Share

Chapter 3

last update Last Updated: 2025-05-24 09:14:14

Abala si Wade sa pakikipag-usap sa telepono. Business partner niya ang nasa kabilang linya, at kung hindi lang mahalaga ang deal na pinaplantsa nila, matagal na sana niyang ibinaba ang tawag. Panay sulyap niya sa kanyang relo habang hinihintay matapos ang usapan. Kanina pa siya hindi mapakali.

“Make sure the contract’s clean before I sign it,” sabi niya sa kabilang linya habang nilingon ang direksyon kung saan kanina’y katabi niya si Asia.

Pero napakunot ang noo niya.

Wala na ang babae.

“Asia?” tawag niya, agad na tinapakan ang sigarilyo sa semento at hinanap ang dalaga sa paligid ng 7-Eleven.

Walang sagot.

“Putang—” napamura siya, sabay dakot sa buhok. “Lasengga ‘yon! Saan na naman napunta?!”

Mabilis siyang naglakad, sinipat ang mga kalsada, inikot ang mga eskinita. Hinanap niya sa paligid, pero wala kahit anino ni Asia. Nagpintig ang panga niya. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang kaba at inis niya. Lasing si Asia. Wala sa tamang sarili. Madaling mapahamak.

At higit sa lahat...

“Lintik!” bulong niya, napailing. “Bakit ba ako nag-aalala sa babaeng ‘yon? Hindi ko naman siya responsibilidad!”

May fiancée siya. May inaasikasong kasal na naudlot lang dahil sa pamangkin niyang walang direksyon sa buhay—si Jasper. At ngayon, heto siya’t naghahanap ng isang babaeng dapat sana'y wala naman siyang pakialam.

Napahinto siya sa tabi ng poste. Tumingala. Nagsindi ulit ng yosi.

“Hindi dapat ako naaapektuhan,” mahina niyang sabi sa sarili. Pero kahit paulit-ulit niyang sabihin ‘yon, hindi pa rin niya maikakailang ramdam niya ang tensyon sa dibdib. Ramdam niya ang isang bagay na matagal na niyang hindi pinapansin: pag-aalala.

---

Samantala, sa bahay naman nina Asia...

Maingat siyang pumasok sa kanilang bahay. Lasing pa rin. Mabigat ang katawan. Pakiramdam niya ay gumugulong ang paligid at bumabagsak ang mundo sa bawat hakbang. Hindi na niya naisip kung maabutan siya ng sermon ng ina. Basta gusto lang niyang mahiga. Magpahinga. Umiyak sa unan.

Ngunit pagkapasok niya sa mismong salas, natigilan siya.

Napatigil sa paghinga.

May tunog. May ingay.

Ungol.

Hindi siya makagalaw. Dahan-dahan siyang lumapit sa pagitan ng bukas na pintuan ng silid ng ina.

At doon niya nakita.

Ang ina niya. Walang saplot. Nakapatong ang isang lalaking hindi niya kilala. Magkasugpong. Magkakapit. At ang mga ungol ng ina niya ay parang pangungutya sa sariling pagkababae ni Asia.

Napakapit siya sa dingding. Walang imik. Walang reaksyon. Pero ang loob niya—nag-aalab. Umiikot ang sikmura niya. Nanginginig ang kalamnan.

Ang nanay niyang minsang kinakatakutan niya, ngayon ay kinamumuhian niya.

Naalala niya si Jasper. Ang kataksilan nito. Ang sakit ng pagtataksil. At ngayon, sariling dugo’t laman na niya ang sumunod sa yapak ng panlilinlang.

Gusto niyang sugurin ang ina. Gusto niyang isigaw ang galit. Gusto niyang sabunutan, insultuhin, durugin ang paningin na nakita niya. Pero...

Hindi siya gumalaw.

Hindi siya nagsalita.

Pinanood niya lang ang lahat. Habang pumapatak ang luha niya. Tahimik. Parang lumuwa ang kaluluwa niya mula sa katawan.

Sa loob ng kanyang isip, tanging isang tanong ang gumugulo:

“Ganito rin ba ako magiging babae? Ganito rin ba ako matatapos?”

Hindi siya kumilos. Hindi siya umalis. Tumalikod lang siya, dahan-dahan. Hinayaan ang sariling gumapang pabalik sa kanyang kwarto. Nahiga. Niyakap ang sariling katawan.

At sa ilalim ng dilim ng kwarto, tahimik niyang tinanong ang sarili:

“Wala na ba talagang matinong lalaking natitira sa mundo?”

Madaling-araw.

Nagising si Asia sa malagkit na pakiramdam ng sariling balat sa kumot. Mabigat ang mga mata niya, pero mas mabigat ang dibdib. Hindi na siya umiyak kagabi, pero parang doon pa lang nagsisimula ang lahat. Tahimik ang buong bahay, pero sa loob niya ay may bumubulong—isang pagnanasa. Hindi para sa pagmamahal. Kundi para sa kontrol. Sa pagbawi ng katawan at damdamin na parang ninakaw mula sa kanya.

Hubad siyang nakahiga. Marahang dumako ang kamay niya sa tiyan, pababa. Hindi ito ang unang beses na ginamit niya ang sariling palad para payapain ang sarili. Pero ngayong umaga, may halong galit at paghihiganti. Ginagawa niya ito hindi para malimutan si Jasper. Ginagawa niya ito para sarili niya.

"Ang sakit," bulong niya sa hangin. "Pero mas masakit ang hindi paglalaban."

Mahigpit ang pagkakapit ng palad niya sa kama, habang ang isa'y gumagapang sa init na hindi niya kayang ilabas sa pag-iyak. Iniisip niya ang eksena kagabi—ang mama niyang tila walang pakialam sa kanya. Ang nobyong tumalikod nang walang pasabi. Ang bestfriend na walang bakas ng konsensiya. At si Uncle Wild… Wade. Ang lalaking ilang saglit lang niyang nakasama, pero tila iyon na ang pinakapayapang sandali sa gulo ng mundo niya.

Sa bawat hagod ng palad niya sa balat, bawat impit na hinga, bawat kagat-labi at pikit-matang pagsusumamo, ramdam ni Asia ang pagkabuhay ng katawan na matagal nang tinitiis ang pagkamatay ng damdamin.

“Ito lang ang akin. Ako lang ang may kontrol dito.”

Tumigil siya sandali nang marinig ang boses ng kanyang ina.

"Asia! Kakain na!"

Pero hindi siya sumagot.

Hindi pa siya tapos. Hindi pa siya handang bumangon at magsuot ng maskara. Gusto niyang matapos ang ritual—ang sariling paraan ng pagpapagaling. Isa, dalawa, tatlong iglap. Hanggang sa sa wakas, bumulwak ang init at luha sa parehong sandali. Pagod, pero buo. Gulo, pero may kapayapaan.

Sa labas, patuloy ang tawag ng ina. Sa loob ng kwarto, isang Asia ang unti-unting muling bumubuo sa sarili niya. Sa paraang siya lang ang may alam.

Pagkababa ni Asia mula sa hagdan ay amoy agad niya ang nilulutong sinangag. Akala niya'y ordinaryong umaga lang ito. Nakasuot siya ng lumang pambahay na may manipis na tela—isang bagay na hindi niya inaalintana tuwing nasa bahay lang. Pero ang lahat ng inaasahan niya ay nagulo nang dumako ang mga mata niya sa hapag-kainan.

Nandoon.

Ang lalaking nakita niyang katalik ng kanyang ina kagabi.

Naka-tshirt lang ito at parang kampanteng-kampante pa habang nakaupo sa silyang dapat sana'y para sa yumaong ama ni Asia.

Napahinto si Asia. Nanigas.

"Ano 'to?" malamig pero may taray sa boses niya. "Anong ginagawa niya rito?"

Napalingon ang mama niya mula sa kalan. Napabuntong-hininga ito, pero hindi rin nagpatalo sa titig ni Asia.

"Asia, gusto ko sanang sabihin sayo nang maayos, pero—"

"Sabihin? Kailan, Ma? Kapag kasal na kayo?"

"Anak naman—"

"Don't call me that," singhal ni Asia. "Wala kang karapatan!"

Tumayo si Romano at tila magpapaliwanag, pero itinaas ni Asia ang palad niya.

"‘Wag mo akong lalapitan! Kadiri ka!"

"Hoy!" singhal ng ina niya. "Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Romano. Nasa pamamahay kita."

Asia laughed bitterly. "Oo nga. Pamamahay mo. Hindi na ‘to akin, ‘no? Simula pa lang kagabi, alam kong nawala na ‘ko sa lugar dito."

Pumikit siya. Malalim. Pigil na pigil ang panginginig ng boses.

"Ma, ilang taon mo ‘kong pinalaking matino. Sabi mo, maghintay sa tamang lalake. Sabi mo, mag-aral nang mabuti. Pero ikaw? Nagdala ka ng lalaking hindi man lang marunong magdamit nang maayos sa harap ng anak mo!"

“Wala kang alam, Asia,” singhal ng ina. “Matagal na akong walang karamay. Hindi mo alam kung gaano kahirap—”

"Alam ko! Ako rin, ‘di ba?! Naiwan mo akong mag-isa sa lahat! Habang ikaw, nakahanap ka ng aliw—ng kama!"

Tumahimik ang buong kusina.

Pakiramdam ni Asia ay sinakluban siya ng langit at lupa. Para siyang natanggalan ng boses. Nawalan ng silbi ang lahat ng pinaglaban niya. Ang dignidad niya, ang tiwala niya, ang pamilya niya—unti-unting nawawala.

Sa isip niya, isang tanong ang paulit-ulit:

“Bakit parang ako lagi ang natitirang walang-wala?”

Hindi na siya nagsalita pa. Umakyat siyang muli sa kwarto, hindi na para umiyak—kundi para mag-impake. Kung mananatili si Romano, baka siya ang kailangang umalis.

"Shit," bulong ni Asia, mariin habang napaupo sa gilid ng kanyang kama.

Ramdam niya ang biglang pag-agos ng mainit na likido sa pagitan ng mga hita niya. Napakagat siya ng labi. Hindi niya kailangang tingnan para malaman—dinatnan na naman siya. Sakto pa talaga ngayon? Wala na siyang pera. At mas lalong wala na siyang napkin.

Napatingin siya sa bag niya—baka may natira pa—pero puro resibo at punit-punit na papel lang ang laman.

Parang simbolo na lang ng buhay ko ‘to, bulong niya sa sarili. Magulo. Wasak. Walang kwenta.

Hindi siya makakahingi sa mama niya. Hindi pa nga sila nag-uusap simula nung araw na nahuli niya ito kasama ang bagong kinakasama. At ayaw niyang sa lalaki pa ng nanay niya siya lalapit. Kahit mamatay ako sa hiya, hindi.

Napatingin siya sa salamin. Namumugto pa rin ang mata niya sa kakaiyak kagabi. Ang buhok niya ay magulo, at ang balat niya ay parang wala nang sigla. Hindi ito ang Asia na kilala niya dati—yung masayahin, palaban, at maayos. Ngayon, ang nakikita niya ay isang babaeng wasak, walang direksyon, walang pera, at walang pagmamahal.

Hindi pa rin ako makalimot sa hayop na si Jasper, sabi niya sa sarili habang mariing sinuklay ang buhok gamit ang kamay. Pati si Trista. Gago silang dalawa. At ngayon pati si Mama?

Napatingin siya sa maliit na pitaka sa drawer. May barya. Siguro sapat na para bumili ng isang napkin sa tindahan. Wala na siyang choice. Kailangan niyang bumangon. Kahit ayaw na niyang gumalaw. Kahit gusto na lang niyang mahiga at hayaang lamunin ng kumot ang buong katawan niya.

Pero hindi pwede. Kailangan ko pa ring kumilos. Kahit wala na akong gana, kahit hindi ko na alam kung paano bumangon.

Napahawak siya sa tiyan. May kirot na. Sabay buntong-hininga.

Kahit gulo-gulo ang isip, pinilit niyang tumayo. Bitbit ang kapirasong lakas na natitira pa.

Hindi para sa bukas.

Kundi para sa ngayon.

Napasimangot si Asia habang binabaybay ang makipot na daan palabas ng bahay nila. Suot niya ang isang luma at maluwag na pambahay—ang una niyang nahablot mula sa damitan—at isang kupas na tsinelas na tila sumusuko na rin sa pagod, gaya niya. Habang naglalakad, mariin ang pagkakakunot ng kanyang noo, at muling nanumbalik sa isipan niya ang mukha ng lalaking umagaw ng kaunting katahimikan ng tahanan nila—si Romano.

Kanina lang, bago siya lumabas ng bahay, ay nahuli niya ang tingin ng lalaki sa kanya—mataong mapangahas, mapanghusga, at parang tumatagos sa mismong kaluluwa niya.

Parang binabastos siya sa mismong pamamahay niya.

Napatingin siya sa lalaki at hindi napigilan ang sariling tapunan ito ng matalim na tingin, halos mangilabot siya sa sobrang galit. Ngunit imbes na mahiya, natawa pa si Romano—isang paika-ikang tawa na may halong arogansya, waring nagsasabing, “Sanay na ako sa mga babaeng tulad mo.”

“Walang hiya,” pabulong na mura ni Asia habang pinipilit lakasan ang loob. Kung hindi lang ako dinatnan... kung hindi lang ubos ang napkin ko... hinding-hindi ako lalabas ngayon.

Pagdating niya sa maliit na tindahan sa kanto, agad siyang binati ng tindera na si Aling Bebang—isang matandang tsismosa pero may malambot din namang puso.

“Oh, Asia hija. Parang hindi ka ata ayos ngayon,” puna nito habang kinukuha ang pakete ng sanitary napkin mula sa estante.

“Okay lang po, Aling Bebang. Dinatnan lang,” maikling sagot niya habang pinipiga-piga ang maliit na perang hawak.

Kinuha niya ang sukli at matutuloy na sana sa pag-alis nang biglang magtanong si Aling Bebang, na hindi mapigilang makialam, gaya ng nakagawian.

“Uy, 'yang lalaking nakita ko ha, ‘yung kasama ng mama mo kagabi... si Romano ba 'yun?”

Napatigil si Asia. Napalingon. Parang may pumukaw sa atensyon niyang matagal nang walang ganang makinig.

“Eh... oo po. Bakit po?” maingat niyang tanong, hindi sigurado kung gusto niyang marinig ang sagot.

“Naku! Kilala 'yan ng anak kong si Jen-Jen. Sa hotel daw nagtatrabaho 'yon—‘yung magarang hotel sa may bayan. Malaki raw ang kita. Kaya nga nabili ‘yan ng bagong motor, eh,” kwento ni Aling Bebang habang pinipihit ang takip ng bote ng suka.

“Ganon po ba…” mahina niyang sagot, bagama’t sa loob-loob niya’y humigpit ang pagkaka-kuyom ng kanyang kamao. Kung totoo ngang may maayos na trabaho si Romano… ano ang pakay niya sa bahay namin? Bakit bigla siyang nandoon?

“Naku, hija… ewan ko sa nanay mo. Basta, ingat ka lang ha. Hindi lahat ng may pera, mabuting tao,” pahabol pa ni Aling Bebang na may bahid ng babala ang tinig.

Tumango lang si Asia, ngunit ramdam niya ang bigat na unti-unting bumabalot sa dibdib niya.

Habang papauwi, tila mas dumami ang tanong sa isip niya kaysa sa nasagot.

Sino ba talaga si Romano? At bakit parang unti-unti nang kinakain ng iba’t ibang lalaking ito ang katahimikan ng mundo ko?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 26

    KINAGABIHAN, abala na si Asia sa pag-aayos sa sarili. Nakasuot na siya ng eleganteng pulang dress na humahapit sa kanyang katawan, idiniin ang bawat kurbada na parang likhang sining ng isang pintor. Hindi siya sanay sa ganoong klaseng kasuotan—masyado itong sexy at lantaran, pero naisip niyang wala na siyang magagawa. Bahagi ito ng pagpapanggap. Mabagal ang galaw niya habang nagsusuklay ng buhok sa harap ng salamin. Pinili niyang itali ito sa mababang bun na may ilang hiblang malayang bumagsak sa gilid ng kanyang pisngi. Napansin niya ang sarili sa salamin—iba ang aura niya ngayong gabi. Hindi siya si Asia na dating simpleng empleyado. Ngayon, para siyang fiancée ng isang lalaking tulad ni Wild Montenegro. Dahan-dahan siyang nagsaboy ng pabango sa katawan. Tumama ang liwanag mula sa lampshade sa kanyang balikat at leeg—makinis, at tila lalong naging maputi dahil sa glow ng pabango. Nasa gitna siya ng paglalagay ng huling patak sa may pulso niya nang biglang... Tok. Tok. Tok. Kumat

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 25

    Lumipas ang ilang oras at tila unti-unti nang humupa ang tensyon sa dibdib ni Asia. Ngunit nang maramdaman niyang kumakalam na ang kanyang sikmura, napilitan siyang lumabas ng silid. Tahimik siyang naglakad pababa ng hagdan, pinipilit maging mahinahon kahit na sa loob-loob niya’y kabado siya na baka bigla na namang sumulpot si Wild at asarin siya ng kung anu-ano. Pagdating niya sa may sala, nasalubong niya ang isa sa mga katulong—bitbit nito ang ilang paper bags. Sumunod naman ang isa pang katulong na may dala ring paper bag na mukhang mabigat. “Ma’am, para po sa inyo raw ito,” magalang na sabi ng katulong. “Pinapaabot ni Sir Wade. Siya raw po ang pumili ng mga ‘to.” Parang natigilan si Asia sa kinatatayuan niya. Napatitig siya sa mga bag, tila hindi makapaniwala. Binilhan talaga ako ni Wild? Hindi niya alam kung ano ang iisipin. Masaya? Naiilang? Kinikilig? Nalilito? Bago pa man siya makabawi, bigla na namang sumulpot si Wild, gaya ng dati—parang laging may timing. Nakangisi

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 24

    Masarap ang luto ni Asia, kahit medyo may inis pa rin siya sa dibdib. Habang naglalagay siya ng sinigang sa mangkok ni Lola ay hindi niya mapigilang mapatingin kay Wild, na tahimik lang at abala sa paghiwa ng inihaw na liempo. “Tsk. Ni hindi man lang niya na-appreciate ang effort ko sa kusina,” sabi ni Asia sa sarili habang pasimpleng pinandilatan si Wild. "Asia, anak," sambit ni Lola habang inaabot ang baso ng tubig. "Alam mo na ba kung ano ang mga gusto at ayaw ng apo kong 'yan?" Napatigil sa subo si Wild. Tumigil din si Asia sa paggalaw at napalunok. Dahan-dahan siyang tumingin kay Wild at agad na iniwas ang tingin. Kinabahan siya—wala siyang kaide-ideya sa mga gusto at ayaw nito. Ngunit sa halip na manahimik, agad siyang ngumiti kay Lola at nagsimulang magsalita. "Ahm... Oo naman po, Lola!" bulalas niya. "Si Wild... ayaw niya po ng maingay habang natutulog. Gusto niya rin po ng kape sa umaga, walang asukal—para raw bitter, katulad niya." Napa-choke si Wild sa tubig na iniino

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 23

    Kinabukasan, mahimbing pa rin ang tulog ni Asia habang nakayakap pa siya sa unan. Ang liwanag ng araw ay unti-unting pumapasok sa bintana ngunit hindi pa rin siya nagigising. Hanggang sa isang malalim at baritonong boses ang pumunit sa katahimikan ng silid. "Asia, gumising ka na," malamig ngunit malakas ang tinig ni Wild mula sa pintuan. "Hindi ka prinsesa rito para gumising ng tanghali." Napamulat si Asia, tila nananaginip pa. Saglit siyang napakunot-noo at napaungol pa. "Hmm? Si Wild ba 'yon? Panaginip ba 'to?" bulong niya habang pilit na pinipilit buksan ang mga mata. "Asia!" muling tawag ni Wild, mas malakas na ngayon. Napabalikwas siya ng bangon sa kama, gulo-gulo pa ang buhok at malaki ang mga matang napatingin kay Wild na nakatayo sa may pintuan, naka-cross arms at nakasandal sa doorframe. "Pasensiya na! Napasarap ang tulog ko," ani Asia habang kinukusot ang mga mata at tinatakpan ang bibig dahil sa pagkabigla. "Ang ganda kasi ng panaginip ko eh…" Napataas ang kil

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 22

    THIRD PERSON POV Masaya ang gabi. Nagkikislapan ang mga ilaw sa paligid ng plaza. May mga banderitas na sumasayaw sa ihip ng hangin, tunog ng tambol mula sa pa-parada, at halakhakan ng mga tao. Ang buong paligid ay punô ng saya at kulay – tipikal ng gabi ng pista. Magkabilang gilid ng kalsada, may mga karinderya, larong perya, at mga tindang kakanin. Habang naglalakad si Asia at Wild, simple lang ang ayos nila pero hindi maitatangging bagay sila sa paningin ng iba. Tahimik lang si Wild habang lumilinga sa paligid. Samantalang si Asia ay tila batang excited na bagong salang sa siyudad. “Oh my gosh, MAIS!” Sigaw ni Asia sabay hila kay Wild. May nakita siyang matandang naglalako ng inihaw na mais. Mainit, may kaunting margarine, at pulbos na cheese sa ibabaw—eksaktong paborito ni Asia. Parang kinikilig siyang lumapit pero agad siyang hinila pabalik ni Wild. “Huwag.” Matigas ang tono ng lalaki. Napatigil si Asia at napakunot ang noo. “Bakit naman?” “Hindi bagay sa’yo ‘yon.” “

  • Pleasure Me Uncle Wild (SPG)   Chapter 21

    Asia POV Gabi na talaga nang magising ako. Ramdam ko pa ang lamig ng simoy ng hangin na pumapasok sa bintana. Napabalikwas ako sa kama at napahikab. Napahilot ako sa batok, sabay tayo mula sa malambot na kama. Luminga ako sa paligid, napakunot-noo. “Uncle Wild… nasaan ka ba?” tawag ko habang lumalapit ako sa pinto. Wala pang sumasagot nang biglang bumukas ang pinto. Kkkrrkk! Sakto. Dumaan siya—at literal na fresh from the shower. Basang-basa ang katawan niya. Tulo pa ang tubig mula sa buhok niya pababa sa batok, balikat, hanggang sa dibdib. Wala siyang suot na pang-itaas, at ang tuwalya ay nakapulupot lang sa baywang niya. Parang huminto ang mundo ko. Nakatulala ako. Nakatunganga. Napako ang tingin ko sa mga patak ng tubig na dumadaloy sa defined na six-pack abs niya. Grabe… grabe talaga katawan niya… para akong nanonood ng commercial ng sabon o kaya perfume ad. Bigla na lang lumabas sa bibig ko: “Y-yummy…” Pfft!—Hindi ko napigilan. Walang preno. At ang masama? Rinig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status