Share

Chapter 6

"Your mate is a human?" tumawa ito nang malakas at tumingin sa'kin ng nakakaloko.

She is talking as if she's not a human like me. Or maybe she's really not? Walang kung ano ano'y hinawakan niya ang damit at marahas niya itong pinunit.

I winced in pain at pinagtaasan niya lang ako ng kilay after that she inspected my body. Napatigil ang kanyang tingin sa aking balikat. She trace the bite mark Kylian made previously.

Napasigaw ako sa sakit nang maramdaman ko ang hapdi ng aking balat na para akong pinapaso sa bawat pagdampi ng kanyang daliri.

"Don't touch her!"

Kylian struggled to get off from the man. Nanlilisik ang mga mata nitong tinignan ang babae.

"I'll kill you if you dare do something to her, Veronica!" banta niya ngunit bago pa man siya may magawa, the man toss him and strike him using his claws.

"Argh!" Umagos ang dugo mula sa kanyang dibdib at napasigaw nalang sa sakit. Hindi pa nakuntento ang lalaki at muli nitong binaon ang matatalim na kuko sa kalamnan ni Kylian. Hinugot niya ito at saka dinilaan ang dugo sa kanyang kamay habang nakangisi na nakatingin dito.

"Kill me? Ni hindi ka nga makatayo nang maayos. To think that your mate would just be a puny human girl and got yourself rejected after you finally found her. The burning sensation and your weakened state says it all, Kylian. Hindi mo nga malabanan si Razor..." she turned to me.

"...even if I snap this human in half infront of you right now. What can you do?" she laughed maniacally.

Mahigpit akong hinawakan ni Veronica at binigyan ng malakas ng suntok sa sikmura.

"Ugh!" I felt my insides turn up from the impact. I vomited everything I had taken in. Pakiramdam ko ay pati bituka ko mailalabas ko na. Hindi pa ako nakakabawi ay hinablot niya naman ang aking buhok kaya napatingala ako sa kanya.

She look at me with disgust. I feel disgusted also dahil sa magkahalong luha at suka sa aking mukha. But more than that, I feel useless and weak.

Sinampal niya ako sa mukha nang ilang beses. Sa unang lapat palang ng kamay niya sa mukha ko ay parang mawawalan na ako ng malay. I feel light-headed. Rinig ko ang sigaw ni Kylian but I saw him with bruises all over him habang pinagtutulungan ng iba pa nilang kasamahan.

"Please stop... please" nagmamakaawa ako sa kanya at nagbabakasakaling makikinig ito sa'kin. Ngunit tinignan niya lang ako ng masama. Hindi ko alam kung bakit nila ito ginagawa. Hindi naman kami magkakilala at isa pa wala akong nagawang masama sa kanila para tratuhin nila ako ng ganito.

Hindi ko alam kung anong meron sa kanila at kay Kylian pero kahit ano pa 'yon, hindi ito sapat na dahilan para saktan nila ito ng gano'n.

Isa pa...

Bakit nag-iiba sila ng anyo? Ano bang klaseng nilalang sila? Hindi ako makapaniwalang may katulad nila sa mundo at walang kaalam-alam ang ibang tao na may nilalang na katulad nilang malayang nakikihalubilo sa mga normal na tao.

And what's the mate she keep on talking about?

"Are you curious?" marahas niya akong binaling sa kinaroroonan nila Kylian at hinawakan nang mahigpit ang aking panga at bumulong.

"That guy is a monster. And you just slept with him." She lick my mark and I instantly felt nauseous and an excruciating pain from the burning sensation coming from it.

"He marked you without telling that you'll be bound to him forever." she continued.

"But you rejected him, so everything's fine. Except, he'll live his days like a dead man." tumawa na naman ito nang malakas. She lift me up with great strength and throw me on the wall making me lose consciousness in an instant.

***

"Anong pakiramdam nang hindi ka tanggapin ng tinakda sayo, Kylian? You look pathetic! You are the reason my mate died and now look what happened to you?" lumapit ang babae sa halos walang buhay nang si Kylian. Duguan ito at puno ng galos. Ngunit nanatili ang tingin sa babaeng walang malay sa di kalayuan.

"I have been continuing to live on this god forsaken life only for the sake of getting my revenge on you!"

"To think the Goddess of Moon would be fair and punish you like this! Haha! Don't worry, I will not kill you or that human girl. I will make sure to make you spend your entire life suffering the same pain I felt after losing my mate. No, you will have to suffer more than I am. You will never be happy in this lifetime, you bastard!"

Lumapit si Razor upang suportahan ang nanginginig sa galit na babae. Simula palang ay nasa tabi na siya ni Veronica kaya naman nasaksihan niya kung paano gumuho ang mundo nito nang mawala ang kapareha. Bilang isang taong lobo, sa pagsilang palang ay may itinakda na ng buwan kung sinong makakasama nila sa habang buhay. Losing that person is like losing half of yourself. Be it rejection or death, the pain is something no wolf can withstand.

Napatingin ito kay Kylian. Naisip nito na siguro ay karma na ng lalaki na maging normal na tao ang itinakda rito. It was the worst possible thing to happen for their kind. Unlike them, humans are not susceptible to the will of the Moon Goddess. They don't feel the same pull towards their mate kaya napakadali lang sa kanilang ireject ito. Causing many of his kind either live as a feral beast or go berserk.

Nabibilang lang sa kamay ang mga lobong tinanggap ng kaninang taong kapareha. Ngunit hindi rin lahat dito natatapos nang masaya. Human's are weak and vulnerable. The period of time they can only be together is short because of human's lifespan.

"I will wait for the time your wolf go crazy at ikaw na mismo ang papatay sa taong pinakamamahal mo"

"Just kill me..." nanghihinang sambit ng lalaki habang patuloy na nakatingin sa babaeng nakahandusay at lumalandas ang luha.

Tinignan siya ni Veronica nang may magkahalong galit at puot. Hindi nito hahayaan na gano'n gano'n nalang matatapos ang paghihirap ng lalaki. Siya ang dahilan kung bakit napuno ng galit ang puso niya. Siya ang dahilan kung bakit nawala ang pinakamamahal niya kaya hindi ito papayang na magkaroon ng payapang buhay ang lalaki.

Lalong hindi siya papayag na mamatay ito nang gano'n kadali. Ngayon pa, na alam na nito ang kahinaan niya? Ngayon pa, na nagsimula nang maging miserable ang buhay niya? Hindi siya papayag!

"I will kill that girl if you ever try to kill yourself, Kylian. I will torture her so much that she will resent you forever even in the afterlife."

Matapos no'n ay umalis na ito at iniwan ang lalaki at babae na walang malay.

Ilang oras pa ang nakalipas matapos silang umalis ay maririnig ang yabag na nagmumula sa labas ng unit.

Ilang lalaki ang maingat na pumasok sa loob ng silid. Noong una ay mababakas sa mukha nila ang pagkabigla dahil sa estado ng mga tao roon.

"Sigurado ka bang dito 'yon?"

""Hindi ako pwedeng magkamali. Ilang araw ko na ring minamanmanan 'yong babae kaya nasisiguro kong siya 'yan." sandali pa ay nilabas nito ang isang litrato at linapit sa mukha ng babaeng walang malay.

"Kita mo, kamukhang kamukha siya ng litratong binigay ni boss."

Agad namilog ang mata ng lalaki nang makita ang maputi at makinis na balat ng babae. Kitang-kita niya halos ang kabuuan ng babae dahil sa kakarampot na telang nakatakip dito. Kahit na may mga pasa at marumi ang mukha ay hindi maikakaila ang ganda nito.

Sinubukan niyang hawakan ang katawan ng babae nang bigla niyang maramdaman ang mahigpit na hawak ng sinoman sa kanyang leeg. Hindi man lang niya namalayan ang pagkabali nito. Ang tanging imaheng tumatak sa kanya ay isang nilalang na nanlilisik ang kulay gintong mga mata. Isa itong halimaw na may mga pangil at mahabang kuko.

Isa-isa nitong inatake at binawian ng buhay ang mga taong nandoon. Ngunit hindi rin nagtagal at mistula itong nanghina at napahawak sa kanyang dibdib. Parang tambol ang tibok ng kanyang puso at ilang sandali pa ay nawalan na ito ng malay sa tabi ng babae.

Nang makitang bumagsak ang halimaw ay unti-unting dumilat ang isa sa mga lalaki at nanginginig na inabot ang kahit anong mahabang bagay malapit sa kanya at tinignan kung patay na ang halimaw dahil makikitang napakarami nitong galos sa katawan.

Nang hindi parin ito gumagalaw ay agad nitong tiniwagan ang boss at isiniwalat ang nangyari. Hindi makapaniwala ang nasa kabilang linya ngunit sa huli ay inutos niya na dakpin pati ang halimaw.

Maraming gugustuhing mapasakamay ito kaya naman siguradong hindi lang ang pera mula sa pamilya ng babae ang makukuha niya.

Hindi rin nakaligtas ang sinabi ng kanya tungkol sa estado ng babae nang datnan siya ng mga ito. Thinking about it, the person on the line couldn't help but to feel a sense of satisfaction. Higit pa ang mga pangyayari sa kanyang inaasahan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status