ngunit sa mismong sandaling bumukas ang pinto—parang gumuho ang mundo niya.Magulo ang buong bahay. Ang mga lumang gamit na wala nang kuwenta ay nagkalat sa sahig, ang ibang kabinet ay nakabukas, at ang mga drawer ay tila hinukay. Para bang may nagmadaling mag-empake… o para bang pinasok sila ng mga kawatan.“Ma… Pa… Precious?” nanghihinang tawag niya.Umaasa pa rin siya.Umaasa na may lalabas mula sa kung saan.Umaasa na tatawag ang laging galit na ina mula sa kusina. At umaasa

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 2

    Tulalang nakatingin si Suzy sa harap ng salamin. Gabi na naman, at ang ibig sabihin lang noon ay muli na naman siyang magtatrabaho. Ramdam pa rin niya ang pagod dahil wala pa siyang matinong pahinga.Buti na lamang at maalam siya sa pagme-make-up dahil nagawa niyang takpan ang pasa sa kanyang pisngi, gawa ng pagkakasampal sa kanya kagabi ng kanyang ama.Malakas na bumukas ang pinto ng dressing room. Lahat ng mga babaeng nag-aayos ay napahinto sa kanilang ginagawa.“Nandito na ba si Suzy?!” tanong ni Ma’am Gineva, ang may-ari ng bar.Napatingin silang lahat sa kanya.Bihira lang kasing pumasok si Ma’am Gineva sa kwartong iyon—kadalasan ay ang kanyang assistant lamang ang pumupunta kung may mahalagang sasabihin. Ngayon ay naghahabol siya ng hininga, na para bang hinabol siya ng maraming aso sa kalye. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng dressing room upang hanapin si Suzy.Napalunok siya. Bakit mukhang galit sa kanya ang kanilang boss? Wala naman siyang nagawang masama, ah? Nagsisimula

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 1

    Hindi na maalala ni Suzy kung paano siya nakalas sa pagkakakandado sa yakap ni Travis. Ang tanging natatandaan na lamang niya ay ang pakiramdam ng init sa loob ng bisig ng lalaki.Nakatayo na siya sa harapan ng kanilang pintuan. Agad siyang namutla nang bigla itong bumukas, iniluwal noon ang kanyang ina kasunod ang kanyang ama.Sandali siyang napaatras nang makitang salubong ang mga kilay nito, tila pinagsakluban ng langit at lupa. Namumula ang mata ng kanyang ama, isang senyales na ito ay lasing."Aray! Ma..." daing ni Suzy nang bigla siyang hiklatin ng kanyang ina sa buhok. Nararamdaman niya ang talim ng kuko nito na bumabaon sa kanyang anit. Animo'y makakalbo na siya nang kaladkarin siya ng matandang babae papasok ng bahay. Iminuhestra siya nito sa pader dahilan ng malakas niyang pagkakauntog, hanggang sa bumagsak siya sa sahig."Letse kang babae ka! Hindi mo ba alam na kanina pa kami naghihintay sa'yo?! Ano? Hihintayin mo pa bang sunduin ka namin sa trabaho at kaladkarin palabas?

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status