Share

Chapter 10

Umalis ako sa dining area na mabigat ang loob. Ngunit naisip ko rin na mas mabuti na 'yon para makapag-usap silang buong pamilya. Tutal hindi naman ako parte no'n kaya anong gagawin ko sa harapan nila?

Pumasok ako sa aking kwarto at hinayaang bumagsak ang aking katawan sa kama.

"Ano bang nangyayari sa buhay mo, Selene? Kailan ka ba lulubayan ng kamalasan?"

Napatakip ako ng mukha gamit ang aking braso habang patuloy na lumalandas ang luha sa aking mukha.

"Hindi ko na alam kung anong gagawin ko..." Nakaramdam ako ng panghihina.

Ngayon, wala nang natitira sa'kin. Kahit na hindi nila diretsahang sabihin ay aalis at aalis ako sa bahay na 'to. Hindi naman gano'n kakapal ang mukha ko para angkinin ang bagay na hindi naman talaga sa'kin!

Bumalik na ang totoong anak nila kaya wala nang saysay na manatili ako. Tapos na ang role ko bilang substitute sa nawala nilang anak.

Napaayos ako ng upo nang marinig kong magring ang aking telepono.

Hindi ko mapigilang matawa ng bahagya nang makita ko ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status