เข้าสู่ระบบHindi na maalala ni Suzy kung paano siya nakalas sa pagkakakandado sa yakap ni Travis. Ang tanging natatandaan na lamang niya ay ang pakiramdam ng init sa loob ng bisig ng lalaki.
Nakatayo na siya sa harapan ng kanilang pintuan. Agad siyang namutla nang bigla itong bumukas, iniluwal noon ang kanyang ina kasunod ang kanyang ama. Sandali siyang napaatras nang makitang salubong ang mga kilay nito, tila pinagsakluban ng langit at lupa. Namumula ang mata ng kanyang ama, isang senyales na ito ay lasing. "Aray! Ma..." daing ni Suzy nang bigla siyang hiklatin ng kanyang ina sa buhok. Nararamdaman niya ang talim ng kuko nito na bumabaon sa kanyang anit. Animo'y makakalbo na siya nang kaladkarin siya ng matandang babae papasok ng bahay. Iminuhestra siya nito sa pader dahilan ng malakas niyang pagkakauntog, hanggang sa bumagsak siya sa sahig. "Letse kang babae ka! Hindi mo ba alam na kanina pa kami naghihintay sa'yo?! Ano? Hihintayin mo pa bang sunduin ka namin sa trabaho at kaladkarin palabas?!" sigaw ng kanyang ina. Napalunok siya sa narinig. Muli na naman siyang nanginginig sa sobrang takot. "P-pasensya na po... Nag-overtime po a-ako..." halos magkanda-utas niyang sagot sa takot. "Overtime?! Ang sabihin mo baka sinadya mong magpalate ng uwi dahil dinadamot mo ang sahod mo! Kailangan nang mabayaran ang tuition f*e ni Precious bukas! At dahil pa-importanteng ampon ka, uuwi ka na lang kung anong oras mo gusto!" bulyaw nito. Nabiyak ang kanyang puso. Mas masakit pa itong marinig kaysa sa pananakit nila. Oo nga pala—ampon lang siya. Kinupkop siya ng pamilyang ito hindi upang ituring na anak, kundi para alilahin at gamitin. Siya ang naging breadwinner. Halos magkanda-uga-uga sa pagtatrabaho upang may maihain sa pamilya at mapag-aral ang kolehiyong tunay na anak. Pumungay ang kanyang mga mata. Pinipigilan ang pamumuo ng luha dahil sa sakit ng narinig at sa pagod na matagal na niyang kinikimkim. "Magastos ang kursong tinatahak ng anak n'yo. Mula allowance, pamasahe, at tuition—ako ang may kargo. Hindi ko kayo kadugo, pero ang pinapaaral ko ay tinuring kong parang tunay na kapatid. Ma... Pa... pagod na rin ako. Wala kayong narinig na reklamo mula sa akin kahit minsan. G-gusto ko lang namang matanggap n'yo ako... na maging parte ako ng pamilya n'yo... na matawag n'yo akong anak. Kailan ko pa ba ipagsisiksikan ang sarili ko?" Gusto niya mang sabihin ang mga katagang iyon ay hindi niya kaya dahil sa tuwing nais niyang sabihin ang kanyang nararamdaman, napangungunahan siya ng takot, kaba, at iba pang emosyon. Napapikit siya nang mariin dahil sa bulyaw ng kanyang ina. "O ano?! Bakit hindi ka makasagot?! Kasi totoo?!" sigaw nito. "H-hindi po sa gano'n..." mahinang sagot ni Suzy. "Pwes! Wala akong pakialam! Ibigay mo sa akin ngayon ang kinita mo! Sinabi ko na sa'yo kaninang umaga, hindi ba?! Bukas kailangan nang magbayad ni Precious ng tuition niya! Alam mo bang stress na stress na ang anak ko kaiisip kung saan pupulot ng pambayad bukas?! Imbes na makapag-review si Precious dahil may exam siya bukas, pinag-aalala mo pa siya! Letse ka talagang babae ka! Sinasabi ko sa'yo—kapag bumagsak siya, malilintikan ka sa akin—" banta nito. Tama na. Puno na siya. Pagod na pagod na siya, at ganito pa ang maaabutan niya. Buong lakas niyang itinayo ang sarili kahit nangangatog pa ang kanyang mga tuhod. Kumawala ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan sa sakit. "Eh ako, Ma?" nanginginig niyang tanong. "Kailan n'yo ako iintindihin? Kailan n'yo makikita ang pagod ko? Kailan n'yo mapapansin na gusto ko ring makita n'yo ako bilang isang anak—hindi bilang isang ampon?!" Saglit silang natigilan. Pinilit niyang tatagan ang kanyang boses, "Simula't sapul, inako ko ang lahat para mabigyan ng magandang buhay si Precious! Ma... kagaya niya, may pangarap din ako..." namaos niyang sabi. "Lahat ng sakripisyo ko, hindi n'yo pinansin! Wala na kayong ibang ginawa kundi gawin akong katulong—" Hindi na niya natapos ang sasabihin nang lumagapak sa kanyang mukha ang sampal ng kanyang ama-amahan. Agad humapdi ang kanang mukha ni Suzy. Namumula ang kanyang pisngi sa bigat ng palad nito. Hindi nakatakas sa kanyang paningin ang makalat na sala. Ang mga upos ng sigarilyo ay nakakalat sa sahig, kasama ang mga walang laman na bote ng alak. "Wala kang karapatang sumbatan kami ng ganyan!" sigaw nito habang dinuduro siya. "At aba't bastos ka ha?! Sa tingin mo ba kung hindi ka namin kinupkop, buhay ka pa hanggang ngayon?! Hindi ba't dapat magpasalamat ka sa amin?! Dahil kung hindi dahil sa amin, tiyak na wala ka rito ngayon!" Mistula siyang sinasakal dahil sa bigat ng tensyon sa kanilang tatlo. "Kaya nararapat lang na pagbayaran mo ang lahat ng itinulong namin sa'yo na hindi ka humihingi ng anumang kapalit!" dagdag pa nito. Sobrang taas na ba na hangarin niyang ituring siya bilang isa sa kanila? "Gusto mong ituring ka naming anak?! Bakit? Kadugo ka ba namin?!" sigaw ng kanyang ama. Isang malakas na sampal ang muling umalingawngaw sa tenga ni Suzy. Mas malakas pa kaysa sa sampal na natamo niya kanina. Oo nga naman. Tama sila. Gusto niyang pumalakpak ngayon at matawa nang malakas. Napakatanga niya talaga. Hindi nga pala siya kadugo. Kaya bakit siya maghahahangad? Ang sakit. Sobrang sakit na para bang binabaon ng napakaraming punyal ang kanyang puso. Pinunasan niya ang kanyang mga luha at mapait na ngumiti. Inabot niya ang sobre sa kanyang ina. Agad naman itong binuksan ng matanda upang mabilis na bilangin ang laman. Nagsalubong ang kilay nito. "Oh? Bakit ito lang?!" Kailan kaya mapapaos ang kanyang Ina sa kasisigaw? "Hindi pa ito sapat para sa tuition ng kapatid mo! Ano?! Gusto mo bang huminto siya sa pag-aaral?! Sinasabotahe mo ba ang anak ko?!" Yumuko si Suzy. "Kompleto po 'yan para sa tuition f*e niya... Ang kulang lang po ay ang allowance ni Precious. Huwag po kayong mag-alala. Bukas ay may maibibigay na po akong allowance niya," mahinahon niyang sagot. Kahit sa totoo lang ay hindi niya pa alam kung may maibibigay pa ba siya. Ngunit susubukan niyang gawan ng paraan. Kahit ang ibig sabihin pa noon ay magkanda-kuba siya sa pagtatrabaho. Tinalikuran niya ang dalawa at pumasok sa kanyang kwarto. Pagkasara ng pinto ay muli na namang bumuhos ang kanyang mga emosyon. "Kailan kaya ako makakawala sa pamilyang 'to..." humihikbi niyang bulong. MASAKIT ang ulo ni Travis kaya napabangon siya mula sa pagkakatulog. Parang may martilyong paulit-ulit na pumupukpok sa loob ng kanyang bungo. Agad niyang hinablot ang baso ng tubig na nasa maliit na mesa sa tabi ng kanyang higaan at halos sakmalin iyon sa pagmamadaling lagukin. Nasapo niya ang kanyang ulo habang napapamura nang malutong. “Fvck… my head hurts so bad…” baritonong ungol niya. Paano nga ba hindi sasakit? Kagabi halos ipinagkasya niya sa kanyang atay ang lahat ng bote ng alak na nakita niya sa counter ng bar. Kung tutuusin, pakiramdam niya ay sunog na sunog na ang kanyang atay sa dami ng nainom. Mariin siyang napapikit. May mga alaala na bumalik sa kanyang isipan—mga pira-pirasong eksena mula kagabi. Ang babae. Ang yakap. Ang init ng katawan nito sa kanyang bisig. Napabuga siya ng hangin. Hindi siya sigurado kung isa na naman ba iyong panaginip. Ilang taon na rin niyang napapanaginipan ang babaeng hindi niya kalilimutan. Ngunit kagabi… lahat ay masyadong malinaw. Kahit gaano pa siya kalasing kagabi, natatandaan niya ang bawat detalye. Bawat titig. Bawat paghinga. “So I’m not dreaming… am I?” bulong niya sa sarili. “All that happened last night… wasn’t just a mere dream?” Idinilat niya ang kanyang mga mata at hinagilap ang kanyang cellphone na nakakalat sa sahig kasama ang kanyang mga damit. Dinampot niya ang cellphone at nakita niya ang ilang mensahe mula kay Joaquin. Napakunot ang kanyang noo habang pinipindot ang mga larawan na sinend ng kaibigan. Joaquin only messages him when something interesting happens. Bahagyang nanginig ang kanyang kamay habang pinindot ang mga iyon. Lumabas sa screen ang larawan ng isang babae. "This can't be..." hindi makapaniwalang ani niya. Kinuha niya ang kanyang wallet kung saan may larawan ng kanyang fiancé upang ipagkumpara. Napahawak siya sa kanyang dibdib nang makaramdam ng paninikip. Ang nawawala niyang fiancé—si Irish. Ngunit si Suzy ang nasa larawan. They have the same features. Mistulang kambal dahil kuhang-kuha nila ang isa't isa. Kuha iyon habang papasok siya sa isang lumang bahay sa makipot na eskinita. Madilim ang paligid ngunit malinaw pa rin ang mukha ng dalaga dahil sa ilaw na nang gagaling sa poste ng kalsada. Napangisi si Travis. Joaquin really knows how to play the game. Alam ng matalik niyang kaibigan kung ano ang desperado niyang hinahanap sa loob ng maraming taon. "Suzy Constantino, 24 years old. Waitress and part-time entertainer at Applo Bar. Currently the breadwinner of the household. Working double shifts almost every day. No criminal records. No known boyfriend. Sends most of her salary to support her sister in college." Bahagyang tumaas ang kilay ni Travis. “So you’re carrying the whole world on your shoulders… huh?” aniya. Napangisi siya. This woman. She’s interesting. Napatingin siyang muli sa larawan ni Suzy. Unti-unting gumapang ang isang mapanganib na ngiti sa kanyang mga labi. This woman is now putting a smile on his face. Ilang taon na ba simula ng huli syang ngumiti ng ganito? It was a long time ago for him to remember. “I’ll find you,” mahinang banta niya. Ngunit sa lamig ng kanyang boses— para itong pangakong hindi kailanman mababali.Tumayo si Suzy mula sa pagkakaluhod upang harapin ang lalaki. Bahagya pa siyang napaatras, tila sinusukat ang distansya sa pagitan nila.“Travis, hayaan mo na… bata siya—” maingat niyang saad, pilit pinapakalma ang sitwasyon.“Shut up!” sigaw ni Arianna sa kanya. Halos umusok ang ilong nito sa galit, at ang mga mata’y nagliliyab na tila handang manakit anumang oras.Siya na nga ang sumusubok pumagitna upang pahupain ang galit ni Travis, ngunit mukhang siya pa ang nagmumukhang mali sa lagay na ito.“I don’t need your fvcking help!” galit na dugtong ni Arianna.Napapikit na lamang si Suzy, pinipigilan ang sumasakit na ulo. Wala pa siyang isang linggo sa lugar na ito, ngunit ramdam na ramdam na niya ang bigat ng stress na unti-unting sumisiksik sa kanyang dibdib.Padabog na nilagpasan sila ni Arianna, nakapulupot ang magkabila niyang braso sa dibdib habang nagmamartsa palayo.Napabuntong-hininga si Suzy at napahawak sa kanyang sintido, marahang minamasahe iyon upang maibsan ang kirot.“D
“A-anak?” hindi makapaniwalang pag-uulit niya sa tanong.Makikita ang pilit na ngiti ni Tata. “Ah… siguro ay hindi nabanggit sa’yo ni Travis,” mahina nitong bulong, sinisiguradong hindi maririnig ni Arinna ang kanilang usapan. Napansin niya kung paano mamuo ang mga luha sa mata ng paslit. Hindi niya alam kung bakit tila may tumutusok sa kanyang puso—isang damdaming nagtutulak sa kanyang yakapin ang bata.Marahil ay dahil naiintindihan niya kung ano ang pakiramdam na maulila sa ina sa murang edad. At dahil kamukha niya si Irish, paniguradong katulad ni Travis, nakikita ng bata sa kanya ang alaala ng kanyang ina.Lumapit si Manang Tata sa bata at marahang hinaplos ang buhok nito. “Kumusta ang biyahe mo? Nahihilo ka ba o pagod? Baka gusto mo munang pumunta sa kwarto mo at magpahinga?”Ngunit tila walang narinig ang paslit. Nakatingin lamang ito kay Suzy—hindi inaalis ang titig, na para bang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.“I…” panimula ng bata, ngunit hindi nito mabigkas ang nai
Nagising si Suzy dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana na tumatama sa kanyang mukha. Bumangon siya at mariing napapikit. Napahawak siya sa kanyang ulo nang makaramdam ng kaunting kirot.“Hmmmm…” daing niya.Babalik sana siya sa pagkakahiga nang may maalala. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o nahawa na siya sa pagiging baliw ni Travis, pero bakit parang totoo ang lahat?“You’re my wife now… from the moment our fates collided.” Iyan ang mga salitang naaalala niya.Kaagad niyang iminulat ang kanyang mga mata.“Nasaan ako?!” gulantang niyang sigaw nang makitang nasa isang malawak at hindi pamilyar na kwarto siya.“You’re in my room,” malamig na sagot ng kung sino.Kulang na lamang ay lumundag ang kanyang puso palabas ng kanyang dibdib nang lingunin niya si Travis sa kanyang likuran na nakahiga sa kama at pinagmamasdan siya.Ibig bang sabihin ay nagtabi sila ng lalaki buong magdamag?! At higit sa lahat… hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi?Kaagad siyang bumango
“ASK. YOUR. SO-CALLED. FAMILY.”Hindi na mabilang ni Suzy kung ilang beses na umalingawngaw sa kanyang isip ang nakakapanindig-balahibong boses ni Travis.Nakatayo siya ngayon sa tapat ng kanilang bahay, dala ang libo-libong tanong na umiikot sa kanyang isip.Totoo bang binenta siya ng sarili niyang pamilya?Ayaw niyang tanggapin ang magiging sagot—lalo na kung iyon ang mismong kinatatakutan niya. Ang muling maabandona ng sariling pamilya.“Hindi… imposible…” mahina niyang bulong habang pinipihit ang doorknob.Ngunit sa mismong sandaling bumukas ang pinto—parang gumuho ang mundo niya.Magulo ang buong bahay. Ang mga lumang gamit na wala nang kuwenta ay nagkalat sa sahig, ang ibang kabinet ay nakabukas, at ang mga drawer ay tila hinukay. Para bang may nagmadaling mag-empake… o para bang pinasok sila ng mga kawatan.“Ma… Pa… Precious?” nanghihinang tawag niya.Umaasa pa rin siya.Umaasa na may lalabas mula sa kung saan.Umaasa na tatawag ang laging galit na ina mula sa kusina. At umaasa
Tulalang nakatingin si Suzy sa harap ng salamin. Gabi na naman, at ang ibig sabihin lang noon ay muli na naman siyang magtatrabaho. Ramdam pa rin niya ang pagod dahil wala pa siyang matinong pahinga.Buti na lamang at maalam siya sa pagme-make-up dahil nagawa niyang takpan ang pasa sa kanyang pisngi, gawa ng pagkakasampal sa kanya kagabi ng kanyang ama.Malakas na bumukas ang pinto ng dressing room. Lahat ng mga babaeng nag-aayos ay napahinto sa kanilang ginagawa.“Nandito na ba si Suzy?!” tanong ni Ma’am Gineva, ang may-ari ng bar.Napatingin silang lahat sa kanya.Bihira lang kasing pumasok si Ma’am Gineva sa kwartong iyon—kadalasan ay ang kanyang assistant lamang ang pumupunta kung may mahalagang sasabihin. Ngayon ay naghahabol siya ng hininga, na para bang hinabol siya ng maraming aso sa kalye. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng dressing room upang hanapin si Suzy.Napalunok siya. Bakit mukhang galit sa kanya ang kanilang boss? Wala naman siyang nagawang masama, ah? Nagsisimula
Hindi na maalala ni Suzy kung paano siya nakalas sa pagkakakandado sa yakap ni Travis. Ang tanging natatandaan na lamang niya ay ang pakiramdam ng init sa loob ng bisig ng lalaki.Nakatayo na siya sa harapan ng kanilang pintuan. Agad siyang namutla nang bigla itong bumukas, iniluwal noon ang kanyang ina kasunod ang kanyang ama.Sandali siyang napaatras nang makitang salubong ang mga kilay nito, tila pinagsakluban ng langit at lupa. Namumula ang mata ng kanyang ama, isang senyales na ito ay lasing."Aray! Ma..." daing ni Suzy nang bigla siyang hiklatin ng kanyang ina sa buhok. Nararamdaman niya ang talim ng kuko nito na bumabaon sa kanyang anit. Animo'y makakalbo na siya nang kaladkarin siya ng matandang babae papasok ng bahay. Iminuhestra siya nito sa pader dahilan ng malakas niyang pagkakauntog, hanggang sa bumagsak siya sa sahig."Letse kang babae ka! Hindi mo ba alam na kanina pa kami naghihintay sa'yo?! Ano? Hihintayin mo pa bang sunduin ka namin sa trabaho at kaladkarin palabas?







