Asia's POV
“Asia!” sigaw ng mama ko mula sa kusina. “Tanghali na, anak! Papasok ka ba ngayon?!” Napairap ako habang nakatalukbong pa sa kumot. Ayokong bumangon. Wala akong energy. Wala akong gana. Para saan pa? Para saan pa ang pagsusumikap ko sa cheer practice, sa klase, sa pagiging “perfect girlfriend,” kung sa isang iglap… binasura lang ng nobyo ko ang lahat? Huminga ako nang malalim, pilit na inabot ang phone ko. Wala ni isang text mula kay Jasper. Wala ring apology. Wala kahit seen. Gusto kong umiyak ulit pero parang ubos na rin ang luha ko. “Asia!” muli ang tawag ng mama ko, mas malakas ngayon. “Papainitin ko na ’tong ulam ha!” “Hindi na ako papasok!” sigaw ko pabalik, halos mapunit ang lalamunan ko sa pagbitaw ng salitang iyon. Tumayo ako sa kama, wala sa sarili. Parang lutang. Gusto ko lang ng tubig pero nang pagbukas ko ng pinto— Boom. Napanguso ako sa nakita. Si Mama, naka-daster na kulay dilaw. Manipis. Walang bra. Halatang-halata ang mga u***g niya, tila nakikipag-kompetensiya pa sa malamig na hangin ng bentilador sa sala. Nakataas pa ang isang hita sa silya habang nakapatong doon ang tray ng tinapay. Napailing ako, at napakagat sa ibabang labi. My god. “Ma naman!” reklamo ko. “’Di ka man lang nag-bra?!” Napalingon siya, pero imbes na mahiya, ngumiti pa. “Bakit? Dito lang naman sa bahay. Wala namang ibang tao kundi tayo.” “Eh kung may dumaan? Kung may kumatok?” “Eh ’di mapalad sila,” natatawang sagot pa niya. Napakamot ako sa batok habang padabog na pumunta sa kusina. Iba talaga si Mama. Malayong-malayo sa akin. Siya ang tipikal na “free-spirited” na babae—wala masyadong iniintindi, laging naka-barkada, nagpo-post ng TikTok videos kahit lagpas kwarenta na. At ako? Ako ‘yung tahimik. Conservative. Ayokong may makakita ng balat ko nang walang pahintulot. ‘Yung tipo ng babae na hindi makalabas ng walang bra, hindi makaihi sa public restroom kung may tao sa katabing cubicle. Paano kami nagkadugo ng ganitong babae? “Bakit di ka papasok?” tanong niya habang naghahain ng longganisa. “Wala lang. Tinamad lang.” “May kinalaman ba ’to sa boyfriend mong si Jasper?” Napatingin ako sa kanya. Ang bilis talaga ng instinct ni Mama pagdating sa tsismis. “Ma, please lang… huwag mo na munang ungkatin.” Tumango siya, pero alam kong hindi pa siya tapos. “Alam mo, Asia… minsan okay lang na masaktan. Wag mong iwasan. Mas nakakabaliw ’yung pinipilit mong maging okay.” Napakurap ako. ‘Yon ang hindi ko inaasahan mula sa isang babaeng walang suot na bra habang kumakain ng sinangag. Siguro nga... kahit sobrang magkaiba kami, may mga bagay pa rin kaming parehong naiintindihan. Tulad ng sakit. At ang hirap ng pagtanggap. Katatapos ko pa lang maglagay ng kanin sa plato nang muling nagsalita si Mama—kaswal lang, para bang hindi niya alam kung gaano ka-delikado ang bibitiwan niyang tanong. “Baka naman kasi may kulang, Asia?” Natigilan ako. Napatingin ako sa kanya. “K-kulang?” ulit ko, pilit iniiwas ang tingin. Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko. Tumango siya habang naglalagay ng ketchup sa ibabaw ng itlog. “Alam mo na… sa relasyon niyo ni Jasper. Baka hindi mo siya… alam mo na… pinagbibigyan.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makapaniwala. “Ma?” mahina pero matalim ang tono ko. Hindi siya tumigil. “Hindi ko lang kasi maiwasan isipin, anak. Sa best friend mo pa siya pumatol. Ibig sabihin, malapit-lapit lang. Madali niyang naramdaman ‘yung… kailangan niya.” Napapikit ako, mahigpit. Pilit kong pinigilan ang sarili kong hindi mapikon. “Ma, seryoso ka ba? ‘Yun ang iniisip mo? Na kasalanan ko kung bakit niya ako niloko? Ako pa ngayon ang may pagkukulang?” Napakamot siya sa batok, pero hindi ko nakita ang kahit anong pagsisisi sa mukha niya. “Hindi ko naman sinisisi—sinasabi ko lang… lalaki ‘yan. May mga pangangailangan sila.” Napatawa ako. Mapait. “Wow, ang galing. Ikaw pa talaga ang nagsabi niyan. Eh kung ikaw nga, kahit may mga pangangailangan ka, ‘di ka naman marunong magpakaloyal sa lalaking minahal ka. ‘Yun ba ang gusto mong ipamana sa’kin? Na kapag may pangangailangan ang lalaki, dapat suyuin? Pagbigyan kahit ayoko?” Tumahimik si Mama. Hindi ko alam kung dahil sa guilt o dahil nainsulto siya. Pero hindi na ‘yon mahalaga. Biglang uminit ang pakiramdam ko. Parang hindi siya ang mama ko. Hindi siya ‘yung dapat kakampi ko ngayon. Ang ina ko, na dapat nagtatanong kung okay ba ako, kung nasaktan ba ako, kung kaya ko pa… siya pa ‘yung nagtuturo ng kasalanan sa akin. “Alam mo, Ma,” bulong ko, halos hindi marinig pero punong-puno ng buo kong dibdib, “mas masakit pa yatang pakinggan ‘yung sinabi mo kesa sa panloloko ni Jasper.” Tumayo ako. Iniwan ang hindi pa ubos na pagkain. Hindi ko na kayang manatili pa sa mesa. Hindi ngayon. Kasi kung pati nanay mo, hindi man lang sinubukang intindihin ‘yung sakit mo… saan ka pa tatakbo? Napabuntong-hininga ako habang nakatayo sa tapat ng gate ng campus. Ano bang ginagawa ko rito? Pinilit ko lang ang sarili kong pumasok. Kahit wala sa kondisyon. Kahit ramdam kong basa pa ng luha ang gilid ng mata ko. Kahit parang ayoko nang humarap sa mga tao. Ayoko nang makakita ng kahit anong pwedeng magpaalala sa sakit. Pero heto ako, pinili pa ring pumasok. Kailangan ko ‘to. Kailangan kong ipakitang kaya kong harapin sila. Kahit ang totoo, gusto ko na lang maglaho. Hindi pa man ako tuluyang nakakalayo sa gate ay napahinto ako. Dahil nandoon siya. Si Jasper. Nakangisi. Walang bahid ng guilt. Walang pagsisisi. At ang mas masakit? Kasama niya si Trista. Magkayakap. Naglalakad na para bang wala lang ang lahat. Na parang hindi ko sila nahuli. Na parang hindi ako nasaktan. Na parang ako pa ang sumira ng lahat. Pakiramdam ko'y tinusok ang puso ko ng paulit-ulit. Napapikit ako, pilit nilulunok ang sakit. "Bakit nga ba nandito pa ako?" tanong ko sa sarili ko. Hindi ba't dapat lumipat na ako ng school? Umalis na? Tumakas na lang sa lahat? Pero hindi. Hindi ko alam kung anong humihila sa akin para manatili. Pride? Takot? O baka dahil umaasa pa rin ako na kahit papaano, may magbabago. Napatingin ako kay Jasper. Hindi man lang niya ako nilingon. Para akong hangin na walang halaga. Parang hindi niya ako minahal kahit kailan. Si Trista naman—nilingon ako, pero hindi para makiusap o magsorry. Ngumisi siya. ‘Yung uri ng ngiti na parang sinasabing, Ako ang pinili niya. Pumikit ako saglit, nilunok ang pride at galit. Ipinilit kong lakarin ang corridor, dire-diretso, kahit nagwawala na ang damdamin ko sa loob. Ngumiti ako—kunwari lang. Pakitang-tao. Pero sa bawat hakbang ko, isa lang ang nasa isip ko: Hinding-hindi ako papatalo. Kahit umiiyak na ang puso ko, hindi nila 'to makikita. Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko habang nakaupo sa sulok ng bleachers. Hindi pa man nagsisimula ang klase ay may nararamdaman na akong mabigat. 'Yung parang may paparating na hindi maganda—at hindi ako nagkamali. Pumasok si Ma’am Dalisay, ang adviser ng cheerleading squad namin, hawak-hawak ang clipboard na parang may i-aanunsyo. “Good morning, everyone,” masigla niyang bati. Tahimik lang ako. Pati mga kasama ko. Pero ang puso ko—nasa lalamunan ko na. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako sa simpleng anunsyo. “Let’s all congratulate our new head cheerleader…” ngumiti si Ma’am habang dahan-dahang binanggit ang pangalan. “…Trista Del Rosario.” Bigla akong napatigil sa paghinga. What? Parang umikot ang paligid ko. Si Trista? Siya na ang bagong cheerleader? Hindi ba ako dapat ang susunod sa position ni Captain Alyssa na nag-graduate na? Napakagat ako sa labi. Napatingin ako sa kanya. Tumayo si Trista, confident, proud, walang bahid ng kahihiyan. Umiling ako. Parang hindi ako makapaniwala. Niloko niya ako. Kinuha niya ang boyfriend ko. Ngayon pati ‘to? Tumayo si Ma’am ulit. “At isa pa pong announcement. Ang mga hindi umabot sa minimum GPA ay tatanggalin pansamantala sa Dean’s List. I’m sorry to say… Asia Morales, mawawala muna ang iyong scholarship.” Tumigil ang mundo ko. Literal. Tuluyan nang bumaon sa puso ko ang salitang ‘wala ka na.’ Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Dalawang suntok—magkasunod. Una, si Trista. Pangalawa, ang scholarship ko. Wala akong nasabi. Tahimik lang ako. Tumingin ako sa sahig, pilit nilulunok ang sakit. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong iyakan—ang pagkawala ng posisyon ko, ang pangarap ko, o ang unti-unting pagguho ng mundo ko. Lumapit si Lianne, tahimik pero bakas sa mata niya ang pag-aalala. “Asia…” mahina niyang tawag. Sumunod si Lenlen, ang mataba kong kaibigan na laging pabibo. Pero ngayon, tahimik siya. Hinawakan niya ang braso ko. “Gusto mo bang umuwi na tayo?” alok ni Lenlen. “Pwede kang magpahinga sa bahay namin. Ayaw mo ng tao ngayon, 'di ba?” Umiling ako. “Ayoko,” mahina kong sagot. “Kaya ko ‘to.” Pero totoo ba? Sa loob-loob ko, wasak ako. Hindi lang kasi ito tungkol sa posisyon. O sa scholarship. Ito ‘yung pakiramdam na unti-unting nawawala sa ‘yo lahat ng pinaghirapan mo, lahat ng minahal mo. Na parang lahat ng pinaniwalaan mo ay peke lang pala. Napakapit ako sa mga braso ng mga kaibigan ko. Sila na lang yata ang totoo sa mundong ‘to. “Okay lang 'yan,” sabi ni Lianne, marahang hinahaplos ang likod ko. “Mas gaganda pa ang panahon. Makakabawi ka. Promise.” Ngumiti ako—pilit. Pero hindi ko na pinigilan ang pagpatak ng luha ko. Sa wakas, pinakawalan ko na ‘yung bigat. At habang niyayakap ako ng dalawa kong kaibigan, isang bagay lang ang sinasabi ng puso ko: Lalaban pa rin ako. Kahit ubos na ako. Kahit wala na. Kasi ito lang ang meron ako—ang sarili ko. Tahimik ang paligid habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada. Ang tanghali, tila gumagapang sa balat ko — pero hindi ko nararamdaman ang init. Mas mainit ang apoy sa loob ko. Yung galit. Yung lungkot. Yung pagkabigo. Walang nag-aabang sa akin sa bahay. Wala na ring rason para magmadali. Kaya dinala ako ng mga paa ko kung saan man ako hatakin ng bigat sa dibdib. Napahinto ako sa tapat ng 7-Eleven. Napatitig lang ako sa loob. Maliwanag. Maingay. May mga estudyanteng nagkukulitan. Tumatawa. Sila… buo pa. Ako? Wasak. Bumunot ako ng wallet. Isa, dalawa, tatlong daan na lang ang laman. Para sa iba, maliit na halaga. Pero para sa akin ngayon—ito ang huling kapirasong kontrol na meron ako. Tangina na ‘to. Pumasok ako sa loob, dire-diretso sa chiller. Kinuha ko ang pinakamalakas na alak na kaya ng budget ko. Yung tipong isang lagok pa lang, makakalimutan ko na ang pangalan ko. Hindi na ako nagdalawang-isip. Pag-abot ko sa cashier, tinignan pa ako ng lalaking kahera. “ID mo, miss?” “Eighteen na ako,” kasinungalingan ko. Pinaabot ko ang ID ko. Wala na siyang sinabi. Tinanggap niya. Sa labas ng tindahan, naupo ako sa may gilid. Pinunit ko ang takip ng bote. Walang baso. Walang chaser. Diretso sa lalamunan. Isa. Dalawa. Tatlong lagok. Dumaan ang init sa dibdib ko. Ang sakit. Pero ibang sakit. Hindi tulad ng sakit na iniwan nila Jasper at Trista. Hindi tulad ng sakit na tinapon sa akin ni Ma’am Dalisay. Hindi tulad ng sakit ng pagkatalo. Ito, may kasamang tulog. May kasamang limot. Pumikit ako. Pinakiramdaman ang sarili ko. ‘Yung parang gusto ko na lang humilata sa semento at hayaang lunurin ako ng gabi. Wala na akong pakialam. Wala na akong dapat alalahanin. Pero hindi ko namalayang may tumigil sa harapan ko. “Asia?” Pamilyar ang tinig. Malalim. Matapang. Pag-angat ng tingin ko, nakita ko siya. Wade. Si Uncle Wild. Suot pa rin niya ang itim na jacket na nagpapalalim lalo sa kanyang presensya. Medyo disheveled. Amoy sigarilyo. Amoy lalaking may sariling mundo. “Anong ginagawa mo rito? Mag-isa ka?” tanong niya. Napailing ako. Tumingin sa bote. Tumawa nang mapait. “Celebrating failure,” sagot ko. “Gusto mo rin?” Umupo siya sa tabi ko. Hindi siya nagsalita agad. Tinitigan lang niya ako. Parang sinusuri kung gaano kalalim ang sugat sa loob ko. “Hindi mo bagay ‘to,” sabi niya. “Ang alin? Ang alak?” Napangisi ako. “O ang pagiging tanga?” Tahimik siya. Maya-maya, kinuha niya ang bote sa kamay ko. Hindi para agawin. Kundi para sabayan ako. Isang lagok din siya. “Ang alat,” reklamo niya. “Mas maalat ang luha,” sagot ko, mahina. Napatawa siya. Pero hindi ‘yung pang-uuyam. 'Yung tawa na may bahid ng simpatiya. Yung parang siya rin, may mga sugat sa likod ng mga biro. Tumingin siya sa akin. Diretso sa mga mata ko. “Walang masama sa pagbagsak, Asia,” aniya. “Ang masama… kung hindi ka babangon.” Hindi ko alam kung bakit, pero sa mga sandaling iyon, gusto kong maniwala sa kanya. Gusto kong ibuhos lahat. Gusto kong humiga sa balikat niya. Gusto kong hanapin ang init na kahit panandalian lang, papawi sa ginaw sa dibdib ko. Pero hindi ko alam kung bakit siya nandoon. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak habang pinupunasan ko ang luha ko gamit ang kamay niya. Hindi ko alam kung bakit, pero ang tanging sigurado ako… Dumating siya sa oras na pinakakailangan ko siya. At ‘yon ang pinakamasakit at pinakamatamis na parte.KINAGABIHAN, abala na si Asia sa pag-aayos sa sarili. Nakasuot na siya ng eleganteng pulang dress na humahapit sa kanyang katawan, idiniin ang bawat kurbada na parang likhang sining ng isang pintor. Hindi siya sanay sa ganoong klaseng kasuotan—masyado itong sexy at lantaran, pero naisip niyang wala na siyang magagawa. Bahagi ito ng pagpapanggap. Mabagal ang galaw niya habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin. Pinili niyang itali ito sa mababang bun na may ilang hiblang malayang bumagsak sa gilid ng kanyang pisngi. Napansin niya ang sarili sa salamin—iba ang aura niya ngayong gabi. Hindi siya si Asia na dating simpleng empleyado. Ngayon, para siyang fiancée ng isang lalaking tulad ni Wild Montenegro. Dahan-dahan siyang nagsaboy ng pabango sa katawan. Tumama ang liwanag mula sa lampshade sa kanyang balikat at leeg—makinis, at tila lalong naging maputi dahil sa glow ng pabango. Nasa gitna siya ng paglalagay ng huling patak sa may pulso niya nang biglang... Tok. Tok. Tok. Kumat
Lumipas ang ilang oras at tila unti-unti nang humupa ang tensyon sa dibdib ni Asia. Ngunit nang maramdaman niyang kumakalam na ang kanyang sikmura, napilitan siyang lumabas ng silid. Tahimik siyang naglakad pababa ng hagdan, pinipilit maging mahinahon kahit na sa loob-loob niya’y kabado siya na baka bigla na namang sumulpot si Wild at asarin siya ng kung anu-ano. Pagdating niya sa may sala, nasalubong niya ang isa sa mga katulong—bitbit nito ang ilang paper bags. Sumunod naman ang isa pang katulong na may dala ring paper bag na mukhang mabigat. “Ma’am, para po sa inyo raw ito,” magalang na sabi ng katulong. “Pinapaabot ni Sir Wade. Siya raw po ang pumili ng mga ‘to.” Parang natigilan si Asia sa kinatatayuan niya. Napatitig siya sa mga bag, tila hindi makapaniwala. Binilhan talaga ako ni Wild? Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Masaya? Naiilang? Kinikilig? Nalilito? Bago pa man siya makabawi, bigla na namang sumulpot si Wild, gaya ng dati—parang laging may timing. Nakangisi
Masarap ang luto ni Asia, kahit medyo may inis pa rin siya sa dibdib. Habang naglalagay siya ng sinigang sa mangkok ni Lola ay hindi niya mapigilang mapatingin kay Wild, na tahimik lang at abala sa paghiwa ng inihaw na liempo. “Tsk. Ni hindi man lang niya na-appreciate ang effort ko sa kusina,” sabi ni Asia sa sarili habang pasimpleng pinandilatan si Wild. "Asia, anak," sambit ni Lola habang inaabot ang baso ng tubig. "Alam mo na ba kung ano ang mga gusto at ayaw ng apo kong 'yan?" Napatigil sa subo si Wild. Tumigil din si Asia sa paggalaw at napalunok. Dahan-dahan siyang tumingin kay Wild at agad na iniwas ang tingin. Kinabahan siya—wala siyang kaide-ideya sa mga gusto at ayaw nito. Ngunit sa halip na manahimik, agad siyang ngumiti kay Lola at nagsimulang magsalita. "Ahm... Oo naman po, Lola!" bulalas niya. "Si Wild... ayaw niya po ng maingay habang natutulog. Gusto niya rin po ng kape sa umaga, walang asukal—para raw bitter, katulad niya." Napa-choke si Wild sa tubig na iniino
Kinabukasan, mahimbing pa rin ang tulog ni Asia habang nakayakap pa siya sa unan. Ang liwanag ng araw ay unti-unting pumapasok sa bintana ngunit hindi pa rin siya nagigising. Hanggang sa isang malalim at baritonong boses ang pumunit sa katahimikan ng silid. "Asia, gumising ka na," malamig ngunit malakas ang tinig ni Wild mula sa pintuan. "Hindi ka prinsesa rito para gumising ng tanghali." Napamulat si Asia, tila nananaginip pa. Saglit siyang napakunot-noo at napaungol pa. "Hmm? Si Wild ba 'yon? Panaginip ba 'to?" bulong niya habang pilit na pinipilit buksan ang mga mata. "Asia!" muling tawag ni Wild, mas malakas na ngayon. Napabalikwas siya ng bangon sa kama, gulo-gulo pa ang buhok at malaki ang mga matang napatingin kay Wild na nakatayo sa may pintuan, naka-cross arms at nakasandal sa doorframe. "Pasensiya na! Napasarap ang tulog ko," ani Asia habang kinukusot ang mga mata at tinatakpan ang bibig dahil sa pagkabigla. "Ang ganda kasi ng panaginip ko eh…" Napataas ang kil
THIRD PERSON POV Masaya ang gabi. Nagkikislapan ang mga ilaw sa paligid ng plaza. May mga banderitas na sumasayaw sa ihip ng hangin, tunog ng tambol mula sa pa-parada, at halakhakan ng mga tao. Ang buong paligid ay punô ng saya at kulay – tipikal ng gabi ng pista. Magkabilang gilid ng kalsada, may mga karinderya, larong perya, at mga tindang kakanin. Habang naglalakad si Asia at Wild, simple lang ang ayos nila pero hindi maitatangging bagay sila sa paningin ng iba. Tahimik lang si Wild habang lumilinga sa paligid. Samantalang si Asia ay tila batang excited na bagong salang sa siyudad. “Oh my gosh, MAIS!” Sigaw ni Asia sabay hila kay Wild. May nakita siyang matandang naglalako ng inihaw na mais. Mainit, may kaunting margarine, at pulbos na cheese sa ibabaw—eksaktong paborito ni Asia. Parang kinikilig siyang lumapit pero agad siyang hinila pabalik ni Wild. “Huwag.” Matigas ang tono ng lalaki. Napatigil si Asia at napakunot ang noo. “Bakit naman?” “Hindi bagay sa’yo ‘yon.” “
Asia POV Gabi na talaga nang magising ako. Ramdam ko pa ang lamig ng simoy ng hangin na pumapasok sa bintana. Napabalikwas ako sa kama at napahikab. Napahilot ako sa batok, sabay tayo mula sa malambot na kama. Luminga ako sa paligid, napakunot-noo. “Uncle Wild… nasaan ka ba?” tawag ko habang lumalapit ako sa pinto. Wala pang sumasagot nang biglang bumukas ang pinto. Kkkrrkk! Sakto. Dumaan siya—at literal na fresh from the shower. Basang-basa ang katawan niya. Tulo pa ang tubig mula sa buhok niya pababa sa batok, balikat, hanggang sa dibdib. Wala siyang suot na pang-itaas, at ang tuwalya ay nakapulupot lang sa baywang niya. Parang huminto ang mundo ko. Nakatulala ako. Nakatunganga. Napako ang tingin ko sa mga patak ng tubig na dumadaloy sa defined na six-pack abs niya. Grabe… grabe talaga katawan niya… para akong nanonood ng commercial ng sabon o kaya perfume ad. Bigla na lang lumabas sa bibig ko: “Y-yummy…” Pfft!—Hindi ko napigilan. Walang preno. At ang masama? Rinig