เข้าสู่ระบบTulalang nakatingin si Suzy sa harap ng salamin. Gabi na naman, at ang ibig sabihin lang noon ay muli na naman siyang magtatrabaho. Ramdam pa rin niya ang pagod dahil wala pa siyang matinong pahinga.
Buti na lamang at maalam siya sa pagme-make-up dahil nagawa niyang takpan ang pasa sa kanyang pisngi, gawa ng pagkakasampal sa kanya kagabi ng kanyang ama. Malakas na bumukas ang pinto ng dressing room. Lahat ng mga babaeng nag-aayos ay napahinto sa kanilang ginagawa. “Nandito na ba si Suzy?!” tanong ni Ma’am Gineva, ang may-ari ng bar. Napatingin silang lahat sa kanya. Bihira lang kasing pumasok si Ma’am Gineva sa kwartong iyon—kadalasan ay ang kanyang assistant lamang ang pumupunta kung may mahalagang sasabihin. Ngayon ay naghahabol siya ng hininga, na para bang hinabol siya ng maraming aso sa kalye. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng dressing room upang hanapin si Suzy. Napalunok siya. Bakit mukhang galit sa kanya ang kanilang boss? Wala naman siyang nagawang masama, ah? Nagsisimula na namang mamuo sa kanyang isipan ang mga negatibong bagay. Paano kung bigla siyang tanggalin sa trabaho? Saan na siya hahanap ng panghanap-buhay? “N-nandito po ako…” hesitante niyang wika habang itinaas ang kanyang kanang kamay. Nang magtama ang kanilang paningin ay kaagad siyang nilapitan ni Gineva. Dinig ang kalansing ng maraming alahas na suot ng matanda habang papalapit ito sa kanyang puwesto. Lahat ng mata ay nakatutok sa kanilang dalawa. Lumawak ang matamis na ngiti ni Gineva nang makalapit ito sa kanya. “Sa wakas at nakaayos ka na! Halika, may customer sa VIP room na gustong makita ka…” sabi nito. Hinawakan ni Ma’am Gineva ang kanyang kamay. Mukha itong apurado. Katulad ni Suzy ay gulat din ang kanyang mga katrabaho sa narinig. Kahit kailan kasi ay hindi pa niya naranasan magkaroon ng kliyente mula sa mga VIP. “T-teka po…” mahinang sabi ni Suzy. Hindi pa siya nakapapasok sa VIP room, at hindi rin niya alam kung ano ang gagawin niya roon—kung magseserbisyo ba siya o sasayaw. “Huwag ka nang magpatumpik-tumpik pa, Suzy,” wika ni Gineva. Tinapik ng matanda ang kanyang braso, “Alam kong nangangailangan ka ng pera. Malaking halaga ang nakataya rito! Kayang bayaran ng halagang iyon ang gastusin ng kapatid mo sa pag-aaral sa loob ng isang taon.” Wala na siyang nagawa nang kaladkarin siya ni Gineva palabas ng kwarto patungo sa labas ng private room kung saan naroon ang mga high-end na customer. Inayos ni Gineva ang kanyang mahabang buhok, “Huwag kang mag-alala,” mahinhin nyang ani. “Hindi naman kita gagawing pain sa malaking isda. Galingan mo lang—papanoorin ka lang niyang sumayaw. Hanggang doon lang iyon. At walang mangyayaring mainit na gabi.” Makahulugan ang tono ng kanyang sinabi. Wala na siyang nagawa nang buksan ni Gineva ang pinto at halos itulak na siya ng matanda papasok. Napalunok siya nang marinig ang pagsara ng pinto. Ang tanging nasa isip niya ngayon ay gawin ang lahat ng kanyang makakaya upang kumita ng malaking halaga at makapag-ipon para sa sarili. Nangangatal ang kanyang mga tuhod habang naglalakad patungo sa maliit na entablado. Kahit hindi niya sulyapan ang kanyang customer ay ramdam niya ang matinding titig nito sa kanya. Hindi pa man siya nagsisimula ay tagaktak na ang kanyang pawis. Nagsimulang tumugtog ang musika kasabay ng paggalaw ng kanyang katawan. Pikit-mata siyang sumasayaw, iniisip na kunwari ay walang nanonood sa kanya. Saka lamang siya napahinto nang biglang tumigil ang musika. Iminulat niya ang kanyang mga mata upang tingnan kung anong nangyari, ngunit halos malaglag ang kanyang puso nang makita ang lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Walang iba kundi ang lalaking humabol at nagtutok ng baril sa kanya kagabi. Mistula itong kabute na sumulpot sa kanyang harapan. Ni hindi man lang niya namalayan. Madilim at matalim ang tingin nito. “A-anong ginagawa mo dito?!” gulat na tanong niya. Pinigilan niyang sumigaw sa takot. Aba! Mahirap na—baka mamaya ay tutukan na naman siya nito ng baril. Alam ni Suzy na malabong gawin iyon ng lalaki ngayon dahil hindi ito nakainom. Hindi katulad kagabi na tila sinapian ito ng espiritu ng alak. Humakbang pataas si Travis sa entablado. Isang hakbang lang—ngunit para kay Suzy ay tila bumigat ang hangin sa paligid. “H-huwag kang lumapit!” halos pabulong niyang sabi, ngunit ramdam sa kanyang boses ang takot. Hindi nakinig ang lalaki. Sa tuwing hahakbang si Travis ay siya namang pag-atras ni Suzy. Isa pa. Hanggang sa maramdaman niya ang malamig na pader sa kanyang likuran. Wala na siyang mapag-atrasan. Tahimik na pinagmasdan ni Travis ang kanyang mukha hanggang sa tuluyan itong makalapit sa kanya. Para bang sigurado na siya sa mangyayari. “Don't you know…” paos nitong bulong, “that I waited for this night just to see you?” Napahigpit ang hawak ni Suzy sa laylayan ng kanyang damit. Mas lalo pang kumabog ang kanyang puso nang sumilip ang maliit na ngisi sa labi ni Travis. “Ano bang kailangan mo?!” tanong ni Suzy. “Sinabi ko na sa’yo kagabi! Wala akong masamang intensyon sa’yo! At kahit taniman mo pa ako ng bala sa utak ngayon ay wala ka ring mapapala!” Hindi nagsalita ang lalaki. Tahimik lamang itong nakatitig sa kanya nang malapitan—para bang minememorya ang bawat detalye ng kanyang mukha. “What do I need?” ulit nito, tila nilalasap ang tanong. Matangkad at matikas ang katawan ng lalaki kung kaya naman tinitingala niya si Travis. Inilapit nito ang mukha kay Suzy, sapat upang maramdaman niya ang init ng hininga nito. “You. You're the one that I need.” Gusto niyang itulak palayo ang lalaki, ngunit parang nawalan ng lakas ang kanyang mga kamay upang gawin iyon. Bakit ba siya kailangan nito? “Ano ba ang ibig mong sabihin?!” tanong niya. “Marry me,” sagot nito. Napako siya sa kanyang kinatatayuan. Teka… tama ba ang kanyang narinig? “Huh?…” hindi makapaniwalang ani niya. “Let's get married,” ulit ni Travis. Hibang na talaga ang lalaking ito! Sa wakas ay nagkaroon siya ng lakas upang itulak ito palayo. Bahagya lang umurong si Travis, ngunit hindi nawala ang ngisi sa kanyang labi. Para bang inaasahan na niya ang reaksyon na iyon. Tinalikuran niya ang lalaki. Aalis na sana siya ng kwarto nang muli itong magsalita. “Suzy Constantino… the adopted daughter of Shona and Bong Constantino. Hindi mo ba naisip na kapag pinakasalan mo ako ay mawawala ka na sa salot na pamilyang kumupkop at nagpapahirap sa’yo?” sabi nito. Napahinto si Suzy. Paano nito nalaman ang lahat ng iyon? Hinarap niya ang lalaki. “Kung gagamitin mo ang sitwasyon ko para makuha ako, pwes hindi ako papayag sa gusto mo!” mariin niyang sagot. “Too late…” aroganteng tugon ni Travis. “Sa dami-dami ng magaganda dito sa loob ng bar, ako pa talaga ang aayain mong magpakasal?” iritadong sabi ni Suzy. “Ibang klase ka rin! Anong ipinagbabawal na gamot ba ang iniinom mo?” Isinawalang-bahala ni Travis ang kanyang sinabi. “You're already sold to me.” “Ang sinabi ni Gineva—” “No, darling,” putol nito. “It's not Gineva. Did you know that your so-called family sold you?” Gusto na lamang niyang mabingi sa kanyang narinig. “Hindi… hinding-hindi iyon magagawa sa akin ng pamilya ko,” sabi niya, pilit na pinapaniwala ang sarili. “Ohhh really?” sagot ni Travis. “How can you guarantee that?” Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi. Alam niyang magagawa iyon ng kanyang mga magulang kapalit ng malaking halaga ng pera. “Why don’t you confront them to see if I was telling a lie?” dagdag nito. Nanglalambot at namumutlang humakbang si Suzy palabas ng kwarto. “Don't go anywhere, honey,” pahabol ni Travis. “We will get married the next day. I will give you a couple of days to live your life to the fullest before we get married.” Huminto si Suzy sa paglalakad. “You're my most expensive purchase—isa sa pinakamahal at pinakamagandang nabili ko,” dugtong nito. “So don't think of running away," pagbabanta ni Travis.Tumayo si Suzy mula sa pagkakaluhod upang harapin ang lalaki. Bahagya pa siyang napaatras, tila sinusukat ang distansya sa pagitan nila.“Travis, hayaan mo na… bata siya—” maingat niyang saad, pilit pinapakalma ang sitwasyon.“Shut up!” sigaw ni Arianna sa kanya. Halos umusok ang ilong nito sa galit, at ang mga mata’y nagliliyab na tila handang manakit anumang oras.Siya na nga ang sumusubok pumagitna upang pahupain ang galit ni Travis, ngunit mukhang siya pa ang nagmumukhang mali sa lagay na ito.“I don’t need your fvcking help!” galit na dugtong ni Arianna.Napapikit na lamang si Suzy, pinipigilan ang sumasakit na ulo. Wala pa siyang isang linggo sa lugar na ito, ngunit ramdam na ramdam na niya ang bigat ng stress na unti-unting sumisiksik sa kanyang dibdib.Padabog na nilagpasan sila ni Arianna, nakapulupot ang magkabila niyang braso sa dibdib habang nagmamartsa palayo.Napabuntong-hininga si Suzy at napahawak sa kanyang sintido, marahang minamasahe iyon upang maibsan ang kirot.“D
“A-anak?” hindi makapaniwalang pag-uulit niya sa tanong.Makikita ang pilit na ngiti ni Tata. “Ah… siguro ay hindi nabanggit sa’yo ni Travis,” mahina nitong bulong, sinisiguradong hindi maririnig ni Arinna ang kanilang usapan. Napansin niya kung paano mamuo ang mga luha sa mata ng paslit. Hindi niya alam kung bakit tila may tumutusok sa kanyang puso—isang damdaming nagtutulak sa kanyang yakapin ang bata.Marahil ay dahil naiintindihan niya kung ano ang pakiramdam na maulila sa ina sa murang edad. At dahil kamukha niya si Irish, paniguradong katulad ni Travis, nakikita ng bata sa kanya ang alaala ng kanyang ina.Lumapit si Manang Tata sa bata at marahang hinaplos ang buhok nito. “Kumusta ang biyahe mo? Nahihilo ka ba o pagod? Baka gusto mo munang pumunta sa kwarto mo at magpahinga?”Ngunit tila walang narinig ang paslit. Nakatingin lamang ito kay Suzy—hindi inaalis ang titig, na para bang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.“I…” panimula ng bata, ngunit hindi nito mabigkas ang nai
Nagising si Suzy dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana na tumatama sa kanyang mukha. Bumangon siya at mariing napapikit. Napahawak siya sa kanyang ulo nang makaramdam ng kaunting kirot.“Hmmmm…” daing niya.Babalik sana siya sa pagkakahiga nang may maalala. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o nahawa na siya sa pagiging baliw ni Travis, pero bakit parang totoo ang lahat?“You’re my wife now… from the moment our fates collided.” Iyan ang mga salitang naaalala niya.Kaagad niyang iminulat ang kanyang mga mata.“Nasaan ako?!” gulantang niyang sigaw nang makitang nasa isang malawak at hindi pamilyar na kwarto siya.“You’re in my room,” malamig na sagot ng kung sino.Kulang na lamang ay lumundag ang kanyang puso palabas ng kanyang dibdib nang lingunin niya si Travis sa kanyang likuran na nakahiga sa kama at pinagmamasdan siya.Ibig bang sabihin ay nagtabi sila ng lalaki buong magdamag?! At higit sa lahat… hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi?Kaagad siyang bumango
“ASK. YOUR. SO-CALLED. FAMILY.”Hindi na mabilang ni Suzy kung ilang beses na umalingawngaw sa kanyang isip ang nakakapanindig-balahibong boses ni Travis.Nakatayo siya ngayon sa tapat ng kanilang bahay, dala ang libo-libong tanong na umiikot sa kanyang isip.Totoo bang binenta siya ng sarili niyang pamilya?Ayaw niyang tanggapin ang magiging sagot—lalo na kung iyon ang mismong kinatatakutan niya. Ang muling maabandona ng sariling pamilya.“Hindi… imposible…” mahina niyang bulong habang pinipihit ang doorknob.Ngunit sa mismong sandaling bumukas ang pinto—parang gumuho ang mundo niya.Magulo ang buong bahay. Ang mga lumang gamit na wala nang kuwenta ay nagkalat sa sahig, ang ibang kabinet ay nakabukas, at ang mga drawer ay tila hinukay. Para bang may nagmadaling mag-empake… o para bang pinasok sila ng mga kawatan.“Ma… Pa… Precious?” nanghihinang tawag niya.Umaasa pa rin siya.Umaasa na may lalabas mula sa kung saan.Umaasa na tatawag ang laging galit na ina mula sa kusina. At umaasa
Tulalang nakatingin si Suzy sa harap ng salamin. Gabi na naman, at ang ibig sabihin lang noon ay muli na naman siyang magtatrabaho. Ramdam pa rin niya ang pagod dahil wala pa siyang matinong pahinga.Buti na lamang at maalam siya sa pagme-make-up dahil nagawa niyang takpan ang pasa sa kanyang pisngi, gawa ng pagkakasampal sa kanya kagabi ng kanyang ama.Malakas na bumukas ang pinto ng dressing room. Lahat ng mga babaeng nag-aayos ay napahinto sa kanilang ginagawa.“Nandito na ba si Suzy?!” tanong ni Ma’am Gineva, ang may-ari ng bar.Napatingin silang lahat sa kanya.Bihira lang kasing pumasok si Ma’am Gineva sa kwartong iyon—kadalasan ay ang kanyang assistant lamang ang pumupunta kung may mahalagang sasabihin. Ngayon ay naghahabol siya ng hininga, na para bang hinabol siya ng maraming aso sa kalye. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng dressing room upang hanapin si Suzy.Napalunok siya. Bakit mukhang galit sa kanya ang kanilang boss? Wala naman siyang nagawang masama, ah? Nagsisimula
Hindi na maalala ni Suzy kung paano siya nakalas sa pagkakakandado sa yakap ni Travis. Ang tanging natatandaan na lamang niya ay ang pakiramdam ng init sa loob ng bisig ng lalaki.Nakatayo na siya sa harapan ng kanilang pintuan. Agad siyang namutla nang bigla itong bumukas, iniluwal noon ang kanyang ina kasunod ang kanyang ama.Sandali siyang napaatras nang makitang salubong ang mga kilay nito, tila pinagsakluban ng langit at lupa. Namumula ang mata ng kanyang ama, isang senyales na ito ay lasing."Aray! Ma..." daing ni Suzy nang bigla siyang hiklatin ng kanyang ina sa buhok. Nararamdaman niya ang talim ng kuko nito na bumabaon sa kanyang anit. Animo'y makakalbo na siya nang kaladkarin siya ng matandang babae papasok ng bahay. Iminuhestra siya nito sa pader dahilan ng malakas niyang pagkakauntog, hanggang sa bumagsak siya sa sahig."Letse kang babae ka! Hindi mo ba alam na kanina pa kami naghihintay sa'yo?! Ano? Hihintayin mo pa bang sunduin ka namin sa trabaho at kaladkarin palabas?







