ASIA’S POV
Nakatayo ako sa labas ng gate ng eskwelahan, nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng maluwag kong hoodie. Luma na 'to. Faded na ang kulay, may konting himulmol na sa laylayan, pero sa ngayon, ito lang ang kaya kong gamitin para maitago ang sarili ko. Para kahit papaano, hindi ako masyadong mapansin ng ibang estudyante. Hindi na ako pumasok. Hindi dahil tamad ako. Hindi dahil wala akong gana. Kundi dahil parang wala na akong mukhang maipapakita sa loob. Sa mga guro. Sa mga kaklase. Lalo na kay Trista. Si Trista. Yung babaeng akala mo angel kung ngumiti pero demonyita kung magpakilos. Sa tuwing naiisip ko siya, parang kusang nangangati ang mga palad ko. Gusto ko siyang sabunutan, hilahin pababa ang kanyang pekeng buhok, ipamukha sa kanya kung gaano siya kababa. Pero hindi ko kaya. Hindi dahil mahina ako. Kundi dahil sa likod niya, nandoon si Jasper. Si Jasper na minsang minahal ko nang buo. Si Jasper na minsan kong inakala na ako lang ang babaeng mahal niya. Ang akala ko noon, sapat na ang ganda ko. Sapat na ang kaseksihan ko. Sapat na ‘yung effort kong mahalin siya kahit kulang ako. Pero hindi pala. Pinagpalit niya ako. Dahil hindi ko kayang ibigay ang gusto niya—ang katawan ko. Dahil hindi ko siya pinayagan noong gabi na gusto niya akong angkinin sa isang motel. Akala ko maiintindihan niya ako. Akala ko kung mahal ka ng isang tao, hindi niya ipipilit ang sarili niya. Akala ko, ako ang pipiliin niya. Pero heto ako ngayon. Basag. Gulo ang isip. Buong araw, tinatawanan sa campus. Kahit ang mga guro, tila may iniisip na rin laban sa akin. Bigla akong napabalikwas ng ulirat nang may biglang humawak sa braso ko. Mariin. Parang may hinuhugot na galit o pananabik. Napalingon ako—at doon nanlamig ang likod ko. “Asia.” Si Jasper. Kahit nakasuot ako ng hoodie, kahit halos nakayuko ako, nakilala pa rin niya ako. Ganon pa rin ang boses niya. Yung boses na minsang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Pero ngayon, parang bawat salita niya’y may kasamang lason. Hindi ako agad nakasagot. Gusto kong tumakbo. Gusto kong bumunot ng kahit anong bagay at ihampas sa kanya. Pero nanatili lang ako doon. Tulala. "Kamusta ka?" tanong niya, at kita sa mukha niya ang kakaibang ngiti—hindi ngiti ng isang nagbabalik para humingi ng tawad. Kundi ngiti ng isang lalaki na alam niyang kaya ka pa rin niyang paikutin. "Ano'ng kailangan mo?" malamig kong tanong. Hindi siya sumagot agad. Nilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Amoy ko pa rin ang pamilyar niyang pabango—yung pabango niyang ginagamit kapag alam niyang may lalandiin siya. "Na-miss kita, Asia." Na-miss? Paanong na-miss ako ng lalaking pinili ang kama ni Trista kaysa sa pagmamahal ko? “Kung gusto mo pa rin ako… pwede namang tayo ulit,” aniya. Malamig. Diretso. Walang emosyon. Parang business transaction lang ang lahat. Napakunot ang noo ko. “Ano?” “Tayo ulit, Asia. Pero may kondisyon ako.” Nanuyo ang lalamunan ko. Kinakabahan ako sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Pero pinilit kong magpakatatag. “Ano 'yon?” halos pabulong ang tanong ko. “Tanggapin mo 'ko sa kama mo. Ibibigay mo lahat ng gusto ko... at ako na bahala sa 'yo. Bibigyan kita ng pera, lahat ng kailangan mo. Hindi mo na kailangang magtiis. Hindi mo na kailangang makitira sa mga lalaking wala namang silbi.” Para akong binuhusan ng kumukulong tubig. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klase ng panglalait. Akala niya gano’n lang ‘yun? Ibibigay ko ang sarili ko sa kanya para lang sa kaunting tulong? Akala niya, hindi ko kayang mabuhay nang wala siya? Bigla akong natawa. Mapait. Malamig. Puno ng hinanakit. “Ganun pala ang tingin mo sa'kin, Jasper. Isang babae na puwedeng bilhin. Isang babaeng puwedeng pagkakitaan ang kahinaan.” “Hindi ko sinabing gano’n. Gusto lang kitang tulungan…” “Hindi ko kailangan ng tulong mo. Lalo na kung ang kapalit ay ang dignidad ko.” Tinalikuran ko siya kahit nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung sa galit, sa takot, o sa sama ng loob. Pero isa lang ang sigurado ako ngayon—hinding-hindi ko babalikan ang lalaking minsan kong inakala na mundo ko. Ayoko nang maging babae sa likod ng anino niya. Simula ngayon, ako na ang pipili kung sino ang papapasukin ko sa buhay ko. At si Jasper? Isang saradong kabanata na lang sa isang kwentong ayokong balikan kailanman. Nasa isang maliit na cafeteria kami ngayon, sa dulo ng eskinita malapit lang sa eskwelahan. Doon na ako nagpasyang hintayin sina Lianne at Lenlen. Tahimik lang ako habang hinihintay sila, nanginginig pa rin ang damdamin ko sa mga nangyari kanina. Nang dumating sila, agad silang umupo sa harapan ko at parehong may dalang pagkain—mga paborito ko pa talaga, as if trying to ease my mood. "Asia..." mahinang bungad ni Lenlen habang inilalagay ang sandwich sa harap ko. "Sorry ha. Ang tagal namin bago makausap ka ulit." "Oo nga, girl," sabat ni Lianne habang inilalapag ang iced tea. "Alam naming ang daming nangyari. Hindi ka namin iniwan, natakot lang kami baka ayaw mo munang makausap kahit sino." Napabuntong-hininga ako. Gusto kong umiyak. Gusto kong sabihin na hindi ko sila sinisisi. Pero to be honest, ang bigat-bigat pa rin ng dibdib ko. Kaya isang tango lang ang naibigay ko. Sapat na ‘yon para maintindihan nila na ayos na kami. Doon nagsimula ang kwentuhan. Napunta kami sa prom night. Ang prom na ilang linggo na lang ay gaganapin na. "Si Trista na ang napiling Prom Queen," sabi ni Lenlen habang umiikot ang straw sa baso niya. Napataas ang kilay ko. "At si Jasper ang King?" Tumango si Lianne. "Oo. Nakakainis ‘no? Dapat ikaw ‘yon, Asia. Ikaw talaga ang karapat-dapat. Kung hindi lang dahil sa—" “Sa ahas kong ex-best friend,” dugtong ko na, mahigpit ang pagkakahawak sa baso. “Tsk. Gusto ko siyang kalbuhin habang nakasuot ng korona.” Nagtawanan sila, pero alam naming tatlo na galit ang laman ng tawa kong ‘yon. Galit at pagkadismaya. Akala ko noon, ako ang mangunguna. Ako ang maglalakad sa gitna ng gymnasium na parang reyna, suot ang best gown, proud na pinagmamasdan ng mga kaibigan ko. Pero hindi pala. Naagaw na naman sa akin ang entablado. Pati ang korona, tulad ni Jasper, nakuha na ni Trista. "Pero hindi pa huli ang lahat, Asia," ani Lianne. "Baka may chance pa, kahit papaano." "Oo, girl. Malay mo, may twist sa gabing ‘yon," dagdag ni Lenlen sabay kindat. Napangiti ako, kahit pilit. "Bahala na si Batman." Pagkatapos naming kumain, sabay na kaming tatlo na naglakad palabas ng cafeteria. Walang imikan sandali. Ramdam ko pa rin ang bigat sa dibdib ko, pero kahit paano, gumaan ang pakiramdam dahil nandito ulit ang dalawa kong kaibigan. Mas okay na, mas kaya ko nang huminga. Habang naglalakad kami sa parking lot ng school, napahinto kami bigla. Hindi ko agad nakuha kung bakit, pero si Lianne ang unang nagsalita. "Ano ‘yun?!" bulong niya, pero halatang may tensyon. Sinundan ko ang tingin nila—at doon ko nakita. May isang lalaki na nakaitim, maskulado, halatang mas matanda, ang kasalukuyang sumusuntok sa isang pamilyar na mukha. Si Jasper. “Shit,” napamura si Lenlen. “Ano’ng nangyayari?” tanong ko, halos hindi lumalabas ang boses ko. Nakita kong halos madapa si Jasper sa suntok na tinanggap niya mula sa lalaking ‘yon. Mabilis ang pangyayari. Walang sumasaway. Ang ibang estudyante, nanonood lang, takot na makialam. “Si… si Uncle Wild ‘yan,” bulong ni Lianne. Napakunot ang noo ko. “Sino siya?” Hindi agad nakasagot si Lenlen. Halatang nag-aalangan. Pero ako, mas lalong naging curious. "Uncle ni Jasper," sagot ni Lianne sa huli. "Pero hindi namin alam ang buong kwento nila. Basta... madalas ko siyang nakikita sa labas ng campus, sumusundo kay Jasper, pero laging galit ang aura n'ya. Parang... may pinaghuhugutan." Napako lang ang tingin ko sa eksenang ‘yon. Hindi ko kilala si “Uncle Wild,” pero ang lakas ng dating niya. Parang may dalang panganib. At kahit pa si Jasper ang sinasaktan niya ngayon—na kung tutuusin ay dapat ko nang baliwalain—hindi ko mapigilan ang manginig. Hindi ko alam kung takot ba ‘yon, awa, o pagkalito. Pero ang sigurado ako—may mas malalim na kwento sa pagitan ng lalaking ‘yon at ni Jasper. At kahit ayoko na sanang makialam, kahit gusto ko nang kalimutan ang ex kong cheater… pakiramdam ko, may parte pa rin sa akin na gustong malaman kung bakit. Bakit ganon na lang kagalit ang Uncle niya? Bakit tila may lihim na bumabalot sa pamilya niya? At bakit… sa kabila ng lahat, hindi pa rin tuluyang nawawala ang tanong sa puso ko: May halaga pa ba ako kay Jasper? Pagkarating ko sa bahay, ramdam ko agad ang bigat ng katahimikan. Wala si Romano. Sa wakas. Mabuti na lang at siguro’y pumasok na iyon sa trabaho. Ayokong makasalubong pa ang lalaking ‘yon—lalong-lalo na pagkatapos ng pagkakadinig ko sa tindera kanina na sa hotel pala siya nagtatrabaho. Hindi ko alam, pero parang may kilabot akong naramdaman nang marinig ko ‘yon. Hotel? Tapos ang mama ko, basta na lang siyang pinatuloy sa bahay? Huminga ako nang malalim at marahang isinara ang gate. Tahimik akong pumasok sa loob ng bahay, nakayuko, dala ang maliit na plastic ng sanitary napkin mula sa tindahan. Ramdam kong basa pa ang likod ng hoodie ko sa pawis, at ang bigat ng pakiramdam—parang may naninirahang ulap sa balikat ko. Nasa sala si Mama. Nakaupo sa sofa, nakahawak sa tasa ng kape. Umangat ang mga mata niya mula sa TV at tumingin sa akin. Ilang segundo ang lumipas bago siya nagsalita. "Anak," seryoso ang tono niya. "May balak ka pa bang bumalik sa eskwelahan?" Parang tinapunan ako ng malamig na tubig. Hindi ko agad nasagot. Umupo lang ako sa kabilang dulo ng sofa, marahang inilapag ang hawak ko sa mesa. Nakatungo lang ako habang naririnig ko ang pintig ng puso ko. Hindi ako makatingin kay Mama. Hindi dahil sa galit. Hindi rin dahil sa hiya. Kundi dahil... hindi ko alam ang isasagot. Hindi ko alam kung may lakas pa akong bumalik sa eskwelahan. Sa totoo lang, parang gusto ko na lang matulog ng ilang taon at magising kapag okay na ang lahat. “Anak?” ulit ni Mama. May lambing ang boses niya pero ramdam ko rin ang bigat. “Hindi ko po alam, Ma,” mahina kong sagot. “Hindi ko alam kung kakayanin ko pa.” Tumango si Mama. “Kung hindi ka na rin naman papasok, baka... mas mabuti pa siguro kung magtrabaho ka na lang muna. Para makatulong ka sa bahay.” Napatungo ako lalo. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o iiyak. Parang ang bilis ng lahat. Kahapon lang, estudyante pa ako. Ngayon, parang... wala na akong direksyon. “Si Romano,” dugtong pa ni Mama. At doon ako napatingala. “Anong meron sa kaniya?” “Ipapasok ka raw niya sa hotel na pinagtatrabahuhan niya. Sa housekeeping. Marangal ‘yon, Asia. At hindi ka naman tatagal doon kung sakaling gusto mong bumalik sa pag-aaral, ha?” “Ma…” napailing ako. “Si Romano? Tapos hotel pa talaga?” Bumigat lalo ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit gano’n na lang ang bilis ng desisyon ni Mama. Bakit parang hindi na niya ako tinanong kung okay lang ba sa akin? Kung kampante ba ako sa lalaking ‘yon? Ilang araw pa lang siyang nakatira sa bahay namin, pero pakiramdam ko, parang siya na ang nagpapasya. “Anak, mabait si Romano,” sagot ni Mama, parang narinig niya ang iniisip ko. “At alam mong mahirap ang buhay ngayon. Hindi kita pinipilit, pero sana maintindihan mo—ako na lang ang tanging umaalalay sa’yo. Hindi kita kayang pag-aralin mag-isa. Kailangan ko ng tulong mo.” Nanatili lang akong nakaupo. Tahimik. Nanginginig ang loob ko sa dami ng emosyon. Galit. Lungkot. Pagkalito. Takot. At sa likod ng lahat ng ito… may bumubulong sa akin ng masakit na katotohanan: Wala na ako sa posisyon para pumili. Oo, may pride ako. Pero gutom ba ang ipapakain ko sa sarili ko? Maganda pa ba ang edukasyon kung hindi ko naman kayang makaraos sa pang-araw-araw? “Pag-isipan mo lang, Asia,” huling sabi ni Mama habang tumayo siya at tinapos ang usapan. Tumango lang ako, pero sa loob-loob ko, parang unti-unti nang nilalamon ng realidad ang mga pangarap ko. Magtatrabaho ako sa hotel? Kasama ang lalaking 'yon? Anong klaseng buhay na naman kaya ang papasukin ko?Alas-diyes ng umaga nang makarating sina Asia at Katie sa Maynila. Pagod ang kanilang katawan matapos ang biyahe, ngunit kasabay nito’y may dalang kakaibang saya at pananabik si Asia. Sa kabila ng bigat ng puso niya dahil sa naiwan sa probinsya, dama niya ang bagong simula. Pagkababa nila sa terminal, diretso silang nagtungo sa apartment na nahanap ni Asia sa Quezon City, malapit lang sa Philippine State College of Aeronautics sa Pasay City kung saan siya mag-aaral bilang flight attendant trainee. Malaki ang unit—isang two-bedroom apartment na may sariling veranda, kusina, at sala. Bagamat simple lang ang disenyo, malinis at maaliwalas. Tamang-tama para sa estudyanteng tulad niya na gustong magsimula muli. Pagkapasok nila sa loob, agad na nahiga si Katie sa sofa, habol-habol ang hininga. “Grabe, Asia… ang init at ang traffic dito sa Maynila. Pero ang ganda ng napili mong apartment, ha.” Ngumiti si Asia, bagamat bakas pa rin ang pagod sa mukha niya. “Oo nga eh, at least dito ma
“I’m ready,” biglang sabi ni Wild, diretso ang tingin kay Asia. Napatingin si Asia, namilog ang mga mata. “Ha? Anong ibig mong sabihin?” Ngumisi si Wild, napahilig nang kaunti palapit sa kanya. “Sasama ako sa inyo… pabalik sa Maynila.” Nagulat si Asia ngunit hindi maitago ang tuwang naramdaman. Parang kumislot ang puso niya, at sa kabila ng pagtataka ay napangiti siya. “Talaga?” halos bulong niya, ayaw ipahalata kay Katie ang sobrang saya. Si Katie naman ay parang batang nanonood ng pelikula. “Ay naku, good idea ‘yan, Uncle! Para may magbabantay kay Asia habang nag-aadjust siya sa school.” Habang nag-uusap silang tatlo tungkol sa mga plano sa Maynila, napuno ang veranda ng magaan na tawa at biruan. Sweet ang eksena—lalo na’t panay ang sulyap ni Wild kay Asia, at tuwing magtatama ang kanilang mata, napapailing si Katie na parang kinikilig din sa eksena. Ngunit nabasag ang kasiyahan nang biglang sumulpot si Nita, may dalang bahid ng pagkataranta. “Sir Wild, Miss Asia…
“Aalis na ba talaga tayo mamaya?” tanong ni Asia habang nilalaro ang kutsara sa kanyang tasa ng tsaa. Nasa veranda silang dalawa ni Katie, tahimik na kumakain ng agahan habang humahaplos ang hangin ng umaga. “Oo, kailangan na talaga. Baka matambakan na ako ng papel sa Maynila kung magtagal pa tayo rito,” sagot ni Katie na may kasamang buntong-hininga, pero halatang pinipilit maging masigla para hindi sumama lalo ang loob ni Asia. Bago pa makasagot si Asia, isang lalaki ang lumitaw sa tarangkahan—may bitbit na lumang sumbrero at nakangiting parang sanay sa lahat ng tao roon. Lumapit siya, kumaway sa dalawa. “Magandang umaga, mga iha! Nandiyan ba si Abi? Sasama na siya sa pamimingwit ngayon,” malakas at masiglang bati nito. Napatingin si Katie kay Asia, tapos tumingin sa lalaki. “Ah, kayo po si…?” “Ako si Mang Kape,” sagot ng lalaki, pinahid ang pawis sa noo. “Malapit lang ang bahay ko rito. Tawag nila sa’kin Kape kasi kahit anong oras, may kape ako.” Napangiti si Asia, pero si K
Third Person POV (Wild): Pagkatapos ng usapan nila ni Katie, agad bumalik si Wild sa loob ng bahay. Mabigat ang pakiramdam niya, pero ayaw niyang manatiling negatibo tungkol sa sinabi ng pamangkin niya. “Hindi dapat ako basta maghihinala,” bulong niya sa sarili. Pero alam niyang may punto si Katie—kailangang maging mapagmatyag. Ayaw niyang dumating sa puntong masasaktan si Asia dahil sa kilos ni Abi, lalo na’t malinaw na may sariling pakay ang nurse na iyon. Pagpasok niya sa sala, naabutan niyang tahimik lang si Asia na nakaupo, waring nag-iisip ng malalim. Napatingin si Wild dito at may bahagyang kirot sa dibdib. Gusto niyang lapitan, pero bago pa man siya makagawa ng hakbang, tumayo na si Asia at nagtungo sa kusina. Pinakiramdaman niya ang kilos nito, at napansin niyang parang pilit ang bawat ngiti, parang may tinatagong inis o sama ng loob. Wild clenched his fists lightly. “Hindi ko hahayaang masaktan siya dahil lang sa kung anu-ano’ng intriga,” wika niya sa sarili, saka tumulo
“Bukas na ba talaga tayo aalis?” malungkot na tanong ni Asia habang nakatungo, iniikot-ikot ang kutsara sa tasa ng kape. Nasa balkonahe sila ni Katie, kasabay ng umagang almusal. Si Katie, nakatukod ang siko at ngumunguya ng tinapay, tumango. “Oo, Asia. Kailangan na nating bumalik ng Maynila. Pasukan na sa susunod na linggo, at kailangan mong maasikaso ang mga papeles mo.” Naroon din si Lola sa kabilang mesa, nakikinig habang nakasandal sa upuan. Pinahid niya ang gilid ng labi gamit ang panyo bago magsalita. “Sumama ka na muna kay Katie, apo. Ang kasal n’yo ni Wild… saka na lang natin pag-usapan ’yan kapag nakatapos ka na sa pag-aaral. Mas mahalaga ang kinabukasan mo.” Bahagyang napangiwi si Asia, may halong lungkot at panghihinayang. Sa gilid ng pintuan, nakikinig si Abi na kunwari’y nag-aayos ng mga halaman. Hindi nakaligtas sa kanya ang buong usapan—mula sa pag-alis nila Asia hanggang sa pagkakaantala ng kasal. Lihim siyang napangiti, kumindat pa sa sarili habang bumubulong
Tahimik ang buong bahay. Alas-nueve na ng gabi at ang tanging maririnig lang ay huni ng mga kuliglig sa labas. Nasa silid si Wild, nakatayo sa may veranda habang nakikipag-usap sa telepono tungkol sa isang proyekto sa kompanya. > “Oo, i-finalize na lang natin bukas. Siguraduhin mong ready yung documents…” malamig at seryoso ang tono ni Wild habang nakatanaw sa dilim. Habang nagsasalita, may narinig siyang mahina ngunit mabilis na katok. Tok! Tok! Napalingon siya, bahagyang nagtaas ng kilay. “Gabing-gabi na ah,” bulong niya sa sarili. Tinapos agad ni Wild ang tawag at tinungo ang pinto. Nang buksan niya iyon, bumungad si Asia—naka-short shorts at manipis na sleeveless top, hawak ang tray na may dalawang baso ng juice at ilang crackers. Bahagyang napalunok si Wild nang mapansin ang suot nito, pero agad din niyang iniwas ang tingin para hindi mahalata. > “Gabi na ha,” puna ni Wild, bahagyang kunot-noo. “Anong ginagawa mo rito?” Ngumiti lang si Asia, parang inosenteng bata,