Asia’s POV
Isang malakas na pito ang gumambala sa buong hallway ng gym. Agad akong napalingon, pero hindi ko na pinansin pa ang ilang lalaking nakatambay na sumisipol at sumisigaw ng pangalan ko. Sanay na ako sa mga tagahanga—normal na ‘yon kapag cheerleader ka at girlfriend ng varsity heartthrob ng university. Pero ngayon, hindi ako in the mood para pansinin sila. Manonood ako ng laban ni Jasper. Ayokong malate. Basang-basa pa ang buhok ko mula sa shower. Habang nagmamadali akong isuksok ang katawan ko sa cheer uniform, halos ma-dislocate na ang braso ko kakasubok ikabit ang hook ng bra ko. Tarantang-taranta na talaga ako. “Hoy, Asia! Tapos ka na ba diyan?” sigaw ni Lianne, isa sa co-cheerleaders ko, mula sa kabilang cubicle. “Wait lang!” sagot ko, pilit pa ring kinakabit ang bra habang nanginginig ang kamay ko sa pagmamadali. Tangina, bakit ba kasi ang hirap isara ng hook kapag nagmamadali?! Narinig ko ang tilian sa labas ng ladies' room. Bigla akong napahinto. Si Jasper? Automatic ang ngiti ko. Ganito ang eksena kada laro—girls screaming for him. Gwapo kasi. Athlete pa. Varsity king. At higit sa lahat, akin siya. O ‘di ba? Lucky me. Sinulyapan ko ang sarili sa salamin. Kahit basa pa ang buhok ko at hindi pa ako naka-full glam, ayos lang. Natural beauty is real. Ngumiti ako at tinapik ang pisngi ko. Kaya mo ‘to, Asia. Nang maisara ko na rin ang bra at maisuot ang pang-itaas ng uniform, kinuha ko na ang pom-poms at nagmamadaling lumabas ng dressing area. Pero bago pa ako tuluyang makalabas ng pinto, may narinig akong kakaiba. Hindi ito hiyaw ng kilig. Hindi rin ito sigawan ng fans. May halong... ungol? Napakunot ang noo ko. Dahan-dahan akong umatras at lumingon sa direksyon ng isa sa mga cubicles sa dulo ng CR. Isang pamilyar na boses ang narinig ko. “Jas... Jasper... bilisan mo…” Hindi… imposible. Nanigas ang buong katawan ko. Kumakabog ang dibdib ko habang palihim akong lumapit sa cubicle. Gamit ang maliit na siwang sa pagitan ng pinto at dingding, sumilip ako. At doon ko nakita ang literal na bangungot ko. Si Jasper. Walang saplot sa katawan. Basang-basa sa pawis. Nakatayo. At sa harap niya… si Trista. Ang bestfriend ko. Nakaluhod. Abala sa kasalanang hindi ko kayang tanggapin. Putang ina n’yo. Napasinghap ako, pero agad kong tinakpan ang bibig ko. Ayokong marinig nila. Ayokong malaman nilang nasasaksihan ko ang kataksilan nila. Ang pagkanulo. Ang panlilinlang. Hindi ako makagalaw. Parang pinako ako sa sahig. Pero bago pa man ako tuluyang lamunin ng sakit, isang malakas na tunog ng pagbukas ng pinto ang umalingawngaw. “JASPER! ANONG KALOKOHAN ‘TO?!” Isang lalaking hindi ko pa nakikita kailanman ang biglang sumugod sa loob ng CR. Matangkad. Matikas. Nakatatwang sexy kahit galit. At tila ba dumilim ang buong paligid nang tumingin siya kay Jasper na parang lalapain niya ito ng buhay. “U-Uncle Wild?!” Napalingon ako. Uncle what now? Noong nagtagpo ang mga mata namin ng lalaking tinawag nilang Uncle Wild, hindi sakit ang naramdaman ko. Hindi galit. Hindi poot. Kundi... init. Isang mainit na kuryenteng gumapang sa buong katawan ko. Shit. Sino ka? At bakit parang gusto kong ikaw na lang ang magtanggal ng bra ko mula ngayon? Natigil ang pagkatulala ko nang magsalita si Jasper. Sa dami ng emosyon kong nararamdaman—galit, pagkadiri, sakit—hindi ko alam kung alin ang uunahin ko. “Asia, let me explain…” bulong ni Jasper, habang nagmamadaling mag-ayos ng pantalon. Pawisan siya, mukhang guilty, pero hindi ko makita ang kahit kapirasong pagsisisi sa mga mata niya. Umiling ako. Marahan sa una. Hanggang sa naging mariin. “Let you explain?” ulit ko, may bahid ng pandidiri ang tinig ko. “Ano? I-e-explain mo kung paano mo k******t ang bestfriend ko sa loob ng banyo ng gym habang hinihintay kitang suportahan sa laban mo?!” Napatigil siya. Hindi makatingin sa’kin. Syempre hindi ka makatingin, gago ka eh. Si Trista, na ngayo’y nagbihis na ng mabilis, hindi pa rin makatingin sa akin. Tahimik lang siyang nakatayo sa gilid, parang lantang gulay, pero ramdam ko ang tensyon sa katawan niya. “Trista...” tinawag ko siya sa tonong kahit ako'y nagulat. Kalma, pero malamig. “Akala ko ba ikaw ang tinuturing kong kapatid?” “Asia, sorry—” PAK! Ang palad ko, dumapo sa pisngi niya. Malakas. Tunog na parang pumutok ang hangin sa loob ng CR. Nanginginig ang katawan ko, hindi ko alam kung dahil sa galit o dahil pinipigil ko lang ang sarili kong huwag manlupaypay sa sahig at umiyak. “Hindi lang siya ang nawala sa akin ngayon. Pati ikaw. Pati 'yung tiwalang iningatan ko. Binura mo lang. Sa isang gabi. Sa isang putaeng banyo.” “Asia, please—” singit ni Jasper, lumapit na para hawakan ako. Pero bago siya makalapit, bigla siyang natulak pabalik. “Don’t.” Ang boses na iyon... Mababa. Matigas. Punong-puno ng authority. Siya ulit. Tumindig ang balahibo ko nang muli kong maramdaman ang presensya ng lalaking tinawag na “Uncle Wild.” Nakasuot siya ng dark blue polo na nakabukas ang dalawang butones, revealing just enough of his strong chest. Ang mga mata niya, nakatuon kay Jasper na parang kahit anong segundo ngayon, kaya niyang lunurin sa isang tingin. “Ano bang pinaggagagawa mo, Jasper?” galit na tanong nito. “Uncle, please—” BOG! Isang malakas na suntok ang dumapo sa pisngi ni Jasper. Napaupo siya sa sahig. Nabitawan ang cellphone. Natulala si Trista. “’Yan ang problema sa’yo. Akala mo kaya mong pagsabayin ang dalawang babae sa iisang eskwelahan? Cheerleader at bestfriend? Isa kang walang kwentang gago.” Mariing salita ni Uncle Wild habang nakatitig sa pamangkin niya na parang wala itong silbi. Ako? Hindi na ako gumalaw. Hindi ko na rin alam kung ano ang nararamdaman ko. Parang lahat ng sakit ko, inako ng lalaking ito sa isang suntok. Isang galit na pagtatanggol na hindi ko inasahan. Sa dinami-rami ng taong pwedeng umeksena, bakit siya? At bakit parang gusto kong pakinggan pa siya? “Asia,” bulong ni Jasper, humawak sa balikat ko. “I’m sorry. Pero… hindi na kita mahal.” Boom. Mas malakas pa iyon kaysa suntok ng uncle niya. Parang may sumabog sa tenga ko. Puso ko? Putok. Buo kong dignidad? Nagkapira-piraso. “Ganun kadali, Jasper?” mahinang sabi ko. “Ganun kadali akong palitan?” “Hindi na kita mahal, Asia,” ulit niya. “Mas okay kami ni Trista. Ikaw kasi—” “Shut the fuck up,” mariing sabi ng uncle niya. Bigla akong hinila ni Uncle Wild palayo. Hinawakan niya ang pulso ko, pero magaan lang. Enough to guide me away. Enough to make me feel... safe? “Come with me,” aniya. “Bakit?” “Because you deserve to walk away from this scene with your head high. Not in tears.” Hindi ko alam kung anong mas nakakagulat—ang bilis ng mga pangyayari, o ang bilis ng pagtibok ng puso ko nang marinig ko ang tinig niya. Ang tibok na hindi ko naramdaman kahit kailan kay Jasper. At sa bawat hakbang kong papalayo sa banyo, habang kasama siya… isang tanong lang ang gumugulo sa isip ko: Sinong klaseng “Uncle” ang ganito ka-wild… at bakit parang gusto ko pa siyang makilala? Malamig ang simoy ng hangin sa labas ng campus. Gabi na. Tahimik ang paligid maliban sa mahinang tunog ng mga sasakyan sa kalayuan at ang mga yabag namin habang naglalakad palayo sa eksenang muntik nang wasakin ang buong pagkatao ko. Mahigpit ang hawak niya sa kamay ko kanina habang inilalayo ako. Pero ngayon, ako na mismo ang kumalas. “Hindi mo na kailangang gawin ’to,” mahinang sabi ko habang iniiwas ang tingin sa kaniya. Tumigil kami sa tapat ng isang lumang poste ng ilaw. Bahagyang madilim, pero sapat para makita ko ang reaksiyon niya—kalma, walang bahid ng pamimilit. “Hindi ko na kayang makita pa ulit ang pagmumukha ng pamangkin ko na ginagawa kang tanga sa harap ng lahat,” sagot niya. Hindi ako nakapagsalita agad. Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Sa dami ng nagsasabi ng "sorry" ngayong gabi—si Trista, si Jasper—siya lang ang naramdaman kong totoo. “S-Salamat,” mahina kong tugon. Nagkatinginan kami. Doon ko lang napagmasdang maigi ang mukha niya—matangos ang ilong, may matapang na panga, at ang mga mata niyang matalim ay may halong pag-unawa at galit sa pamangkin niya. Guwapo siya, pero may bigat at lalim na parang masyadong mapanganib… o masyadong nakakabighani. “Pasensiya ka na sa ginawa ng pamangkin ko,” dagdag niya. “Wala akong kontrol sa mga kagaguhan niya, pero ayokong isipin mong lahat ng lalaki pare-pareho.” Napakagat ako sa labi. Napatingin sa lupa. Kung ibang lalaki ang nagsabi niyon, baka sinampal ko na. Pero sa kaniya… parang iba ang dating. Hindi ko alam kung dahil ba sa husky niyang boses, o dahil sa paraan ng pagbitaw niya ng mga salita—kalma, pero may tama. “Masakit pa rin,” mahinang sambit ko. “Lalo na ’pag hindi mo alam kung saan ka nagkulang. Ginawa ko lahat para sa kanya. Supporta, oras, pagmamahal… pero ganun lang pala kadali akong palitan.” “Hindi mo kasalanan,” sagot niya. “’Yung kagaya ni Jasper, kahit anong ganda o kabutihan mo, hindi pa rin marunong makuntento. Hindi ikaw ang problema. Siya.” Tahimik ako. Pero sa gitna ng katahimikan, isang bagay ang hindi ko maipaliwanag: Magaan ang loob ko sa kanya. Sa estrangherong ito na tinawag lang ng nobyo ko kanina na "Uncle Wild." Sa isang lalaking kaka-meet ko lang… pero parang kaya kong ilabas lahat ng bigat ko. “Uncle Wild… iyon ba talaga ang pangalan mo?” tanong ko, pilit na ngumiti. Napailing siya. Bahagyang natawa. “Tawag lang nila sa’kin ’yon. Mali naman kasi agad ang reputasyon ko sa pamilya. But call me Wade.” Wade. Pangalan pa lang, parang gusto ko nang umasa ulit sa mga lalaking may "W" sa pangalan. Tumango ako. “Asia.” “Alam ko,” aniya, nginitian ako ng bahagya. “Ikaw ’yung babaeng pinakabaliw ang pamangkin ko pero binitawan pa rin.” Napatingin ako sa kanya, nagulat sa sinabi niya. “Sayang siya,” dagdag niya. “Pero mas sayang ka kung babalik ka pa.” Tumango lang ako. Walang salita. Kasi kung magsasalita pa ako, baka mapaiyak na ako sa harap ng lalaking ito. At ayokong maramdaman niya na ganun na ako ka-weak… kahit hindi ko maintindihan kung bakit, sa presensya niya, parang okay lang maging totoo.KINAGABIHAN, abala na si Asia sa pag-aayos sa sarili. Nakasuot na siya ng eleganteng pulang dress na humahapit sa kanyang katawan, idiniin ang bawat kurbada na parang likhang sining ng isang pintor. Hindi siya sanay sa ganoong klaseng kasuotan—masyado itong sexy at lantaran, pero naisip niyang wala na siyang magagawa. Bahagi ito ng pagpapanggap. Mabagal ang galaw niya habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin. Pinili niyang itali ito sa mababang bun na may ilang hiblang malayang bumagsak sa gilid ng kanyang pisngi. Napansin niya ang sarili sa salamin—iba ang aura niya ngayong gabi. Hindi siya si Asia na dating simpleng empleyado. Ngayon, para siyang fiancée ng isang lalaking tulad ni Wild Montenegro. Dahan-dahan siyang nagsaboy ng pabango sa katawan. Tumama ang liwanag mula sa lampshade sa kanyang balikat at leeg—makinis, at tila lalong naging maputi dahil sa glow ng pabango. Nasa gitna siya ng paglalagay ng huling patak sa may pulso niya nang biglang... Tok. Tok. Tok. Kumat
Lumipas ang ilang oras at tila unti-unti nang humupa ang tensyon sa dibdib ni Asia. Ngunit nang maramdaman niyang kumakalam na ang kanyang sikmura, napilitan siyang lumabas ng silid. Tahimik siyang naglakad pababa ng hagdan, pinipilit maging mahinahon kahit na sa loob-loob niya’y kabado siya na baka bigla na namang sumulpot si Wild at asarin siya ng kung anu-ano. Pagdating niya sa may sala, nasalubong niya ang isa sa mga katulong—bitbit nito ang ilang paper bags. Sumunod naman ang isa pang katulong na may dala ring paper bag na mukhang mabigat. “Ma’am, para po sa inyo raw ito,” magalang na sabi ng katulong. “Pinapaabot ni Sir Wade. Siya raw po ang pumili ng mga ‘to.” Parang natigilan si Asia sa kinatatayuan niya. Napatitig siya sa mga bag, tila hindi makapaniwala. Binilhan talaga ako ni Wild? Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Masaya? Naiilang? Kinikilig? Nalilito? Bago pa man siya makabawi, bigla na namang sumulpot si Wild, gaya ng dati—parang laging may timing. Nakangisi
Masarap ang luto ni Asia, kahit medyo may inis pa rin siya sa dibdib. Habang naglalagay siya ng sinigang sa mangkok ni Lola ay hindi niya mapigilang mapatingin kay Wild, na tahimik lang at abala sa paghiwa ng inihaw na liempo. “Tsk. Ni hindi man lang niya na-appreciate ang effort ko sa kusina,” sabi ni Asia sa sarili habang pasimpleng pinandilatan si Wild. "Asia, anak," sambit ni Lola habang inaabot ang baso ng tubig. "Alam mo na ba kung ano ang mga gusto at ayaw ng apo kong 'yan?" Napatigil sa subo si Wild. Tumigil din si Asia sa paggalaw at napalunok. Dahan-dahan siyang tumingin kay Wild at agad na iniwas ang tingin. Kinabahan siya—wala siyang kaide-ideya sa mga gusto at ayaw nito. Ngunit sa halip na manahimik, agad siyang ngumiti kay Lola at nagsimulang magsalita. "Ahm... Oo naman po, Lola!" bulalas niya. "Si Wild... ayaw niya po ng maingay habang natutulog. Gusto niya rin po ng kape sa umaga, walang asukal—para raw bitter, katulad niya." Napa-choke si Wild sa tubig na iniino
Kinabukasan, mahimbing pa rin ang tulog ni Asia habang nakayakap pa siya sa unan. Ang liwanag ng araw ay unti-unting pumapasok sa bintana ngunit hindi pa rin siya nagigising. Hanggang sa isang malalim at baritonong boses ang pumunit sa katahimikan ng silid. "Asia, gumising ka na," malamig ngunit malakas ang tinig ni Wild mula sa pintuan. "Hindi ka prinsesa rito para gumising ng tanghali." Napamulat si Asia, tila nananaginip pa. Saglit siyang napakunot-noo at napaungol pa. "Hmm? Si Wild ba 'yon? Panaginip ba 'to?" bulong niya habang pilit na pinipilit buksan ang mga mata. "Asia!" muling tawag ni Wild, mas malakas na ngayon. Napabalikwas siya ng bangon sa kama, gulo-gulo pa ang buhok at malaki ang mga matang napatingin kay Wild na nakatayo sa may pintuan, naka-cross arms at nakasandal sa doorframe. "Pasensiya na! Napasarap ang tulog ko," ani Asia habang kinukusot ang mga mata at tinatakpan ang bibig dahil sa pagkabigla. "Ang ganda kasi ng panaginip ko eh…" Napataas ang kil
THIRD PERSON POV Masaya ang gabi. Nagkikislapan ang mga ilaw sa paligid ng plaza. May mga banderitas na sumasayaw sa ihip ng hangin, tunog ng tambol mula sa pa-parada, at halakhakan ng mga tao. Ang buong paligid ay punô ng saya at kulay – tipikal ng gabi ng pista. Magkabilang gilid ng kalsada, may mga karinderya, larong perya, at mga tindang kakanin. Habang naglalakad si Asia at Wild, simple lang ang ayos nila pero hindi maitatangging bagay sila sa paningin ng iba. Tahimik lang si Wild habang lumilinga sa paligid. Samantalang si Asia ay tila batang excited na bagong salang sa siyudad. “Oh my gosh, MAIS!” Sigaw ni Asia sabay hila kay Wild. May nakita siyang matandang naglalako ng inihaw na mais. Mainit, may kaunting margarine, at pulbos na cheese sa ibabaw—eksaktong paborito ni Asia. Parang kinikilig siyang lumapit pero agad siyang hinila pabalik ni Wild. “Huwag.” Matigas ang tono ng lalaki. Napatigil si Asia at napakunot ang noo. “Bakit naman?” “Hindi bagay sa’yo ‘yon.” “
Asia POV Gabi na talaga nang magising ako. Ramdam ko pa ang lamig ng simoy ng hangin na pumapasok sa bintana. Napabalikwas ako sa kama at napahikab. Napahilot ako sa batok, sabay tayo mula sa malambot na kama. Luminga ako sa paligid, napakunot-noo. “Uncle Wild… nasaan ka ba?” tawag ko habang lumalapit ako sa pinto. Wala pang sumasagot nang biglang bumukas ang pinto. Kkkrrkk! Sakto. Dumaan siya—at literal na fresh from the shower. Basang-basa ang katawan niya. Tulo pa ang tubig mula sa buhok niya pababa sa batok, balikat, hanggang sa dibdib. Wala siyang suot na pang-itaas, at ang tuwalya ay nakapulupot lang sa baywang niya. Parang huminto ang mundo ko. Nakatulala ako. Nakatunganga. Napako ang tingin ko sa mga patak ng tubig na dumadaloy sa defined na six-pack abs niya. Grabe… grabe talaga katawan niya… para akong nanonood ng commercial ng sabon o kaya perfume ad. Bigla na lang lumabas sa bibig ko: “Y-yummy…” Pfft!—Hindi ko napigilan. Walang preno. At ang masama? Rinig