เข้าสู่ระบบ“ASK. YOUR. SO-CALLED. FAMILY.”
Hindi na mabilang ni Suzy kung ilang beses na umalingawngaw sa kanyang isip ang nakakapanindig-balahibong boses ni Travis. Nakatayo siya ngayon sa tapat ng kanilang bahay, dala ang libo-libong tanong na umiikot sa kanyang isip. Totoo bang binenta siya ng sarili niyang pamilya? Ayaw niyang tanggapin ang magiging sagot—lalo na kung iyon ang mismong kinatatakutan niya. Ang muling maabandona ng sariling pamilya. “Hindi… imposible…” mahina niyang bulong habang pinipihit ang doorknob. Ngunit sa mismong sandaling bumukas ang pinto—parang gumuho ang mundo niya. Magulo ang buong bahay. Ang mga lumang gamit na wala nang kuwenta ay nagkalat sa sahig, ang ibang kabinet ay nakabukas, at ang mga drawer ay tila hinukay. Para bang may nagmadaling mag-empake… o para bang pinasok sila ng mga kawatan. “Ma… Pa… Precious?” nanghihinang tawag niya. Umaasa pa rin siya. Umaasa na may lalabas mula sa kung saan. Umaasa na tatawag ang laging galit na ina mula sa kusina. At umaasang maririnig niya ang reklamo ng ama. Ngunit wala. Tanging katahimikan. Nangangatog ang kanyang tuhod habang patakbong tinungo ang kwarto ng kanyang mga magulang. Baka nandoon lang sila. Baka may paliwanag. Baka— Ngunit nang buksan niya ang pinto, lalo lamang lumalim ang katahimikan. Walang tao. Walang bakas na parang hindi sila tumira doon. Hindi na niya maintindihan kung ano ang nangingibabaw sa kanyang dibdib—sakit, galit, lungkot, o poot. Ibig bang sabihin… Tama ang lahat ng sinabi ni Travis? Unti-unting tumulo ang luha na pilit niyang pinipigilan. Pakiramdam niya ay isa siyang tuta na iniwan ng amo—walang matatakbuhan, walang matatawag na tahanan. Kaibigan? Wala rin. Mag-isa lang siya sa mundong ito. Alam niyang gipit sila sa pera, pero hindi niya kailanman naisip na kaya siyang ipagpalit. “H-hindi lang pala ang totoo kong magulang ang iiwan sa akin…” basag ang boses niyang bulong. “Pati rin kayo.” Parang may dahan-dahang pumipiraso sa kanyang puso. Mahigpit niyang kinuyom ang kamao. Pagkatapos ay dumiretso siya sa kanyang kwarto. Binuksan niya ang malaking bag at nagsimulang magsiksik ng mga gamit. Halos hindi na niya iniisip kung ano ang inilalagay niya. “Pwes! Kahit anong mangyari… hindi ako papayag na ikasal sa lalaking iyon!” nanginginig niyang sabi habang nagmamadali. Nang mapuno ang bag, saka niya inayos ang sarili sa harap ng salamin. “Kailangan kong magmukhang ibang tao… para walang makakilala sa akin,” bulong niya. Maingat niyang inilagay ang make-up—mas makapal, mas matapang kung titignan. Malayo sa maamo niyang mukha. Pagkatapos ay sinuot niya ang kulot na wig, ang revealing na damit ni Precious, ang high-heeled boots, at ang maiksing palda na naiwan nito. Pagharap niya muli sa salamin ay halos hindi na niya makilala ang sarili. Mukha na siyang ibang babae. Isang dalagang palabas para mag-party sa gabi. Walang bakas ng takot. Walang bakas ng kahinaan. Lumabas siya ng bahay at agad pumara ng masasakyan patungong bus terminal. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ang alam niya lang ay kailangan niyang makaalis sa lalong madaling panahon. Pagkababa niya sa sasakyan, nasa tawiran na siya ng kalsada nang bigla siyang mapahinto nang makita ang pamilyar na tao sa kabilang kalsada—kung saan mismo nakaparada ang mga bus. “Si Joaquin ba ’yon…?” bulong niya. Hindi siya maaaring magkamali. Kilala niya ang tindig nito—ang matalim na titig, ang paraan ng pagmasid nito sa paligid na parang isang lawin na naghahanap ng biktima. Masusing sinusuri ni Joaquin ang mga taong dumaraan. Humigpit ang pagkakahawak ni Suzy sa bag. “Namamalikmata ka lang, Suzy…” bulong niya sa sarili. “At saka… paanong mapupunta rito si Joaquin eh—” Naputol ang kanyang iniisip nang magtama ang kanilang mga mata. Napako siya sa kanyang kinatatayuan. Ilang segundo na lang bago mag-red light, ngunit hindi niya alam kung itutuloy ba niya ang pagtawid. Ngayon sigurado na siya. Si Joaquin nga ang kanyang nakita. Aatras ba siya? O tatawid na lang? Hindi naman siguro siya makikilala… Malalim na ang gabi. At ibang-iba na ang itsura niya kumpara sa una nilang pagkikita. Si Joaquin kasi ang tumulong sa kanya upang kalasin si Travis sa mahigpit na pagkakayakap nito sa kanya. Ang lalaki rin ang humingi ng paumanhin sa kanya sa ginawa ng kaibigan. Hahakbang na sana siya ngunit hindi nakatakas sa kanyang paningin ang pagsenyas ni Joaquin sa mga kalalakihang nakaitim. Tumingin ang mga ito sa kanyang kinalalagyan. “Ano ba, Miss?! Ilang segundo na lang magre-red light na! Gusto mo bang masagasaan?!” galit na sigaw ng isang driver. Ngunit parang wala siyang narinig. Nakatutok lang ang kanyang paningin sa mga lalaking nagsisimulang maglakad papalapit sa kanya. At doon niya napagtantong nakilala siya ni Joaquin. Biglang bumusina ang mga sasakyan dahil nakaharang siya sa daan. Umandar na rin ang daloy ng trapiko. Doon lamang siya natauhan. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Nangatal ang kanyang mga kamay. Hindi na siya nakapag-isip nang maayos at napatakbo na lamang. “Hoy! Hoy!” sigaw ng isang boses mula sa kanyang likuran. Nilingon niya ang mga humahabol sa kanya kaya halos madapa siya. Malutong na rin ang mga mura ng ibang driver sa kanya dahil sa pakikipaghabulan sa gitna ng trapiko. Ani mo ay nakikipagpatintero siya kay kamatayan ngayong gabi dahil isang bangga lang ng sasakyan ay tiyak na magiging kritikal kaagad ang kanyang kondisyon sa loob ng ospital. Humahabol ang kanyang hininga habang desperado siyang naghahanap ng matatakbuhan. Hanggang sa may nakita siyang sasakyan. Hindi na siya nag-isip at agad na binuksan ang pinto at pumasok. Sumubsob siya sa sahig ng backseat upang hindi siya makita ng mga humahabol sa kanya sa labas. Ilang segundo lang ay umandar ang sasakyan. Doon lamang siya nakahinga nang maluwag. “Pasensya na po, kuya…” hingal niyang sabi. “Pwede po bang makisabay?” Nakaupo sa kabilang side ng backseat ang isang lalaki. Tahimik lamang ito. Patuloy na nagbabasa ng newspaper na parang walang taong basta na lang pumasok sa loob ng kanyang sasakyan. Nilunok ni Suzy ang hiya. “Pwede po bang paki-drop ako sa terminal ng mga van? Malapit lang naman po… kahit lakarin ko na lang mula roon…” Tahimik pa rin ang lalaki. Magsasalita sana siya muli ngunit inunahan siya nito. “Ano ang gagawin mo doon?” matigas nitong tanong. Nanindig ang balahibo ni Suzy. May kakaiba sa boses na iyon. Parang pamilyar. Napailing siya, “Hanggang dito ba naman… iisipin mo pa rin ang baliw na ’yon…” bulong niya sa sarili. Dahan-dahang ibinaba ng lalaki ang hawak nitong newspaper. Nanlaki ang mga mata ni Suzy kasabay ng pag-ikot ng kanyang mundo at panlabo ng kanyang paningin. Si Travis El Frigero!Nakaupo sa harap niya. Kalmado ngunit mapanganib. Ang titig nito ay mabagal at mapanuri—parang mandaragit na matiyagang naghihintay bago sunggaban ang kanyang biktima. Marahil ay dahil sa uri ng kanyang ayos ngayong gabi. Sumabay sa nararamdaman ni Suzy ang sakit ng kanyang ulo. Bumigat ang kanyang katawan. Halos mawalan siya ng lakas. “Binalaan na kita,” malamig na bulong ni Travis. “Huwag na huwag mong iisipin na makakatakas ka sa akin.” Nawalan ng ano mang emosyon ang mata ng lalaki. “Dahil hindi ka na makakatakas pa.” Unti-unting bumigat ang talukap ng mga mata ni Suzy. At bago siya tuluyang mawalan ng malay— Narinig pa niya ang huling sinabi ng lalaki. “You’re my wife now... from the moment our fates collided,” wika ni Travis, na para bang matagal na siyang pagmamay-ari nito.Tumayo si Suzy mula sa pagkakaluhod upang harapin ang lalaki. Bahagya pa siyang napaatras, tila sinusukat ang distansya sa pagitan nila.“Travis, hayaan mo na… bata siya—” maingat niyang saad, pilit pinapakalma ang sitwasyon.“Shut up!” sigaw ni Arianna sa kanya. Halos umusok ang ilong nito sa galit, at ang mga mata’y nagliliyab na tila handang manakit anumang oras.Siya na nga ang sumusubok pumagitna upang pahupain ang galit ni Travis, ngunit mukhang siya pa ang nagmumukhang mali sa lagay na ito.“I don’t need your fvcking help!” galit na dugtong ni Arianna.Napapikit na lamang si Suzy, pinipigilan ang sumasakit na ulo. Wala pa siyang isang linggo sa lugar na ito, ngunit ramdam na ramdam na niya ang bigat ng stress na unti-unting sumisiksik sa kanyang dibdib.Padabog na nilagpasan sila ni Arianna, nakapulupot ang magkabila niyang braso sa dibdib habang nagmamartsa palayo.Napabuntong-hininga si Suzy at napahawak sa kanyang sintido, marahang minamasahe iyon upang maibsan ang kirot.“D
“A-anak?” hindi makapaniwalang pag-uulit niya sa tanong.Makikita ang pilit na ngiti ni Tata. “Ah… siguro ay hindi nabanggit sa’yo ni Travis,” mahina nitong bulong, sinisiguradong hindi maririnig ni Arinna ang kanilang usapan. Napansin niya kung paano mamuo ang mga luha sa mata ng paslit. Hindi niya alam kung bakit tila may tumutusok sa kanyang puso—isang damdaming nagtutulak sa kanyang yakapin ang bata.Marahil ay dahil naiintindihan niya kung ano ang pakiramdam na maulila sa ina sa murang edad. At dahil kamukha niya si Irish, paniguradong katulad ni Travis, nakikita ng bata sa kanya ang alaala ng kanyang ina.Lumapit si Manang Tata sa bata at marahang hinaplos ang buhok nito. “Kumusta ang biyahe mo? Nahihilo ka ba o pagod? Baka gusto mo munang pumunta sa kwarto mo at magpahinga?”Ngunit tila walang narinig ang paslit. Nakatingin lamang ito kay Suzy—hindi inaalis ang titig, na para bang hindi makapaniwala sa kanyang nakikita.“I…” panimula ng bata, ngunit hindi nito mabigkas ang nai
Nagising si Suzy dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana na tumatama sa kanyang mukha. Bumangon siya at mariing napapikit. Napahawak siya sa kanyang ulo nang makaramdam ng kaunting kirot.“Hmmmm…” daing niya.Babalik sana siya sa pagkakahiga nang may maalala. Hindi niya alam kung nananaginip ba siya o nahawa na siya sa pagiging baliw ni Travis, pero bakit parang totoo ang lahat?“You’re my wife now… from the moment our fates collided.” Iyan ang mga salitang naaalala niya.Kaagad niyang iminulat ang kanyang mga mata.“Nasaan ako?!” gulantang niyang sigaw nang makitang nasa isang malawak at hindi pamilyar na kwarto siya.“You’re in my room,” malamig na sagot ng kung sino.Kulang na lamang ay lumundag ang kanyang puso palabas ng kanyang dibdib nang lingunin niya si Travis sa kanyang likuran na nakahiga sa kama at pinagmamasdan siya.Ibig bang sabihin ay nagtabi sila ng lalaki buong magdamag?! At higit sa lahat… hindi panaginip ang lahat ng nangyari kagabi?Kaagad siyang bumango
“ASK. YOUR. SO-CALLED. FAMILY.”Hindi na mabilang ni Suzy kung ilang beses na umalingawngaw sa kanyang isip ang nakakapanindig-balahibong boses ni Travis.Nakatayo siya ngayon sa tapat ng kanilang bahay, dala ang libo-libong tanong na umiikot sa kanyang isip.Totoo bang binenta siya ng sarili niyang pamilya?Ayaw niyang tanggapin ang magiging sagot—lalo na kung iyon ang mismong kinatatakutan niya. Ang muling maabandona ng sariling pamilya.“Hindi… imposible…” mahina niyang bulong habang pinipihit ang doorknob.Ngunit sa mismong sandaling bumukas ang pinto—parang gumuho ang mundo niya.Magulo ang buong bahay. Ang mga lumang gamit na wala nang kuwenta ay nagkalat sa sahig, ang ibang kabinet ay nakabukas, at ang mga drawer ay tila hinukay. Para bang may nagmadaling mag-empake… o para bang pinasok sila ng mga kawatan.“Ma… Pa… Precious?” nanghihinang tawag niya.Umaasa pa rin siya.Umaasa na may lalabas mula sa kung saan.Umaasa na tatawag ang laging galit na ina mula sa kusina. At umaasa
Tulalang nakatingin si Suzy sa harap ng salamin. Gabi na naman, at ang ibig sabihin lang noon ay muli na naman siyang magtatrabaho. Ramdam pa rin niya ang pagod dahil wala pa siyang matinong pahinga.Buti na lamang at maalam siya sa pagme-make-up dahil nagawa niyang takpan ang pasa sa kanyang pisngi, gawa ng pagkakasampal sa kanya kagabi ng kanyang ama.Malakas na bumukas ang pinto ng dressing room. Lahat ng mga babaeng nag-aayos ay napahinto sa kanilang ginagawa.“Nandito na ba si Suzy?!” tanong ni Ma’am Gineva, ang may-ari ng bar.Napatingin silang lahat sa kanya.Bihira lang kasing pumasok si Ma’am Gineva sa kwartong iyon—kadalasan ay ang kanyang assistant lamang ang pumupunta kung may mahalagang sasabihin. Ngayon ay naghahabol siya ng hininga, na para bang hinabol siya ng maraming aso sa kalye. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan ng dressing room upang hanapin si Suzy.Napalunok siya. Bakit mukhang galit sa kanya ang kanilang boss? Wala naman siyang nagawang masama, ah? Nagsisimula
Hindi na maalala ni Suzy kung paano siya nakalas sa pagkakakandado sa yakap ni Travis. Ang tanging natatandaan na lamang niya ay ang pakiramdam ng init sa loob ng bisig ng lalaki.Nakatayo na siya sa harapan ng kanilang pintuan. Agad siyang namutla nang bigla itong bumukas, iniluwal noon ang kanyang ina kasunod ang kanyang ama.Sandali siyang napaatras nang makitang salubong ang mga kilay nito, tila pinagsakluban ng langit at lupa. Namumula ang mata ng kanyang ama, isang senyales na ito ay lasing."Aray! Ma..." daing ni Suzy nang bigla siyang hiklatin ng kanyang ina sa buhok. Nararamdaman niya ang talim ng kuko nito na bumabaon sa kanyang anit. Animo'y makakalbo na siya nang kaladkarin siya ng matandang babae papasok ng bahay. Iminuhestra siya nito sa pader dahilan ng malakas niyang pagkakauntog, hanggang sa bumagsak siya sa sahig."Letse kang babae ka! Hindi mo ba alam na kanina pa kami naghihintay sa'yo?! Ano? Hihintayin mo pa bang sunduin ka namin sa trabaho at kaladkarin palabas?







