Share

Chapter 7

Naputol ang aking paglilintanya nang marinig kong muli ang impit na tunog mula sa aking tabi. Dahil wala na ang mga lalaking pumasok kanina sa silid ay medyo malakas ang loob ko na magsalita dahil alam kong hindi naman kami maririnig ng mga dumukot sa'min.

"K-kylian? Ikaw ba 'yan, Kylian?"

May pag-aalangan pa rin ako dahil baka hindi siya 'yon. Nang magising ako matapos mawalan nang malay ay nasa ganitong estado na ako. Hindi pa ba sapat ang pananakit nila sa'min ni Kylian at dinukot pa talaga ako para pagkaperahan? Akala ko mga tao lang ang mukhang pera.

Naalala ko bigla ang tinuran ng lalaki nang pumasok ang mga ito sa silid.

Didespatyahin din nila kami ng kung sino mang kasama ko ngayon dito. Gusto nilang makasigurado na walang makakaalam na may mga katulad nila sa mundo.

Kailangan kong makatakas! Pero wala akong lakas para makaalis sa pagkakagapos.

"Kylian, naririnig mo ba ako? Sumagot ka naman please kung ikaw 'yan."

Malinaw pa rin sa ala-ala ko ang lahat. Kung paanong may mga pumasok na mga kung ano mang nilalang sa bahay niya. Kung paano siya... sila nagpalit ng anyo. Ramdam ko pa rin ang takot dahil sa mga ginawa nila sa'min. Hinding-hindi ko malilimutan ang mga nanlilisik na mata lalo na ng babaeng 'yon.

Wala akong alam kung paano nangyaring may mga katulad nila. Napakarami kong gustong itanong. Ang daming bagay ang gumugulo sa isip ko pero iisang tao lang ang makakasagot no'n at hindi ko alam kung buhay pa ba siya.

Wala pa ring sumasagot sa tawag ko sa kung sino man ang kasama ko sa silid ngayon. Kahit ilang beses kong itanong kung si Kylian ba siya ay hindi ito sumasagot. Huminto na rin ang ginagawa niyang tunog kanina.

Ilang sandaling katamahimikan ang bumalot sa paligid. Kinakabahan tuloy ako baka patay na 'yong katabi ko. Kanina pa siya parang namimilipit sa sakit. Hindi ko naman makita ang estado niya dahil nakapiring ang mga mata ko.

Paano ba ako makakatakas dito? Diyos ko, gusto ko nang umuwi! Ayoko na rito! Natatakot akong isipin na kahit anong oras ay pwede nila akong patayin. Iniisip ko palang na baka bangkay na ng kung sino man ang nasa tabi ko ay kinikilabutan na ako. Ramdam ko ang pagtayo ng balahibo ko sa buong katawan at paglamig ng aking kalamanan.

Mom, dad! Please save me hindi na ako uulit! Simon, please save me kuya! Gagawin ko ang lahat ng gusto mo. Susundin kita basta iligtas mo lang ako. Ayoko na rito! I don't want to die yet. Mas gugustuhin ko pang ipagpatuloy ang buhay ko kasama ng walang kwentang fiancé ko kaysa mamatay. They will definitely kill me! That woman... Veronica will definitely kill me!

"Aaaah! Save me!"

Her eyes, I feel like she's looking at me from somewhere. Pakiramdam ko ay pinagtatawanan niya ako mula sa kung saan at pinaglalaruan gaya ng ginawa niya dati.

"Kylian, please I beg you. If you're there save me! May kapangyarihan ka, 'di ba? Malakas ka kumpara sa normal na tao. If you're there you can definitely release us here!"

I know I'm praying for the impossible. For all I know he might've been dead. Sa grabe ng natamo niyang mga galos ay hindi ko alam paano siya makakasurvive. Pero sinong kakapitan ko? Sinong tatawagin ko? Wala na akong maisip na ibang pwedeng tumulong sa'kin ngayon!

I have never been so desperate like this! Lumaki ako na nasa isip kong mariresulba ng pera ang lahat. Na kahit ilang beses ako makidnap ay mababalik ako dahil magbabayad ang mga magulang ko ng tamang halaga. Pero paano ako kakalma kung hindi naman mga tao ang kumuha sa'kin? Kailangan nila ng pera pero papatayin din nila ako! At kahit makatakas ako kaya nila akong sundan!

Hindi ko maiwasang magalit kay Kylian. Bakit pa kailangang idamay niya ako sa sitwasyon niya? Bakit kailangan niya pang makihalubilo sa mga tao... sakin? Kung may mga tumutugis pala sa kanya. Kung may mga nakaabang sa buhay niya. Mga nilalang na ni sa hinuha ay hindi ko iisiping namumuhay sa mundo.

"It's all your fault! Bakit ba may mga katulad niyo sa mundo? Bakit kailangang pumasok ka pa sa buhay ko at idamay ako!? I hate you! Dinamay mo ako sa problema mo, pero nasaan ka ngayon?"

Hindi ba napaka-iresponsable ng mga taong ipapasok ka sa sitwasyong wala kang pwedeng labasan tapos iiwan ka lang mag-isa.

Gulung-gulo na ang isip ko. Hindi ko kayang kumalma! Alam kong niligtas niya ako sa bar at dapat akong magpasalamat pero hindi ko magawang maging masaya at magpasalamat ngayon. Sinong hindi matutorete ang utak pagkatapos ng lahat ng nasaksihan ko at pinagdaanan ko? Siguro naghahanap lang ako ng masisisi at si Kylian ang naisip ko.

I should be blaming Yohan for everything dahil sa kanya naman nagsimula ang lahat. Kung hindi siya nagcheat hindi ako mag-iinom at hindi ko makikilala si Kylian. Hindi sana ako mahuhulog sa kanya at hindi dapat ako masasangkot sa mga nilalang na katulad niya.

"Damn it! Dapat nandito ka para iligtas ako ngayon pero ano? Nauna ka nang mawala? Sana hindi nalang kita nakilala! Sana hindi mo nalang ako niligtas nang gabing 'yon! Mas lalo lang nagulo ang buhay ko dahil sa'yo!"

Patuloy lang ang pag-iyak ko at paglabas ng hinanakit ko. Galit ako pero may parte na galit ako sa sarili ko.

Sana hindi ka rin nawala. Kung hindi mo ako nakilala sana hindi ka nanghina tulad ng sabi ni Veronica. Kahit hindi ko alam kung bakit at kung ang mga tinutukoy niya pero alam kong isa ako sa dahilan bakit ka nawala!

Gusto ko lang nang may pagbubuntungan ng galit ko. Napufrustrate ako sa mga nangyayari. Alam kong walang may gusto nito. Pero wala sana tayo sa ganitong sitwasyon kung hindi tayo nagkita nang gabing 'yon.

"Pinagsisihan ko ang lahat ng nangyari. Sana hindi nalang tayo nagkakilala."

Matapos kong sambitin ang mga 'yon ay isang malakas na tunog ang aking narinig kasabay ng pagnginig ng aking sinasandalan.

Ilang sandali lang ay umalingawngaw na ang mga putok ng baril at sigawan mula sa labas.

Naroon ang aking kaba pero may sumibol na pag-asa sa aking dibdib. Deep inside umaasa ako na nariyan na ang magliligtas sa'kin. Pero Selene mapapatay ba ng bala ang mga nilalang na 'yon? Nakita mo kung anong kaya nilang gawin. Sa isang iglap nakakalapit sila mula sa malayo. Humahaba ang kuko at may mga pangil! Malalakas sila hindi gaya ng normal na tao. Paano ka makakaligtas sa katulad nila?

Instantly, my hope vanished in thin air.

Clang! Clang! Clang!

Rinig ko ang tunog ng kadenang kumikiskis sa sahig palapit. The smell of blood instantly hit my nose when that person came near. Ramdam ko ang presensiya niya sa aking harapan. Nakatayo lang siya at hindi ko alam kung anong gagawin niya sa'kin.

"P-please save me." I uttered weakly.

I can only hope that he will help me get out of here.

"I will do anything you want just please help me escape!" I begged.

Wala akong narinig na salita o kung ano man. Patuloy lang ako sa pagmamakaawa sa kanya kahit na nawawalan na ako ng pag-asa dahil mukhang wala itong balak tulungan ako. Naroon din ang aking kaba na baka siya 'yong lalaking may gustong gawin sa'kin. Napahigpit ako ng pagkuyom sa aking kamao. Mas gugustuhin ko pang mamatay kaysa pagsamantalahan ng hayop na 'yon.

Ilang sandali pa ay lumuwag na ang tali sa aking kamay. Hindi ko man lang naramdaman ang pagtanggal niya nito. Marahas kong tinanggal ang piring sa aking mata. Agad akong napapikit nang tumama sa'kin ang sikat ng araw.

Napakurapkurap ako ng ilang beses hanggang sa masanay ang aking mata sa liwanag. Doon ko napansin ang malaking butas sa pader. Nilibot ko ang aking mata sa paligid at doon ko napansin na nasa tila bodega kami.

May mga upuan na nangangalawang at sira-sira. Kinalas ko ang pagkakatali sa aking paa at doon ko napansin ang bakas ng dugo na naka-korteng paa sa sahig.

Napaiwas ako ng tingin at inalis 'yon sa isip ko. Mas mahalag na makaalis ako dito. Lumabas ako gamit ang pintuan dahil kakahuyan ang aking nakikitang landas kung sa butas ng pader ako lalabas. Baka mas mawala pa ako kapag 'yon ang aking tinahak na daan.

Ngunit paglabas ko ng pinto ay agad akong nagsisi. Hindi ko mapigilan ang pagbaliktad ng sikmura ko dahil nagkalat ang dugo.

"Blegh!"

I-I appreciate that person for saving me... pero hindi talaga kaya ng loob ko ang nakikita ko ngayon. Pakiramdam ko ay nasa horror movie ako ngayon dahil nagkalat ang mga katawan ng ilang lalaki na wala nang buhay.

How can someone do this kind of thing? Their bodies were thorn apart! I swear the scene is so terrifying dahilan para manlambot ang mga tuhod ko. Napasalampak ako sa sahig habang nanginginig.

"Aaaah! Shit!"

Huli na nang mapagtanto ko na may katawan pala ng lalaki sa malapit. Dumampot ako ng pamalo at hinampas siya sa ulo.

"H-ha...limaw"

Narinig ko siyang sinambit iyon bago malagutan ng hininga. Bigla kong naalala ang mga nilalang na 'yon. Tama halimaw nga sila. Wala akong pwede maisip na pwedeng gumawa nito kundi sila lang. Pinilit kong makatayo, hinampas hampas ko ang mga binti ko nang walang pakialam ano man ang mangyari hanggang bumalik ang pakiramdam nito.

Kailangan mong makaalis dito, Selene. Kapag inabutan ka ng mga halimaw na 'yon ay magagaya ka sa nga taong 'yan!

That day, hindi ko alam kung paano ako nakalabas sa impyernong lugar na 'yon. Nang makarating ako sa mansiyon ay magkakahalong tingin ang natanggap ko mula sa mga naroon. Bumungad sa akin ang malakas na sigaw ni mom habang si dad inilalayo siya habang tinignan ako nang may takot.

I wanna embrace them and cry. Gusto kong sabihin sa kanila ang lahat ng nangyari para kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Mom... dad..." I tried to go to them but dad warned me instead.

"Don't! Don't come near us, Selene!" He's expression is full of fear and disgust.

I feel like there was a hole in my chest while looking at their facial expression.

Why are you looking at me like that?

Just...why?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status