Share

Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate
Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate
Author: Maijan

Prologue

Author: Maijan
last update publish date: 2026-03-14 20:02:54

"15,000 para sa tuition ni Precious, 8,000 para sa allowance…" napalunok si Suzy Constantino. "Walang para sa tubig, kuryente, ni pagkain..." nanghihina niyang bulong nang mapagtantong kulang ang kanyang sahod ngayong gabi bilang waitress at entertainer sa isang sikat na high-end bar.

Sa lalim ng pag-iisip, napalayo na siya sa kanyang nilalakad. Patay-sindi ang ilaw sa kalye, at ang mga upos ng sigarilyo at basag na bote ay gumagawa ng ingay kapag natatapakan niya.

Napatigil siya nang maaninag ang dalawang matangkad na lalaking marahang nag-uusap sa kanyang harapan.

"Ang malas naman! Late na ngang makakauwi, may nakaharang pa sa daan! Pwede naman kasing sa ibang lugar na lang sila mag-usap. Bakit dito pa?!" mahina niyang singhal.

Alam niyang lasing ang mga ito, at natatakot naman siyang may gawin ang dalawang lalaki sa kanya.

Kaya sa hindi maipaliwanag na dahilan, may nag-udyok sa kanya na magtago sa likod ng mga sako ng basura at hintayin na lamang ang pag-alis ng dalawa.

"I'll drive you home. What the fvck are you even doing now?! Gabi-gabi ka na lang nagpapakalunod sa alak! You're slowly killing yourself! Don't you know that?!" galit na wika ng lalaking nakaputi.

"What's the purpose of this life anyway?" sarkastikong sagot ng lalaking nakaitim gamit ang baritono at malamig niyang boses habang bumubuga ng sigarilyo.

"Ohhh come on, man! Sa tingin mo ba matutuwa si Irish—"

"Don't you fvcking dare say her name!" sigaw nito, na parang malakas na kidlat na tumama sa lupa.

Nagsitayuan ang mga balahibo ni Suzy.

"I understand your frustrations... But drinking heavily every night will not resolve the problem. We're also trying our best to help you, pero hanggang ngayon wala pa rin talagang lead... What if she's already deād—"

Natawa nang pagak ang binata, "Can't you hear yourself, Joaquin?" Maririnig sa tawa niya ang sakit na nararamdaman.

"Hindi siya patāy! Narinig mo 'yon?! And I don't fvcking care how long it'll take! How many years or decades do I need to spend to find her again and again! Hindi ako magsasawang hanapin siya!"

Halos magilitan ng hininga si Suzy nang aksidente niyang magalaw ang isang lata na walang laman sa basurahan, dahilan ng pagkahulog nito at paggawa ng malakas na ingay.

Napahawak siya sa kanyang bibig.

Hindi niya alam ang gagawin—tatakbo ba o haharapin ang dalawa.

"Someone might be spying on us!" ani ni Joaquin.

Nanlaki ang mga mata ni Suzy. Hindi siya spy! At hindi niya naman intensyong marinig ang usapan nilang dalawa!

Sa takot na baka may mangyari sa kanya, kaagad siyang tumayo at, bago pa makapag-isip, kusang kumaripas ang kanyang mga paa palayo sa kanila.

Kailangan niyang makaalis sa lugar na 'to!

"There she is!" turo ng isa sa kanya.

Napatingin siya sa dalawang lalaking nagsisimula nang habulin siya. Hindi niya kabisado ang kalye dahil ito ay pasikot-sikot.

"Shît!" malutong niyang mura.

Bumilis ang pintig ng kanyang puso. Naghahabol na rin siya ng hininga habang patuloy sa pagtakbo.

"You go this way, and I'll go here!" sigaw ng kausap ni Joaquin, at rinig pa rin niya iyon kahit malayo.

Akala niya ay ligtas na siya nang biglang umalingawngaw ang putok ng baril kasabay ng pagpatay ng ilaw sa kalye na kanyang pinasukan.

"AHHHHH!" tili niya.

Kaagad nangangatog ang kanyang tuhod sa panghihina dahilan ng pagbagsak niya paluhod sa sahig. Hawak niya ang magkabilaang tenga sa lakas ng tunog ng baril na tumama sa isang bote ng alak sa kanyang harapan dahilan ng pagkabasag nito.

Hindi na magkamayaw ang kanyang puso sa pagtibok.

Katapusan na ba niya 'to?!

Kumawala ang luha sa kanyang mga mata sa sobrang takot. Nahihinuha niyang bihasa gumamit ng baril ang lalaki dahil maaari naman siyang barilin nito agad, ngunit binaril pa talaga nito ang bote sa kanyang harapan upang patigilin siya sa pagtakbo.

"And where do you think you're going?!" isang boses na parang kulog ang nagmula sa kanyang likuran. "Who are you and why are you eavesdropping on us?!" mariing tanong nito.

Alam niyang nasa likuran na niya ang lalaki. Nagsitayuan ang kanyang mga balahibo nang maramdaman ang nguso ng baril na nakatutok sa likuran ng kanyang ulo.

"H-huwag po..." halos mapiyok niyang pakiusap. "H-hindi ko sinasadya na marinig ang usapan n'yo... At wala akong intensyon na masama."

Hindi niya alam kung naintindihan ba ng lalaki ang kanyang sinasabi dahil halos magkandabulol siya sa takot.

"Is that so?" sarkastikong tugon nito, halatang hindi naniniwala.

"Nagsasabi po ako ng totoo... H-hindi po ako spy na inaakala n'yo."

Narinig niya ang pagkasa ng baril na mas lalo pang nagpalamig sa kanyang katawan.

"Who's your boss?!" dumagundong ang boses nito.

Sino ang sasabihin niya? Iisa lang naman ang boss niya at iyon ay si Ma'am Gineva—ang nagmamay-ari ng bar na kanyang pinagtatrabahuhan.

"S-si Ma'am—"

Hindi niya natuloy ang sasabihin nang utusan siya ng lalaki.

"Stand up."

Tagaktak ang kanyang pawis at nanginginig siyang napatayo.

"W-wala rin po akong masyadong narinig kanina... Parang awa n'yo na po... Maawa po kayo sa akin..." humihikbi niyang ani.

"Itaas mo ang mga kamay mo at humarap ka sa akin," utos nito, na agad namang sinunod ni Suzy.

Dahan-dahan siyang humarap sa lalaki. Hindi niya ito tinitingnan at mariin lamang na nakapikit. Ang mahaba niyang buhok ay tumatabon sa kanyang mukha. Hindi rin naman siya makita nang maayos ng lalaki dahil patay pa ang ilaw.

"I'll repeat my question. Who's your boss?!"

"S-si Ma'am Gineva po..."

Kahit hindi niya buksan ang kanyang mga mata, alam niyang nakatutok pa rin sa kanya ang baril—sa gitna ng kanyang noo.

Sarkastikong natawa ang binata.

"Talaga ba?" malumanay nitong sabi, ngunit sa tono nito ay mahihinuha ni Suzy na hindi ito naniniwala.

Umismid ang lalaki. "You know what... A lot of people are spying on us, and when we catch them, they keep denying it. So why would I trust your words? Hmmm? When I can just easily plant this bullet into that fvcking head."

Mas lalo siyang nanlalamig. Taimtim na siyang nagdarasal, tinatawag ang lahat ng kilalang santo para lamang hindi siya patayin. Umaasang maililigtas siya ng isang milagro.

Mas lalo pang inilapit ng binata ang baril sa ulo ni Suzy. Ginamit nito ang baril upang ayusin ang kanyang buhok.

Minsan na nga lang may hahalik sa kanyang noo—labi pa talaga ng baril!

"Gagawin ko po lahat ng gusto n'yo... W-wala po talaga akong masamang intensyon... Gusto ko lang pong umuwi sa amin..." tuluyan nang umagos ang kanyang mga luha. "M-may naghihintay po sa pag-uwi ko..."

Biglang bumukas ang ilaw, exposing her face.

Napapitlag siya nang marinig ang pagbagsak ng kung ano.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong lugar. Wala siyang narinig kundi ang mabibigat na paghinga ng lalaking nasa harapan niya. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata.

Tila tumigil sa pagtibok ang kanyang puso nang magtama ang kanilang tingin ng lalaki.

Hindi maipinta ang mukha nito. Ngunit ang mga mata nito—mapupungay at maraming sinasabi.

Bumagsak ang kanyang paningin sa baril na nasa sahig.

Ibig bang sabihin nito ay ligtas na siya?

Lumambot ang ekspresyon ng binata.

"Irish..." tawag nito sa kanya.

Napalitan ng kalungkutan at sakit ang tono nito.

Hindi pa man nakakagalaw si Suzy ay kaagad siyang sinunggaban ng mahigpit na yakap.

Napako siya sa kanyang kinatatayuan. Naamoy niya ang mamahaling alak na nainom ng lalaki.

Mas lalo siyang hindi makahinga nang higpitan pa nito ang yakap sa kanya.

"I long for you..."

Nakaramdam siya ng mainit na tumutulo sa kanyang braso.

Teka... umiiyak ba ito ngayon?

Ano ba ang nangyayari?

Bumaliktad na ata ang mundo—at ang lalaki na ang umiiyak ngayon at sa kanyang balikat pa talaga.

"I miss you..." bulong nito sa kanya, punong-puno ng pagmamahal.

Gustong sampalin ni Suzy ang kanyang sarili dahil bakit siya nakakaramdam ng kirot sa puso sa tatlong salitang iyon. Kusang umangat ang kanyang mga kamay sa likod ng lalaki upang haplusin iyon para sana tumigil ito sa pag-iyak.

Ngunit mas lalo lamang bumuhos ang mabigat na emosyon ni Travis nang maramdaman ang init ng kanyang palad.

"Irish... please come back..."

Natigil siya sa paghahaplos. Teka…

Hindi nga pala siya si Irish. Kaya ano ba ang sinasabi nito? Sinubukan niyang kumawala, ngunit mas lalo siyang hinigpitan ng lalaki sa yakap.

Mas lalo tuloy bumibilis ang tibok ng kanyang puso.

"P-please… come back… come back into my arms," pagmamakaawa nito. "I need you, Irish... I really do... badly, down bad need you…”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 6:

    Tumayo si Suzy mula sa pagkakaluhod upang harapin ang lalaki. Bahagya pa siyang napaatras, tila sinusukat ang distansya sa pagitan nila.“Travis, hayaan mo na… bata siya—” maingat niyang saad, pilit pinapakalma ang sitwasyon.“Shut up!” sigaw ni Arianna sa kanya. Halos umusok ang ilong nito sa galit, at ang mga mata’y nagliliyab na tila handang manakit anumang oras.Siya na nga ang sumusubok pumagitna upang pahupain ang galit ni Travis, ngunit mukhang siya pa ang nagmumukhang mali sa lagay na ito.“I don’t need your fvcking help!” galit na dugtong ni Arianna.Napapikit na lamang si Suzy, pinipigilan ang sumasakit na ulo. Wala pa siyang isang linggo sa lugar na ito, ngunit ramdam na ramdam na niya ang bigat ng stress na unti-unting sumisiksik sa kanyang dibdib.Padabog na nilagpasan sila ni Arianna, nakapulupot ang magkabila niyang braso sa dibdib habang nagmamartsa palayo.Napabuntong-hininga si Suzy at napahawak sa kanyang sintido, marahang minamasahe iyon upang maibsan ang kirot.“D

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 5

    “A-anak?” hindi makapaniwalang pag-uulit niya sa tanong.Makikita ang pilit na ngiti ni Tata. “Ah… siguro ay hindi nabanggit sa’yo ni Travis,” mahina nitong bulong, sinisiguradong hindi maririnig ni Arinna ang kanilang usapan. Napansin niya kung paano mamuo ang mga luha sa mata ng paslit. Hindi niya alam kung bakit tila may tumutusok sa kanyang puso—isang damdaming nagtutulak sa kanyang yakapin ang bata.Marahil ay dahil naiintindihan niya kung ano ang pakiramdam na maulila sa ina sa murang edad. At dahil kamukha niya si Irish, paniguradong katulad ni Travis, nakikita ng bata sa kanya ang alaala ng kanyang ina.Lumapit si Manang Tata sa bata at marahang hinaplos ang buhok nito. “Kumusta ang biyahe mo? Nahihilo ka ba o pagod? Baka gusto mo munang pumunta sa kwarto mo at magpahinga?”Ngunit tila walang narinig ang paslit. Nakatingin lamang ito kay Suzy—hindi inaalis ang titig, na para bang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.“I…” panimula ng bata, ngunit hindi nito mabigkas ang nai

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 4

    Nagising si Suzy dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana na tumatama sa kanyang mukha. Bumangon siya at mariing napapikit. Napahawak siya sa kanyang ulo nang makaramdam ng kaunting kirot.“Hmmmm…” daing niya.Babalik sana siya sa pagkakahiga nang may maalala. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o nahawa na siya sa pagiging baliw ni Travis, pero bakit parang totoo ang lahat?“You’re my wife now… from the moment our fates collided.” Iyan ang mga salitang naaalala niya.Kaagad niyang iminulat ang kanyang mga mata.“Nasaan ako?!” gulantang niyang sigaw nang makitang nasa isang malawak at hindi pamilyar na kwarto siya.“You’re in my room,” malamig na sagot ng kung sino.Kulang na lamang ay lumundag ang kanyang puso palabas ng kanyang dibdib nang lingunin niya si Travis sa kanyang likuran na nakahiga sa kama at pinagmamasdan siya.Ibig bang sabihin ay nagtabi sila ng lalaki buong magdamag?! At higit sa lahat… hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi?Kaagad siyang bumango

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 3

    “ASK. YOUR. SO-CALLED. FAMILY.”Hindi na mabilang ni Suzy kung ilang beses na umalingawngaw sa kanyang isip ang nakakapanindig-balahibong boses ni Travis.Nakatayo siya ngayon sa tapat ng kanilang bahay, dala ang libo-libong tanong na umiikot sa kanyang isip.Totoo bang binenta siya ng sarili niyang pamilya?Ayaw niyang tanggapin ang magiging sagot—lalo na kung iyon ang mismong kinatatakutan niya. Ang muling maabandona ng sariling pamilya.“Hindi… imposible…” mahina niyang bulong habang pinipihit ang doorknob.Ngunit sa mismong sandaling bumukas ang pinto—parang gumuho ang mundo niya.Magulo ang buong bahay. Ang mga lumang gamit na wala nang kuwenta ay nagkalat sa sahig, ang ibang kabinet ay nakabukas, at ang mga drawer ay tila hinukay. Para bang may nagmadaling mag-empake… o para bang pinasok sila ng mga kawatan.“Ma… Pa… Precious?” nanghihinang tawag niya.Umaasa pa rin siya.Umaasa na may lalabas mula sa kung saan.Umaasa na tatawag ang laging galit na ina mula sa kusina. At umaasa

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 2

    Tulalang nakatingin si Suzy sa harap ng salamin. Gabi na naman, at ang ibig sabihin lang noon ay muli na naman siyang magtatrabaho. Ramdam pa rin niya ang pagod dahil wala pa siyang matinong pahinga.Buti na lamang at maalam siya sa pagme-make-up dahil nagawa niyang takpan ang pasa sa kanyang pisngi, gawa ng pagkakasampal sa kanya kagabi ng kanyang ama.Malakas na bumukas ang pinto ng dressing room. Lahat ng mga babaeng nag-aayos ay napahinto sa kanilang ginagawa.“Nandito na ba si Suzy?!” tanong ni Ma’am Gineva, ang may-ari ng bar.Napatingin silang lahat sa kanya.Bihira lang kasing pumasok si Ma’am Gineva sa kwartong iyon—kadalasan ay ang kanyang assistant lamang ang pumupunta kung may mahalagang sasabihin. Ngayon ay naghahabol siya ng hininga, na para bang hinabol siya ng maraming aso sa kalye. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng dressing room upang hanapin si Suzy.Napalunok siya. Bakit mukhang galit sa kanya ang kanilang boss? Wala naman siyang nagawang masama, ah? Nagsisimula

  • Playing Wife to the Bastard Billionaire: Twisted Fate   Chapter 1

    Hindi na maalala ni Suzy kung paano siya nakalas sa pagkakakandado sa yakap ni Travis. Ang tanging natatandaan na lamang niya ay ang pakiramdam ng init sa loob ng bisig ng lalaki.Nakatayo na siya sa harapan ng kanilang pintuan. Agad siyang namutla nang bigla itong bumukas, iniluwal noon ang kanyang ina kasunod ang kanyang ama.Sandali siyang napaatras nang makitang salubong ang mga kilay nito, tila pinagsakluban ng langit at lupa. Namumula ang mata ng kanyang ama, isang senyales na ito ay lasing."Aray! Ma..." daing ni Suzy nang bigla siyang hiklatin ng kanyang ina sa buhok. Nararamdaman niya ang talim ng kuko nito na bumabaon sa kanyang anit. Animo'y makakalbo na siya nang kaladkarin siya ng matandang babae papasok ng bahay. Iminuhestra siya nito sa pader dahilan ng malakas niyang pagkakauntog, hanggang sa bumagsak siya sa sahig."Letse kang babae ka! Hindi mo ba alam na kanina pa kami naghihintay sa'yo?! Ano? Hihintayin mo pa bang sunduin ka namin sa trabaho at kaladkarin palabas?

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status